Casmin 35: Story telling

Napalunok ng laway si Seo Yan makita ang mga pagkain sa kanyang maliit na mesa.

Natuon ang kanyang atensyon sa fried chicken na ngayon lang niya nakikita.

"Kumain ka na. Matutulungan ka niyan para maging mas malakas."

Agad namang dinampot ni Seo Yan ang isang piraso ng fried chicken at kinagatan. Namilog ang kanyang mga mata dahil ngayon lang siya nakatikim ng ganito kasarap na pagkain. Crispy sa labas at malambot sa loob. Nararamdaman din niya ang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa kanyang buong katawan.

"Tikman mo din tong iba. Ito, tinatawag namin itong beef stew. Ito namang isa air fryer beef with brocoli. Ito naman, beef steak." Isa isang tinuro ang mga inorder niyang may beef na ni search lang din naman niya sa online web bago orderin.

"Ito namang isa chicken curry. May marinated barbecue chicken din. Pag kulang mo pa magdadadag pa ako."

"Tama na to. Hindi ko na ito mauubos." Sagot ni Seo Yan at nagmamadali ng kumain na tila ba takot maagawan.

Tuwang-tuwa naman si Casmin na pagmasdan ang batang ganadong-ganado sa pagkain. Nai-imagine na ang malulusog na pisngi ng bata kapag tumaba ito.

Natigilan siya makitang hindi kumikibo si Seo Yan.

"Bakit ka tumigil?"

"Wala." Garalgal ang boses na sagot nito. Suminghot at muli ng nagpatuloy sa pagkain.

"Uubusin ko ito. Baka ito na ang una at huli kong makakakain ng ganito kasarap na pagkain." Ito naman ang naglalaro sa isip ni Seo Yan.

Makalipas ang ilang sandali, nag burped si Seo Yan. Saka napansing nasimot pala niya ang lahat ng lamang sa mga plato. Napaiwas siya ng tingin dahil hindi man lang niya napansin na hindi nakakakain ang kasama niya dahil nakapokus lamang siya sa pagkain.

Ililigpit na sana ang pinagkainan nang pigilan siya ni Casmin.

"Ako na ang bahala diyan. Ipapasok ko lang naman yan sa loob ng storage ko." Isusuli pa kasi niya sa system store ang mga plato.

"Labas muna ako." Sabi ni Seo Yan.

"Saan ka naman pupunta? Hapon na kaya."

"Sabi ni Lolo na kapag pagkatapos kumain dapat maglakad-lakad para matunawan." Sagot ni Seo Yan at tuluyan ng lumabas sa tent.

Naiwan naman si Casmin na nakahalumbaba sa mesa.

Pagbalik ni Seo Yan sa kanyang tent, nakita niyang napalitan na ng malambot na kama ang kanyang kama. May malambot at makapal na ring kumot.

"May nakahanda ng tubig na liliguin mo." Sabay turo ni Casmin sa gilid na may nakatakip na kurtina.

Hinawi ni Seo Yan ang kurtina at nakita ang makintab na bath tub na may malinis na tubig.

"Pumunta ka sa ilog?"

Umiling si Casmin. "Marami akong tubig sa storage space ko. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa ilog." Sagot niya. Ngunit ang totoo, binili lamang niya sa system store ang mga tubig na ito.

"Hindi ka pa maliligo? Gusto mo paliguan kita?"

"Hindi no. Kaya ko ng maligo mag-isa." Agad isinara ang kurtina. Rinig niya ang hagikhik ni Casmin sa likod ng kurtina.

Napapailing naman si Casmin na natatawa. Palagi nalang kasing namumula ang alaga niya. Hinanap agad niya sa system web kung paano magpalaki ng bata.

"Guide to raise a kid." Basa niya sa libro sa system store. "Bilhin ko kaya to?"

"How to make a kid fall asleep easily?" Tanong niya sa system web browser.

"A. Sing a lullaby. B. Read a story." Napakagat siya sa kuko. "Kapag kinantahan ko, baka bangungutin pa sa boses ko. Ang sagwa pa naman."

Hindi napansin na nasa likuran na pala niya si Seo Yan. Pinagmamasdan siyang may pinipindot sa hangin habang kinakausap ang sarili.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito na ikinaigtad ni Casmin sa gulat.

"Tapos ka na pala. Lika na, matulog na tayo." Hinila na si Seo Yan pahiga sa kama.

"Ang bango-bango naman ng baby ko." Sabay amoy sa buhok ng bata.

Inilayo naman ni Seo Yan ang ulo niya.

"Lumayo ka nga sa akin? Doon ka banda. Dito ako." Nilagyan pa ng unan ang pagitan ng kama.

Napapikit si Seo Yan maramdaman ang malambot na kama sa likuran. Niyakap na rin ang unan at tumalikod sa gawi ni Casmin.

Mapansing tahimik si Casmin, dahan-dahan niya itong nilingon. Nakita niyang may pinipindot na naman sa hangin.

"Wirdo." Sambit niya at pumikit na. Ngunit kahit anong pilit niyang matulog hindi talaga siya nakakatulog.

Marahas siyang tumalikod. Hindi inaasahan na nakaharap na pala si Casmin sa gawi niya. Nag-init muli ang kanyang mukha at muling iniharap ang likuran kay Casmin.

"Gusto mo kwentuhan kita."

"Hindi." Mabilis niyang sagot.

"Ayaw mo? E di kwentuhan ko nalang sarili ko." Sagot ni Casmin.

"Ang kwentong ito ay pinamagatang the Lost beautiful Saintess and the seven dragons." Binago lang talaga niya ang title ng snow white and the seven dwarfs.

"Noong unang panahon, may isang napakagandang reyna sa kaharian ng Mira. Masaya sana ang pagsasama nila ng kanyang minamahal na hari kundi lang sa natuklasan ng reyna ang magiging anak niyang babae ay magiging alay ng holy Church."

"Mahal na mahal ng hari ang reyna at ang mga anak nila ngunit kailangan niyang tuparin ang napagkasunduan nila sa holy church na gawing alay ang sinumang prinsesa na isisilang ng kanyang reyna."

Isang araw, natuklasan na isang babaeng saintess ang ipinagbubuntis niya. Dahil sa malakas na aura ng holy energy sa kanyang sinapupunan.

"Para hindi magiging alay ang anak, tumakas siya sa palasyo. At nanganak sa labas. Ngunit nang isilang nito ang unang batang babae lumikha ito ng liwanag patungo sa langit. Kaya nalaman ng lahat na may isang Saintess ang isinilang."

"Dahil dito, natunton ang kinaroroonan ng reyna ng mga joly church. Para makatakas, ibinigay ng reyna ang bata sa kanyang maid, hindi inaasahan na traydor ang maid na ito, at ang batang dinala sa hari ay hindi ang prinsesa kundi ang pamangkin ng maid."

"Ang tunay na prinsesa ay natagpuan ng kawal ng reyna at siyang nagpalaki dito. Ngunit hindi alam ng lahat na may isa pa palang batang saintess na isinilang ang reyna."

"Bago pa man matagpuan ng mga taga-holy church ang reyna, dumating na agad ang kapatid ng reyna at siyang tumulong dito sa pagtakas. Ngunit para malinlang ang mga humahabol, nagkunwari ang reyna na nasa kanya pa rin ang bata at nagpahabol. Ngunit ang totoo, kasama na ito ng kanyang kapatid at dinala na sa pagtakas."

"Lumaking masayahin ang isang saintess kasama ang pamilya ng kawal, samantalang lumaki namang tahimik ang isang batang saintess kasama ang kanyang tiyuhin."

Hinihintay ni Seo Yan ang kasunod ngunit tumahimik na si Casmin.

"Ano na ang nangyari sa dalawang Saintess? Nagkita ba sila?"

"Oo, kamakailan lang nga e."

"Sabi mo Saintess at seven dragons? Asan ang pitong dragon doon?" Hindi napigilang tanong ni Seo Yan.

"Matutunton ng mga nasa holy church ang tirahan ng bunsong batang saintess. Mapapadpad ang bata sa isang dalampasigan kung saan makakatagpo niya ang pitong dragon na siyang magiging tagapagligtas niya." May pitong dragon nga si Siori. Ngunit ang reborn Siori na maghihiganti.

Ang mga dragon na ito ang inutusan niyang maghasik ng lagim sa buong Emeria.

"At ang pitong dragon na iyon ang tutulong sa kanya para gapiin ang mga masasamang Sumerian sa Holy Church."

Ginawa niyang ang panganay na prinsesa ang unang nakuha ng Emperador at unang naging alay, tapos nang ialay na ito, dumating ang bunsong prinsesa kasama ang pitong dragon. Winasak ang templo ng Holy Church at iniligtas ang panganay na prinsesa.

Napatalsik din sa palasyo ang huwad na prinsesa at naparusahan ng kamatayan ang maid nito.

Dinala ng bunsong prinsesa ang kapatid at ang ina, saka namuhay ng mapayapa sa misteryosong isla.

Naiwan ang kaharian na wala ng Saintess. At ipinangangakong sa susunod na may isisilang na saintess sa kanilang kaharian, aalagaan at proteksiyonan na nila itong mabuti.

Ngunit sa ibang kaharian na muling isinisilang ang mga saint at Saintess. Sa lugar kung saan tanggap sila ng lahat at minamahal.

"Hindi ba't madalas, ang mga kwento laging nagtatapos sa nakakapag-asawa ang prinsesa ng prinsipe? Tapos namumuhay sila ng mapayapa at masaya." Sagot ni Seo Yan.

"Ganito nalang, habang namumuhay ang dalawang prinsesa sa misteryosong isla, may isang barko ang napagawi sa lugar dahil sa lakas ng hangin at alon na nagdala sa kanilang sinasakyan sa isla." Pag-iiba ni Casmin sa plot ng kwento niya.

"Pag may sakay na prinsipe sa barko, tapos makikita niya ang mga prinsesa paano kung ang dalawang prinsesa ang mahuhulog sa kanya?" Tanong naman ni Seo Yan.

"E di dalawang prinsipe nalang ang mapapadpad sa lugar. Ang isa naligaw doon dahil may hinahanap lang na bagay tapos ang isa napadpad doon dahil napadaong ang sinasakyan nilang barko sa isla. Dapat may hari din na magkakagusto sa reyna." Sagot naman agad ni Casmin.

"Paano kung makakatagpo na naman ang reyna ng katulad sa una niyang mapapangasawa? Panibagong problema na naman yun."

Napakamot na lamang ng ilong si Casmin. Bakit mas lumayo na yata sa plot ang kwento niya ngayon?

"Kaya nga dapat yung ending ay yung hindi nalang sila mahulog sa mga lalaki. Baka mamaya iyon pa ang ikakapahamak nila."

"Wag kang mag-alala, paglaki ko, hindi kita ipapahamak." Sagot agad ni Seo Yan. Ilang sandali pa'y nagiging banayad na ang hininga.

"Anong konek don sa kwento?" Sambit niya. Ngunit wala na siyang narinig na sagot.

"Tulog ka na ba?" Mahina niyang tanong. Banayad na paghinga lang ang kanyang naririnig.

Napangiti siya. "Tulog na yata ang baby ko." Dahan-dahan siyang lumapit at niyakap ito. "Ganito siguro ang feeling ng may inaalagaang bata o anak. Sarap sa feeling kapag kayakap ang baby mo." Mahinang bulong niya na ang imahinasyon ay kayakap ang malaking teddy bear at hindi si Seo Yan.

Nang tuluyan ng makatulog si Casmin, idinilat naman ni Seo Yan ang mga mata. Tiningnan ang maliit na kamay na nakayakap sa kanya.

"Master, salamat. Salamat sa pagpapadala mo ng batang makakasama ko. Maraming salamat po." Sambit nito at ipinikit ng muli ang mga mata.

Ito ang unang pagkakatong may katabi siyang matulog. At siyang unang pagkakataon na nakakatulog siya ng mahimbing.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top