Casmin 28: Holy Power

Kumunot ang noo ng Emperador makita ang dalawang batang magkakamukha at nakikipaglaban sa mga Drakabe. Kinusot ang mga mata at muling pinagmasdang maigi ang video sa tapat niya.

Sa unang tingin palang siguradong-sigurado siyang anak niya at ni Serena ang mga batang ito lalong-lalo pa't parang copy paste lamang ni Serena si Sayuri.

Agad niyang pinapunta ang pinakamagaling niyang mga shadow guard makita ang maraming mga Drakabe.

"Iligtas niyo ang dalawang prinsesa at dalhin sila dito na walang galos."

"Kailan pa nagkaroon ng dalawang prinsesa sa Emeria? Hindi ba't nag-iisa lang si Prinsesa Jina?" Ito ang tanong ng limang shadow guard sa kanilang mga isip ngunit hindi sila nagtanong at hinintay ang susunod pang sasabihin ng kanilang Master.

Pinakita sa kanila ang video kung saan sina Sayuri at Casmin.

"Makakauwi pa ba tayong buhay nito?" Sambit ng isa makita ang grupo ng mga Drakabeng nakapalibot sa tatlong mga bata.

"Gamitin niyo ang teleportation scroll para makabalik agad dito at mailayo sila sa panganib." Utos niya sa limang shadow guard.

Ang gagawin lang nila'y sikapin nilang makalapit sa dalawang batang babae at i-teleport sila palayo sa teritoryo ng mga Drakabe.

Inihanda naman nina Effel at Parmon ang mga sarili para sa pakikipaglaban.

Nagkatinginan sina Casmin at Sayuri makita ang higanteng Drakabe. May katulad sa dinasaur ang katawan at may malalaking mga pakpak na katulad sa dragon. May mga makakapal na kaliskis na katulad sa ahas.

Napalunok ng laway si Sayuri. Minsan na siyang nakipaglaban sa mga Drakabe ngunit hindi sa maliit niyang katawan.

"Nasa bungo niya ang magic cole (core)." Sabi niya na halos kagatin na ang dila dahil nabubulol pa rin ito.

"Noted." Sagot ni Sayuri at tumalon na.

Lumipad na rin si Casmin patungo sa isa pang Drakabe. Nasa tuktok na siya ng Drakabe. Itinaas ang espada and slice it downwards. Nabalot ng kulay puting liwanag ang kanyang espada at humiwa ito sa ulo ng Drakabe.

Napatda sa kinatatayuan ang limang shadow guard na inutusan ng Emperador makita ang ginawa ni Casmin. Sa isang Drakabe palang, kahit lima pa sila, tiyak na mahihirapan silang talunin ito ngunit ang batang paslit pa lang, nakayang patumbahin ang Drakabeng kinatatakutan nila.

Kasunod ng pagkatumba ng isang Drakabe ay ang pagkatumba ng isa pa. Medyo natagalan man ng ilang minuto si Sayuri ngunit napatumba pa rin naman niya ang kanyang kalaban.

Umungol ang iba pang mga Drakabe sa galit at sabay na sinugod sina Casmin at Sayuri.

Napasinghap si Sayuri makita ang higanteng Drakabe na papunta sa gawi niya. Hindi agad siya nakakilos at naramdaman na lamang ang pag-angat ng kanyang katawan sa hangin. Buhat na siya ngayon ni Casmin.

"Mag-iingat ka." Sabi ni Casmin habang nasa himpapawid sila. Tumango naman si Sayuri. Tumalon siya pababa sa likuran ng isa pang Drakabe.

Sina Zeyniu, Seowa at Zandro ang siyang nangdi-distract sa mga Drakabe.

"Snow Blades!" Sigaw ni Zeyniu. Nagsilabasan ang mga matutulis na yelo mula sa kanyang mga kamay at patungo iyon sa isang Drakabe. Ngunit nabasag lamang ang mga snow blades nang tumama sa kaliskis ng Drakabe.

"Blinding snow ang ipatama mo sa kulay pulang Drakabe at Blazing fire ang gamitin mo sa kulay asul na mga Drakabe." Sigaw ni Sayuri.

"Blazing Fire." Sigaw muli ni Zeyniu.

Nagsilabasan ang mga bolang apoy mula sa kanyang mga kamay at itinapon iyon sa kinakalabang kulay asul na Drakabe. Umalingawngaw ang ungol nito at nagasgasan ang kulay asul na mga kaliskis.

"Earth wall." Sigaw ni Seowa makitang papalapit na ang mga Drakabe sa pinagtataguan nila. Umangat ang lupa at lumikha ng munting bundok na siyang humarang sa paparating na mga Drakabe.

"Thousand swords slash!" Sigaw ni Zandro. Dumaming bigla ang kanyang espada at lumipad ito patungo sa mga Drakabeng nasa himpapawid.

"Snow Storm!" Sigaw ni Zeyniu. Tinangay naman ng malabagyong yelo ang ilan sa mga Drakabeng nadaanan ng snow storm niya.

Napakamot naman si Casmin sa kanyang ilong.

"Tinker, bakit mo pa ako pinapunta dito? Mukhang hindi naman nila ako kailangan? Saka ano ba iyang isinisigaw nila? May ganyan ba sa nobela ni Seior? Bakit hindi ako na-inform?" Nakakunot niyang tanong. Ngunit wala siyang narinig na sagot.

Gusto din tuloy niyang isigaw ang first blood, double kill, triple kill kundi lang talaga siya nabubulol sa letrang R. Tapos kapag naubos na ang mga Drakabe isisigaw niya ang salitang VICTORY.

Natauhan siyang muli nang marinig ang malakas na ungol ng pinuno ng mga Drakabe na galit na galit na ngayon sa kanila.

Mukhang alam yata na siya ang nagpasimuno sa pag-atake sa mga Drakabeng ito kaya siya ang sinugod ng Drakabe King at Queen.

"Casmin, mag-iingat ka." Sigaw ni Sayuri.

"Casmin!" Panabay na sigaw ng mag-asawa makitang matatamaan ng ibinugang apoy ng hari ng Drakabe si Casmin.

"Holy Shield." Sigaw ni Casmin. Isang kulay puting mahika ang humarang sa apoy ng hari ng mga Drakabe.

"Ang astig naman ng kapangyarihan ni Siori." Nakangiting sambit ni Casmin sa kanyang isip.

Itinaas ni Casmin ang mga kamay sabay sigaw ng "Holy Strike." Isang malakidlat na liwanag ang tumama sa katawan ng hari at reyna ng mga Drakabe na ikinahati ng mga ito sa dalawa. Umalingawngaw sa paligid ang malakas na sigaw ng dalawang Drakabe.

Napakurap-kurap naman si Casmin makita ang papabagsak na katawan ng dalawang Drakabe.

"Joke joke lang iyong akin a. Paanong may lumabas na holy power at tinamaan nga sila?" Napatingin siya sa kanyang mga kamay pagkatapos sa dalawang Drakabe. At muling inangat ang tingin sa langit.

"Sa akin ba talaga nagmumula ang kapangyarihan na iyon?" Naguguluhan niyang sambit.

Nagsitakbuhan naman palayo ang iba pang mga Drakabe makitang namatay na ang kanilang hari at reyna. Ngunit wala silang kawala sa mga kamay nina Sayuri at Zeyniu. Naharangan na rin sila nina Zandro at Seowa.

"Congratulations for saving thousands of lives. You will now earn 510 thousand points, 109 luck points, 1000 favorability."

"Pumatay lang ako ng Drakabe thousand of lives na ang nailigtas ko?" Tanong ni Casmin sa isip marinig ang system Notification.

"Master. Ginamit mo ang Holy Energy ni Sayuri. Kapag hindi kayo aalis sa lugar na ito, matutunton kayo ng mga Holy Knights."

"Tinker?" Tawag niya marinig ang boses ni Twinkle.

Lumitaw naman ito sa tapat niya. Medyo lumaki na naman ito at halos kasinglaki na ng kanyang mga palad bilang Casmin.

"Gising ka na rin sa wakas." Sambit niya at napahinga ng maluwag.

"Paanong dumami ang favorability ko?"

"Dahil sa pagpaslang mo sa hari at reyna ng mga Drakabe, napigilan mo ang pagsalakay nila sa limang bayang malapit sa lugar na ito. Nailigtas mo ang mga buhay na masasawi sana sa kanilang pagsalakay. At tungkol sa favorability naman, nagmumula iyon sa mga nanonood sa ginawa mo." Paliwanag ni Tinker.

Saka nakita ni Casmin ang mga numerong nagsiliparan sa mga lugar sa di kalayuan at nakita ang mga shadow guards na nagtatago sa mga halamanan.

Napatingin siya sa gawi nina Sayuri na abala na sa pagliligpit sa katawan ng mga Drakabe.

Kita niya nasa 500 plus ang favorability nina Zeyniu, Sayuri at ng mag-asawa sa kanya. Nasa 300 plus naman ang favorability points niya mula kina Parmon at Effel.

Mula sa halamanan nakatulala naman ang limang shadow guard.

"That holy power, ngayon pa ako nakakita ng ganoon kalakas na holy power." Sambit ng shadow guard number 1.

"Naubos nila ang ilang daang mga Drakabe. Sumerian pa ba sila o halimaw na?" Sambit naman ng ikalawa.

"Pero bakit ang hina ng holy power ng prinsesang nasa palasyo?" Sambit naman ng ikatlo.

"Base sa aura, hitsura at kapangyarihan nila, hindi maipagkakailang anak sila ng Emperador ng ng dating Empress, kung ganoon sino naman ang prinsesa sa palasyo? Isa ba siyang huwad?" Tanong naman ng ikaapat.

Napatigil ang kanilang pag-uusap nang marinig ang boses ni Casmin.

"Ano pang ginagawa niyo diyan?" Tulungan niyo na kami."

Nagkatinginan sila saka napatingala. Napasinghap sila makitang nakalutang sa likuran nila si Casmin.

"Kamahalan." Mabilis nilang bati. Iniluhod ang isang tuhod at inilagay sa dibdib ang isang kamao.

Agad silang tumulong sa pagkolekta sa mga katawan ng mga Drakabe.

Nagulat naman sina Sayuri makita ang mga shadow guard na nagsidatingan. Hindi nila alam na bukod kina Parmon at Effel may iba pa palang nagbabantay sa kanila.

Napatingin si Sayuri kay Casmin. "Did the Emperor care for you so much in this life?" Tanong ni Sayuri kay Casmin habang inaalis ang magic core mula sa katawan ng Drakabe.

"Maybe? You can ask him pagdating natin sa palasyo." Sagot ni Casmin.

"Dadalhin mo na si Sayuri sa palasyo?" Mababakasan ng pagkalungkot ang boses ni Seowa.

"Mamaya na natin pag-usapan ang mga bagay na iyan. Sa pagkakangayon, iligpit na muna natin ang mga Dlakabe (Drakabe) na ito bago pa man dumating ang mga taga Holy Chulch (church)." Sagot ni Casmin.

"Paano ang mga buto at katawan nito? Wala na tayong sapat na lalagyan." Sagot ni Zandro.

"I have my space." Sagot ni Casmin.

Hinawakan niya ang mga Drakabeng malapit sa kanya at naglaho agad ang mga ito.

Itinipon naman ng mga shadow guard ang mga Drakabe saka ipinasok ni Casmin sa kanyang storage space.

Pagkatapos mailigpit ang mga Drakabe, nagsialisan na sila sa lugar ba iyon. Siya namang pagdating ng mga sugo mula sa Holy Church.

"Sigurado akong isang holy aura ang lumitaw sa gawing ito." Sabi ng isang Cardinal.

"Pero wala tayong nakitang kahit ano. Ni anino ng mga Drakabe wala." Sagot naman ng isang holy knight.

Kapansin-pansing may nangyaring labanan sa lugar ngunit wala na silang naabutang naglalaban. Wala rin silang nakitang kahit buto man lang ng mga Drakabe.

"Maaaring naunahan tayo ng Emperial family." Sambit ng isang Priest.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top