Chapter 10: Jannes and Morgan

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Double Trouble!"

"Snow's POV"

       Unang tapak pa lang namin ay iba na ang nase-sense ko. Panganib, ikaw ba naman kung makakita ka ng ganito kadilim na gubat kahit tirik pa ang araw. haha... Buti na lang kasama ko si Collin sa tabi ko. Somehow I feel safe.!

.

Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa labasan dahil maingat kaming naglakad sa gubat.  May mga dala-dala kaming backpack at ibang mga gamit, di naman masyadong mabigat yung sa akin konti lang naman kasi ang dala ko.

.

"Ang dilim talaga dito." reklamo ni Freya.

"Di lang yun, nakakatakot din. Tsaka parang may nagmamasid sa atin." dagdag ko sa mga sinabi ni Freya. Nakaisip ako ng paraan para mas makakita kami sa dilim. I manifested my wand in the mid-air at hinawakan ito. "Illuminate!" at pinailaw ko ang dulo nito para magsilbing tanglaw sa dadaanan namin.

.

Mas lalo kong naaninag ang paligid dahil doon. Ang tataas ng mga puno at ang lalaki ng mga nakalabas na mga ugat nito. Merong mga fog sa ibang parte ng daan at malamig ang paligid.

.

"Saan naman natin mahahanap yung Hugo na iyon?" tanong ni Ariela.

.

"Baka nasa gitna ng gubat na ito. Baka may bahay yun dito. Dito nakatira diba?" si Jett ang sumagot.

.

"May punto ka dun Jett. Pero saan natin hahanapin ang bahay niya? Kung sana may mapagtanungan tayo diba?" si Leon.

.

"Tss! hindi problema yun Leon. Tiyak may makita tayong tao dito. Maraming outcast dito diba?" Jett answered na tila siguradong sigurado.

.

Nasa harap kami ngayon ng isang makitid na daan na maraming vines sa gilid. May mga tinik pa yata ito at sa tingin ko din ay nakakalason. Minsan ko ng nakita ang ganitong vines noon sa academy.

"These vines are poisonous, mag-ingat kayo sa bawat hakbang niyo." I warned them.

.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang nagsigalawan ang mga vines sa paligid.  "Oh, my God!" naibulong ko.

.

"Pinapagalaw ito ng isang charm. I can sense it!" sabi ni Ariela na nilabas na ang bow and arrow niya.

.

"Alam mo ba kung nasaan ang nagpapagalaw nito?" si Collin ang nagtanong. Gaya ni Ariela ay nakahanda narin itong lumaban. Ganon din ang iba, nakahanda narin sila. Ihinanda ko narin ang sarili ko dahil mukhang mapapalaban kami.

.

Nag-umpisang sumugod ang mga baging sa lahat ng direksiyon kaya maman lumaban na kami.

.

"Ice Wall!" Gumawa si Freya ng harang na yelo sa gawi niya upang i-block ang mga baging na parating.

Si Jett naman ay walang habas na sinusunog ang mga lumulusob na baging. Pinuputol naman ni Collin ang mga ito gamit ng mga wind blades niya. Si Leon naman ay tinitira ng kidlat ang mga ito at mabilis na nagkalasog-laso ang natatamaan.

.

In the middle of those action ay taimtim akong nag-cast ng ptotective spell.

"I am a witch of ancient lore,

I petition these tress, and forest floor. -

"Ice Spikes!" sigaw ni Freya habang nagpalabas ng matutulis na tipak ng yelo sa lupa.

.

-Converge myself upon this site,

Spider weaving, power and might.

Air and fire, water and earth.

Aid my quest, I call you forth...-

.

"Arrow shower!" Ariela used her arrows to strike multiple targets. Unti-unti kaming umuusad pasulong.

Ngunit patuloy lang ang mga baging sa pagtubo. Kailangan naming makita ang caster at matalo ito.

.

-Aradia, Aradia, I intone.

Open my spiral of strength and sorcery.

Encompass the soul, you have granted me! 

.

Sa wakas ay nakumpleto ko ang chant. Bigla ay nagkaroon ako ng sapat na lakas para magpakawala ng mga spells na pandigma. Binibigyan din nito ng protective aura ang mga kaibigan ko para di sila gaanong maapektohan ng kahit na anong atake. Madali akong kumilos at pumunta sa harapan ni Jett.

.

"Snow, what are you doing?" tanong nito pero di ko siya sinagot. Sa halip ay tinuon ko ang aking paningin sa harap.

.

.

"Tempestatum!" I pointed my wand forward and it created a blasting wave of force na nakagawa ng malaking opening sa gitna ng mga nakaharang ng baging. In short nahati ko ang makapal na baging na nakaharang. "Bilis! Dito tayo dumaan." iyon ang sinabi ko sa kanila.

Agad namang tumalima ng takbo ang mga kaibigan ko. Delikado kasi pag nanatili kami sa spot na iyon. Prone kami sa ambush attack. Once again habang tumatakbo ay nag charge uli ako ng empowering spell.

.

"By the powers of land and sea

By all the might of moon and sun.

Queen of heaven, Queen of hell

Horned hunter of the night,

lend your power unto me!"

.

Muli ng nanumbalik ang mga vines at sinugod kami. Tinatapatan naman nila Jett ang mga ito gamit ng mga charm nila. Isa lang ang paraan upang matigil ang mga ito. Kailangang putulin ang koneksiyon ng mga ito sa caster. At may alam akong spell na uubra.

.

"Collin, ilipad mo ako sa taas gamit ng wind element mo dali.!" sabi ko.

.

"Ha? bakit?!" nagulat siya sa pinapagawa ko.

.

"Basta, gawin mo na lang.!" sagot ko. Hindi na ito sumagot at agad na lang ginamit ang kanyang charm to fly me high up in the air. Umabot na ako sa tamang taas kaya nakita ko ang kabuuan ng mga baging.

.

"DEPRIMO!"

.

.

I casted a spell to nullify and cut the connection of the caster sa mga baging. Hinaharangan ng spell ko ang charn niya na dumaloy sa mga ito kaya instantly ay naging normal na ang mga halaman. Agad naman akong binaba ni Collin sa lupa.

.

"Ang galing mo Snow!" puri ni Collin sa akin.

.

"Snow, ano ba iyong ginawa mo?" tanong ni Freya.

"Pinutol ko ang ugnayan ng charmer na kumukontrol sa mga baging gamit ng isang uri ng barrier.! Isang nature manipulator ang kaaway natin." paliwanag ko.

.

.

"Tama, at nasa malapit lang ito." sabi ni Ariela.

.

Nakita kong bumato ng isang fire ball si Jett sa di kalayuan.

.

"Shhhh...! May parating!" biglang pinutol ni Jett ang usapan namin.

.

"Jett's POV"

     Di ko akalain na may ganitong spells palang tinatago si Snow. Akala ko puro lame curses at spells lang ang alam niya. Ginulat na lang niya ako ng winasak niya ang maraming baging sa isang tirahan lang. Napansin ko rin na lumiksi siya. Dahil kaya yung sa mga incantations niya?.

.

Kasalukuyan ay nag-uusap sila sa likod ko. Napatigil kasi ni Snow ang mga nagwawalang mga baging. Pero biglang nakarinig ako ng ingay. Parang nag-uumpukang bato.... Napatuon ang paningin ko sa unahan. Dahil sa madilim ay bumato ako ng isang firebal sa direkdiyong iyon.

.

Nagulat ako dahil may gimugulong na mga bato na papunta dito sa amin.

.

"Shhhhh....! May paparating!" sabi ko sa kanila. Hinila ko si Ariela para ilayo sa lugar na iyon. "Dito tayo!" sigaw ko at tumalima na kami ng takbo sa gilid. Nakapagtago kami sa isang malaking punongkahoy.

.

"Wag niyong sabihing isang earth element user iyon.!?" tanong ni Leon.

.

"Kamuntik na tayo dun ah!" sabi ni Freya na nakahawak ang mga kamay sa mga tuhod at naghahabol ng hininga.

.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Leon dito. Tumango lang si Freya bilang sagot. 

.

.

"We don't have a choice here. Kailangang makita natin ang mga caster." sabi ko at lumabas sa punong pinagtataguan namin. Ayokong makipagtaguan sa mga epal na ito.! Kung di sila duwag ay haharapin nila ako.!

.

"Dito lang kayo at magmasid. I'll be the decoy para mahanap niyo ang mga kalaban." sabi ko.

.

.

"Pero Jett,-" pinutol ko ang anumang sasabihin ni Ariela.

.

"Ayos lang ako. Wag ka nang mag-alala ok!"  at nagmadali na akong lumantad sa isang open space malapit kina Ariela.

.

"Hindi ako natatakot sa inyo kaya magpakita na kayo jan.! Wag kayong duwag!" sigaw ko ito ng malakas.

.

Naglabas ako ng charm para palibutan ng apoy ang paligid ko. Para narin mailawan ko ang paligid. Anu man ang balak ng mga ito ay nakahanda ako. Humanda sila sa apoy ko!

.

itutuloy...........

.

.

Ooppss! puputulin ko muna dito ang chapter.... Duty ako mamaya eh...

.

Tatapusin ko rin ito promise!...

Bukas ulit...

.

.

Nga pala, after this chapter eh matatagalan ulit ang UD ko nito.

.

Pagtutuonan ko muna ng pansin ang isang Fantasy story ko.

Ang "ENGKANTAO BOOK 1" like this story, fantasy din ito but in a totally different world. Or shall I say sa enchanted world ang settings.

.

.

Inspired po ang Engkantao story ko sa Anime na "Kiba" at "Bleach" so Action Pack din ito gaya ng Story na ito ngayon.

.

Mga two to three days lang naman po.

.

Iiwanan ko muna ang mga charmers at pupunta sa Ikalawang Lupa o mundo ng mga engkanto para makipagbonding naman sa kanila... hehe....

.

Don't forget to vote for this chap ok.

Comment din kayo.

.

Thank you soooo Muchhhh for reading my stories guys! Love you all!

.

Kaya inspired ako lagi magsulat. Dahil yun sa support ninyo!

Till next Update! :)

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top