Casmin 11: Lucky Fish
"Siguro hindi lang siya nakikita kaya hindi ko siya nakikita. Pero paano kung ayaw niya sa akin dahil malas ako?"
"Sabi ni Ina, tutulungan ng mga Gibeon ang mga mababait at masisipag na mga bata. Kaya siguro niya ako tinulungan?"
Tumayo siya at nalaglag ang malaking t-shirt sa sahig. Dinampot niya ito at niyakap.
Nakita rin niya ang apoy mula sa fireplace.
"Kaya pala hindi na ako gaanong nilalamig."
Nagsimula na siyang kumain. Ngayon lang siya nakakain ng ganito kasarap. Madalas kasi, dried bread or mga pagkaing malapit ng mapanis ang ibinibigay sa kanya.
Nakakain siya ng maayos na pagkain noon lamang nandito pa si Tsung Yung Jo. Ngunit magmula noong umalis ito para samahan ang isang Viscount sa pagpunta sa Amradin Capital City, nagbago rin ang lahat.
Kinulong ang kanyang ina sa main house at siya naman ipinatapon sa sira-sirang bahay na ito. Pupuntahan lang kapag gustong pagtripan ng mga batang Tsung at pahirapan.
Palage siyang humihingi ng tulong sa invisible na nilalang na nagligtas sa kanila noon ngunit hindi ito nagparamdam muli. Ngunit isang araw kung kailan inaakala niyang mamamatay na siya sa bundok, dumating muli ang invisible na nilalang at binigyan siya ng makakain na gumamot sa iilang mga sugat na natamo niya.
At ngayon naman, binigyan siya nito ng t-shirt na ipinakumot sa kanya at nilutuan pa ng pagkain. Naluluha siyang umusal ng pasasalamat.
Natigilan naman si Casmin nang marinig ang pasasalamat sa kanyang utak.
"Nagsalita ka ba?" Tanong niya kay Belle.
"Nagsasalita ka diyan. Seryoso akong sumasagot ng assignment dito o." Sagot ni Belle na abala sa pagsagot sa assignment niya.
Kinuha ni Casmin ang cellphone at nakitang may notification na naman siya.
Congratulations. You earn the trust of the abandoned kid.
Nakikita niyang inililigpit na ng bata ang pinagkainan nito. Nadagdagan na rin ang HP na ngayon ay nasa 30% na.
Sinuot ng bata ang malaking t-shirt, bago muling ibaluktot ang katawan sa papag.
"Casmin, tingnan mo nga itong number 2. May ideya ka ba dito?"
Kinuha ni Casmin ang questionnaire na hawak ni Belle.
"5 ang sagot dito. Letter B." Sagot ni Casmin at ibinalik ang questionnaire kay Belle.
"Bakit mo ba kasi iyan sinasagutan?"
"Kapag masasagutan ko ito ng tama, magkakaideya na ako kapag may pagkakapareho sa mga lessons na nandito ang exam namin." Sagot ni Belle.
Mas may matalas na memorya si Casmin at madaling matuto kumpara kay Belle ngunit sa bawat may papalapit silang exam, may di magandang mangyayari sa kanya o sa kanyang pamilya at maiiwan na naman siya sa klase.
Kapag oras na ng exam, nagkakataong masakit ang ngipin o ulo niya. Minsan naman nagugutom siya. At madalas, hindi na tinatapos ang pagsagot sa kanyang test papers at ipapasa na niya para makauwi siya ng maaga. Kaya kahit na mas matalino siya, hindi siya matanggal-tanggal sa second section.
Ngayon alam na niya kung bakit minamalas siya. Iyon pala ay dahil negative 20 ang luck na meron siya.
Nang makaalis na si Belle, binalikan ni Casmin si Seo Yan. Sinigurado niyang walang palatandaan ng isda ang makikita sa tahanan ni Seo Yan.
Ipinasok rin niya sa storage room ang mga kagamitang ginamit niya.
Nang magising si Seo Yan wala na ang kaldero, at iba pang nilagyan ng pagkain niya kagabi. Napalitan na rin ng mga sanga ng kahoy ang fireplace sa halip ba uling.
Kung hindi sa apoy na nasa fireplace at sa hindi niya pagkaramdam ng gutom, iisipin niyang panaginip lamang ang lahat ng nangyari kagabi.
Halos himatayin naman si Madam Tsung Yu Min nang malamang anim na Lucky fish na lamang ang natitira sa fish pond nila.
Nabibili lamang ang mga lucky fish sa auction house at libo-libong pera ang ginastos nila sa bawat isa nito. Ang lucky fish ay simbolo na ng kanilang pamilya at itinuturing na source of luck and fortune ng mga taga Sumeria. Naniniwala silang kung gaano karami ng lucky fish na nabubuhay sa tahanan ng isang Sumerian, ganoon din karami ang swerteng darating sa kanila. Kaya naman, nag-iipon ang bawat pamilya ng lucky fish at inaalagaang mabuti. Para makuha ang blessing ng God of Luck nila.
Ngunit wala na ang lucky fish nila. Hindi naluha ang Madam sa blessing of luck na pinaniniwalaan nila kundi sa perang iginugol nila para lang mabili ang mga lucky fish.
Tinanong nila ang guwardiya na siyang naatasang magbantay sa fish pond ngunit hindi sila naniniwala sa sinasabi nitong nakalutang sa hangin ang mga isda.
Hinalughog na rin nila ang buong paligid ng Tsung household. Nagtungo ang tatlong mga anak ni Mister Tsung kasama ang mga kawal para tingnan kung nakauwi ba si Seo Yan.
"Buhay pa rin ba siya?" Tanong ng 10 years old na si Tsung Zi Ren.
"Kapag buhay pa siya, sabihin natin na siya ang kumuha para maparusahan siya." Sabi ng 12 years old na si Tsung Yu Nan.
"Tama. Ang galing mo talaga Kuya." Sagot ng 9 years old na si Tsung Yu No.
Ngunit wala silang makitang ibang bagay na maaaring gamitin para maisisi kay Seo Yan ang pagkawala ng mga isda sa fish pond.
Naratnan nila si Seo Yan na namamaluktot malapit sa apoy. Sa tapat nito ay ang malapit ng mapanis na tinapay na nakalagay sa walang hugas na pinggan.
"Buhay ka pa pala." Sabay apak sa tinapay.
"Magmakaawa ka at ibibigay ko ito sa'yo." Nakangising sabi ni Yu Nan.
Hindi naman siya pinansin ni Seo Yan.
Sisipain na sana si Seo Yan nang magsalita si Yu No.
"Kuya, ano kaya kung kunin natin ang natitirang Lucky fish sa pond at ihawin natin sa fireplace niya para siya ang mapagbibintangan at tiyak na palalayasin na siya ni Ama." Sabi ni Yu No.
"Oo nga Kuya. Parating na raw si Ama. Baka makita pa tayong sinasaktan siya." Sagot naman ni Zi Ren.
"Sabihin nalang natin na matagal ng ninanakaw ni Seo Yan ang mga isda at ginawa niyang pagkain niya. Kaya nga hanggang ngayon buhay pa rin siya." Sabi ni Yu Nan.
Nakangisi nilang tiningnan si Seo Yan. Iniisip na mawawala na rin sa landas nila ang kinaiinisan nilang mukha.
Naiinis sila sa mukha ni Seo Yan dahil sa kagwapuhan nito. Sa kanilang buong lugar, wala pa silang nakikitang kasing gwapo ng mukha ni Seo Yan.
Taas noo silang umalis. Mabilis na tumayo si Seo Yan at nilinis agad ang mga yelo na dala sa mga sapatos ng tatlo kanina.
Naisip niyang may pag-asa ng magagamot ang kanyang ina dahil magbabalik na si Tsung Yung Jo. Nangako itong maghanap ng magaling na doktor sa capital city para sa kanyang ina. Kaya umaasa siya.
At dahil hindi nila mahanap ang nagnakaw ng mga isda, lalong nagalit si Madam Tsung Yu Min.
"Bigyan ng sandaang palo ang walangyang hampaslupang ito. At dalhin siya sa kulungan hanggang sa bawian ng buhay." Nanginginig sa galit na sigaw ni Madam Yu Min.
"Madam, patawarin niyo po ako. Bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon." Pagmamakaawa ng guwardiya ngunit hinila na siya ng mga kasama para parusahan.
Mula sa mahirap na pamilya ang guwardiya at nagsikap na makakuha ng trabaho hanggang sa matanggap siya sa tahanan ng Tsung. Kahit maliit lamang ang kanyang sahod, tinanggap niya. Ang mahalaga ay magkakapera siya para maipantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya inaasahang may mangyayari sa mga isda sa fishpond. Kahit ilang beses siyang nagpapaliwanag, walang naniniwala sa kanya.
Excited na sana siyang umuwi dahil malapit na ang buwanang sahod nila at mabibilhan na niya ng paborito nitong laruan ang ikalawang anak na magbi-birthday sa susunod na araw. Sa kasamaang palad, hindi na niya matutupad ang ipinangako niya sa anak. At mukhang hanggang dito nalang ang buhay niya.
Alam niyang wala pang nakakatagal sa isandaang palo gamit ang pamalo ng mga Tsung. Gawa ito sa matibay bakal at sa sampng palo palang ay sapat na para malagay sa alanganin ang buhay ng sinuman. Sa limampung palo palang natitiyak niyang ikamamatay na niya, isandaang palo pa ba?
Tumulo ang kanyang luha at tinanggap na lamang ang kanyang mapait na kapalaran. Pinadapa siya sa mahabang upuan at pumikit na lamang makita ang pamalong nakataas na sa ere.
"Aaah!" Sigaw ng boses babae.
Napahinto ang may hawak na pamalo at tiningnan ang nakadapang guwardiya.
"Dolsowe, hindi pa kita hinampas, bakit sumigaw ka na ha?"
Naidilat naman ni Dolsowe ang mga mata. Nagtataka rin kung bakit may naririnig siyang sigaw.
"Boses babae iyon."
"Wala naman a." Sagot ng isa pang guwardiya.
Muling itinaas ni Noksen ang pamalo at ihahampas na sana kay Dolsowe ngunit nakarinig na naman sila ng sigaw ng babae.
"Boses ni Madam." Sambit ng kasama.
"Lumayo ka. Ahhh!" Nagkakandarapa sa pagtakbo si Madam Tsung Yu Min sa hallway habang hinahabol ng malaking lucky fish na nakalutang ngayon sa hangin.
Bigla na lamang sumulpot sa tapat ni Noksen ang nakangangang lucky fish na ikinabitaw niya sa hawak na pamalo sa sobrang gulat.
Lumipad ang pamalo at hinabol ang dalawang nagsitakbuhang guwardiya.
Hindi nila alam na hawak pala ito ni Casmin at hinabol ang dalawang guwardiya para takutin.
Nakasalubong niya ang tatlong batang nang-api kay Seo Yan. Lumawak ang kanyang ngiti habang nanlaki naman ang mga mata ng tatlo sabay takbo.
***
Nagtagpo ang mga kilay ni Mister Yung Jo makitang wala man lang ni isa sa mga guwardiya ang nagbabantay sa kanilang tarangkahan. Pumasok siya sa kanyang bahay kasama ang dalawa niyang guwardiya at nakita si Madam Yu Min na parang baliw na tumatakbo. Magulo ang buhok at gusot-gusot ang suot na bestida.
Nakasalubong rin niya ang tatlong mga anak na may mga bukol ba sa mukha.
"Ama, tulong. May multo. May multo." Umiiyak na sambit ni Yu Nan. Nakaluhod sila ngayon sa tapat ng kanilang ama.
"Ano bang nangyayari dito?" Tanong niya.
Isang kawal na nanginginig sa takot ang pilit na sumagot.
"Master, may multo." Ikinuwento nito ang nangyayari.
Matapos isalaysay ang lahat, lalo lamang kumunot ang noo ni Mister Yung Jo. Mabilis siyang nagtungo sa kanyang maliit na fish pond.
Laking gulat ng lahat dahil may mga isda ng muli ang pond na kanina lang ay walang ibang laman maliban sa anim na lucky fish at water lily na nandoon.
"Pinagloloko niyo ba ako?"
"Pero wala talaga itong kalaman-laman kanina." Sagot ni Yu Nan.
"Wag mong sabihin na namamalikmata lang ako?" Tanong ni Mister Yung Jo at binigyan sila ng matalim na tingin.
Kinusot nila ang mga mata at tumingin muli sa tubig. Nandoon pa rin ang mga lucky fish. At kung may kulang man ay hindi nila alam.
Kahit si Madam Yu Min ay hindi rin makapaniwala. Pakiramdam niya nababaliw na siya. Sa labis na stress ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top