feb 14 | the fruit of all pain
1 4 t h d a y o f f e b r u a r y .
——
It's Valentine's Day. I want to make my woman happy. So, we're here at the amusement park near Mama's house. Kasalukuyan kong nakikita ang masayang mukha ng aking minamahal habang pinagmamasdan niya ang mga batang nakasakay sa mga laruang sasakyang hindi ko alam ang pangalan.
Bakit ko pa nga ba pinalipas ang sampung taon? Papaano ko natiis na hindi siya kasama sa mga taong iyon? Maski sarili ko ay hindi makadepensa sa sarili kong pag-iisip. Nakapagulo ko, lalong-lalo na ang mindset na mayroon ako. Inunahan ako ng aking pagkaduwag. Kaya imbes na balikan siya noon, mas pinili kong gawing successful ang sarili para my maipagmalaki ako sa kaniya sa oras na magkita kaming muli.
"Estelle," pagtawag pansin ko sa kaniya.
Nagagalak na nilingon niya ako. I automatically smiled because of her smiling face.
Before, she's like a dream I can't reach. Hindi ko inaakala na humantong kami sa ganito. Akala ko ay pinagbibigyan niya lang ako sa mga gusto ko noon, katulad ng ipagdamot siya sa ibang mga bata, dahil pansamantala akong naging ampon ni Mama. Akala ko ay kapatid talaga ang turing niya sa 'kin. How come I didn't realize that she's in love with me?
"I love you, gorgeous."
Namula ang kaniyang pisngi at agad akong hinampas sa braso. Tatawa-tawa ko siyang niyakap nang mahigpit. Nang makontento, lumayo ako sa kaniya at inabot ang maliit na pulang kahon na nasa bulsa ko lang. Nagtataka siyang napatingin sa akin nang lumuhod ako sa kaniyang harapan. Nang maproseso niya ang nangyayari, tinakip niya ang kamay sa kaniyang bibig at nagsimula na naman siyang humikbi kahit wala pa naman akong sinasabi.
What a cute crybaby I have here.
"I made myself suffer for ten years. I keep dreaming this scene, and now that I've got to reach this dream... I will never pass this opportunity. Will you be my wife, my everything—Yra Estelle Figuerroa?" kasabay ng pagbigkas ko sa mga salitang iyon ang pag-ilaw ng kalangitan—nagsilabasan ang makukulay na paputok na siyang mas lalong nagpaganda sa paghingi ko sa kaniyang permiso.
Nag-umpisang tumulo ang aking mga luha nang tumango ito nang sunod-sunod at pinatayo ako nang pilit. Paulit-ulit akong napasigaw ng mga salitang nagpapahiwatig ng aking kasiyahan at niyakap ng mahigpit ang babaeng tanging nagpasaya sa akin ng ganito.
"Thank you... thank you for making me more than happy, my love. This is beyond my dreams. I love you, my always."
For all the pain I felt and caused, it was all worth it to be in this situation. Hindi ko aakalaing lalampas sa kalangitan ang kasiyahang nadarama ko. Walang makakapantay nito kung hindi man lang mula sa kaniya.
I, Habi Gabriel Swift, will end this story by saying... it's always her.
- END -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top