Casmin 29: Ang pagkikita nina Sayuri at ng Emperador

Kaharap ngayon ni Emperador Raiji ang dalawang batang magkamukha. Magkaiba nga lang ang ekspresyon at mga tingin. Ang isa katulad na katulad niya ang mga tingin at ang isa naman, katulad ng dating Emperatris. Cold and disappointment with a hint of anger.

Ang mga tinging ibinigay ni Sayuri ay katulad sa tinging ibinigay ni Serena kay Raiji noong nagpasya si Raiji na ialay ang magiging anak niya mula kay Serena sa Holy church.

Samantalang matalim na tingin at nakatagpo naman ang kilay ni Casmin. Kulang na lang umusok ang ilong nito.

"Tinago nila kayo sa akin. Nararapat lamang silang parusahan." Cold na sambit ni Raiji. Sabay sulyap kina Zandro, Seowa at Zeyniu na nasa likuran na nina Sayuri at Casmin.

Pagdating nila sa palasyo kanina, pinapunta agad sila sa tanggapan ng Emperador. Tinanong kung bakit itinago ng mag-asawa ang dalawang prinsesa at sinabing paparusahan ang mga ito na ikinagalit nina Casmin at Sayuri. Hinarang agad ang maliliit na mga katawan kina Zeyniu at matapang na tumingala sa Emperador.

"Sa halip na gantimpalaan mo sila dahil sa pagpapalaki sa anak mo at pagligtas sa kanila, magpapalusa (magpaparusa) ka?" Naiinis ng sagot ni Casmin. Wala na siyang pake kung nabubulol pa siya o hindi.

"Bibigyan ko sila ng gantimpala ayon sa kanilang pag-aalalaga at pagligtas sa inyo ngunit naiiba rin ang parusa nila sa pagtatago sa mga anak ng Emperador." Sagot ni Raiji.

Lalo lamang tumalim ang tingin ni Casmin lalo na nang marinig ang system notification sa kanyang utak na sinasabing "the saintess father felt amuse by your cute reactions."

"The saintess felt so mad and disappointed."

Natatawa namang lalo ang Emperador makita ang mukha ni Casmin na tila ba sinasabing "nanggigigil na ako. Nanggigigil na talaga ako." Lalo pa't namumula na ang cute niyang mukha sa galit.

"Hindi ko inaasahan na may dalawang tigress pala akong mga anak." Natatawa niyang sambit sa isip ngunit cold pa rin ang mga tingin at poker face pa rin ang mukha.

"Nakikiusap po ako Kamahalan. Patawarin niyo na po sana ang aking ama at ina, alang-alang na lamang sa pagligtas sa akin at pagkupkop sa amin." Pakiusap ni Sayuri at naikuyom ng mariin ang dalawang kamao.

Padabog namang umupo sa sahig si Casmin. "Nangangalay na ang mga binti ko sa kakatayo. Alam mo bang galing pa kami sa pakikipaglaban di ba? Tapos kanina pa kami nakatayo dito. Wala man lang upuan." Sagot niya at ngumuso.

"Mukhang hindi ka talaga natatakot sa akin. Nararapat ko nga yata silang parusahan dahil hindi ka nila tinuruan ng tamang pag-aasal?" Malamig na sabi ng Emperador makitang nakaupo na sa sahig si Casmin na walang pakialam sa kanyang postura.

Napalunok laway naman sina Seowa ngunit walang salitang lumabas sa kanilang bibig.

Pinagpapawisan na rin sa kaba at pag-aalala si Zandro.

"Kasalanan ko po ang lahat kamahalan. Ako nalang po ang parusahan niyo, wala po silang kasalanan." Mabilis na sagot ni Zandro.

"Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko naturuan ng tamang pagkilos ang aking nakababatang kapatid." Sagot naman ni Sayuri.

"Ako po ang may kasalanan." Lakas loob na sagot ni Zeyniu na nag-angat na ngayon ng tingin. "Hindi ko sila naturuan ng mabuti kaya kasalanan ko ang lahat."

"Bakit niyo ba sinasabi na kasalanan niyo ang lahat e kasalanan naman talaga ng Manong iyan." Sabay turo sa Emperador na ikinausok ng ilong nito marinig na tinawag diyang manong.

"Manong? I'm your father." Mariing sagot ng Emperador halatang kumulo na ang dugo sa galit. Tumalim na rin ang tingin.

"Lumaki akong walang ama. Kasama ko si Ina at ang ginagawa namin, tumakas, at palipat-lipat ng tilahan (tirahan). Sa palagay niyo ba, may panahon pa siyang tuluan (turuan) ako ng sinasabi niyong tamang pagkilos? Mas gusto kong maging malaya kaya salamat na din at hindi ako sa palasyong ito lumaki. Ayaw ko ring makipag-kompetensya sa pinakamamahal niyong plinsesa (prinsesa)."

"Did you say Ina? Ang ina ba na tinutukoy mo ay si Serena?" Nanginginig ang boses na tanong ni Raiji.

Mariin namang nakatingin sa kanya si Sayuri. "Ibig mong sabihin, magkasama kayo ni Ina ng ilang taon?" Naluluha nitong sambit.

Tumango naman si Casmin. Gusto niyang sabihin na ilang minuto lang niyang nakasama si Serena ngunit ilang taon na nakasama ng katawang meron siya si Serena.

"Natunton kami ng Banal na simbahan at nagkahiwalay kami ng landas ni Ina. Hindi ko na alam kung nasaan na siya." Sagot ni Casmin ngunit nakita niyang mas lalong nag-alala si Sayuri. "Ngunit wag kang mag-alala, alam kong ligtas siya." Dahil nararamdaman ko kung nasa panganib ang buhay niya.' Hindi niya binigkas ang huli dahil mayroon na namang letrang R.

"Tinker, nasaan na nga pala ang ina ni Siori?" Tanong ni Casmin kay Tinker gamit ang isip.

"Dinala ko siya pabalik kay Ginoong Nimrod. Nanghihina pa siya kaya kailangan munang manumbalik ang kanyang lakas." Sagot ni Tinker sa isipan ni Casmin.

Naikuyom ni Emperador Raiji ang kamao maisip ang pinagdaanan ng kanyang mga anak laban sa mga Holy Church.

"Huwag kayong mag-alala, hinding-hindi ko hahayaang mapapahamak kayo." Pangako nito sa dalawang bata.

"Kapag may mangyayaling mga sakuna, iaalay mo lin naman kami, alang-alang sa kaligtasan ng nakalalami kahit ang totoo, wala namang magbabago. Pinapalakas niyo lang lalo ang simbahan dahil gagamitin lamang nila ang aming mga kapangyarihan alang-alang sa kanilang pagpapalakas." Hinihingal na sagot ni Casmin at napapakagat pa sa dila kapag pilit nitong banggitin ang letrang r ngunit l pa rin ng nabibigkas.

"Gagamitin sa pagpapalakas?" Tanong ng Emperador. Tumango naman si Casmin. Samantalang gulat na napatingin si Sayuri kay Casmin. Kung siya, hindi niya kayang sabihin ang mga bagay na ito sa Emperador dahil hindi siya sigurado kung paniwalaan ba siya nito.

Agad na inilabas ni Casmin ang dala-dala niyang writing board. Nagsulat agad siya dito.

"Ginagamit nila ang salitang propesiya na sila lang ang may gawa para ialay ang mga may holy power sa simbahan. Kapag dinala na ang sinumang may holy power sa simbahan, may mga paraan sila para mailipat ang aming mga kapangyarihan sa kanilang mga holy Knight. Kapag naubos na ang mga kapangyarihan ng mga may holy power, bibitayin na nila in the name of sacrificing para sa kapayapaan ng Emeria." Matapos isulat ang mga salitang ito sa kanyang writing board pinakita niya ito sa Emperador at kina Sayuri bago burahin at nagsulat muli.

"We will be tortured before dying. Kahit na mga inosente naman kami at walang mga kasalanan."

"Ang pagpapatay sa mga may devine or Holy power ang mas magpapalala sa kalagayan ng Emperyo. Dahil ang tunay na maitutulong ng may mga devine power or holy power sa Emperyo ay ang manggamot sa mga may sakit, pigilan ang mga sakuna na darating at kalabanin ang mga masasama lalo na ang mga halimaw na nanggugulo sa Emeria."

"We are born to assist, to help, and to heal not to die for everyone."

Matapos makapagsulat inikot-ikot ni Casmin ang maliliit na braso.

"Kung kaya ko lang makipag-usap gamit ang isip..." Nanlaki agad ang kanyang mga mata at natampal ang kanyang noo. "Bakit di ko naalala? Maaari naman palang makipag-usap gamit ang isip sa mundong ito. Nagpapakahirap pa akong magsulat."

"Are you telling the truth?" Tanong ni Raiji kay Casmin. "Who told you that?"

"Kapag ba sinabi kong nakikita ko ang hinaharap maniniwala ka?" Sagot ni Casmin gamit ang isip, habang nakatingin kay Raiji. Napansin niyang nagulat ang lalaki habang nakatingin din sa kanya.

"Did you just talk to me without voicing your words?" Tanong nitong muli sa kanya.

"Nakakausap ko nga siya. Nakakausap ko nga." Napasayaw-sayaw siya sa tuwa.

"Casmin, anong nangyari sayo at bigla kang napapasayaw diyan?" Tanong ni Sayuri makitang sumasayaw na sa tuwa si Casmin. Agad namang napahinto si Casmin at muling humarap sa Emperador. Pinitik pa ang noo bago muling nagseryoso.

"I won't punish them anymore but you'll stay in the palace."

Nagpasalamat naman agad ang mag-asawa kay Raiji.

"I'll handle the holy church and won't let them hurt you again." Sabi pang muli ni Raiji.

"Dahil sa pagligtas mo kay prinsesa Sayuri, bibigyan kita ng maliit na teritoryo sa Emperyo at bibigyan kita ng noble title na Marquez." Sabi niya kay Zandro.

"Tinatanggap ko po ang inyong regalo kamahalan. Nagpapasalamat po ako sa inyong kabutihan." Nakayukong sagot ni Zandro ngunit halata ang lungkot sa boses nito.

Inihanda na niya ang kanyang sarili na mawawala sa kanila si Sayuri ngunit hindi pa rin niya maiwasang malungkot.

"Ang iyong asawa na si Seowa ay maaaring mananatili sa palasyo para alagaan ang prinsesa kung gusto niya at maaari ka ring magiging kawal ng prinsesa kung gusto mo. Pero tandaan niyo, hindi na kayo ang mga magulang niya kundi mga kawal at yaya na lamang niya kung pipiliin ninyong mananatili sa palasyo." Sabing muli ni Raiji.

Bigla namang nag-angat ng tingin ang mag-asawa. Makikita ang kislap ng kanilang mga mata.

"Maraming salamat po kamahalan." Naiiyak na sambit ni Seowa. Di bale ng hindi na siya ang ina ni Sayuri ang mahalaga mababantayan niya ito at maaalagaan pa rin ang kalusugan nito.

"E ako, kailangan ko pang bumalik kay ina." Sagot naman ni Casmin na ikinalamig ng tingin ni Raiji.

"You'll stay in the palace. I will also prepare your room." Mariing sagot ni Raiji.

"Bahala ka. Kapag talaga mas panget ang silid ko kaysa kay Jina, sa silid mo ako titira." Sagot ni Casmin sabay ngiti. Lalo pa't alam niyang ayaw na ayaw ni Raiji na may kasama sa pagtulog.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ng Emperador.

"Wala na palang bakanteng silid. Kaya doon ka nalang sa silid ko. Gagawan na kita ng kama mo. Total malawak naman ang aking silid." Sagot ni Raiji na ikinaawang ng bibig ni Casmin maging nina Sayuri.

Ngunit napaisip din si Casmin. Ang pinakaligtas na silid o ang silid na maaaring magpapainggit lalo kay Jina ay ang pagtira sa silid ng Emperador.

"Sinabi mo iyan." Sambit ni Casmin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top