Casmin 24: Saving Sayuri

Maririnig naman ang tunog ng mga nabasag na bagay sa silid ni Jina.

"Bakit di na ako sinalubong ng yakap ni Bapa?" Sabay hawi sa mga bagay na nasa kanyang lamiseta.

"Tama na. Masusugatan ka niyan. Baka pagod lang ang mahal na Emperador." Sagot naman ni Jona.

"Gusto kong pumunta kay ama." Ibinagsak niya ang katawan at sumisipa-sipa sabay iyak ng malakas.

Dumating naman ang ikalawa at ikatlong prinsipe. May dala-dalang mga laruan ang mga ito.

"Kuya Rijun, kuya Rikun." Tawag ni Jina at sinalubong ng yakap si Rijun.

"Kuya, hindi na ako love ni Bapa. Hindi na niya ako love." Sabay iyak nito ng malakas na halos malagutan na ng hininga.

"Wag ka ng malungkot. Mahal ka ng ating ama." Sagot ni Rikun.

"Wag kang mag-alala. Kakausapin namin si Papa." Sagot naman ni Rikun.

Agad na nagtungo ang dalawa sa silid ng Emperador.

Napalunok ng laway si Rikun bago kumatok. Humugot naman ng malalim na hininga si Rijun. Sa totoo lang, natatakot sila sa ama ngunit gagawin nila ang lahat para kay Jina.

Bagong ligo at bihis naman si Casmin. Kumakain na siya ngayon kasama si Raiji nang may kumatok sa pintuan. Binuksan ng lady in waiting ang pintuan at agad namang pumasok ang dalawang prinsipe.

"Ama. Bakit mo pinaiyak si Prinsesa Jina?" Tanong agad ni Rijun nang bigla silang matigilan.

Isang cute na bata ang nakita nilang kasama ng Emperador sa pagkain. Madalas pumupunta sa Royal dining hall ang Emperador kapag kumakain at palagi sila nitong kasama lalong-lalo na si prinsesa Jina. Ngunit ngayon kumain siya sa silid nito at may iba pang kasama.

Kailan man ay hindi pa kumain sa kanyang silid ang kilala nilang Emperador. Ngunit ginawa nito ang mga bagay na hindi niya ginagawa dati. Napatingin sila sa batang tila hindi inalintana ang kanilang presensya.

Ang batang ito ang siyang dahilan kung bakit nawala na ang pagpapahalaga ng Emperador sa kanilang bunsong prinsesa kaya naman, matalim na tingin ang binigay nila rito.

Nakabalot ng tuwalya ang buhok ng bata at patuloy ito sa pagkain.

"Kaya pala umiyak si Jina. Ikaw pala ang nagsimula ng lahat." Sabay lapit ni Rikun kay Casmin. Hihilahin na sana ang tuwalya nang bigla itong lumingon.

Kulay blue ang magagandang pares ng na mga mata. May mahahabang pilikmata, maganda ang tangos ng ilong at may napakagandang mukha. Mukhang kahawig ng dating Emperatris at may mga tinging katulad sa kanilang ama.

Napaatras si Rikun at napalunok ng laway. Bahagyang namula ang pisngi habang nakatitig sa batang kaharap. Maging si Rikun ay natigilan din makita ang mukha ng bata.

"Sino ka? Bakit may mga mata kang katulad kay ama?" Tanong ni Rijun.

"Gumamit ka ng illusion spell ano? Para makuha ang atensyon ng aming ama at paiyakin si Jina. Gumamit ka ng illusion spell para linlangin ang mga mata namin." Sabay turo ni Rijun kay Casmin.

Lumunok si Casmin at mariing tiningnan ang lalaking kaharap. Inisip kung ilang prinsipe nga ba meron sa palasyo ng Emeria.

"Red eyes, silver hair. Kung ganoon siya si Prince Rijun, ang second prince at 13 years old siya ngayon. Isa sa head over heels kay princess Jina." Tumalim ang kanyang tingin makilala kung sino ang kaharap.

Napasulyap siya sa nakatulalang si Rikun.

"Blue eyes blonde hair. Katangian ng eleven years old na third prince ng Emeria. Isa sa kayang gawin ang lahat para sa ikaliligaya ni prinsesa Jina. Ayaw ko rin sa kanya. Isa sila sa palaging nagpapaiyak kay Zeyuni noon." Sambit ni Casmin sa isip at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

"Kakaibang bata. Kalmado pa rin siya kahit binigyan siya ng masasamang tingin ng dalawa. Sabagay, kalmado nga siyang nakalaban ang mga halimaw, ang mga batang ito pa ba?" Napapatango pa siya sa naiisip.

"Teka lang, e bakit noong una ko siyang nakaharap, nauutal siyang magsalita? Ayaw din akong harapin?" Umasim muli ang kanyang mukha.

"Lumabas na kayo." Mariing utos niya sa dalawang prinsipe. Gusto niyang matapos muna sa pagkain si Casmin bago niya kausapin ang dalawa.

"Ngunit ama, umiiyak ngayon si Jina nang dahil sa kanya." Sabay turo ni Rijun kay Casmin.

"Put your fingers down." Cold na sabi ni Raiji na ikinalunok ng laway ng dalawang bata at tinago naman ni Rijun ang mga daliri sa kanyang likuran.

Hinila naman ni Rikun si Rijun palabas ng silid. Nakahinga ng maluwag ang dalawa nang makalabas na.

"Kuya, ang ganda-ganda ng bata. Tao pa ba siya?" Tanong bigla ni Rikun. Nakatanggap naman siya ng pitik sa noo mula sa kanyang kuya.

"Nililinlang lang niya tayo. Imposibleng may mas gaganda pa sa ating bunsong prinsesa. Si Jina ang pinakamagandang bata sa buong Emeria dahil anak siya ni Empress Emeria." Sagot ni Rijun.

"Tama. Namamalikmata lang ako kanina." Tumatangong sang-ayon ni Rikun sa kanyang kuya.

Ilang sandali pa'y lumabas na ang kanilang ama at pinapunta sila sa study room nito.

"That kid, is your biological sister. Kaya maging mabait kayo sa kanya.
" Sabi ni Raiji sa dalawa.

"Papa, paano kayo nakakasiguro? Paano kung nililinlang lang kayo?" Tanong ni Rijun.

"Then, paano niyo nasisiguro na kapatid niyo nga si Jina?"

"Dahil may silver hair siya na tanging mga Emerian Royal family lamang ang may ganoon." Sagot ni Rijun.

"Just treat her well as you treat Jina." Napatingin siya sa dalawang prinsipe. Kahit ayaw nila kay Siori, kampante siyang wala silang laban sa mukhang inosenteng batang katulad ni Siori (Casmin).

Nagplano ang dalawa na gagawin ang lahat, para mapaalis sa palasyo si Casmin. Hinihintay nila kung kaila ito lalabas sa silid ng Emperador ngunit hindi kailanman nangyari.

Imposible talagang mangyari dahil pagkatapos kumain, nagpaalam ito sa Emperador na umalis. Hindi man pumapayag ang Emperador ngunit wala siyang magawa dahil naglaho na agad sa tapat niya ang bata na may kakayahan na rin palang magteleport patungo sa ibang lugar.

Nasa himpapawid naman si Casmin. Hinahanap ang direksyon kung saan nakatira sina Zeyuni at ang pamilyang nagpalaki rito.

Pauwi na sana sina Zeyuni at Zeyniu mula sa pagtitinda ng mga bulaklak sa kalye nang bigla silang harangan ng mga kabataang bully na laging nangtitrip kay Zeyniu.

"Uy Zeyniu. Buhay ka pa pala? At bakit di mo sinabing may kasama ka palang magandang babae?" Nakangising sabi ni Lorkan. Isang anak ng magistrate sa kanilang lugar.

Itinago ni Zeyniu si Zeyunie sa kanyang likuran.

"Kapag makakita ka ng pagkakataon, tumakbo ka. Wag kang lilingon kahit minsan." Sabi ni Zeyniu kay Zeyuni.

Tumigil sa paglipad si Casmin at ibinaba ang kanyang tingin sa masikip na daan. Walang ibang tao sa lugar bukod kina Zeyniu at Zeyuni at ang limang bully na mga kasama ni Lorkan.

"Pamilyar na linya. Katulad sa mga nababasa kong nobela." Sambit ni Casmin. "Ang isasagot ng kasama ay ganito hindi kita iiwan kahit anong mangyari."

"Hindi kita iiwan kahit anong mangyari?"

"Tumpak. Sabi ko na nga ba? Sabagay nasa loob ng nobela nga pala ako." Dagdag niya pa ngunit biglang nanlaki ang mga mata nang may napagtanto. "Ibig sabihin sila ang hinahanap ko. Ang heroine ng mundong ito."

Bumaba siya ng kaunti para makita ang dalawang batang pinaligiran ng limang lalaking mas malaki pa sa kanila.

Black hair with black eyes. Hindi kamukha ng heroine na may silver hair and blue eyes ngunit ang shape ng mukha at ang mga tingin nito ay katulad sa mga tingin na meron ang ina ni Siori. Kapansin-pansin din ang holy energy na nakapaligid sa katawan ng batang babae.

Saka naalala ni Casmin na nagising ang kapangyarihan ni Zeyuni noong nakita niyang nakahandusay ang kanyang kuya na wala ng buhay. Humiling siya sa Bathala na sana magigising ang kanyang kuya Zeyniu habang umaiiyak. At may liwanag na lumitaw mula sa kanyang mga palad at kumalat iyon sa katawan ni Zeyniu.

Masyadong malakas ang liwanag na naging dahilan upang maagaw ang atensyon ng mga tao dahilan upang malaman ng mga nasa Holy church na may isang Saintess sa lugar na ito. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, palagi ng hinahabol ng mga Holy knight at mysterious assassin si Zeyuni. Namatay pa ang kanyang kuya, at ang mag-asawang nagpalaki sa kanya para lamang mailigtas siya at mailayo sa mga humahabol sa kanya.

Nagpagala-gala siya bilang ulilang batang gusgusin, at namalimos lang sa gilid ng kalsada. Tinatago ang tunay na hitsura at mukha, maging ang kakayahan. Hanggang sa matagpuan siya ng Emperador ng Emeria na nagpakilalang ama niya. Dito na nagsisimula ang panibagong yugto ng kanyang buhay dahil hindi madali ang mabuhay na tulad niya sa palasyo kung saan naroroon ang mga taong mas malala pa sa inaasahan niya. Lalo na kung palagi siyang nahuhulog sa mga patibong na inihanda sa kanya ng huwad na prinsesa.

"Hindi pwedeng may makakaalam sa kanyang kapangyarihan at mangyayari lang iyon kapag mapipigilan ko ang posibleng mangyayari sa kanyang Kuya." Napalingon siya kina Zeyniu na ngayon ay abala na sa pakikipaglaban sa grupo ni Lorkan ngunit dahil mas mahina at mas maliit, mabilis din siyang natalo.

"Tumakbo ka na." Sigaw ni Zeyniu kay Zeyuni.

Napapikit naman si Zeyuni na tila may ibinubulong.

"Pakiusap. Tulungan niyo kami. Iligtas niyo kami mahal na bathala. Magpadala ka ng Gibeon na magliligtas sa amin ni Kuya."

Saka naalala ni Casmin na isa nga pala si Zeyuni sa mga batang naniniwala na may Bathala ng katarungan at may Gibeon na isa sa mga anghel ng Bathala. Sa orihinal na kwento, walang Gibeon ang dumating at walang nagligtas sa kanila.

Napakunot naman ang noo ni Casmin dahil narinig niya sa kanyang isip ang boses ni Zeyuni na kanyang ipinagtataka. Ngunit hindi na iyon napagtuonan pa ng pansin dahil kinailangan na niyang tulungan ang dalawa.

"Isa kayo sa mga nagpahirap kina Zeyuni kaya magbabayad kayo." Sambit ni Casmin.

Tatadyakan na sana ni Lorkan si Zeyniu nang may tumama sa kanyang likuran na ikinabagsak niya sa lupa at napakain ng alikabok. Hindi lang siya, maging ang kanyang mga kasama ay bumagsak rin sa lupa at namimilipit ngayon sa sakit.

Pinagpagan ni Casmin ang mga kamay matapos bugbugin ang grupo ni Lorkan. Bago hinarap ang dalawang batang nakatulala at namimilog ang mga mata.

"Hi!" Bati niya sa dalawa.

"Multo!" Sigaw ni Zeyniu at hinila na si Zeyuni patakbo na halos madapa pa sila sa pagmamadali.

Napakamot ng ulo si Casmin maalalang naka-invisible nga pala siya.

Tiningnan niya ang limang lalaki na halos hindi na makatayo.

"Sa oras na mang-aapi muli kayo ng mga taong wala namang kasalanan sa inyo, ibibitin ko kayo sa itaas ng pader na patiwarik at nakahubad. Para pagtinginan kayo ng mga tao." Banta niya sa mga ito bago umalis.

"Kasalanan ito ni Zeyniu. Kundi dahil sa kanya, hindi tayo mabubugbog." Sabi ni Lorkan at napaungol sa sakit nang pilitin niyang tumayo. Hindi na ron mahitsura ang namamaga niyang mukha sa dami ng mga bukol at pasa.

"Makakaganti rin tayo." Sambit naman ng isa pa. Hindi inaasahan na wala na silang panahon pang maghiganti nang makauwi sila sa kanilang mga tahanan.

Sa palasyo naman, bumukas ang bintana sa study room ni Raiji.

"Your back." Sabi ni Raiji at napatingin sa nakabukas na bintana. Noong una ay hindi niya maramdaman ang presensya ni Siori (Casmin) kapag naka-invisible ito ngunit ngayon ay malalaman na niya kung nasa malapit lang ito sa kanya. Base sa hangin sa paligid at sa kakaibang pakiramdam niya sa bawat panahong nasa malapit lang ang bata.

Sa totoo lang, hindi presensya ni Siori ang nararamdaman niya kundi ang presensya ni Casmin kapag lumalapit siya sa mga Sumerian na gusto niyang tulungan o pahirapan.

Lumitaw naman si Casmin na nakatingala na ngayon sa kanya. May hawak itong mga papel at ilang video recorder magic stone.

Inilapag nito ang mga hawak sa mesa at umakyat sa kandungan niya, humikab at pumikit. Naglaho agad ito sa kanyang paningin ngunit nararamdaman pa rin niya ang katawan ng bata na nakaupo sa kanyang kandungan. Narinig na lamang niya ang banayad na paghinga nito.

"Hey! Ang lakas ng loob mong umupo diyan?" Cold niyang sambit ngunit hindi tinulak ang bata.

"Wag maingay. Matutulog si Siori." Sabi ng inaantok na buhay.

"So uuwi ka rin naman pala kapag matutulog." Hindi napansin na napangiti na pala siya. Hindi niya inaasahan na babalik pa si Siori kaya nang mawala ito buong araw ay halos hindi siya mapakali. Ilang ulit din niyang tinanggihan ang pagdalaw sa kanya ni prinsesa Jina na lalong ikinalungkot ng bata.

Dahan-dahan niyang hinimas ang niya ang malambot na buhok ni Siori. "Hindi ka nga ilusyon. Nagbalik ka nga."

Nahagip ng kanyang paningin ang mga papel at ang mga video recorder magic stone. Tiningnan niya ang nilalaman ng video at lalong dumilim ang kanyang paningin habang pinapanood ang mga kaganapan sa video.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top