Casmin 34:
Kaharap ngayon ni Casmin si Amaru. Nang marinig kasing may kausap ang kanyang apo, nagdududa siya na baka may espiyang nakapasok sa kanilang kampo. Pag-alis ni Seo Yan agad siyang pumasok. At nakita ang napaka-cute na bata na nakaupo sa kama ng kanyang apo.
"Kaya pala pulang-pula ng apo ko. Pagkagandang bata nga naman." Sambit niya sa isip ngunit malamig na tingin ang ibinibigay kay Casmin.
Marami na sa mga kalaban na minsan mga bata ang ipinapadala para mag-espiya. Kaya sinusubukan niya si Casmin at tingnan ang reaksyon nito kung posible bang isa itong espiya.
"Ano'ng pangalan mo?" Malamig nitong tanong.
"Buti nalang nakaharap ko na ang ama ni Siori na mas malamig pa makatingin kaysa matandang ito. Kundi pa, baka nilalamig na ako sa kaba." Sambit naman ni Casmin sa isip.
"Siori po."
Tumaas ang kilay ni Amaru makitang nanatiling nakaupo si Siori habang kagat-kagat ang kuko. Agad ibinaba ang kamay mapansing napapakagat na naman pala sa kuko. Bumaba sa kama at pinagtagpo ang isang kamao at palad saka bahagyang yumuko.
"Siori? Bakit ka napadpad sa lugar na ito?"
"Senior Sister po ako ng inyong apo. Iniwan ako ni Master dito dahil kailangan. Tanungin niyo po ang apo niyo kung hindi kayo naniniwala sa akin."
Pumasok naman si Seo Yan na may dala-dalang kahoy.
"Lolo, bakit kayo nandito?" Tanong niya sabay baba sa putol na kahoy at pumasok sa loob ng tent.
Tiningnan naman siya ng lolo sabay tingin nito kay Casmin.
"Ah, di po ba may tumulong sa amin ni ina? Dumaan siya kanina at iniwan sa akin ang batang iyan." Naikwento na niya sa kanyang lolo ang patungkol sa misteryosong nilalang na palaging tumutulong sa kanya at sa kanyang ina. At kung hindi dahil sa misteryosong nilalang na iyon posibleng na wala na siya ngayon.
"At bakit hindi mo agad sinabi sa akin ha?"
"Sasabihin ko naman po sana pero wala kayo sa tolda niyo. Kaya kumuha na lamang ako ng kahoy para magawan ko na siya ng matutulugan niyang kama." Sagot agad ni Seo Yan habang nakayuko.
"Bakit hindi man lang nagpakita ang Master niyo sa akin?"
"Gustuhin man niya, ngunit hindi po talaga siya nakikita." Sagot ni Casmin.
Napahawak naman si Amaru sa kanyang bigote. May mga nilalang na hindi nakikita ng mga ordinaryong Sumerian. Sila ang mga nilalang na nagmumula sa misteryosong kontinente. Tinagurian nilang mga imortal ang mga naninirahan sa kontinente na iyon. Dahil nabubuhay sila mahigit ilang daang libong taon. Hindi katulad nilang mga Radinian na nabubuhay lamang ng ilang daang taon.
Ngunit bihira lamang sa mga nanggaling sa misteryosong kontinente ang mananatili sa ibang kontinente o kahariang malayo sa kanilang tahanan. Iyon ay dahil manghihina ang kanilang katawan at kapangyarihan at posible pang mapapadali ang kanilang pagtanda kapag malayo sila sa kanilang kontinente.
Dahil may kung anong enerhiya o kapangyarihan sa kontinente nila na siyang dahilan kung bakit hindi sila agad tumatanda. At kung may nilalang man na nanggaling doon tiyak na napapadaan lang at hindi pwedeng magtagal.
Nagiging buo ang paniniwala ni Amaru na nanggaling sa misteryosong kontinente ang misteryosong tagapagligtas at misteryosong Master ni Seo Yan.
"Saang kaharian ka galing? Sa kutis at ganda mo, imposibleng mula ka sa ordinaryong angkan. Wala pa akong nakitang batang kasingganda mo sa buong buhay ko." Tanong muli ni Amaru.
"Sa Emeria po."
Napalingon -lingon naman si Amaru sa paligid. Nag-aalalang baka may nakarinig.
"Isa kang Emerian?" Napahilot siya sa noo. "Alam mo bang mapanganib para sa mga batang Emerian ang lugar ba ito? Mga Radinian kami alam mo ba iyon?"
Isang malaking problema kapag may makakaalam na Emerian ang batang kaharap.
"Ano kaya kung ipakilala kita bilang anak ng kaibigan ko? Total, kilala naman kaming may lahing half-Emerian kaya di na sila magtataka kung may apo akong may lahing Emerian." Sabi niya.
"Magmula ngayon, iniwan ka sa akin ng kaibigan ko at kunwari ikaw ang future na kabiyak ng apo ko. Para wala ng magtatanong kung bakit nandito ka rin sa border."
Sa Amradin, may tinatawag silang child bride. At mayroon ding mga batang itinakdang ikasal kapag tumuntong sa tamang edad. At ang babaeng batang mapapangasawa sa hinaharap ay pwedeng tumira sa iisang tahanan kasama ang batang lalaking mapapangasawa, para mas makilala ang isa't-isa. Ngunit pwede namang bawiin ang napagkasunduan sakali mang magbabago ang isip ng dalawa paglaki nila at makakatagpo sila ng tunay na minamahal.
"Bakit parang may mali? Pakiramdam ko, naisahan ako e." Sambit ni Casmin sa isip habang napapakagat ng kuko. Kanina pa umalis ang matandang heneral habang siya hindi pa rin nakakapagsalita.
Hindi tuloy niya nakita ang ngiting tagumpay ng matanda nang tumalikod na ito.
Bumalik si Amaru sa kanyang tent. Paroo't-parito habang iniisip ang nakangangang bibig ni Casmin kanina.
"Kung binabantayan ang dalawang iyon ng kanilang Master, hindi na ako mag-aalala pa kay Seo Yan. Higit sa lahat, ang batang iyon, hindi ko makita ang level ng kanyang kapangyarihan."
"Walang ni isa man sa mga Emerian ang walang kapangyarihan. Hindi katulad sa mga Radinian na pili lamang ang may kapangyarihan. Ang batang iyon, kung hindi isang Saintess posibleng may malakas na kapangyarihan na hindi kayang sukatin ng tulad ko."
"Kahit wala siyang kapangyarihan, ayos lang. Sakali mang darating ang panahon na mahulog sila sa isa't -isa, ang saya saya ko kaya. " Napangiti pa siya maisp kung anong posibleng hitsura ng magiging anak ng apo niya.
" Kapag makapagpalahi si Seo Yan ng kasing ganda ng batang iyon, pwede na akong mamatay." Napatikhim siya makitang may paparating. Agad ba umupo sa kanyang silya at ibinalik sa walang emosyon ang kanyang mukha.
Kilala ang mga Emerian hindi lang sa kapangyarihan kundi pati na rin sa ganda. Lalo na ang mga nasa Royal family na maituturing na walang katumbas ang kagandahan at kagwapuhan. Kinatatakutan ngunit hinahangaan nilang mga Radinian ang mga Emerian.
Dumilim ang mukha ni Seo Yan makitang ginawang panggatong ni Casmin ang kahoy na dinala niya.
"Gagamitin ko iyon. Bakit mo ginawang panggatong?"
"Malaki naman ang kama mo a. Saka baby pa ako, katabi ko nga papa ko matulog bakit ikaw hindi pwede?"
"Ta-tabi tayong matulog?"
Tumango naman si Casmin. "Anong masama doon?" Tanong niya ngunit sa isip-isip niya'y nanabik na.
"Nandito nalang din ako bakit di ko pa sagarin? Mayayakap ko na din sa wakas ang baby ko ng pagkahigpit-higpit. Hindi na rin siya giginawin at hindi na matutulog mag-isa."
Napayuko naman si Seo Yan para maitago ang kanyang ngiti.
Madalas siyang binabangungot kapag natutulog lalo na kapag nag-iisa siya. Sa bawat pagtulog niya, iniisip niyang yakap siya ng kanyang ina. Nangungulila siya sa ina ngunit inilayo na naman sa kanya.
Gusto niyang maging malakas para maprotektahan ang mga mahal niya sa buhay. Ngunit paano niya magagawa iyon kung ang huling nilalang na inaasahan niyang makakatulong sa kanya naglaho na naman? Tapos nag-iwan pa ng bata.
Marami namang mga mga batang maagang pinagsanay sa barrack na ito ngunit ano ang maitutulong sa kanya ng isang anim na taong gulang?
Ngunit maisip na may kasama na siya sa pagtulog sumisigla siyang bigla.
"Sandali lang, kuha muna ako ng pagkain natin." Sabi ni Seo Yan at tumakbo na naman palabas.
"Napansin niyo, nang magretiro ang huling guro niya bigla na lamang siyang sumigla?" Sambit ng isang sundalo na nakikipag-inuman kasama ang iba.
"Kahit ako, sisigla ako no. Hindi naman siya tinuturuan. Binubugbog 'ka mo." Sagot ng kasama.
Bumalik agad si Seo Yan na may dala ng dalawang siopao.
"Iyan ang pagkaing sinasabi mo? Siopao na walang palaman?"
"Paano nalaman na walang palaman e di mo pa naman kinain?"
"Halata kasi e." Sagot ni Casmin, saka naaalala na may nabasa siya noon na ang mga supply para sana sa mga mandirigma sa border ay hindi nakakarating.
Marami ang namatay sa mga mandirigma dahil sa pagod at gutom, hindi dahil sa talim ng sandata ng kalaban.
Sa pagkakatanda ni Casmin, dalawampu't-apat lamang mula sa 200,000 na mga mandirigmang nandirito ngayon ang makakabalik sa capital City ng Amradin sampung taon mula ngayon. At ang iba ay mamamatay na. At ang dalawampu't- tatlo na mga mandirigma na iyon ang magiging loyal subordinates ni Seo Yan. Ngunit tulad ni Seo Yan, mamamatay din sila.
"Merong gubat sa border na ito hindi ba?" Tanong ni Casmin. Alam niyang may gubat na nagsilbing pagitan ng anim na kaharian. Kung hindi lang sa gubat na ito malamang matagal ng nasakop ng ibang kaharian ang Amradin at iba pang mahihinang mga kaharian.
Bukod sa maraming mga halimaw sa gubat na ito, may mga Sumerian din na kumakain ng kapwa Sumerian sa lugar ba ito. Sila ang mas kinatatakutan ng alinmang mga kaharian. Sila din ang dahilan kung bakit walang may lakas ng loob na dumaan sa gubat para umatake sa ibang kaharian.
"Meron, bakit mo natanong?"
"Maraming karne sa lugar na iyon."
"Karne?" Nalilitong tanong ni Seo Yan.
"Ang ibig kong sabihin, marami tayong mahuhuling mga hayop na pwede nating ihawin."
"Pero mapanganib ang lugar na iyon. Saka minsan may makakasalubong pa tayong mga Emerian o ba kaya mga kalaban mula sa iba't-ibang kaharian o Emperyo." Sagot ni Seo Yan.
Napatitig naman si Casmin kay Seo Yan.
"Kapag ganyan lang lagi ang kinakain mo, hindi ka talaga lalakas at lalaki ng maayos niyan." Sambit niya nang bigla na lamang maalalang marami nga pala siyang pero ngayon at pwede siyang bumili ng pagkain mula sa mundo niya.
"Ba't di ko agad naisip?" Natampal pa niya ang kanyang noo.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top