Casmin 16: Meeting Siori's Father and brother

Napayakap si Casmin sa isang puno. Isa sa kaaya-ayang kakayahan ng mga Saintess ay ang kaya nitong kausapin ang mga halaman at mga hayop. At mararamdaman nila kung ang isang hayop o halaman ay ayaw sa kanila o ipapahamak sila.

"Maaari mo ba akong itago sa mga mata ng iba? Magpapahinga lang ako sa lilim mo." Sambit niya at isinandal ang katawan sa puno.

Ilang sandali pa'y tuluyan na siyang nakatulog.

Nang mahimbing na ang kanyang pagtulog, gumapang ang mga ugat ng puno sa paligid niya at binalot siya nito. Hindi na siya makikita ng iba kahit hindi siya naka-invisible.

"Mukhang naligaw yata tayo." Sambit ng isang kawal.

"Wag kayong pakampante. Kailangan niyong maging alerto palage." Sabi ni Raiji habang inililibot ang paningin sa buong paligid.

Napatingin sila sa weird na puno na nababalot ng mga ugat ang kalahating katawan.

Sa gubat na ito, may mga punong naglalakad at mayroon namang mga punong kumikitil ng buhay ng mga tao o hayop. Tinatawag nila ang mga ito na halimaw na puno. Kaya naman sinusuri nilang mabuti kung hindi ba mga halimaw ang mga punong kanilang madadaanan.

Mapansing wala namang kakaibang kinikilos ang kakaibang puno, naisipan nilang tumigil na muna sandali at magpahinga.

"Wala ba kayong ibang napansin? Sobrang tahimik ng buong paligid." Sabi ni Jihon.

"Kamahalan, mukhang hindi na kakayanin ng iba na magpatuloy sa biyahe." Sabi ni Xunbe na siyang bodyguard as well as butler ni Raiji.

Napatingin si Raiji sa mga sugatang mga kawal. Sa dalawampung kawal na kasama nila, at apat na mercenary, siya lamang, si Xunbe, at ang anak na prinsipe at ang kawal nitong si Jihon ang hindi gaanong malala ang sugat. At tanging ang apat na mercenary lamang ang walang sugat.

Sa mga nangyaring labanang naranasan nila, ang mga mercenary na ito ang palaging nagliligtas sa kanila. Dito nila napagtanto kung gaano kalakas ang apat na mercenary.

Ilang sandali pa'y napagpasyahan nilang magluto ng makakain.

Bahagyang kumunot ang noo ni Casmin sa naaamoy na mabangong pagkain. Idinilat niya ang mga mata. At napatingin sa madilim na paligid. Napapaligiran siya ng mga ugat na puno at nakahiga siya sa mga tuyong dahon nito.

"Kaya pala di masakit sa likod." Inalis niya ang mga dahon na tumakip sa katawan niya na nagsilbi niyang kumot.

Napatigil sa ginagawa ang isa sa miyembro ng M mercenary.

Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ang mga kasama na tila walang napansin.

"Didn't you feel that?" Tanong ni Arkile.

"Anong felat?" Tanong naman ng hindi nakakaintinding si Ahro.

"Wala ba daw tayong nararamdaman. At saka di yon felat. Feel that yon." Pagtatama ni Jillia.

"Aba malay ko ba diyan." Sagot nito at pinaypayan ang apoy sa tapat niya. "Pero may nararamdaman talaga akong kakaiba." Maya-maya pa'y dagdag niya.

"Ano yon?" Agad na tanong ni Kaisen. At pinakiramdaman ang buong paligid.

"Nararamdaman ko na..." Pabitin na sagot ni ahro. Naghintay naman sa idudugtong niya ang kanyang mga kasama.

"Na naiihi ako." Sagot ni Ahro na na may pilit na ngiti sa labi. Akma siyang batukan ni Jillia kaya nagmamadali siyang tumayo at naglakad palayo.

"Wala talagang kwentang kausap ang isang 'to." Naiinis na sambit ni Jillia.

Napahawak na rin sa kanyang espada si Raiji dahil sa presensyang nararamdaman niya. Napatingin siya sa puno na tila gumalaw ang mga ugat nito. Nakita niyang lumapit doon si Ahro para umihi.

Nakasilip naman sa siwang ng mga ugat si Casmin. Nakita niyang hinuhubad ni Ahro ang butones ng pantalon nito na ikinalaki ng kanyang mga mata.

"Kapag di ako lalabas, iihian niya ako."

Palingon-lingon si Ahro sa paligid at ilalabas na sana ang kanyang kayamanan nang makitang may kamay ang lumabas mula sa mga ugat ng puno.

"Wah! May nuno sa punso!" Ang naisigaw niya at napatalon sa gulat na ikinaalerto ng lahat.

Kinuha agad nila ang kanilang mga sandata at inihanda ang sarili.

"Puno iyan, hindi punso." Pagtatama na naman ni Jillia. Inilabas niya ang kanyang latigo at naglakad palapit sa puno habang umaatras naman si Ahro.

Gumalaw ang ugat ng puno at unti-unti nilang nakita ang batang gusgusin na nakasilip sa kanila ngunit muling itinago ang ulo makitang ang daming nakatingin sa kanya.

"Bata?" Halos panabay nilang sambit.

Lalapit na sana si Jillia ngunit pinigilan siya ni Arkile.

"Hindi natin alam kung anong klaseng nilalang siya. Baka isa siyang mutated tree monster." Sabi niya at naglakad palapit kay Casmin.

Muli namang sumilip si Casmin. Hindi pinansin ang hawak na espada ni Arkile. Ang pinagtuonan niya ng pansin ay ang gwapo nitong mukha.

"Black hair, cold eyes, at may kakayahang gumamit ng swords aura." Napatingin siya sa espada ni Arkile na nababalot ng kulay puting swords aura.

"Siya iyon! Ang filst plince (first prince) ng Amladin (Amradin) na nagpunta sa Emelia (Emeria) pala (para) hanapin ang kanyang inang Emelian (Emerian)." Napatakip agad siya ng bibig mapansing nabigkas niya ang nilalaman ng kanyang isip. Ngunit napangiwi dahil nagiging letrang l ang mga letrang r.

Natigilan naman si Arkile at nagdududa ang mga matang nakatingin kay Casmin.

"Who are you?" Tanong niya at itinutok ang hawak na espada kay Casmin.

Sa halip na matakot ay namangha naman ang bata makakita ng magandang espada na nababalot ng kulay puting swords aura . Sinubukang hawakan ang nakikitang swords aura.

"Ang lakas ng energy. Totoo nga to. Hindi ako nananaginip." Kinurot niya ang kanyang pisngi. "Hindi nga panaginip."

Lalo namang kumunot ang noo ni Arkile. Hindi niya nakikitaan ng killing intent ang batang kaharap. Wala ring negative energy ang pumapalibot sa katawan nito na palatandaan nilang isang halimaw ang kaharap.

Gumalaw ang mga ugat at unti-unti na nilang nakikita ang katawan ng bata.

"Anong meron?" Tanong ni Raiji? At napatingin sa batang gusgusin at may punit-punit na kasuotan.

Nang makita ang ama ni Siori, namilog ang mga mata ni Casmin.

"Naku naman. Nakalimutan kong nandito nga pala ang ama ni Siori." Sa unang tingin pa lamang niya, alam niyang ito ang ama ni Siori. Hindi niya alam kung paanong nakilala niya agad ito pero ramdam ng kanyang puso na ito ang kanyang ama.

Napatigil naman si Raiji makita ang batang nakatingin diritso sa kanyang mga mata. Ito ang unang pagkakataon na hindi natakot ang isang batang nakakasalubong niya. Kahit ang prinsesang lumaki sa kanya ay hindi niya nakikitaan ng ganitong mga tingin. Tingin na tila sinasabing kilala kita. Hindi ka nakakatakot at kilala kita. May kung ano rin siyang nararamdaman sa puso niyang hindi niya maintindihan.

Sa unang tingin naman ni Siyun sa bata, gusto na niya itong ampunin. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngunit tila magaan ang kanyang loob sa batang gusgusin na ito. Kundi lang sa itim ang kulay ng buhok at mga mata nito, masasabi niyang may pagkakahawig ito sa kanyang ama.

Napatingin siya sa ama. Ang mga mata nito at ang mga mata ng bata ay magkapareho maliban nalang sa kulay.

"May mistress kaya si Ama na kulay itim ang buhok?" Wala sa loob na sambit niya at habang kinakagat ang kuko.

Tumalim naman ang tingin ni Raiji at napalingon sa anak. Napatingin na rin ang mga kawal sa kanya na katulad din pala kay Siyun ang iniisip.

Napakagat naman sa kuko si Casmin. Kung alam niyang may pagkakahawig pa rin pala sila ng Emperador na ito kahit binago niya ang kulay ng mga mata at buhok e di sana binago nalang din niya ang kanyang mukha kahit malaking points ang mawawala sa kanya.

Naibaba ni Siyun ang kamay makitang pareho sila ng habit ng batang ito kapag may malalim na iniisip. Pareho kasi silang napapakagat ng kuko.

"Bata, anong ginagawa mo dito?" Mahinahong tanong ni Jillia.

Ibinuka ni Casmin ang bibig para sumagot ngunit makita ang matalim na tingin ni Raiji, muli siyang nagtago sa likod ng mga ugat ng puno.

"Nakakatakot ang mga tingin niya. Parang matutusok ako." Tinapik-tapik niya ang dibdib sa kabang nararamdaman.

"Di kaya isa siyang pain para mahulog tayo sa patibong?" Tanong ni Xunbe.

Tumunog ang tiyan ni Casmin na rinig naman ng lahat. Napahawak siya sa kanyang tiyan at sumilip muli. Hindi sila pinansin ngunit tila may hinahanap ang tingin.

Kumislap agad ang kanyang mga mata makita ang inihaw na karne malapit sa tent ni Arkile.

Hindi man lang sila nakakurap sa sobrang bilis ng pangyayari. Nakaupo ba ang bata sa tapat ng iniihaw na karne. Pinaikot niya ito at kumikislap pa ang mga mata habang nakatingin sa inihaw.

"Nakita niyo yon?" Tanong ni Jihon.

"Di ko napansin. Ang bilis niya." Sambit ni Xunbe.

"Hey, don't touch that. That's mind." Sigaw ni Arkile at agad nilapitan ang bata.

Napalingon naman si Casmin at parang iiyak na.

"Food. Hindi pa ako nakakain." Ito ang gusto niyang sabihin ngunit walang lalabas na boses sa bibig niya nang mahagip ng kanyang tingin si Raiji.

"Nagugutom yung bata. Bigay mo nalang kasi." Sagot ni Jillia.

"How could we know if she's really a kid? What if she's a monster?" Sagot ni Arkile.

"Nakakita ka na ba ng monster na kasing cute niya ha?" Pinandilatan ng mata ang kasama saka nakangiting bumaling kay Casmin.

"Bata, nagugutom ka ba?"

"Hindi ako bata." Gusto niyang sumagot ngunit hindi na naman siya makapagsalita. Isa sa katangian ng batang Siori, ay ang hindi siya nakakapagsalita sa ibang tao maliban sa kanyang ina at tiyuhin. Hindi dahil sa pipi siya kundi dahil sa mga karanasan niya. At kung ano man iyon, hindi pa nabasa ni Casmin. Kaya hindi niya alam.

Kumunot ang noo ni Arkile. Kanina lang narinig pa niyang nagsalita ang bata at tila kilala siya nito. Ngunit magmula noong nakita niya ang mga Emerian na kasama nila, tila biglang nahihirapang magsalita ang bata.

"May inside story ba ang batang ito at sa mga Emerian na ito?" May pagkakahawig ang bata sa Emperador at sa first prince ng Emeria. Kaya bigla niyang naisip ni Arkile na posibleng isa sa mga anak ng Emperador ang batang ito na inilayo rin ng ina.

Sinasabi sa propesiya na ang babaeng isilang mula sa Emerian Royal family ay magkakaroon ng Saintess ability. At ang mga Saintess ang ginagawang alay kapag may mga sakunang darating kaya naman, kadalasan sa mga anak na babae ng mga concubine o ng Emperatris ay itinatago nila o ba kaya inilalayo sa palasyo. Dahil alam nilang hindi mag-alinlangan ang Emperador na gawing alay ang sinumang magiging anak na Saintess para sa ikabubuti ng nakararami.

"Ibibigay ko sa'yo ang pagkain ko ngunit sabihin mo muna kung sino ka." Sabi ni Arkile.

Tumango naman agad si Casmin.

Ibinuka niya ang bibig para magsalita na sana ngunit nahagip na naman ng kanyang tingin si Raiji.

"Nakakainis naman. Bakit ba napipi ako kapag nakikita ko ang langyang Emperador na ito?"

"Ama mukhang takot sayo ang bata?"

"Bulag ka ba? Di mo ba nakikita na ang sama ng tingin niya sa akin? Asan ang takot diyan?" Halos pasigaw ng sagot ni Raiji na tila sumabog na rin dahil kanina pa siya sinasamaan ng tingin ng bata. Kumulo agad ang dugo niya sa bawat panahong nakikita niya ang naiinis nitong mga matang nakatitig sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya kapag sinasamaan siya ng tingin ng batang ito.

Nagulat naman ang kanyang mga kasama sa kanyang inasal. Nasanay silang palaging kalmado o cold ang kanilang Emperador at bihira lang ito sumasabog sa galit. Noon lamang malaman na naglayas sa palasyo ang buntis na Emperatris.

Inirapan ni Casmin ang Emperador at itinuon na ang pansin sa iniihaw na karne.

"Kita niyo yon? Inikutan niya ako ng mata."

Inilabas naman ni Xunbe ang kanyang espada at sinabing "patayin na ba natin?"

Ibinalik naman ni Raiji ang espada sa lalagyan nito.

"No, she's just a kid."

Nagkatinginan naman ang kanyang mga kawal.

"Kailan pa nagkaroon ng simpatya sa isang bata ang Emperador?" Bulong ni Jihon sa katabi.

"Hindi ko alam. Di kaya hindi siya ang Emperador natin?" Sagot naman ng katabi kaya nasapok.

Hinatian ni Arkile ng piraso ng inihaw na karne si Casmin. Masaya siyang kumain nang mapansing nakatuon na naman ang atensyon ng lahat sa kanya. Kaya naman tumalikod siya at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ang cute-cute talaga niya." Sambit naman ni Jillia na nakaupo sa lupa at nakalagay ang dalawang palad sa pisngi habang nakatingin sa nakatalikod na bata. Napansin niyang nakatingin din ang iba kay Casmin kaya naman itinaboy niya ang mga ito.

"Magsialisan nga kayo. Lalong matatakot ang bata sa inyo e." Taboy niya.

Nang maubos ni Casmin ang kinakain lumapit sa kanya si Siyun at iniabot ang hawak nitong inihaw na nakatusok sa isang maliit na patpat.

"Gusto mo pa?" Nakangiti niyang tanong.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top