Casmin 27: Drakabe
Pagdating nina Parmon at Effel sa nasabing dungeon naratnan nilang mga dugo na lamang ng mga halimaw ang natitira at ilang mga bakas na tila may nangyaring labanan sa lugar.
"Sa bayan ng Fleming kayo dumiritso." Sabi ni Raiji sa kanila.
Dito nila natagpuan si Casmin kasama ang buong pamilya ni Sayuri.
Nagka-camping ang buong pamilya sa lugar kung saan tirahan dati ng mga mababangis na hayop. Kalmado lamang nakaupo si Casmin sa gilid ng puno habang abala naman sa pakikipaglaban ang isang batang lalaki sa higanteng serpiyenteng may tatlong ulo.
Tila wala ring pakialam ang dalawang matatanda sa grupo.
"Iwasan mo ang kulay itim na usok na ibubuga nito. Kundi, malalason ka talaga." Sabi ni Sayuri.
"Sabihin mo lang kung di mo na kaya." Sigaw pa nito.
"Anong tingin mo sa akin? Sobrang hina?" Sigaw pabalik ni Zeyniu. Ilang sandali pa'y napugutan na ng mga ulo ang serpiyente.
"Napakabata pa niya para matalo ang serpiyenteng iyan." Hindi makapaniwalang sambit ni Effel.
"Ang pamilyang ito, nakakatakot." Bulong naman ni Parmon sa sarili.
Pinagmasdan nilang maigi si Sayuri.
"Hindi mo ba napapansin? Kamukhang-kamukha ng batang iyan ang dating Emperatris." Sambit ni Parmon.
Napatingin sila kay Siori na nakaupo sa itaas ng sanga ng puno.
"Sa susunod siguladuhin (siguraduhin) mo ang mata kapag nakakatagpo ka ulit ng ganyang uyi (uri) ng halimaw. Mata ang isa sa kanilang kahinaan." Sabi ni 'Siori' (Casmin).
Naglahong bigla si Siori sa kinauupuan at lumitaw sa tapat ng higanteng serpiyente.
"Kukunin ko ang mga mata nito, magagamit natin sa pagawa ng elixir." Sabi ni Sayuri.
Tumulong si Zandro sa pagkuha sa mga parte ng katawan ng serpiyente. Kinuha naman ni Casmin ang magic core nito.
Palipat-lipat naman ang tingin nina Parmon at Effel kina Sayuri at Casmin.
"Magkamukha, magkaiba lang ng kulay ng buhok. Magkapatid ba sila?" Tanong ni Parmon.
"Kung ganoon may iba pang anak ang Emperador?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Effel.
Kumulog ang langit at nagbabadya ng bumuhos ang malakas na ulan. Agad namang pumasilong sa kani-kanilang mga tent sina Casmin.
Napatingala naman sina Effel at Parmon.
"Mukhang mabababad na naman tayo sa ulan nito." Sambit ni Parmon.
Dahan-dahan ng bumuhos ang ulan nang makarinig sila ng boses.
"Pumasok na raw kayo sa isang bakanteng tent. Kanina niyo pa kami minamanmanan." Sabi ni Sayuri sabay turo sa isang tent.
Nagulat pa ang dalawa makita ang kamukha ni Siori na nakatingala sa kanila. Mas mukhang matured lamang kilos ang batang ito at mas maayos magsalita kumpara kay Siori.
Nagkatinginan naman ang dalawang shadow guard. Ito ang unang pagkakataong nahuli sila ng mga sinusundan nila. At pinapapasok pa sa tent.
"Paano niyo naramdaman ang presensya namin?" Naguguluhang tanong ni Parmon ngunit hindi na sumagot si Sayuri at tumakbo na ito patungo sa tent ni Siori.
"Hindi pa ba kayo papasok? Papalakas na ang ulan." Narinig nilang tanong ni Casmin na nakasilip ngayon sa pintuan ng tent nito.
"Hindi na kamahalan-"
"Wag ka ng sumagot diyan." Sabay hila ni Parmon kay Effel papunta sa tent na para sana kay Sayuri.
"Kilala mo ba sila?" Tanong ni Sayuri kay Casmin.
Tumango naman si Casmin.
Napatingin si Sayuri sa dalawang kawal. Hindi niya nakita ang dalawang ito sa palasyo ng Emeria at sa pagkakaalam niya, namatay sila sa Aleria. Kaya nagtataka siya kung bakit buhay pa rin hanggang ngayon ang dalawa. Kung hindi dahil kay David noon hindi niya makikilala ang dalawang ito.
"Namatay sila, iyon ang sabi ni David noon habang pinapanood ang video ng kanyang yumaong kaibigan ngunit bakit buhay sila ngayon?" Nagtataka niyang sambit.
Napalingon sa kanya si Casmin.
"Alam mo ang nangyari sa kanila dati?" Tanong ni Casmin sa kanya.
Huminga ng malalim si Sayuri at ikinuwento kay Casmin ang nakaraang buhay niya.
***
Nakaupo ngayon sa gilid ng tent si Casmin habang kagat ang kuko. Hindi inaasahan na isang reborn lady na pala si Sayuri.
Nakatulala siya ngayon habang iniisip ang naging usapan nila ni Sayuri.
"Hindi mo nakilala si Prinsipe Seo Yiu?"
"Seo Yiu? Ang Seo Yiu ba na mula sa kalabang kaharian ang tinutukoy mo? Narinig ko ang pangalan niya pero isa siya sa nagpabagsak sa Emeria." Sagot ni Sayuri.
"Hindi mo siya nagiging katipan o ba kaya kaibigan man lang?" Tanong muli ni Casmin na ikinamilog ng mga mata ni Sayuri.
"Katipan pa talaga? Paano ko siya magiging kaibigan e hindi naman nagtagpo ang landas naming dalawa?"
Ayun kay Sayuri, natagpuan siya ng Emperador sa edad na dose anyos, at hindi naging maganda ang buhay niya sa palasyo dahil hindi siya tanggap ng buong pamilya at mas pinahahalagahan ng mga ito ang huwad na prinsesa.
Unang naging alay si Jina ngunit nakabalik itong ligtas. Hindi alam ni Sayuri kung ano ang dahilan. At si Sayuri na naman ang sunod na ginawang alay. Araw-araw kinukuhanan siya ng dugo at kapangyarihan para ibigay sa iba. Hanggang sa makatakas siya sa tulong ni Nimrod at naging bagong Master nito.
Sinanay ni Nimrod si Sayuri sa kondisyong ipaghiganti ni Sayuri ang pagkamatay ni Siori. Para maprotektahan si Sayuri, inalay ni Nimrod ang buhay niya.
"May pagkakapareho ngunit may malaking pagkakaiba sa kwentong alam ko." Sambit ni Casmin.
Hindi naging magkaibigan sina Seo Yiu at Sayuri kundi naging magkaaway pa. Bago mamatay si Sayuri, nakuha ng Amradin ang buong Emeria sa pamumuno ni Seo Yiu.
Namatay ang kapatid ni Seo Yiu sa mga kamay ng mga Emerian kaya naghiganti ito. At namatay naman sa mga kamay ni Seo Yiu ang mga kapatid na prinsipe ni Sayuri. Ang nagtraydor sa kanilang lahat ay ang huwad na prinsesang si Jina. Na siya palang espiya ng Amradin.
"Parang si Jina naman ang may happy ever after sa nakaraang buhay ni Sayuri, ibang-iba sa kwentong nabasa ko. Tapos parang si Seo Yiu pa ang villain sa buhay ni Sayuri sa halip na siyang male lead niya?" Napasabunot na lamang siya ng buhok.
"Hindi lang iyon, parang sina Jina at Sio Yiu pa yata ang mga bida dahil sila ang may happy ever after."
"Tinker, gising ka na ba? Sagutin mo naman ako o. Nasa maling nobela ba ako? Tinker naman." Tawag niya ngunit wala pa ring sumagot sa kanya.
Napatingin siya sa malakas na buhos ng ulan mula sa labas ng tent. Sa gitna ng tent naroroon si Sayuri kaharap ang fireplace. Matapos nitong ikwento ang buhay niya kay Siori, tumahimik rin ito katulad niya. Pareho silang may malalalim na iniisip.
"Sa nakaraang buhay niya, walang Seo Yiu at ang lahat ng kanyang mga kakampi, namamatay para sa kanya. Mas malungkot pa pala sa inaasahan ko." Napabuntong-hininga siya. Ngunit biglang nagliwanag ang kanyang mga mata.
"Kung reborn siya, ibang-iba sa takbo ng kwento sa season 3, ibig sabihin may mga kaalaman na siyang magagamit ngayon. Hindi na siya maaapi ng basta-basta at hindi na ako gaanong mag-aalala sa kaligtasan niya." Nakahinga siya ng maluwag maisip na hindi na isang inosente at mahinang Sayuri ang kasama niya ngayon kundi ang Sayuri na isinilang muli at handa ng maghiganti sa mga nang-aapi rito sa nakaraang buhay.
Ngunit sa pagkakangayon, kailangan pa rin ni Sayuri ng katuwang dahil nasa pitong taong gulang pa rin ang kanyang katawan at hindi pa sapat ang kanyang lakas para labanan ang mga kalaban at harapin ang mga panganib na nakaabang sa kanila.
"Kaya kailangan ang tulong ko para alalayan at tulungan siya." Sambit niya habang nakatingin kay Sayuri. Mas lalo ding ma-excite maisip na masasaksihan niya ang buhay ang paghihiganti ng isang reborn lady.
Makalipas ang ilang oras, tumila na rin ang ulan. Nagsilabasan na sila sa kanilang mga tent. Nagulat pa ang mag-asawa makita ang dalawang estranghero na lumabas mula sa tent ni Casmin.
"Mga kawal ko sila, kaya huwag kayong mag-alala." Paliwanag ni Casmin sa mag-asawa.
"Ang susunod nating gagawin ay ang manghuli ng Drakabe. Magagamit natin ang mga kaliskis nito para gawing kampilan." Sabi ni Sayuri.
"Pero anak, mapanganib ang halimaw na iyon." Nag-alalang sambit ng ina.
"Wag kayong mag-alala ina, kaya na namin iyon ni Casmin. Hindi ba?" Sabay akbay kay Casmin.
Sumulat naman si Casmin sa writing board niya at pinakita sa mag-asawa.
"Kailangan din naming magsanay. Wag kayong mag-alala, wala pong mangyayaring masama sa amin."
Nagkatinginan naman sina Parmon at Effel. Nagdadalawang-isip kung ibabalita ba sa Emperador ang plano ng dalawang bata o hindi.
Hanggang sa mapagpasyahan nilang mag-obserba na lamang muna.
Ngunit nang makita kung gaano ka kalaki ang Drakabe at hindi lang pala iisa kundi marami, agad nilang ipinaalam sa Emperador ang ginagawa nina Sayuri at Casmin.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top