Casmin 21: Secret revealed
Nanghihina na sina Ahro at ang iba pa. Ang tanging nasa isip nila ay ito na ang kanilang katapusan.
Kahit si Raiji ay di nakatakas sa malakas na pwersang kumukuha sa kanyang kapangyarihan at lakas. Balak niyang iligtas si Xunbe ngunit hindi niya inaasahang hindi rin niya kakayanin ang awrang inilabas ng mawntino.
Hinawakan niya si Xunbe at mag-teleport na sana paalis nang bigla na lamang umungol ng malakas ang higanteng halimaw.
Dahan-dahan ding humina ang awra nito hanggang sa tuluyang naglaho. Napaluhod ang mawntino at bumagsak ang katawan na lumikha ng malakas na hangin at usok sa paligid. Nadaganan nito ang ilang mga halimaw na nanghihina rin nang tamaan ng awra nito kanina.
Tatlo naman sa mga kawal ang hindi nakaligtas at nadaganan din ng isa sa mga malalaking galamay nito.
Unti-unting naglaho ang mga usok sa paligid at muli na ring luminaw ang paligid. Mula sa malabundok na likuran ng mawntino, nakatayo ang isang maliit na bata na may hawak na bulaklak. Nababalot ang bulaklak ng enerhiyang katulad sa awrang inilalabas ng mawntino.
Ipinasok ni Casmin ang mawntino flower sa kanyang storage space bago naglakad sa likuran ng halimaw.
"Who's that?" Tanong ni Arkile.
"Ligtas ako. Buhay pa rin ako." Natatawa na naiiyak na sambit ni Ahro.
"Hindi ko akalaing mabubuhay pa ako." Sambit naman ni Kaisen na nakahiga ngayon sa lupa. Nag-iipon pa siya ng lakas para makatayong muli.
Nabitiwan naman ni Raiji si Xunbe makita ang batang nakalutang ngayon sa hangin at dahan-dahang lumapag sa lupa.
All of them thought na may isang anghel na bumaba mula sa lupa dahil sa tila pakpak na puting awra sa likuran nito at sa kulay gintong buhok at kulay blue na mga mata. Kundi sa punit-punit na damit na kapareho sa suot ng batang nakasama nila ay aakalain nilang ibang tao ito na kahawig lamang ng batang Siori.
Agad tinulungan ni Casmin ang tatlong mga kawal na nadaganan nito at pasimpleng ginamot gamit ang kanyang healing magic.
Nakaawang naman ang bibig ng iba makitang hindi man lang nahirapan si Casmin sa pag-alis sa mga galamay ng halimaw na nakadagan sa tatlong mga kawal. Na tila ba nag-aalis lang ng dahon sa paligid. At nagtataka kung bakit maliban sa mga napunit na mga kasuotan ng tatlong kawal, wala na ang natamo nilang mga sugat.
"Kamahalan, that kid. She looks like you and the former Empress." Mahinang sambit ni Xunbe sa namamaos na boses.
Tinulungan naman ng iba pang mga kawal ang mga kasamang nasugatan bago lumapit kay Casmin at nagpasalamat.
Naglakad naman si Casmin kay Arkile na nahihirapan pa ring tumayo hanggang ngayon. Hinawakan ang kamay nito at nagpasa ng holy energy sa katawan ng lalaki.
Nakatulala naman si Arkile makita ang batang hindi na madungis ang mukha at hindi na rin kulay itim ang mga mata at buhok. Kung cute na siya dati ay mas kaaya-aya na ang mukha nito ngayon. Ito ang unang pagkakataon niyang makakita ng ganito kagandang batang babae sa buong buhay niya.
Sa pagkakaalam niya, ang prinsesa ng Emeria na si Princess Jina ang pinakamagandang bata sa buong Emeria ngunit nang makita ang batang ito ngayon, napagtanto niyang napakaordinaryo lamang ang ganda ng prinsesa kumpara sa batang ito.
Nabalik siya sa kanyang ulirat nang maramdaman ang panunumbalik ng nawawala niyang lakas at tila may enerhiyang pumasok sa kanyang katawan. Enerhiyang tanging mga Saintess at high saint lamang ang nakakapagbigay. Ang holy energy na nagbibigay lakas sa mga Sumerian at sinasabing isang enerhiya na binigay ng Bathala sa iilang piniling Sumerian.
"You are..."
"Wag mo ng banggitin kung gusto mong gumaling." Sagot ni Casmin na ikinatikom ni Arkile ng kanyang bibig.
Napagtanto niyang ayaw ng batang ito na may iba pang nakakaalam na may holy energy ito at maaaring isa itong Saintess.
Dahil bahagyang nakayuko si Casmin, may iilang hibla ng kanyang buhok ang napunta sa kanyang mukha at dito niya napansin na bumalik na ito sa dating kulay. Agad niya itong hinawakan at tiningnan. Napasinghap siya at nanlaki ang mata. Hinawakan ang pisngi at kinurot.
"My desguise. Nawala na ang desguise ko?" Naiiyak niyang sambit.
"It's okay. Mas maganda ka pa nga sa ganyang hitsura e." Pag-comfort ni Arkile sa naiiyak ng bata.
"Iyon na nga e. Kaya nga dapat walang nakakakita sa hitsurang ito. Dapat ako lang."
"Kung ganoon nilapitan mo kami using your fake face?" Tanong ng baritonong boses sa kanyang likuran.
Napalunok siya ng laway at nag-aatubiling lumingon. Nagtago ang mga mata nila ni Raiji. Mga matang katulad na katulad sa mga mata ni Siori.
Lumapag naman sina Siyun at Jihon. Nang makita ang mga mata ni Casmin, buo na ang paniniwala nilang anak ito ni Raiji at ng dating Emperatris. Ang mukha ng batang ito ay ang pinaghalong mukha ni Empress Serena at ni Emperador Raiji.
"And why did you hide your real face from us?" Cold nitong tanong sa kay Casmin.
Napangiwi si Casmin makaramdam ng takot sa kaharap. Alam niyang hindi kanya ang takot na ito dahil hindi naman siya natatakot sa Emperador.
"And fol what? You'll give me to the holy chulch... Ay kainis naman... Ganda-ganda na ng pag-e-english ko nabubulol pa ako." Napanguso na lamang siya at gustong tapikin ang bibig na ayaw sumunod sa kanyang utak.
"Kasalanan mo ito." Sabay turo kay Raiji.
"Bakit ako?" Nakataas ang kilay na tanong ni Raiji.
"Kasi nabubulol ako kapag kahalap (kaharap) kita. Tapos ang dibdib ko tumatambol sa kaba. Kaya nga ayaw ko sayo e." Napabuga ng hangin si Casmin matapos makapagsalita ng mahaba sa harap ng ama ni Siori.
Nauutal kasi siya at tila ba ayaw lumabas ng kanyang boses kapag kaharap ang lalaking ito na lalong ikinainis niya rito. Binigyan niya ito ng matapang na tingin at tinapik ang dibdib.
"Siori di ka dapat matakot sa kanya. Akong bahala. Kaya ko silang takasan kapag may binabalak silang masama. Don't worry. Leave it to me." Sabi niya sa isip. Bahagya namang kumalma ang kinakabahan niyang puso.
Gusto namang pitikin ni Raiji ang noo ng matapang na batang kaharap. But he felt amuse by her attitude.
"Look, she act fierce but still look cute." Sambit ni Jihon. Pinipigilang tumawa nang marinig ang sinabi ni Casmin. "Kahit umaakto siyang parang matanda, but she's still a kid."
"Don't worry. Mas magaling ka pa ngang magsalita kumpara sa nakilala ko." Sagot ni Siyun na halatang may excitement sa tono ng boses.
Ngayon alam na niya kung bakit magaan ang loob niya sa batang ito. Iyon ay dahil kapatid niya ito. Alam na rin ni Raiji kung bakit naiinis siya sa batang ito. Iyon ay dahil anak niya ito sa babaeng nang-iwan sa kanya.
"Hindi ko inaasahan na isang bata lamang ang magliligtas sa atin ngunit ang mas hindi ko inaasahan na ang nawawalang prinsesa ang magliligtas sa atin." Sambit ng isang kawal.
"Kung ganoon, posibleng anak siya ng dating Emperatris. Kung anak siya, sino naman ang nasa palasyo?" Sambit ng ikalawang kawal.
Natahimik sila. Dalawa lang ang nasa isip nila. Kung hindi kakambal ng prinsesa ang batang ito, ibig sabihin may isa sa kanila ang huwad.
"Sandali lang Siori." Sambit ni Ahro at pumagitna kina Raiji at Siori.
"Totoo ba ito?" Hahawakan na sana ang pisngi ni Siori ngunit hinawakan ni Raiji ang kanyang braso.
"Ano ba? Gusto ko lang hawakan ang pisngi niya." Sambit ni Ahro at napanguso.
Hinila naman siya paalis ni Jillia. "Tumigil ka diyan. Makiramdam ka nga."
"Bakit ba?" Reklamo ni Ahro.
"Anak ng Emperador ang kaharap mo." Sagot ni Jillia.
"Wala pa namang patunay na siya nga ang nawawalang prinsesa a." Sagot ni Ahro.
"Halata na nga sa hitsura, ipagkakaila mo pa." Sagot naman ni Jillia.
"E bakit ang prinsesang nasa palasyo, hindi naman nila kamukha pero tinatawag nilang prinsesa? Ibig sabihin, posibleng hindi nila anak si Siori at nagkataon lang na may pagkakahawig siya sa Emperador at dating Emperatris." Sagot ni Ahro.
Bahagyang natigilan ni Raiji sa narinig. Marami ng nagsasabi na bukod sa kulay ng buhok, walang ni kahit anong kahawig kay Raiji ang bunso nitong anak. May iba na sinasabing dahil mula ito sa Mage clan kaya hindi kasing tingkad ang silver hair nito kumpara sa mga anak ng Emperador.
"Ako? Anak ng Emperador?" Iiling-iling na sambit ni Casmin.
"My dad is mean. Bad. Illespansibol (irresponsible). Not good man. "Al (are) you saying that this man is that bad, mean, and illespansibol man?" Sabay turo kay Raiji.
Bahagyang lumamig ang buong paligid at napayakap na lamang si Ahro at iba pa sa sarili. Napalunok naman ng laway ang ilan makitang dumilim ang mukha ni Raiji.
"Who said that I'm that kind of person?" Nakakuyom na ngayon ang kamao ni Raiji.
"I think we need to leave first bago pa man balikan ng lakas ang mga nanghihinang mga halimaw." Pag-iiba ni Arkile sa usapan.
Nawalan kasi ng ang mga halimaw matapos bumagsak ang mawntino. Nanghihina ang ilan ang iba namay nawalan ng mga malay.
Aalis na sana si Casmin nang hawakan ni Raiji ang kanyang damit sa likuran at binitbit.
"Put me down." Naramdaman na lamang niya ang mga bisig na yumakap sa kanya.
"Oh, it's walm (warm)." Yumakap siya sa leeg ni Raiji at napatingin sa baba. Saka natuklasang nasa himpapawid na pala sila. Hindi niya inaasahang makakatulog siya sa bisig ng ama ni Siori.
Bumaba na sa lupa si Raiji pagdating sa outer part ng gubat. Naramdaman niya ang banayad na paghinga ni Casmin kaya yumuko siya para matingnan ito. Natuklasan niyang mahimbing ang tulog nito.
"Mama... Mama." She mumbled.
"Bapa." Sambit nito at isiniksik ang mukha sa leeg ni Raiji.
"You save us again and again. You look so fierce and brave. I forgot you're still a kid. A fragile and will get tired easily." He said while looking at the little kid warmly.
Ito ang eksenang naabutan nina Effel at Parmon nang malapitan ang bagong dating nilang Emperador.
Kailanma'y hindi tinitingnan ng kanilang Emperador ang mga anak ng ganito. It's either cold or indifference ang ipinapakita nitong tingin sa mga anak kahit pa sa spoiled na prinsesang maituturing na pinakamamahal niya.
"May kasamang bata ang kamahalan." Bulong ni Effel.
Makitang nag-angat ng tingin ang Emperador agad nilang iniluhod ang mga tuhod at inilagay sa dibdib ang pinagkrus na dalawang nakakuyom na mga kamay na ginagawa lamang ng mga kawal na may nagawang kasalanan o hindi nagawa ng tama ang kanilang mga trabaho.
"Nagkasala po kami kamahalan. Nararapat po kaming parusahan." Panabay na sambit nina Effel at Parmon.
Hindi inaasahan ni Raiji na makikita pa niyang buhay ang dalawang kawal na inutusan niyang mag-scout sa paligid.
Bahagyang gumalaw si Casmin kaya inilagay ni Raiji ang isang daliri malapit sa bibig.
"Sssh... Wag kayong maingay. Magigising si Siori."
Agad namang itinikom ng dalawa ang mga bibig ngunit nagkatinginan sila at nanlaki ang mga mata.
"Siori? But Siori has a black hair right?" Di mapigilang tanong ni Effel kay Parmon.
"Golden hair. Don't tell me..." Hindi natapos ni Parmon ang sasabihin. Namilog ang kanilang mga mata sa natuklasan.
"Kaya ba niya tayo iniligtas?" Sambit ni Effel.
"Wala ba kayong balak tumayo diyan?" Rinig nilang sabi ni Raiji na kanina pa pala sila nilagpasan. Nagmamadali silang tumayo at sumunod.
Nakalabas na silang lahat sa Aleria. At nasa Inn sila ngayon sa isang maliit na bayan malapit sa gubat ng Aleria.
"Kamahalan, ang batang iyon, anak niyo ba talaga?" Tanong ni Xunbe.
Nakatingin naman ng mariin ang mga kawal maging ang apat na mercenary kay Raiji na halatang sabik na sabik ng marinig ang kanyang confirmation.
Huminga ng malalim si Raiji. Kung siya ay huminga ang mga naghihintay naman sa kanyang sagot ay halos mapapigil na sa paghinga sa kahihintay sa kanya.
"That kid..." He paused.
"That kid..."
Nakarinig sila ng kalabog mula sa silid kung saan niya ipinasok ang natutulog na bata.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top