Casmin 26: Bagong ampon

Nang dumating si Zandro sa tahanan ng mahistrado, nasaksihan niyang kinakaladkad ang mahistrado ng mga kawal.

"Anong nangyari?" Tanong niya sa mga nanonood.

"Dumating na ang kanyang karma. May nakakuha ng mga ebidensya laban sa kanya. Mula sa pagnanakaw ng pondo, at pang-aapi ng mga mahihina, pang-aabuso sa kanyang tungkulin at pagtanggap ng mga suhol maging ang pananakit sa Royal family, kaya ayan, hinuli sila ng mga kawal. Makukulong siya at ang kanyang anak na lalaki. Habang ang kanyang buong angkan ay magiging alipin maliban nalang sa piling kalahi niya na sinasabing walang kinalaman sa krimen ng pamilya." Salaysay ng lalaki.

Hindi naman makapaniwala si Zandro sa narinig. Ang alam niya, kapag may nagkasala sa iisang pamilya, napaparusahan ang buong kadugo nito. Ito palang ang unang pagkakataon na may naiwang pamilya ng kriminal na hindi nakasama sa parusa kahit na kadugo sila ng kriminal.

Kung nagulat siya mas nangingibabaw ang tuwa. Hindi lang kasi ang pamilya ni Lorkan ang naparusahan kundi pati ang iba pang mga opisyal sa bayang ito, kasama na roon ang pamilya sa apat pang mga kasamahan ni Lorkan.

"Tinulungan kami ng kalangitan. Inaakala kong katapusan ko na ay naging katapusan pala ng kanilang pamilya." Masaya siyang bumalik sa kanilang tahanan para ibalita sa mga anak ang nangyari.

***

Ilang araw ng naghihintay sa kanyang silid si Jina. Kapag nagtatampo siya sa ama, pupunta ito sa kanyang silid upang suyuin siya ngunit lumipas nalang ang ilang araw, hindi pa rin nakikita ni anino ng kanyang ama. Hindi na siya nakatiis at siya na mismo ang nagtungo sa opisina nito.

Papasok na sana siya sa loob ngunit humarang si Xunbe.

"Hindi kayo maaaring pumasok kamahalan."

"Bakit hindi? Buksan mo ang pinto. Inuutusan kita." Matigas na utos ni Jina.

Kumunot ang noo ni Xunbe. Iniutos sa kanila ng Emperador na walang kahit sino ang papasukin kahit si Jina pa dahil natutulog na naman sa kandungan nito si Siori. Kapag nakita iyon ni Jina, tiyak na magwawala na naman.

Tinulak ni Jina si Xunbe at inutusan si Jona na buksan ang pinto.

"Bapa!" Tawag ng bata kay Raiji.

Kumunot ang noo ni Raiji at naramdaman ang pagalaw ni Siori na halatang nagising sa ingay.

Napangiti si Jina makuha ang atensyon ni Raiji. Tumakbo ito para magpabuhat gaya ng ginagawa niya dati ngunit bumangga siya sa di nakikitang harang na ikinaupo niya.

"Mukhang naging maluwag ako sayo. Hindi ba't sinabi ko sa inyong hindi ako maaaring madisturbo?" Naramdaman niyang bumaba si Casmin at naglakad palayo.

Inaakala niyang lalapitan nito si Jina ngunit bigla na lamang naglaho ang kanyang presensya. Tiningnan niya ang magic compass at natuklasang papalayo na ito ng papalayo sa palasyo.

Kapag umaalis si Siori, magbabalik ito dala ang mga ebidensya ng mga Emeriang palihim na gumagawa ng kasamaan gamit ang pangalan ng Emperador. Maging ang mga aristokratang may binabalak ng masama sa kanya. Ang mga pinoproblema nilang mga Emeriang hindi nila mahuli-huli dahil kulang sila ng matibay na ebidensya para hulihin sila, ay nahuhuli na nila ngayon gamit ang mga ebidensiyang dinadala ni Siori sa kanila.

May invisibility ito na nagagamit lalo na sa pag-iimbistiga. Kahit sundan nito ang kahit sino, hindi nila namamalayan. Kaya napakadali para sa kanya ang magnakaw ng mga sekretong dokumento at ang i-rekord ang kilos ng mga hinahabol nilang tao.

Kaya iniisip ni Raiji na babalik ding muli si Siori na hindi na pala mangyayaring muli.

"Xunbe, ibalik mo siya sa kanyang silid." Utos ni Raiji kay Xunbe. "Ang sinumang magpapalabas sa kanyang muli nang wala ang ang aking pahintulot ay mapaparusahan." Sabay tingin kay Jona.

Hinahayaan niya dati si Jona kahit alam niyang madalas umaasta itong parang mistress sa palasyo kapag wala siya dahil iniisip niyang may utang na loob siya rito sa pagligtas niya kay Jina.

Iniisip din niyang dahil babae si Jina kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang kapangyarihan nito. Ngunit nang makilala niya si Siori, napagtanto niyang hindi dahil babae ito kundi posibleng mahina ang kapangyarihan nito o sadyang wala lang talagang kapangyarihan.

"Bapa, bakit mo ginagawa sa akin ito? Bapa!" Sigaw ni Jina na nagpupumiglas sa mga bisig ni Xunbe.

***

Bumalik naman si Casmin sa tahanan nina Zandro.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Tanong ni Zandro sa kanya.

Sumulat si Casmin sa maliit na writing board na hawak at ipinakita sa kanila.

"Kailangan ko ng mapagkilanlan sa lugar na ito. At ang pagiging anak niyo ang pinakamagandang paraan." Binili niya ang writing board na ito sa system store. Pinili na lamang niyang huwag ibuka ang bibig lalo na kapag may letrang r sa mga salitang bibigkasin niya.

Pinagpawisan naman ng wala sa oras si Zandro sa nabasa. Ang isa pang prinsesa ng Emeria ay nandirito sa kanyang pamamahay at gustong magpaampon sa kanya. Ikinagagalak ito ng isang kawal lamang na katulad niya ngunit mas matindi ang pressure na mararamdaman niya kapag dalawang mula sa Royal family na ang nasa poder nila.

"Pumayag ka na Papa. Hayaan mong dito na mananatili si Siori." Pakiusap naman ni Zeyniu.

"Oo nga Papa. Gusto ko ring makasama ang kapatid ko." Pakiusap din ni Sayuri.

"Hindi naman sa ayaw ko. Pero maliit lang ang bahay natin para i-accommodate ang isang maharlikang katulad niya." Sagot naman ni Zandro.

"Walang problema iyon." Iyon ang mababasa sa isinulat ni Camsin. Naglabas din siya ng ilang bundle ng papel na pera at gintong barya.

Hiningi niya ito mula sa Emperador at binigyan naman siya ng ilang kahon ng perang papel at ilang kahon ng Emerian gold coins.

Namilog ang mga mata nina Zandro at Seowa makita ang malaking halaga lalo na makita ang Royal seal sa mga pera.

Sumulat muli si Siori at ipinakita sa kanila. "Gamitin niyo ito para makabili ng bagong bahay at ang matitira ay para sa ipapatayo naming auction house ni Sayuri." Basa nila sa isinulat niya.

Gamit ang mga natutunan na desguise sa kanyang nakaraang buhay, pinuntahan ni Sayuri ang mga taong makakatulong sa pinaplano nilang auction house ni Siori.

Nag-hire sila ng mga mapagkakatiwalaang mga Emerian at bumili rin ng mga pwesto sa ilang bahagi ng Emeria.

"Handa na ang auction house na gagamitin natin, ano ang susunod nating gagawin?" Tanong ni Sayuri.

Inilabas ni Casmin ang seashells na nakuha niya sa baybayin ng Aleria at ang mga halamang alam niyang may malalaking halaga.

"Woah, may perlas ka? At mga magic shells." Tiningnan ni Sayuri ang perlas maging ang mga kabibeng inilabas ni Casmin.

Noong nakaraang buhay niya, minsan silang nagtungo sa baybayin ng Aleria para makakuha ng mga kabibeng ito at para makakuha ng perlas. Ngunit nakasagupa sila ng mga halimaw na pumatay sa kanyang mga kasamahan.

Ang mga bagay na buwis buhay bago makuha, ay nasa mga kamay na ngayon ni Siori.

Alam niyang napadpad noon sa baybayin ng Aleria si Siori hanggang sa mapunta sa gubat malapit dito at nakasalubong ang grupo ng Emperador na dahilan upang dalhin siya sa palasyo. Ngunit ang Siori na kaharap niya ngayon ay nakakuha ng maraming kabibe at mga halamang pinag-aagawan nila dati.

Kaya buo na ang desisyon ni Sayuri na katulad niya isa ring reborn si Siori. Hindi maiwasan ang pagtulo ng kanyang luha matuklasang katulad niya, nabuhay ring muli ang kanyang kapatid na nakalaban niya dati.

"Uy, Sayuri. Bakit ka umiyak diyan?" Ito ang gustong itanong ni Casmin ngunit pinili na lamang itikom ang bibig at niyakap na lamang ang cute na batang lumuluha sa tapat niya.

"Salamat at buhay ka. Salamat at nabuhay kang muli, Siori." Sambit ni Sayuri habang patuloy sa pagtulo ng kanyang mga luha.

In her previous life namatay sina Zandro, Zeyniu at Seowa. Kasunod ang mga maid at mga kawal na nagligtas at tumulong sa kanya. Maging ang panganay na prinsipeng nag-iisang kapatid na tumanggap sa kanya, kasunod nito ang kanyang amang Emperador, at ang ang kakambal niyang si Siori. Bago niya makilala ang tunay na ina, namatay na rin siya.

Sa buhay na ito, nangako siyang protektahan ang lahat ng mga taong mahahalaga sa kanya. Isa na rito si Siori na pinangakuan niya noon.

Nabahala na rin ang mag-asawa makitang lalong humagulhol si Sayuri nang yakapin ni Siori. Ganito din ang reaksyon nito noong biglang magising matapos ng ilang araw na nilagnat. Bigla ring nagbago ang ugali nito pagkatapos nitong umiyak ng malakas nang makita sila. Iniisip nilang epekto iyon matapos lagnatin. Ngunit ngayon, humagulhol na naman ito na tila ba dumaan sa isang matinding kalungkutan.

"Tahan na. Nandito na ako. Hindi kita pababayaan." Pagpapatahan ni Casmin. Lalo namang umiiyak si Sayuri.

After a while...

"Pfft!"

Lalong tumalim ang tingin ni Sayuri sa dalawang mga batang nagpipigil ng tawa kapag napapatingin sa kanya.

"Wag niyo akong pagtawanan." Pinandilatan ng tingin ang dalawa ngunit mas lalo lamang tumawa ang mga ito.

"Hahaha, tingnan mo Zeyniu, mas lalong lumiit ang mata niya kapag sinasamaan tayo ng tingin." Sambit ni Casmin sabay tawa ng malakas.

"Sinabi mo pa. Hindi ko tuloy alam kung mukha ba siyang panda o mukhang hamster." Sabay tawa rin ni Zeyniu.

Lalo namang dumilim ang mukha ni Sayuri. Hindi niya inaasahan na magkakasundo agad sina Zeyniu at Siori para asarin siya. Ang bilis ding makuha ni Siori ang loob nina Zanro at Seowa. Hindi niya lubos maisip na magiging kabilang agad si Siori sa pamilyang kinalakihan niya.

"Tama na nga iyang pang-aasar niyo. Naghanda na ko ng makakain kaya halina kayo nang makakain na tayo." Sabi ni Seowa.

"Kakain na daw." Sabay hila ni Siori kay Zeyniu at nauna pang naupo.

"Bakit pakiramdam ko ako yata ang naging bagong ampon dito?" Angal ni Sayuri saka umupo sa tabi ni Siori.

"Masanay ka na sa akin. Makapal ang face ko kaya wag ka ng magtaka." Sagot ni Casmin. "Wow! Ikaw ba nagluto niyan Mama? Gusto ko yan." Sabay kuha ng pagkaing hindi niya alam kung ano.

"Dahan-dahan lang, baka mapaso ka." Nakangiting sambit ni Seowa. Noong una naiilang sila kay Siori ngunit hindi naglaon napalapit na rin sila rito. Iyon ay dahil magkaugaling-magkaugali sila ni Sayuri at magkamukha pa.

Madali ring mapagpalagayan ng loob at kahit alam nitong isa itong prinsesa, nakikisama ito sa kanila at hindi pinansin ang pagkakaiba ng estado nila sa buhay.

"Akin to."

"Wag ko iyang agawin. Akin na yan e." Reklamo ni Zeyniu makitang isinubo ni Casmina ng huling hiwa ng paborito niyang ulam.

"Mama, magsisi na ba ako bakit natin inampon si Casmin?" Tanong ni Zeyniu na nakasimangot.

"Hayaan mo na. Ngayon lang nakakain ng ganito si Casmin kaya pagbigyan mo na siya."

"Kita mo na. Pagbigyan mo na daw ako. Mamaya uubusin ko na naman ang paborito mo." Pananakot ni Casmin.

"Sayuri o." Sumbong niya kay Sayuri.

"Ikaw kuya dapat pagbigyan mo ang bunso natin." Nakangiting sagot ni Sayuri.

Lalo namang bumagsak ang balikat ni Zeyniu at tinawanan lang siya ng ama at ina.

"O ito na. Baka iiyak ka pa diyan." Nilagyan ni Casmin ng pagkain ang plato ni Zeyniu sabay tapik sa ulo nito.

Napatingin naman si Zeyniu sa nakangiting mukha ni Casmin. Nag-iwas agad siya ng tingin at napagawi ang tingin niya kay Sayuri na kamukha ng iniwasan niya. Lalo na lamang namula ang mukha niya.

Lalo siyang nahiya marinig ang tukso ni Casmin.

"Ayiieeh. Nahihiya siya."

"Hindi a. Asa." Sagot ni Zeyniu at nagmamadali ng kumain.

***

Sa palasyo naman, naiirita na si Raiji. Inutusan niya ang kanyang mga kawal na hanapin si Siori at ang pamilyang nilapitan nito sa may border area. Ngunit natuklasan niyang wala na roon ang nasabing pamilya.

"Kamahalan, may bagong bukas na auction house sa bayan ng Lira. At ang nakakagulat dahil dalawang perlas ang kasama sa mga items na i-auction nila." Pagbabalita ni Xunbe.

Napatayo si Raiji sa narinig. Ang perlas na muntik ng kumitil sa kanilang buhay para lang makakuha nito, ay nasa auction house na. Maging ang makapangyarihang mga halamang dagat ay kasama sa mga items nila.

"Ano ang pangalan ng auction house na ito?" Tanong ni Raiji.

"Sayuri Auction House." Sagot ni Xunbe.

"Imbistigahan niyo kung sino ang may-ari ng auction house na ito at kung ano ang kanyang koneksyon kay Serena." Utos niya.

Ilang linggo ng hindi nagpapakita si Siori at sunod-sunod na rin ang mga nangyayaring pagbabago sa capital City maging sa mga karatig bayan.

Tiningnan niya ang direksyon ng compass. Isang dungeon ang tinuturong direksyon ng kumpas na ito kung nasaan si Siori.

"Bakit siya pumunta roon? Paano kung mapahamak siya?" Agad niyang tinawag sina Parmon at Effel.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top