Casmin 19: System Notifications
Napangiwi si Casmin nang madapa na namang muli. Ang layo na rin ng iba at naiiwan na siya. Nakaramdam na rin siya ng pagod sa paglalakad. Ngunit hindi siya nagreklamo.
Palinga-linga naman ang iba at gusto siyang lapitan ngunit ang sino mang akmang lalapit sa kanya ay bibigyan ng nakakamatay na tingin ni Raiji kaya nagpapatuloy na lamang sila sa paglalakad.
"Mas mabuti pang magpaiwan nalang ako. Lilipad nalang ako mamaya kapag mapansin kong wala ng ibang tao bukod sa akin." Ayaw niyang malaman ng iba ang kanyang kakayahan kaya pinipigilan niya ang sariling gamitin ito.
Napaungol siya ng madapa na naman. Nasugatan ang kanyang tuhod at dumugo ito. Gusto niya itong gamutin ngunit pinigilan niya ang sarili.
"Tsk, ang bagal mo na nga, ang lampa pa." Sabi ni Raiji na nasa tapat na pala niya.
Tumingala si Casmin at binigyan ng matalim na tingin ang lalaki.
"The Saintess father felt amuse by your reaction." Ang narinig ni Casmin na boses sa kanyang ulo.
"What? Di ba niya pansin? Galit ako sa kanya. Natutuwa pa siya siya sa reaction ko?" She thought.
"Teka, mechanical voice. Hindi si Tinker kung ganoon sino? Dahil ba nag-upgrade ang buong system kaya sa halip na sulat ang lalabas ngayon naman nagsasalita na?" Wala sa loob na napapakagat na naman siya sa kuko.
"Wait lang, pati nararamdaman nila nasasabi na rin ng system?" Sabay tingin kay Arkile.
"Arkile thought your stubborn yet cute."
"Naririnig ko nga. Nasasabi ng system sa akin kung ano ang iniisip nila."
"Cute daw ako. Ibig sabihin tumalab ang beauty ni Siori kay Arkile. Kaya lang ang laki ng age gap. Di ko sila ma-match make. Nasasabi na ng system ang mga nararamdaman ng mga nakapaligid sa akin. Kung gano'n malalaman ko na kung ano ang nararamdaman nila kahit tulog si Tinker. Ang cool." Ngingiti na sana siya sa natuklasan ngunit napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa sugat ng kanyang tuhod.
"Kung wala lang sana sila e di sana nagagamot ko na ang sarili ko." Napatitig siya sa kanyang sugat.
"May sugat ka, bakit di ka umiyak?" Tanong ni Arkile na lumapit din pala at may hawak na maliit na garapa.
Hinawakan nito ang kanyang tuhod at nilagyan ng ointment galing sa garapa.
"Wag kang mag-alala, kaya nitong gamutin ang maliliit na mga sugat tulad nito." Sabi niya bago talian ng puting tela ang tuhod ni Casmin.
Ilalabas na sana ni Raiji ang hawak na maliit na bote ngunit itinago nalang muli at tumalikod na.
"Jillia felt sorry for you."
"She wants to hug you."
"Kakargahin nalang kita." Sabi ni Jillia.
"Ako na." Sagot ni Arkile at binuhat na si Casmin.
Pinaupo siya nito sa parang duyan na nakasabit sa kanyang dibdib na ginawa niya kanina lang. Halatang ginawa niya ito para makarga si Casmin. May karga siya sa likuran kaya di siya nito mapasan. Kaya naman naisipan ni Arkile na gumawa ng duyan mula sa kanyang dalang kasuotan at isinabit sa kanyang dibdib. Sakto lang din na magkasya ang maliit na katawan ni Siori.
"Ngunit ikaw ang best fighter sa atin? Paano kung may makakasalubong tayong mga halimaw?" Tanong ni Jillia.
"Kaya nga ako dapat ang magdadala sa kanya dahil mapoprotektahan ko siya ng maayos."
Nagkibit-balikat na lamang si Jillia.
"Jillia thought she can't argue with the boy."
"Di ba pwedeng tagalog nalang ang notification mo o ba kaya taglish nalang para naman maiintindihan ko ng mabuti." Sagot niya sa naririnig na mechanical voice.
"Saka wag ng Saintess father itawag niyo sa Emperador. Di ba pwedeng pangalan nalang nila ang babanggitin?"
Tumahimik saglit ang boses. Makalipas ang ilang minuto'y narinig na naman ito ni Casmin.
"Bahagyang nanghihinayang si Raiji dahil binuhat ka ni Arkile."
"Nanghihinayang siya, kung ganoon gusto niyang magkadapa-dapa ang maliit kong katawan sa kakahabol sa kanila? Ayoko na talaga sa ama ng katawang ito." Napasimangot siya sa naiisip.
"Bahagyang nanghihinayang si Raiji dahil hindi niya naibigay sayo ang ointment na dala niya."
"Ointment daw." Sumilip si Casmin at hinanap ng tingin si Raiji. Nagtagpo ang tingin nila ni Raiji at isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa kanya.
"Naguguluhan si Raiji dahil biglang kumabog ang puso niya nang magtagpo ang paningin ninyong dalawa. Nainis siyang bigla at naguguluhan sa nararamdaman. Iniisip kung may ginamit ka bang majika sa kanya."
"Lukso ng dugo iyang nararamdaman mo hindi dahil ginamitan kita ng magic." Ito ang gustong isigaw ni Casmin sa pagmumukha ng Emperador ngunit pinili na lamang niyang manahimik at isiniksik ang ulo sa dibdib ni Arkile.
"The Emerian knights felt tense."
"Nag-alala sila na baka maubusan ng pasensya ang kanilang Emperador at ipapatay ka."
"Jihon thought your silly."
"Kadalasan sa mga knights na ito ay nagpapasalamat na dumating ka."
"Iniisip na isa kang Gibeon na bumaba sa Sumeria para gabayan sila palabas ng Aleria."
"Siyun has a mixed feeling for you."
"Ito ba ang taglish sayo system?" Napabuntong-hininga siya maisip mas ayos na ito kaysa sa puro English ang gagamitin ng system. Kaso matapos mag-english nagtatagalog na naman tapos nag-i-english na naman.
"Kaisen was bothered what to do with you after leaving this forest."
"Gusto kang ampunin ni Ahro at gawing nakababatang kapatid."
"Xunbe thought your a troublesome little kid."
"Gusto ni Jillia mapisil ang malulusog mong pisngi."
"Xunbe thought you are a spy."
Napahawak na lamang si Casmin sa kanyang ulo dahil sa sunod-sunod na ingay na naririnig sa kanyang utak.
"System wag ka na mag-ingay sa utak ko. Sasakit pa yata ang ulo ko dahil sayo e."
"Naguguluhan si Arkile makitang napahawak ka sa iyong ulo."
"Gusto ka niyang tanungin..." Bigla ng naglaho ang robotic voice sa utak ni Casmin. Nakahinga siya ng maluwag at tumahimik na rin ang boses sa kanyang ulo.
"Are you alright?" Tanong ni Arkile. Tumango siya bilang tugon.
Napatingin siya sa papadilim na langit. Ilang sandali pa'y napahikab.
"Ang daling antukin ng katawang ito." Anang isip niya at kinusot ang papikit ng mga mata.
Niyakap niya ang leeg ni Arkile at idikit ang pisngi sa dibdib nito. Rinig niya ang tibok ng puso nito. Amoy na amoy rin niya ang bango nito.
"Ang bango niya ha."
"Sobrang liit nga talaga ng katawang ito. Kasi parang maglalaho na ako sa malapad niyang dibdib."
Napaubo si Arkile na ikinatingala ni Casmin sa mukha nito.
"Woah. Pati chin niya ang ganda tingnan. Tapos ang gwapo gwapo niya pa."
"Bakit namumula ang kanyang tainga? System, galit ba siya sa akin?" Tanong niya sa system.
"Arkile was flustered by you. You gain one affection from him."
"Eh? Na flustered daw tapos nakakuha ako ng one affection? Teka, kailan ko pa nabuksan ang source of points na affection? Meron ba ako noon?"
"Ehem... Di ba nasabi sayo ng mga magulang mo na masama ang tumitig sa mukha ng iba?" Tanong ni Arkile na namumula ang tainga.
Ito kasi ang unang pagkakataon na harap-harapan siyang pinuri. Kahit bata lang ang pumuri sa kanya, naiilang pa rin siya at medyo nahiya.
"Arkile was feeling shy by your intense gaze." The mechanical voice said.
"Kapag masama si Sioli, mana si Sioli sa Bapa." Sagot ni Casmin.
"Mukhang kailangan ko ng panindigan ang pagkabulol ng katawang ito sa R. At ang paraan ng pagsasalita ng katawang ito, kakaiba sa pananalita ko. Nasanay ba siyang tawagin ang sarili niya na Siori sa halip na gumamit ng 'ko' or 'ako'?"
"Saka ano yung Bapa? Pangalan ba iyon ng bagay? Bigla ko nalang nabigkas e. Di ko naman alam kung ano iyon."
"Your Bapa? So you have a bad father?" Tanong ni Arkile.
"Ah, ama pala yung Bapa." Napatangu-tango siya sa naisip. Inakala ni Arkile na tumango ito bilang sang-ayon sa kanyang tanong.
"Kung ganoon posibleng inabandona din siya ng kanyang ama katulad namin." Sambit ni Arkile sa isip.
Muling humikab si Casmin at ipinikit ang mga mata. Ngunit napunta siya sa isang silid. Sa silid kung saan si Tinker.
Nakita niyang natutulog si Tinker sa loob ng isang glass sphere.
"Mukhang mahimbing din ang tulog niya."
Napalingon siya sa parang kurtina na white screen. Mula roon nakikita niya sina Arkile at iba pa na nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin siya kay Siori na halos matakpan na sa black robe na suot ni Arkile at kung di tingnang mabuti, hindi mapapansin na may buhat-buhat itong bata.
"Sobrang liit talaga ng katawan ni Siori pero ang cute niya kahit gusgusin." Pinagmasdan niya ang mukha ni Siori na mahimbing na natutulog.
Ang gusgusing anyo na ito ay ang anyong nakuha niya mula sa system store.
Naisip niyang bigla ang mga points at mga notification na di pa niya nabubuksan.
"Affection plus one? Ano itong mga affection na ito at tila ang dami naman?"
Tiningnan niya kung saan galing ang mga affection points na ito.
Jillia: affection points 0, +1, +1, +2, -1, +1, +5, +40, +5, +10, ...
"Bakit may nabawas? So hindi niya ako gusto noong una tapos unti-unti ko ring nakuha ang loob niya." Tiningnan niya ang affection points niya sa iba.
Arkile: -13, +1, +1, -5, +3, +10.
"Negative 13 noong una tapos may plus ten sa huli. Dahil ba buhat buhat niya ako?"
Raiji: -50, +1, +1, -5, +1, -23, +1, -18, +1, +1, +1, +1, -20, +50.
"Negative 50 talaga? Ganoon niya ka-hate ang anak niya? As in negative fifty kahit kakikita lang nila? Ano bang kasalanan ni Siori sa kanya at mukhang sa unang kita palang niya dito ay hate na hate na niya?"
Tumaas ang kanyang kilay makitang mas maraming bawas kaysa sa dagdag na affection points.
"May plus 1 tapos kung makabawas 23, 18, at 20? Grabe namang taong to. Ang bilis naman yatang sumama ang loob."
"Paano naman itong plus fifty? Hala, may nadagdag pa."
"Raiji affection points plus 1, plus 2, plus 1..."
Tiningnan niya kung ano ang ginagawa ni Raiji at nakitang pasulyap-sulyap lang naman ito kay Siori.
"May ganoon? Mas magkakaroon siya ng affection sa batang natutulog kaysa sa batang gising?"
Bigla niyang naalala si Seo Yan.
"Naku ang baby ko. Nakalimutan ko na." Isa pang screen ang lumitaw sa tapat niya at makikita mula roon kung ano na ang nangyayari kay Seo Yan.
Nang makaalis sila sa Tsung household, dinala sila ng mga Royal knights sa isang maliit na kastilyo na pinagmamay-ari ng kanyang grandfather sa father side.
"Hindi ba't 15 years old pa bago siya napunta sa kastilyong iyan? Sabagay, nabago na ang ibang mga pangyayari dahil sa akin."
Inalala niyang mabuti kung ano ang nangyari sa Tsung household sa original story.
"Ay, naalala ko na. Sinunog niya ang buong kabahayan at walang tinira ni isa man lang sa mga Tsung noon. Ganoon siya kung makapaghiganti. Pero kahit ganoon bias ko parin siya. Dahil hindi naman siya magiging masama kundi lang naging malupit ang lahat sa kanya."
Isang pintuan ang nakita niya. Dito siya dumaan noon para makabalik sa kanyang katawan bilang Casmin.
Pumasok siya rito at nagising bilang Casmin.
"Ganoon lang pala para makabalik sa katawan ko." Napatingin siya sa mga kamay na bumalik na sa dati.
"Casmin, ang tagal mo namang magising. Tinatanong kanina ni Tita kung nag-shopping na naman daw ba tayo kasi nabawasan ng ilang libo ang pera mo. Nag-online shopping ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Belle sa kanya.
Bumangon siya at nag-unat ng mga braso.
"Nag-online shop?" Saka naalalang may binili nga pala siya sa system store. "Binawasan na yata ng system ang pera ko."
Nahagip ng kanyang paningin ang mga shopping bags na di pa niya nabubuksan.
"My shopping bags, my money, na-miss ko kayong bigla." Tatayo na sana nang may narinig na mechanical voice.
"URGENT MISSION! URGENT MISSION!" Ang narinig niyang sigaw sa kanyang utak.
"Urgent mission? Saan? Kanino?"
"Anong urgent mission pinagsasabi mo diyan?" Tanong ni Belle.
"Sandali lang Belle. Matutulog akong muli. Wag mo akong gigisingin kahit ano'ng mangyari." Sabi niya at muling humiga.
"Huy, malalagot tayo kay Tita diyan. Pinapagising ka niya sa akin dahil tanghali na."
"Wala namang pasok, ano bang problema don?" Nagtalukbong siya ng kumot at ipinikit ang mga mata.
Nang idilat muli ang mga mata, nasa system space na naman siya.
Napalingon siya sa screen kung saan naroroon sina Siori.
Kulay pula ang mga health bar sa tuktok ng kanilang mga ulo. Patay sindi naman ang health bar sa tuktok ng ulo ng dalawang naunang mga kawal na siyang tagasuri kung may panganib ba sa paligid.
Papunta sila sa teritoryo ng mga halimaw at napapaligiran na sila ng mga ito. Oras na mapansin sila ng mga halimaw na ito, wala ng pag-asa pang makakalabas sila ng buhay sa Aleria.
"No, all of them will die." Sambit niya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top