Casmin 14: Siori

Nakita niya ang isang batang babae na pinoprotektahan ng kanyang ina. Inaatake sila ng mga nakaitim na cloak at may mga hawak na mga magic wand.

Inaatake nila ang isang babae gamit ang kapangyarihan na nagmumula sa kanilang mga magic wand at hinaharang naman ito ng babae gamit ang kanyang hawak na makapangyarihang setro.

"Ang ina nina Siori iyan di ba?" Ano ba iyang hawak niya? Mukhang kakaiba sa mga hawak ng mga mages?"

"Isang magic sceptre na tanging ang Emperatris ng Emeria lamang ang nakakahawak at ang hawak ng mga mages naman ay ang mga magic wand na kadalasang ginagamit ng mga salamangkero sa Mage tower." Sagot ni Tinker.

"Siori, tumakas ka na." Sigaw ng ina sa kanyang anak habang hinaharang ang kapangyarihan ng kanyang mga kalaban.

"Ngunit ina." Nanginginig ang mga tuhod na sambit ng bata.

"Ang batang Saintess ay nararapat ibigay sa Holy church. Kaya hindi mo dapat itinatago ang bata." Sabi ng Head Vatican ng Holy Church.

"Holy church? Ang simbahan ng Sumeria na pinakakinaiinisan ko?" Sambit ni Casmin.

"Tinker, maaari mo bang ipaliwanag sa akin ang mga nangyayari sa side ni Siori?"

Agad namang ipinaliwanag ni Tinker ang lahat.

Si Siori ay bunsong anak ng Emperatris at Emperador ng Emeria. Dahil isinilang siyang may Holy light, kinalala siya bilang batang Saintess ng Emeria. Ngunit hindi isang blessing ang pagiging Saintess ng nasabing Emperyo dahil kapag may mga sakuna, ang mga Saintess ang ginagawang alay ng mga Emerian para mapigilan ang anumang sakuna.

Para sa kanila, nararapat lamang na magsakripisyo ang mga taong may holy light o holy power para sa ikabubuti ng lahat. Ang sinumang batang may holy light ay kukunin ng mga nasa Holy church at doon palakihin bilang Saintess. Titingalahin at hahangaan ng lahat ngunit kapag darating na ang araw na dapat siyang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat, gugustuhin man ng isang Saintess o hindi, kailangan niyang ialay ang buhay para sa lahat.

Isang bagay na ayaw mangyari ng Emperatris sa kanyang anak. Bago pa man niya isilang ang dalawang anak, naramdaman na niya na malakas ang holy energy sa kanyang sinapupunan kaya nabatid niyang posibleng may Holy light ang anak na isisilang niya.

Sigurado siyang magiging sakripisyo lamang ang kanyang magiging anak kapag may ibang makakaalam na may holy light ito. Kaya naman bago manganak, umalis siya ng palasyo at sinabing magbabakasyon na muna.

Ngunit sa lugar kung saan siya nagbakasyon, inatake siya ng mga kalaban. Habang isinisilang ang kanyang panganay na anak, abala naman ang kanyang mga kawal sa pakikipaglaban sa mga kalaban. Sinabi niya sa maid na itakas ang kanyang panganay na anak ngunit iniwan ng maid ang bata sa isang walang taong lugar.

Habang tumatakas, nalaman niyang hinahanap ng Emperador ang kanyang asawa at anak. Naglaho na ang Emperatris at wala ng nakakaalam kung nasaan ito. Nag-alala siya na baka malaman ng Emperador ang kanyang ginawa kaya naman hinanap niyang muli ang bata ngunit hindi na niya nakita pa.

Kaya pumunta siya sa kapatid niya na nagsilang din ng batang babae at nagkataong may pagkakahawig ang buhok nito sa buhok ng mga Royal family ng Emeria. Naisip ng maid na tinulungan siya ng Bathala kaya kinausap niya ang kapatid at asawa nito sa kanyang plano na agad naman nilang sinang-ayunan.

"Kaya naging prinsesa ang pamangkin ng maid at ang tunay na prinsesa ay nasa pangangalaga ng kawal ng Emperatris?" Sagot ni Casmin.

"Habang nakikipaglaban, nasugatan ang kawal na ito. Hinahanap niya ang Emperatris ngunit isang batang sanggol ang kanyang natagpuan. Kinuha niya ang bata at dinala sa kanyang pamilya. Umalis rin siya sa posisyon ng pagiging Royal knight at nagtatago bilang isang ordinaryong kawal sa border ng Emeria."

"Kwento na iyan ni Sayuri e. Ang tungkol na naman kay Siori." Saka lang malalaman ng mga readers na kakambal ni Sayuri ang unang alay kapag nagbabalik na ito para maghiganti. May iilang mga pangyayaring hindi alam ni Casmin kahit isa pa siya sa dakilang reader ng you're my miracle.

"Hindi inasahan ng Emperatris na magsisilang siyang muli ng isa pang batang babae. At napakalakas pa ng Holy energy nito na nagbigay ng liwanag na umakyat pa patungong langit. Dahil dito natuklasan ng Holy Church at ng ibang emperyo na may isinilang na batang Saintess sa nasabing lugar kaya agad silang nagpadala ng mga tauhan sa kinaroroonan ng Emperatris."

"Mabuti nalang at dumating agad kanyang kapatid na si Ginoong Nimrod. Ibinigay niya rito ang bata bago sila nagkahiwalay ng landas."

"Bakit sila nagkahiwalay ng landas?" Tanong ni Casmin.

"Nagkunwari silang dala ni Serena ang bata at nagpahabol sa mga Holy knights ngunit ang totoo, nasa basket na dala ni Nimrod ang bata at dinala ito sa pagtakas niya."

"Alam nilang kay Serena nakapokus ang ang mga Holy knight kaya siya ang nagdala ng kunwaring bata para maisahan sila."

Napatango naman si Casmin nang maunawaan niya ang rason kung bakit si Nimrod ang nagpalaki kay Siori sa halip na si Serena.

"After 5 years nagkitang muli sina Siori at ang kanyang ina. Ngunit dalawang taon mula noon, natagpuan sila ng Holy Church at ito na ang nakikita mo ngayon." Sabay turo kina Serena at sa batang Siori na nakikita nila sa screen.

"Noong minsan kang naging Siori, hindi pa nagkita sina Serena at Siori. Mga ilang buwan ang nakalipas magmula noon, nagkatagpo rin ang dalawa."

Napakagat ng kuko si Casmin maisip na mas mabilis ang oras sa Sumeria.

"Pero bakit ako nagiging Siori noon?"

"Dahil may koneksyon kayong dalawa. Mas malakas ang kagustuhan mong iligtas siya kumpara sa kagustuhan mong tulungan si Seo Yan."

"Seo Yan?"

"Yes, Seo Yan, ang pangalan ng batang tinulungan mo."

"Seo Yan pala ang pangalan ng batang iyon." Tumango-tangong sambit ni Casmin.

"Kung hindi mababago ang buhay ni Siori, sa pagkakataong ito, mamamatay ang kanyang ina at siya naman, sa kanyang pagtakas, makakasalubong niya ang mga kawal ng Emeria na nasa Aleria ngayon at dadalhin sa palasyo. Pagsapit ng sampung taong gulang niya, gagawin siyang alay kapalit ng kapayapaan ng Emeria at ng buong Sumeria."

Sa unang tingin palang ng Emperador alam niyang anak niya si Siori ngunit hindi man lang ito nag-alinlangang ialay ang anak na ikinagalit ng dakilang reader na si Casmin.

"Babaguhin ko ang buhay ni Siori."

Muli na namang may tumunog at isang notification na naman ang natanggap ni Casmin.

THANK YOU FOR UNLOCKING MISSION, SAVING SIORI'S MOTHER THE FORMER EMPRESS OF EMERIA AND CHANGING SIORI'S FATE.

"Kaya ba nagkuwento ka para mabuksan ang misyon na ito?"

Napaiwas naman ng tingin si Tinker.
"Kasi naman Master. Mabubuksan lamang ang mga misyon depende sa kung gaano mo kagustong tumulong. Ibig sabihin gustong-gusto ng puso mo na baguhin ang nakatadhana kay Siori. Hindi po mati-trigger ang misyon na ito kung maliit lang ang desire mong makatulong. Kaya sinasabi ko sa iyo ang mga dapat mong malaman para malalaman ko kung gaano mo kagustong makatulong sa sinuman sa kanila." Paliwanag muli ni Tinker.

"Kapag may misyon na mabubuksan, may pag-asa ring mababago ang iyong kapalaran. Kaya kung mas marami ang misyon, mas marami rin ang tsansang makakaipon ka ng maraming points at makakakuha ng maraming luck na magpapabago sa iyong buhay. It's a win-win situation for us. Kasi kapag magtatagumpay tayo, maaabot ko rin ang pangarap ko." Dagdag niya pa.

"Pangarap mo? Ano naman iyon?"

"Malalaman mo rin kapag natapos na natin ang ating misyon. Ang misyon ko ay gabayan ka hanggang sa huli at ang misyon mo ay baguhin ang nakatadhana sa mga Sumerian."

Napatingin si Casmin sa mag-ina. Hindi alam kung ano ang gagawin para makatulong.

"May ideya ka ba kung paano ko sila matutulungan?"

"Kaya kong lumikha ng harang sa pagitan nina Serena at sa mga taong galing sa Holy Church ngunit makakatulog ako ng ilang araw pagkatapos. Maliban doon wala pa tayong sapat na lakas para makatulong dahil hindi sapat ang points na meron ka para kumuha tayo ng abilidad na makakatulong sa kanila, maliban nalang kung..."

"Maliban kung ano?"

"Kung bumalik ka sa katawan niya." Sabay turo kay Siori.

"Bumalik?" Nakakunot ang noong sambit ni Casmin.

"O ba kaya kung tawagin ka niyang muli." Lalo namang naguluhan si Casmin sa sagot ni Tinker ngunit naagaw ang kanilang atensyon nang makarinig ng sigaw.

Napasigaw si Siori makitang tumilapon ang kanyang ina.

"Ina!"

Pinilit ni Serenang tumayo. Hawak ng kamay ng anak, umaatras-atras sila patungo sa tabi ng dagat. Nahagip ng kanyang tingin ang isang bangka.

"Sumakay ka ng bangka bilisan mo." Sabi ni Serena na agad namang sinunod ng bata. Tinulak ito ng ina palayo saka hinarap ang papalapit na mga kalaban.

Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para itulak ang bangka palayo sa kanya at ginamit ang sceptre para iharang sa mga kapangyarihan papunta sa kanya.

Lumuluhang pinagmasdan ni Siori ang papalayong pigura ng ina.

Isang malakas na kapangyarihan ang pinakawalan ng Head Vatican na siguradong tatapos sa buhay ng nanghihinang babae.

"Habulin niyo ang bata. Wag niyong hayaang makalayo." Sigaw nito sa mga Holy knight.

Pumikit naman si Serena at iniisip na katapusan na nilang mag-ina. Ngunit isang harang ang bigla na lamang lumitaw sa pagitan ng Holy church at sa kanya.

Natumba naman si Serena sa tindi ng panghihinang nararamdaman. Nakatingin sa kulay asul na harang na pumagitna sa kanya at sa mga humahabol sa kanila ng anak niya.

"Tinker, malubha ang sugat niya at sobrang hina ng kanyang pulso."

"Master, wag mo siyang hawakan." Sigaw ni Tinker ngunit huli na.

Nakahawak na si Casmin sa babae.

"Sorry, nakalimutan ko."

Nakatingala naman si Serena sa babaeng nasa tapat niya.

"Anak?"

"Ah?" Napanganga na lamang si Casmin nang tawagin siyang anak ni Serena. Pansin niyang nahihirapan ng huminga ang babae at kitang-kita niyang pababa ng pababa ang nagkulay pulang health percentage nito.

"Naubusan siya ng enerhiya, malubha rin ang internal injury na natamo niya." Sabi ni Tinker.

"Ayoko siyang mamatay? Ano ang dapat kong gawin?"

"Damhin mo ang nararamdaman ng puso mo at subukan siyang gamutin gamit ang healing ability na nakuha mo."

"Di ko alam kung paano." Natataranta ng sambit ni Casmin.

"Ang kapangyarihan mo sa mundong ito ay nanggagaling sa puso mo." Sagot ni Tinker na nabahala na rin sa kalagayan ng babae. Mararamdaman niya ang anumang mararamdaman ni Casmin kaya alam niya kung gaano ito nag-alala sa babae.

Nakita nilang papikit na ang babae.

"No. Gusto kong baguhin ang buhay ni Siori kaya hindi ka pwedeng mamatay. Magsisimula ako sa'yo." Itinapat ni Casmin ang kamay sa dibdib ni Serena.

Ngunit tuluyan ng ipinikit ng babae ang kanyang mga mata.

"Hindi. Hindi pwede. Pakiusap, gumaling ka." Lalo siyang nataranta at napaiyak na, maisip na wala siyang magawa. Noong una iniisip niyang isang laro lamang ang misyon niyang ito ngunit ngayong nakikita niyang may mamamatay sa kanyang harapan hindi pala niya kaya.

Nalulungkot siya at nasasaktan. Katulad sa pakiramdam niya sa bawat panahong may namamatay sa kwento. Kahit fiction lamang ang binabasa niya, nalulungkot siya at naiiyak para sa kanila kahit alam niyang hindi sila totoo.

"Pakiusap, gumaling ka. Nakikiusap ako."

Isang liwanag ang nabuo mula sa kanyang mga palad at kumalat iyon sa paligid.

Natigilan ang mga Holy knight paglitaw ng harang at ang pagbaba ng isang nilalang na hindi nila maaninag ang mukha. Nararamdaman din nila ang bigat ng pressure na tila ba may nakadagan sa kanilang mabigat na bagay.

"Ang enerhiyang ito, tila hindi nangagaling sa isang Sumerian."

"Anong klaseng kapangyarihan ba ito?"

"Isang Gibeon. Tanging Gibeon lamang ang may ganitong uri ng kapangyarihan."

Napapikit sila sa biglaang pagliwanag ng paligid.

***

"Aray. Ang sakit ng likod ko. Anong lugar ba 'to?" Napangiwi siya at napatingin sa kanyang paligid.

Nakita niya ang tubig at napansing nakayakap siya sa isang itim na bagay.

"Isda?" Gulat niyang sambit. Nakayakap siya sa likod ng isang dolphin.

Tiningnan ang mga kamay. Maliit ito katulad sa kamay noong nanaginip siyang napunta siya sa katawan ng isang bata.

"Tinker?" Tawag niya habang nagpalinga-linga sa paligid ngunit wala na siyang nakita pang ibang tao bukod sa kanya.

Wala na ang ginang at ang mga Hoky knight, wala rin si Tinker.

Napangiwi siyang muli nang maramdaman ang pananakit ng kanyang ulo.

May mga alaalang pumasok sa kanyang isip.

Nakasakay siya sa bangka at tila may enerhiyang nagtutulak sa bangkang sinasakyan niya na dahilan kung bakit dinadala pa rin ng tubig palayo sa dalampasigan kung nasaan ang kanyang ina.

"Ina!" Umiiyak niyang sigaw.

Naglahong bigla ang enerhiyang nagtutulak sa kanya palayo, at natanaw niya ang pagkatumba ng kanyang ina.

Muli niyang ginamit ang itinuro sa kanya ng kanyang tiyuhin. Ang paraan kung paano tumawag ang mga Saintess ng mga sugo ng kanilang Diyos na tinatawag nilang Anghel o mga Gibeon.

"Sa ngalan ng kapangyarihan ng piniling tagapangalaga ng kapangyarihan ng liwanag at katarungan, pakiusap, pakinggan niyo ang aking kahilingan."

"Iaalay ko ang aking kaluluwa kapalit ng kaligtasan ng aking ina..."

"Hindi ko na maalala ang lahat ng mga sinabi niya pero may tinawag siya. Kaya ba parang may pwersang humila sa akin papasok sa mundong ito?"

Kanina lang ay di nila alam kung paano makapasok upang makatulong, ngunit nakarinig siya ng isang boses na tila humihila sa kanya papunta sa kinaroroonan ni Serena.

Nagpupumilit siyang pumasok sa nakikita niyang screen kanina ngunit may harang na namamagitan sa kanila nina Serena at Siori, ngunit nang marinig ang boses ng bata, tila naglaho ang harang at nakalapit agad si Casmin kay Serena. Agad namang nakalikha ng harang si Tinker para hindi makalapit ang mga Holy knight.

Kaya lang nawalan si Casmin ng malay pagkatapos niyang gamutin si Serena. At nagising sa lugar na ito.

Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa tubig. Isang cute na batang may mahaba at kulay gintong buhok.

"Woah, ang cute naman ng mukhang ito." Napasinghap siya ng masabuyan ng tubig ang kanyang mukha dahil sa alon.

"Tingnan mo, malapit na tayo sa dalampasigan." Ang narinig niya sa matinis na boses.

Agad niyang hinanap kung sino ang nagsasalita.

"Sino ka?" Tanong niya.

"Nandito na tayo." Nasa mababaw na bahagi na sila ng dagat. "Hindi na kita maihahatid sa tuyong buhangin. Bumaba ka na. Wag kang mag-alala, malayong-malayo na ito sa mga humahabol sayo."

Tumayo si Casmin at nakatulala pa ring nakatingin sa dolphin habang nakaawang ang kanyang bibig.

"I-ikaw ang nagsasalita?" Sabay turo sa dolphin. Iginalaw naman ng dolphin ang buntot bilang tugon.

Napayakap si Casmin sa katawan maramdaman ang malamig na ihip ng hangin.

Agad siyang nagtungo sa tuyong bahagi ng dalampasigan. Nang makaalis na sa tubig napalingon siya sa dolphin at natanaw na lamang niya ang buntot nitong dahan-dahang lumubog sa tubig.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top