Casmin 15: Sa Baybayin ng Aleria
Paroo't-parito si Casmin sa dalampasigan. Iniisip kung bakit napunta siya sa katawan ni Siori at kung nasabi ba sa kwento na nakakausap ni Siori ang mga hayop o kung may dolphin bang nagsasalita sa kwentong you're my miracle.
"Nasabi sa kwento na napunta si Siori sa gubat ng Aleria. Isang gubat na malapit sa dagat at siyang kinatatakutang gubat ng Emeria na pinaninirahan ng mga halimaw at mga mababangis na mga hayop." Napalunok siya ng laway maisip na ang gubat na nakikita niya ay ang gubat ng Aleria.
"Author, bakit ginawa mo pang mapanganib na gubat ang mapupuntahan ni Siori ha?"
Sinuri niya ang kanyang katawan at tumingin sa gubat. Iisang paraan lang para makaalis sa lugar na ito. Iyon ay dumaan sa gubat para marating ang bayang malapit dito. Hindi rin magandang manatili sa dalampasigan dahil sa bawat gabi, tumataas ang level ng tubig at ang buong dalampasigan ay mababalot ng tubig. Aabot din ang malakas ng hampas ng alon sa gubat na malapit sa dalampasigan.
"Paano ko maliligtas ang maliit na katawang ito sa panganib?" Napahalukipkip siyang muli dahil sa lamig.
Saka naalala na may pera nga pala siyang pambili ng gamit sa system store.
"Noong una, automatic na naglaho ang perang pinambili ko ng item mula sa system store. Magagamit ko kaya ang pera ko kahit hindi ko dala?" Inisip niya ang kanyang system.
Isang screen ang lumitaw sa tapat niya at halos magtatalon siya sa tuwa dahil kahit hindi niya hawak ang kanyang cellphone lumitaw pa rin ang screen sa tapat niya.
Ang dami ng mga notification na hindi pa niya nabubuksan.
"Congratulations for saving the Saintess mother. You gained 1000 points as rewards, and 99 healing points."
Halos mapasayaw siya sa tuwa makita ang one thousand points na rewards niya.
Pinalitan niya ito ng coins para malaya siyang makabili ng item sa system store.
"Sa susunod na points na makukuha ko papalitan ko ito ng luck." Sambit niya at naghanap ng mga item sa system store na magagamit niya.
Bumili siya ng jogger pants at sweat shirt, undies, shoes at dagger.
Matapos magpalit ng damit binuksan niya ang iba pang mga notifications.
"Congratulations for becoming the Saintess Siori. Save Saintess Siori's life first, so that you can go back to the world where you really belong."
"Nakaligtas si Siori noon dahil nakatagpo niya ang mga kawal ng palasyo na may misyon sa Aleria. Pero naging dahilan ito kung bakit napunta siya sa palasyo at naging alay pagdating ng ikasampong taong gulang niya."
"Hindi nabanggit kung ano ang buhay niya sa palasyo ang tanging sinabi lang ay mas pinili ng Emperador na gawin siyang alay kaysa sa fake daughter na nasa palasyo. Kung nakausap ko lang sana muna ang author at natanong sa mga bagay bagay na patungkol kay Siori siguro hindi na ako mahihirapan ng ganito."
Binuksan niya ang iba pang mga notifications. May natanggap pa siyang mga points at nakaipon rin ng ilang fear points.
Nagningning agad ang kanyang mga mata makitang level 2 na pala ang kanyang healing skill. At meron na rin siyang healing magic. Maaari siyang gumamit ng healing magic twice a day. Ngunit kaya niyang buhayin ang patay na, gamit ang healing ability na taglay ng katawan ng Saintess na napasukan niya.
"Ang astig pala ng kapangyarihan ni Siori. Kahit maliit ang katawan may nakakamangha pala siyang kakayahan. Kaya lang hindi ko gaanong magagamit ang kapangyarihan niya dahil hindi pa kaya ng kanyang katawan."
"Ano kayang nangyari sa kanya? Saan naman napunta ang kaluluwa niya? Kung napasok ako dito, ano'ng nangyari sa katawan ko?" Maalala ang kanyang ina, nabahala siyang bigla.
"Tinker! Gumising ka. Paano si Mama? Baka nag-alala na iyon." Tawag niya ngunit wala siyang naririnig na sagot.
"Ilang araw pa siya bago magising. Paano ako nito? Ano ang nangyari sa katawan ko?" Umupo siya sa isang bato at napakagat ng kuko.
"Kung gusto kong makabalik kailangan kong mailigtas si Siori. Alam ko ng ligtas ang kanyang ina dahil sa system notification pero hindi sinabi kung nahuli ba siya ng mga galing sa Holy church. Sana naman ayos lang siya. Kaya sisikapin ko ring mailigtas ang maliit na katawang ito."
Inilagay niya sa baywang ang mga kamay at tumingala sa langit.
"Ano bang dapat gawin ko?" Nahagip ng kanyang tingin ang mga seashells.
"Ang daming mga seashells dito." Saka niya naalala na isa sa dahilan kung bakit kahit mapanganib ang gubat ng Aleria, mayroon pa ring dumadayo dito, iyon ay dahil sa mga yamang makukuha sa gubat at sa yamang makukuha sa dagat malapit sa gubat.
Sa baybayin ng Aleria matatagpuan ang mga seashells at mga halamang dagat na sagana sa natural energy. Isang enerhiya na makakatulong para mapalakas ang katawan at kapangyarihan ng mga Sumeriang may magic o majika.
"Perlas ng Aleria. Marami no'n sa bandang bangil kung saan humahampas ang malakas na alon."
Mabilis siyang naghanap ng skill na makakatulong sa kanya para makasisid sa dagat.
Swimming and diving skills, and invisibility ang pinili niya.
"Nakakahinga naman sa tubig si Siori kaya no need na oxygen." Pinili niya ang wetsuit, gloves, mask at boots.
"Ang mumura pala ng mga items kapag coins ang gagamitin ko."
Tumingala siya sa langit at nakitang mataas pa ang araw. May ilang oras pa siya para makaipon ng mga mamahaling mga yaman na matatagpuan sa dagat ng Aleria.
Nang isalarawan ng author ang lugar na ito, ilang beses na nagpantasya si Casmin na sana makakapunta siya sa lugar na ito upang mangolekta ng mga perlas at mga seashells at ibenta sa bayan. Minsan napapanaginipan pa niya na napunta siya sa lugar kaya lang madalas nauuwi sa bangungot ang lahat dahil napapanaginipan din niyang may humahabol sa kanya.
Ngayong binigyan siya ng pagkakataong mapasok sa lugar na ito at mapunta dito, hindi niya sasayangin ang pagkakataon.
May mga halimaw na nagbabantay sa mga perlas kaya naman pinili ni Casmin ang invisibility na ability, sabayan ng super speed na nakuha niya at ang flying skill na meron siya, kampante siyang hindi maaabutan ng mga halimaw ng dagat.
May bahagi din sa season 2 na ang dagat ang teritoryo ng kalabang Siori. Kung bakit naging teritoryo niya ito pagkatapos maging alay sa season 1, ay di niya alam. Dahil ang mga katanungan sa season 1 at season 2 ay masasagot lamang sa side story ng kwento. Ngunit ongoing pa lamang iyon at di pa natapos basahin ni Casmin.
Isang misteryo din kung bakit siya nabuhay muli pagkatapos gawing alay ngunit namatay din ulit sa huli.
"Mas madali kong lilipad ako. Kaya lang paano ba?" Tumalon siya.
Ginaya ang aksyon ni darna. Ikinumpas ang mga kamay na kunwari pakpak ngunit hindi pa rin siya nakakalipad.
"Anong silbi ng mga skills na ito e nakalimutan ko nga palang di ko pa alam kung paano gamitin?" Bumagsak ang balikat niya.
"Ang sabi ni Tinker, damhin ko lang mula sa puso ko." Pumikit siya at taos-pusong inisip na kaya niya ito.
"Makakalipad ako." Sambit niya. Naramdaman niyang umangat mula sa buhanginan ang kanyang mga paa.
Naidilat niya ang kanyang mga mata at nakitang nasa himpapawid na siya.
"Nakalipad nga ako." Sambit niya at umalingawngaw sa paligid ang kanyang tawa.
Ilang ulit na nagpaikot-ikot sa itaas bago hinanap kung saan matatagpuan ang bangil.
"Hello."
"Hi!"
Bati niya sa mga nadadaanang mga ibon. Abot tainga rin ang kanyang ngiti at walang mapagsisidlan ng kanyang tuwa.
"Damang-dama ko talagang nakakalipad ako. Yoohooo!" Sambit niya sabay bulusok papababa sa dagat at muli na namang lilipad pataas.
Inisip niyang maglalaho siya at agad ding naglaho ang kanyang katawan.
"Ang pinaka makapangyarihang perlas ay matatagpuan sa red cliff. Saan nga ba ang red cliff banda ha?"
Napansin niya ang malakas na alon malayo sa kanyang kinaroroonan. May kung anong liwanag rin ang lumalabas sa gawing iyon.
Lumipad siya palapit at ilang sandali pa'y natanaw niya ang isang bangil na kulay pula. Kapansin-pansin din ang malakas na alon na humahampas sa bangil.
"May mga parang mga kidlat sa kabilang bahagi ng bangil at masyadong malakas ang alon doon. Mukhang may kaaway ang pearl dragon ng lugar na ito."
Ang pearl dragon ang isa sa mga dinala ni Siori sa kanyang paghihiganti noon at inatake ang Emeria.
"Kung ako talaga ang Siori doon, ang emperador, fake princess at ang mga taong dahilan ng miserable kong buhay ang paghihigantihan ko. Pero dahil sa tindi ng galit ni Siori, buong Emeria ang binalak niyang wasakin kaya lang natalo siya sa mga heroes at heroine. Sinadya talaga iyon ng author para may rason siya kung bakit dapat mamatay si Siori kahit ang mga Emerian naman talaga ang may kasalanan." Napabuntong-hininga siya.
Bumulusok siya pababa sa tubig at sumisid pailalim. Napalunok siya ng laway makita ang mga dambuhalang mga halaman. Isa sa mga halimaw na nagbabantay sa mga perlas ay ang mga higanteng halamang ito.
Saka niya naalala na may safe route nga pala, na siyang dinaanan noon ni Sayuri para makakuha ng perlas. Mabilis siyang nagtungo sa ligtas na ruta.
Parang isang maze sa ilalim ng dagat. Kung alam niya ang daan papunta sa mga perlas, maiiwasan niya ang mga dambuhalang mga halaman at mga halimaw.
Habang papalapit, damang-dama niya ang mga enerhiyang nagmumula sa mga perlas. May mahina, may katamtaman lamang ang lakas at meron namang napakalakas na enerhiya.
May natanaw siyang mga liwanag kaya sinundan niya ito. At natanaw ang mga nagkikislapang mga mukhang kabibe.
"Hindi ba't nasa laman ng mga kabibe ang mga perlas pero bakit mukhnag ang linis naman ng perlas nilang ito? Perlas ba to?" Sambit niya makitang nakabuka ang mga kabibe at nakalagay sa loob ang kanilang mga perlas.
Kinuha niya ang pinaka malaking perlas na kulay blue at ipinasok sa kanyang storage room.
"Congratulations for obtaining the blue pearl. You earned one luck point for one blue pearl."
"Wow! Ibig sabihin magbibigay ng swerte ang perlas na ito. Yayaman na ako nito. Yes!" Lalo siyang na-excite sa natuklasan.
Naramdaman niya ang paglakas ng alon na halos tangayin siya.
"Mukhang lumala ang pangyayari sa itaas."
"Collect as many pearls as you can and many spiritual items that can bring luck and you will earn luck points according to their luck value and benefits the luck item can give."
"Woah, dadami na ang luck ko nito." Kumislap lalo ang kanyang mga mata at nagmamadali siyang mangolekta ng mga perlas at iilang mga seashells na nakikita niya. Pati mga kakaibang bato at mga halaman kinuha na rin niya bago nagmamadaling umalis.
Nang makaahon sa tubig natanaw niya ang mga Emerian na nakikipaglaban sa dambuhalang halimaw na parang ahas na dragon. Ito ang pinuno ng mga halimaw na nagbabantay sa mga perlas. Ang mga halimaw na ito ay nabuo mula sa enerhiyang nanggagaling sa mga perlas.
Napakagat ng kuko si Casmin. Naalala niyang may misyon nga pala ang mga Emerian Royal knights sa lugar na ito at isa na dito ang kumuha ng perlas. Kaya lang nabigo sila at iilan lamang ang nakaligtas.
"Isa sila sa mga dapat kong iwasan kaya kailangan ko ng makaalis." Sambit niya at lumipad na palayo.
Habang nakikipaglaban sa pearl dragon naramdaman ni Siyun na may mga matang nakatingin sa kanya kaya napalingon siya ngunit wala siyang nakitang ibang tao maliban sa kanila.
"Kamahalan, umiwas ka!" Sigaw ng isang kawal.
Isang ice arrow ang patungo sa gawi niya. Agad siyang umiwas ngunit huli na. Nadaplisan pa rin siya ng ice arrow na ikinabagsak niya pababa sa tubig. Agad naman siyang sinalo ng isa pang kawal at dinala siya pabalik sa tuktok ng bangil.
"Mukhang nagwalang bigla ang mga halimaw. Hindi ganito karami ang mga halimaw na nakalaban natin dati." Sagot ni Knight Jihon habang hawak ang sugatan niyang braso.
Kahit ang lalaking maituturing na pinakamalakas sa kanila ay nasugatan na rin.
Napakunot ang noo ni Emperor Raiji makitang hindi lang ang pearl dragon ang lumabas kundi pati ang ice crab at octomonster at iilang mga plants monster mula sa ilalim ng dagat.
"Mukhang galit na galit sila kamahalan. Nagwawala ang mga halimaw na ito." Sambit ni Xunbe, ang assistant ng hari.
"Umatras na tayo. Hindi natin sila kakayanin."
Agad silang nagsialisan at lumayo sa red cliff. Tumigil sila sa kakahoyan at nagpahinga.
Alam nilang hindi na sila masusundan ng mga halimaw ng dagat sa kalupaan dahil manghihina ang mga ito sa lupa. Ang di lang nila maintindihan kung bakit tila galit na galit ang mga halimaw ngayon kumpara dati.
Pangiti-ngiti naman si Casmin habang nangunguha ng mga seashell sa kabilang bahagi ng baybayin malayo sa red cliff.
Palagi ring may lumalabas na notification sa screen na nasa tapat niya na sinasabing may mga points siyang nakukuha. Matapos niyang ilagay sa storage room ang mga perlas, spiritual stones at mga spiritual plants na nakuha niya kanina, nakakuha siya ng 21 luck at nag-upgrade ng dalawang level ang storage room.
"Collect ten spiritual seashell to earn one luck point."
"Collect two spiritual stone to earn one luck point."
"Ang daming notification ng collect collect daw at bumaha na rin ang congratulations. Hindi ko na mabasa lahat ng mga to."
"Di bale ng di ko mabasa lahat basta mangongolekta na ako."
Matapos makakolekta ng mahigit isang libong spiritual seashell at 500 plus na mga spiritual stone, napahiga na siya sa buhanginan.
Kahit sobrang pagod na ng kanyang katawan nakangiti pa rin siya. Dahil nakaipon siya ng mahigit 500 na spiritual stone at nakaipon ng 300 plus luck points.
"Gustong-gusto ko ng makauwi para magamit ang luck points kong ito."
Nakaramdam na siya ng antok ngunit pinigilan niya ito at nagpasyang lumayo sa dalampasigan bago sumapit ang dilim.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top