Casmin 25: Sayuri's family

Hindi naman mawala-wala sa isip ng dalawang bata ang nangyari kina Lorkan at sa grupo nito. Kung iniisip ni Zeyniu na may multong tumulong sa kanila, iniisip naman ni Sayuri na may anghel na bumaba sa langit upang tulungan sila.

"Ama, tinulungan nga kami ng multo." Sabi ng 12 years old na si Zeyniu.

"Hindi nga iyon multo. Isa iyong Gibeon. Tinulungan tayo ng Gibeon." Sagot naman ni Sayuri.

"Bakit mo nasabi na isa iyong Gibeon?" Tanong pabalik ni Zeyniu.

"Kasi humiling ako sa Bathala na sana magpadala siya ng Gibeon at may tumulong nga sa atin. Kung hindi Gibeon e ano?" Nakayukong sagot ni Sayuri habang pinagbabangga ang dalawang hintuturo. Isa sa mga habit na ginagawa niya kapag hindi siya sigurado sa isang bagay o ba kaya kapag nagi-guilty siya sa tuwing may nagagawa siyang kasalanan.

Napahawak naman sa ulo si Zandro marinig ang kwento ng dalawang bata sa kanya. Kinuha niya ang kanyang sumbrero at lalabas na sana nang makasalubong niya ang kanyang asawa na galing sa paglalaba.

"Saan ka pupunta? Kararating mo lang a." Binigyan nito ng nag-aalalang tingin ang asawa.

"May nangyaring hindi maganda sa anak ng magistrate, kaya kailangan kong umalis." Kailangan na naman niyang magpakumbaba at humingi ng tawad kung gusto niyang hindi maparusahan ang kanyang mga anak sa nangyari.

Sa lugar na ito, kung sino ang mahihirap at mahihina, lalo na kung walang katungkulan sa pamahalaan, ang siyang magpakumbaba at magmamakaawa kahit na sila ang pinapahirapan at inaapi.

Alam ni Zandro na palaging binubugbog ang kanyang anak na lalaki ng anak ng magistrate na ito at siya na nagtatrabaho bilang kawal sa gate ng syudad na nasa pamamahala ng mahistrado ang palaging sinisisi kung bakit umuuwing may dugo sa sapatos o damit ni Lorkan o ba kaya kapag naaalikabukan ang sapatos nito.

Pinapaluhod ng magistrate si Zandro ng ilang oras o ba kaya utusan ng mga bagay na hindi naaangkop sa trabaho ng isang kawal sa bawat panahong nagrereklamo si Lorkan sa ama. At ngayon, umuwing bugbog sarado si Lorkan, ibig sabihin, hindi rin magiging maganda ang kahihinatnan nila at ng kanyang pamilya.

"Kung hindi ako makakabalik sa loob ng apat na oras, umalis na kayo sa lugar na ito. Ilayo mo ang mga bata." Sabi niya sa asawa.

Alam niyang wala na silang iba pang mapupuntahan bukod sa lugar na ito. Kaya tiniis niya ang lahat kahit nahihirapan na siya at ang kanyang pamilya. Hindi siya maaaring umuwi sa kanyang mga magulang dahil alam niyang may mga espiyang inilagay ang Holy Church sa dati niyang pamilya.

Ayaw rin niyang tumira malapit sa Emerian Capital City dahil natitiyak niyang mararamdaman ng Emperador ang kanyang presensya dahil sa soul tracking spell na nakalagay sa kanya noong isa pa siyang Royal knight.

Ang sinumang may soul tracking spell ng kanilang contractor, hangga't mapapalapit sila sa contractor, mararamdaman nito ang kanilang presensya. Ayos lang iyon sa mga Royal knights ngunit hindi sa tulad niyang wanted na kawal. Isa siya sa mga kawal na pinapahanap ng Emperador kaya napilitan siyang baguhin ang identity at anyo. Kailangan din niyang itago si Sayuri dahil iyon ang ninanais ng dating Emperatris.

Mabibigat ang mga paa ni Zandro na lumabas ng kanilang munting tahanan. Naluluha namang nag-empake si Seowa.

Lalo namang na-guilty ang dalawang bata.

"Kung sanay nagpabugbog nalang ako. Hindi sana hahantong sa ganito ang lahat." Nakayukong sambit ni Zeyniu.

"Kasalanan ko ang lahat. Kundi ako nagpupumilit sumama sa'yo hindi ka sana mapipilitang lumaban." Naluluha namang sagot ni Sayuri.

"Kasalanan niyo talaga ang lahat. Bakit kasi pinili niyong magpaapi gayong may iba namang palaan (paraan). I mean, may ibang way?" Sagot ng boses bata na ikinagulat nilang tatlo at napatingin sa maliit na sofa.

Nakita nila ang isang batang kahawig ni Sayuri kapag hindi naka-desguise. Magkaiba lang sila ng kulay ng buhok. Kung silver kay Sayuri, blonde naman ang sa batang ito. Kung hindi sila nasanay sa ganda ni Sayuri baka kanina pa sila nakatulala.

"Ikaw yon. Ang kaboses ng tumulong sa amin." Biglang sabi ni Sayuri sabay turo sa nakangusong batang may ginintuang buhok. Nakanguso si Casmin dahil nabubulol pa rin sa letrang R.

Namilog naman ang mga mata ni Seowa. Kahit hindi magpakilala ang batang kaharap, alam niyang isa itong prinsesa.

"Sayuri, kilala mo ang batang iyan?" Tanong ni Seowa.

"Mama, kaboses niya po ang batang tumulong sa amin." Sagot ni Sayuri.

Sa pagkakaalam niya, ang prinsesa sa palasyo ay maputlang silver hair at red na mga mata. Ngunit ang batang kaharap ay may kulay blue na mga matang katulad sa Emperador maging ang tingin nito na tila nang-aakit at ngiti nitong kaparehong-kapareho sa kilalang killer smile ng Emperador.

Literal na killer smile dahil nakakaakit man ang ngiti ng Emperador ngunit kapag ngingiti ito ibig sabihin may papasan sa galit nito. Magkakapareho man ang ngiti nila sa batang ito, ang pinagkaiba nilang dalawa ay walang halong killing intent ang ngiti ng bata, hindi katulad sa Emperador. Golden blonde naman ang buhok ng bata na katulad sa buhok ng dating Emperatris.

"Sino ka?" Halos pabulong na tanong ni Seowa.

Tumayo naman si Casmin.

"Ako nga pala si Sio-li." Napakagat si Casmin sa kanyang dila. Pa-cool nga sana siyang magpakilala sa heroine ngunit nasira ang pa-cool style niya kung bulol nga pala siya sa letrang R. "Casmin na nga lang. Tawagin niyo na lamang po akong Casmin." Pagbawi niya.

"Nandito ako dahil alam kong pinoproblema niyo ang posibleng gagawin ng pamilya ng mahistrado sa inyo. Wag kayong mag-alala. Hindi na nila kayo masasaktan pang muli." Paliwanag niya.

"Talaga." Masiglang sagot ni Sayuri at tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Casmin sabay hawak sa kamay nito.

"Oemgee. Omaygad! Ang cute ng batang ito. Pigilan niyo po ako Lord gusto kong kurutin ang pisngi niya." Hindi niya alam na parang natatae na naiihi ang mukha niya habang kinikilig makita ang mukha ng batang kaharap.

Napasinghap naman sina Zeyniu at Seowa makitang naglaho ang face changing spell na ginamit kay Sayuri para mabago ang mukha nito nang mahawakan niya ang mga kamay ni Casmin.

Dito napansin ni Zeyniu ang pagkakahawig ng dalawa. Mas malaman lang ang katawan ni Sayuri kumpara sa mas maliit na si Siori ngunit magkahawig sila maliban sa kulay at hugis ng mga mata.

Kung si Siori ay may foxy look and smiling eyes, si Sayuri naman ay may innocent like pleading look. Kung may killer smile si Siori, mayroon namang nakakapagpakalmang ngiti si Sayuri as if telling others that everything is okay kahit hindi naman okey.

"Mama, magkamukhang-magkamukha sila." Sambit ni Zeyniu.

Ma-realize na posibleng nandito si Siori para kunin si Sayuri agad nitong hinila palayo ang bata kay Siori.

"Sinong nagpadala sayo rito?" Tanong ni Seowa habang itinatago si Sayuri sa kanyang likuran. Nagulat naman si Sayuri nang biglang hilahin ng ina. Natutuwa na sana siya na may iba pang batang kakaiba bukod sa kanya.

Dati, pumapayag siyang ibahin ang kulay ng kanyang buhok dahil sa inaakala niyang naiiba ang kulay ng kanyang buhok sa iba. Ngunit hindi naglaon nalaman din niya ang dahilan.

Agad niyang nilapitan si Casmin dahil hindi niya inaasahan na makakatagpo niya ng mas maaga ang batang ito, kumpara sa dating buhay niya. Oo, dating buhay, dahil hindi ito ang unang buhay na meron siya.

Sa kanyang unang buhay, maagang naging alay ang batang ito bago niya nalamang may kakambal siya. At sa unang buhay din, natuklasan niyang may isang Gibeon na tutulong sa mga nangangailangan, ang mahalaga, taos-puso ang paghiling sa kanila.

Kaya lang, nang humiling siya ngayon hindi isang Gibeon ang dumating kundi ang kanyang kakambal na dapat ay nasa palasyo ngayon at siyang nakikibaka sa huwad na prinsesa.

"Mukhang napaaga yata ang pagdating ng batang ito. Hindi ba dapat nasa Aleria pa siya kasama ang Emperador?" Nagtatakang tanong ni Sayuri.

Sa kabila ng pagiging mukhang harmless niya, hindi na siya ang dating inosenteng batang Sayuri. Alam niyang haharangan sila ng grupo ni Lorkan. Inihanda na niya ang kanyang sarili para sa paghihiganting gagawin.

Gagamitin niya ang kanyang Holy power para gantihan ang limang bully at para mapansin ng Emperador. Batid niyang nasa paligid lamang ang mga tauhan ng Emperador at natitiyak niyang mas mauuna silang dumating kaysa sa mga Holy knight na nasa ibang kaharian nakatira.

Kapag mas maaga siyang matagpuan ng Emperador mas mapapadali ang paghihiganti niya sa huwad na prinsesa at mapipigilan niya ang pag-aalay sa kanyang kakambal. Hindi na rin niya kailangan pang magtago sa mga Holy knights dahil nasa palasyo na siya. Mas mainam na sa palasyo siya manatili kaysa maging isang source ng Holy energy ng simbahan.

Naikuyom niya ang kamao maalala ang nakaraan. Nakikita niya ang mga batang may holy energy noon na inilalagay sa altar at ginawang holy energy source ng simbahan. Kinukuha ang mga holy power ng mga bata at nililipat iyon sa mga kawal o sa mga namamahala sa simbahan at sinasabing ang Holy energy o holy power, ay nararapat ibahagi sa iba dahil bigay ito ng panginoon.

Hindi iniisip ang sakit ng batang tinatanggalan ng kapangyarihan, at kung ano ang mangyayari sa buhay nito pagkatapos maubusan ng Holy power. They act as if they're righteous being where in fact they are worst than monsters. Ginamit lang nila ang Holy Church para matakpan ang kanilang masasamang gawain.

Para kay Sayuri, ang Holy Church ay hindi holy Church kundi isang Devil cult pretending to be holy. And here she's back, to get her revenge to that church. At kailangan niya ng malakas na backer. At ang naisip niyang makakatulong sa kanyang plano ay ang Emperador.

Hindi siya mahal ng Emperador, ngunit noong oras na para gawin siyang alay, pinili nitong ialay ang huwad na prinsesa kahit pinapakita nitong mas mahal niya ang huwad na prinsesa. Iyon ay dahil hindi pa rin niya kayang ialay ang nag-iisang batang babaeng kadugo niya.

Dahil doon, kahit galit siya sa tunay na ama, naisip niyang may kaunting puwang din siya sa puso nito. Lalo na noong ialay nito ang buhay para sa kaligtasan niya. In her past life, nagsisi ang Emperador sa ginawa nito kay Siori at huli na rin nang malamang tunay na anak niya pala ang unang naging alay.

Kung mapipigilan niya ang pagiging alay ni Siori, mapipigilan din ang nakaambang panganib sa Emperyo ng Emeria. Hindi matutuloy ang paghihiganti ni Siori at ang paghahangad nitong sirain ang buong Emeria.

"Hindi kaya, reborn din siya katulad ko?" Tanong niya sa isip habang nakatingin kay Casmin.

"Walang nag-utos sa akin na magpunta dito. Hindi na mahalaga kung sino ang nagpadala sa akin. Ang mahalaga, natitiyak ko ang kaligtasan niyo." Sagot ni Casmin.

Bahagya namang nakahinga ng maluwag si Seowa mapansing walang balak ng masama sa kanila si Casmin.

"There's no doubt, she's reborn like me. Bakit niya kami nahanap kung hindi siya reborn tulad ko?" Napatitig siya kay Siori. Kahit nagiging masama si Siori sa past life, she never intended to hurt her. Sinasabi nitong galit ito sa kanya ngunit sa huli, hindi pa rin niya nagawang patayin si Sayuri. Kaya naisip ni Sayuri na kahit kumampi sa kasamaan si Siori, may kabutihan pa ring natitira sa puso nito.

"In my next life, I hope we can be a good sisters and not enemy. If only there's another chance to change our fate." Sambit ni Siori noon bago malagutan ng hininga. Ang kataga ding ito ang dahilan kung bakit mas gusto ni Casmin na mabago ang nakatadhana kay Siori.

"If there's a next life, I also hope I can prevent your bad fate and change your destined fate. I want to be your good sister who will protect you and will not allow others to hurt you again." Ang naluluhang sambit noon ni Sayuri bago tuluyang magiging particles ang nalulusaw na katawan ni Siori.

Maalala ang nakaraan, mas nagiging buo ang desisyon ni Sayuri na tumira sa palasyo bilang kapalit ni Siori.

Kukunin niya ang loob ng Emperador at gagamitin ang pagiging anak niya ng dating Emperatris para magkaroon ng koneksyon sa mga makapangyarihang taong makakatulong sa kanyang mga plano.

Nakaplano na ang lahat nang matuklasan niyang isa lang pala siyang bata ngayon at wala pang sapat na kapangyarihan. At anumang oras ay posibleng malalagay sa panganib ang buhay ng kanyang pamilya sa anumang maling desisyon na mapagpasyahan niya. Katulad nalang kanina.

Kampante siyang magtatagumpay ang kanyang planong maghiganti ngunit hindi niya naisip na madadamay nga pala ang kanyang pamilya kapag may nangyaring masama kina Lorkan.

"Kung naisip ko iyon agad e di sanay palihim na ang gagawin kong paghihiganti." Sambit niya pa sa isip.

Kaya naisip niya, sa susunod kapag may paghihigantihan siya, palihim na lamang niya itong gagawin para hindi madadamay ang kanyang pamilya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top