Casmin 36: Evil Sumerian

Papasikat na ang araw mula sa silangan. May iilan ng nag-eensayo at ang iba nagpapawis na. Samantalang abala naman ang iba sa pagluluto.

Maririnig ang sigaw mula sa iba't-ibang panig ng kota na hudyat na magsiposisyon na ang ibang mga sundalo para sa kanilang panibagong pagsasanay.

Nagising naman si Casmin sa ingay. Wala na si Seo Yan sa higaan nito. Bumangon siya at lumabas ng tent habang kinukusot pa rin ang mga mata.

Isa sa mga mandirigma ang humihigop ng sabaw nang mahagip ng paningin niya ang pigura ng bata. Kaya napasulyap siya rito. Kasunod nito ang tunog ng bumagsak na platito.

"Anong problema mo? Sayang yung sabaw, ano ka ba?" Singhal ng kasama ngunit napatigil din nang sundan ng tingin ang tinitingnan ng kasama.

Sabay nilang kinusot ang mga mata. Iniisip na nasilaw lang sila sa liwanag ng araw kaya kung ano-ano na lang ang kanilang nakikita.

"Napakagandang bata. May lahi ba siyang imortal?" Tanong naman ng isa pa.

Isa sa mga mandirigma ang lumapit kay Casmin. "Bata, naliligaw ka ba?"

Napatingin si Casmin sa lalaking may peklat sa kilay. May mahabang balbas at magulong buhok na halatang hindi na inaayos ang sarili.

Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang may bali ang buto nito sa braso ngunit kung igalaw ang braso parang wala lang.

Sunod-sunod na system notifications ang nagliliparan sa paligid ni Casmin.

"Heal one of the soldiers new and old injuries and you'll gain 1 point each."

"Get one of the soldiers trust and approval and you'll earn 1 point each."

"Protect the soldiers lives and you'll earn more points."

"Save as many as you can and you will be rewarded."

Ang iba hindi na niya mabasa dahil natatakpan na ng ibang naglulutangang mga mensahe mula sa system.

Ikinaway ng mandirigma ang isang palad sa tapat ng mukha ni Casmin mapansing nakatulala ito.

"Huy, takot kasi iyan sa pagmumukha mo kaya hindi nakaimik." Sabi naman ng isa pang mandirigma.

Naikurap naman ni Casmin ang mga mata. In-off ang system notification para wala ng ingay at hindi na maharangan ang kanyang paningin.

"Siori, ano'ng ginagawa mo dito sa labas?" Tawag ni Seo Yan na kararating lang. May buhat-buhat itong dalawang timba na may lamang tubig. Ibinaba ang dala at agad na lumapit kay Casmin.

"Kilala mo ang batang ito?" Tanong ng mandirigmang may peklat sa kilay.

"Apo siya ng kaibigan ni Lolo. Dito muna siya pansamantala." Sagot ni Seo Yan.

"Ngunit mapanganib ang lugar na ito lalo na sa batang katulad niya. Lalo pa't nandito pa sila sa kampo ng mga mandirigmang malalapit ng magretiro at mga sugatan pa. Paano kung may biglang lumusob at itong kota natin ang aatakehin?" Sabi ng mandirigma.

Ang kampo kung nasaan si Seo Yan ay ang kampo na tirahan ng mga inabandonang mga mandirigma. At mga mandirigmang naatasang magluto at iba pang mga gawaing walang kinalaman sa digmaan.

Binubuo sila ng mga sakitin, o mga sundalong nasugatan noong nakaraang labanan, mga matatanda at mahihina na at mga batang bagong trainee pa lamang. Maituturing na ang kampo nila ang pinakamahinang kampo sa buong barracks. Sila din ang walang magandang tulugan at pagkain. Mga luma na rin ang mga sandatang gamit nila at ang kanilang mga balute ay mga pinaglumaan lamang ng iba.

Ilang sandali pa'y may nakitang danger sign si Casmin. Nasa tuktok ito ng ulo ng isang mandirigmang kalalabas lang ng kanyang tent.

"Handa na ba kayo? Kailangan nating mangaso sa gubat, dahil kung hindi, tiyak na hindi tayo mamamatay sa giyera kundi sa gutom." Sabi nito.

Nagsitayuan naman ang mga kumakain sa may lamesa kanina. At sabay-sabay na may danger sign na lumabas sa tuktok ng kanilang ulo.

"Manganganib ang kanilang buhay." Sambit niya na ikinalingon ni Seo Yan sa kanya.

"Wala pang hindi nanganganib ang buhay sa sinumang pupunta sa gubat na iyon."

Nang makaalis na ang anim na mandirigma saka naman nagpalit ng kasuotan si Casmin. Kinuha ang munting palaso na binili lang din niya sa system store.

"Saan ka pupunta?"

"Susundan sila?"

"Ano? Mapanganib doon." Agad na hinarang si Casmin.

"Disipulo ako ni Master. Malakas ako kahit mukha akong bata."

"Bata ka naman talaga."

"Mukha lang akong bata." Nilagpasan na si Seo Yan.

Agad naman siyang hinabol ni Seo Yan.

"Hindi ka nga pwedeng sumunod sa kanila." Hinawakan si Casmin para pigilan ngunit siya ang nadadala nito paalis.

"Wag kang mag-alala, ililigtas ko lang sila dahil sayang ang points ko."

"Points?"

"Oo, pag mas marami akong matutulungan at buhay na maililigtas, tataas ang puntos ko. Kapag maabot na ang bilang ng kinakailangang puntos pwede na akong gumawa ng portal patungo sa ibang mundo." Natigilan dahil napapadaldal na naman siya.

"Kung ganon kapag tumaas ang puntos mo, maaari ka ring makagawa ng portal patungo sa mundo ni Master?"

Tumango si Casmin.

"Tara na. Iligtas natin sila." Masiglang sagot ni Seo Yan at hinila si Casmin para habulin ang mga mandirigmang nagtungo sa gubat.

Napatigil siya makita ang dalawang daan paakyat sa bundok. Hindi alam kung saan dumaan ang anim.

"Dito." Hinila si Seo Yan at dumaan sila sa kaliwa.

"Paano ka nakakasiguro na dito sila dumaan?"

"Kitang-kita ko pa rin ang danger sign mula dito."

"Danger sign? E pagtapak pa lang natin sa lugar na ito, danger na talaga. Wala naman akong nakikitang danger sign."

"Ikaw wala. Ako meron."

Habang parami ng parami ang mga nadadaanang mga puno, pakinang ng pakinang din ang danger sign sa tuktok ng anim.

"Mag-iingat kayo, baka may mga Debyin sa paligid." Hindi sila gaanong takot sa mga halimaw, mas takot sila sa mga Debyin. Mga Sumerian na kumakain ng laman ng kapwa Sumerian.

"Malapit na tayo sa nilagyan ko ng bitag. Tingnan natin baka may nahuling hayop." Sabi ni Jaffet.

Habang papalapit sa lugar na may mga bitag, may naririnig silang iyak ng bata.

Nagkatinginan ang mga mandirigma. Pinakinggang mabuti kung saan nanggaling ang iyak.

"Mukhang sa may bitag." Sambit ng isa. Nagkatinginan sila at nagmamadaling tinungo ang lugar.

Napatigil sila makita ang batang nakabitin sa itaas ng puno at nababalot ng lambat na para sana sa mga mababangis na hayop.

Tinatawag nito ang ina at ama.

Lalapit sana sila ngunit pinigilan sila ni Jaffet.

"Hindi natin alam kung anong klaseng Sumerian siya. Paano kung isa siyang Debyin?"

"Bata lang iyan, at kahit isa iyang Debyin, hindi niya tayo masasaktan." Sagot naman ni Julius.

Nagpatulong sila sa paghakbang ng bigla na lamang tila nawala ang lupang inaapakan.

Nalaglag sila sa butas. Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng mga yabag na papalapit. May mga mukhang sumilip sa butas na may buhat-buhat na naglalakihang mga palakol.

"Dyana, bumaba ka na diyan. Saka na ulit tayo manghuhuli ng makakain. Sapat na ang mga ito para ating pagpiyestahan ngayong gabi." Sabi ng lalaking may bitbit na malaking palakol.

"Mga Debyin sila." Namumutlang sambit ni Jaffet.

May itinapon na powder ang babaeng may dalang latigo sa gawi nila, ilang sandali pa'y nakaramdam sila ng panghihina.

"Dalhin na sila." Utos ng babae. Nilingon si Dyana dahil hindi pa rin bumababa.

"Dyana, bakit hindi ka pa rin bumababa diyan?" Tanong ni Imori. Napatda siya sa kinatatayuan makitang nakabitin si Dyana sa tapat ng matutulis na mga kawayan.

"Ibababa ko na ba?" Akmang bitiwan ni Casmin ang bata. Nakaupo siya sa sanga ng puno at hawak ang dulo ng lubid na nakagapos kay Dyana.

"Wag!" Sigaw agad ni Imori.

"Ops, muntik ng mangalay ang kamay ko at baka mabibitiwan ko na ang batang to." Sabi ni Casmin.

Napahinto naman ang limang lalaking aatake sana sa kanya makitang bibitiwan na sana niya si Dyana.

Si Dyana ang anak ng pinuno ng mga Debyin, na siyang ginagamit nila lagi bilang pain para manlinlang ng mga Sumerian na napapadpad sa gubat.

Inilabas ni Dyana ang pangil upang kagatin ang lubid na nakagapos sa kanya ngunit agad itinikom ang bibig makita ang hawak na gunting ni Seo Yan. Kanina kasi nang ilabas niya ang mahahabang kuko, naglabas ng nailcutter si Casmin at ginupitan ang kuko niya. Nang gamitin naman niya ang mahabang buhok para atakehin ang dalawang bata, naglabas naman si Casmin ng gunting at ginupitan ni Seo Yan ang kanyang mahabang buhok.

Kaya naman takot siyang baka pati pangil niya bubunutin ng dalawa. Pinilit niyang sumigaw ngunit walang lumabas na boses sa kanyang bibig. Gusto niyang manlaban ngunit hindi niya maigalaw ang katawan.

"Pakawalan niyo ang anak ko, kundi, papatayin namin ang mga kasama niyo." Banta ni Imori.

Napasigaw muli si Imori makitang dumikit na ang dulo ng matulis na kawayan sa mukha ng anak. May kunting dugo ang dumaloy mula rito. Lalo namang tumulo ang luha ni Dyana maramdaman ang talim ng kawayan sa mukha niya.

"Sabihin niyo, kung ano ang gusto niyo para pakawalan ang anak ko."

"Iisang buhay lang ang hawak niyo, samantalang anim ang hawak namin. Pumili kayo ng isa sa anim at pakakawalan namin ang isa kapalit ng buhay ni Dyana." Sabi ni Delvis. Isa sa mga mandirigma ng mga Debyin.

Isang ngiti naman ang sumilay sa labi ni Casmin.

"Anim na buhay lang ang hawal niyo, may sampung daliri ang batang ito. Mag iiwan kayo ng isang buhay at mag-iiwan din ako ng isang daliri niya. Papakawalan niyo ang anim na iyan at mag-iiwan ako ng anim na daliri ng batang ito." Sagot naman ni Casmin.

Pinapahaba niya ang usapan dahil nag-iipon siya ng fear point. Habang tinatakot ang batang hawak at ang mga Debyin na ito, tumataas naman ang bilang ng fear point na naiipon niya.

Mas malaki ang fear point at hatred points ang naiipon niya mula kay Imori. Nanlilisik na rin ang mga mata nito makitang nagasgasan ang mukha ng anak.

Makitang tumigil na ang pagtaas ng kanyang fear point, binitiwan ni Casmin ang lubid na ikinasigaw ng mga Debyin. Tumakbo ang mga ito para saluin ang bata. Ngunit huli na ang lahat. Nakita nilang matutusok na ang katawan nito sa matutulis na dulo ng kawayan.

"Dyana!" Ubod lakas na sigaw ni Imori. Tumaas din ng 100 points ang fear point ni Casmin.

Nang makita nilang matutusok na ang katawan ng bata, naglahong bigla ang mga matutulis na kawayan. Bumagsak ang katawan ni Dyana sa lupa. Agad naman siyang nilapitan ng ina at niyakap.

Tumalon naman sina Casmin at Seo Yan pababa. Naglakad palapit sa limang mga Debyin.

Itinutok agad ng mga Debyin ang mga sandata sa dalawang bata.

"Pakawalan niyo na sila." Utos ni Casmin sabay titig isa-isa sa mga mata ng mga Debyin. Ayaw sana nilang sumunod ngunit nababalot ang kanilang katawan dahil lamang sa tingin at presensya ng batang ito na halos bumigay na ang kanilang mga tuhod.

Agad nilang binitiwan ang anim na mandirigma na nanlalanta pa rin ang mga katawan dahil sa panghihinang nararamdaman.

Ikinumpas ni Casmin ang kanang kamay. Isang puting liwanag ang lumabas mula sa kanyang palad at tumama iyon sa anim na mandirigma.

Agad namang nanumbalik ang lakas ng mga ito at luminaw rin ang mga tingin.

"Bumalik na ang lakas ko."

"Ako rin."

Mabilis silang nagsipagtayuang muli at napatingin sa dalawang batang nagligtas sa kanila.

"Kamahalan, bakit kayo nandito?" Tanong ni Jaffet kay Seo Yan.

"Gusto daw niyang magsanay sa gubat kaya sinamahan ko siya."

"Anong mag-ensayo ka diyan? Napasama ako dahil sayo."

Nagkibit balikat lamang si Casmin at hinarap si Imori na matalim ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Magbabayad ka sa ginawa mo bata." Itinaas nito ang hawak na latigo para atakehin si Casmin.

Ngunit napaatras makita ang mga mata ng bata.

"Gusto kitang makausap." Sabi ni Casmin na ikinakunot ng noo ni Seo Yan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top