feb 10 | destiny has its own way
1 0 t h d a y o f f e b r u a r y .
——
Lumipas nang mabilis ang mga araw. Walong araw na ang nakararaan mula noong muli ko siyang nakita. Ngunit kahit gano'n pa man, hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagtatagpong iyon.
Matapos niyang magkuwento sa nangyari sa kaniya, nagpasalamat lang siya at sinabing kinakailangan niyang umuwi dahil mayroon pa siyang trabahong naiwan. Kahit gano'n kabilis ang oras na nakasama ko siyang muli, nagawa ko pa ring makinig nang maigi sa mga kuwento niya.
Nasabi niyang anak ng kaibigan ng mga magulang niya ang babaeng nangloko sa kaniya. Sinubukan naman niyang mahalin ang babae pero hindi niya talaga raw kaya. Habang sinasabi niya 'yon, parang mayroong bumabagabag sa kaniya at hindi niya lang masabi o mukhang may naalala lamang siya.
Nang dahil sa relasyon nilang para sa kaniya ay pilit, nagawang magloko ng babae at sa tambay pa talaga siya pinagpalit. Nasasaktan siya sa katotohanang naloko siya kahit sabihin pang walang pagmamahal ang kanilang relasyon.
Para akong nabunutan ng tinik sa kuwento niya. Pero nasasaktan pa rin ako. Nagsama sila ng babaeng iyon sa loob ng ilang buwan. Ano kaya ang ginagawa nila sa mga buwang iyon?
At mukhang nakalimutan niya ang pangako niya noon . . . Sabagay, napakatagal na no'n at mabuti nga'y hindi niya pa ako nakakalimutan. Samantalang ako ay siya pa rin ang minsang naiisip.
The world and its people are really unfair. Bakit pa kasi bumalik siya? Sana ay hinayaan na lang ng tadhana na maging boring at monotone ang buhay ko hanggang sa huling sandali ko rito sa mundo. Ginulo pa talaga ng taong iyon.
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi sa bahay pero hindi pa rin ako masyadong nakalalayo dahil sadya kong binabagalan ang paglalakad.
Namimiss ko na si Mommy at Lola, e. Plano kong dalawin bukas si Lolo kasama sila bago ako magiging busy sa buong buwan. Panigurado kasing marami ang magpapagawa dahil sa tema ngayong buwan, gaya ng mga nakaraang taon.
Sapat ang tulog ko kagabi dahil sinadya ko iyon. Binitawan ko muna saglit ang mga iniisip—kasali na siya, at pinagpahinga ang sarili. Papaano kasi, Mommy chatted and that's what she said, like she knew that something is bothering me.
Wow, Estelle. Bumukod ka sa pamilya mo para masabi sa sarili na independent ka na pero parang gano'n pa rin naman.
Gusto kong pagtawanan ang sarili, pero baka may magsabi sa akin na baliw rito sa daan. Medyo madami pa naman ang tao.
Sa aking paglalakad nang walang bitbit na kahit ano, biglang may isang taong umakbay sa 'kin. Lumaki ang aking mga mata at handa na sanang manlaban dahil pinakaayaw ko sa lahat ay hinahawakan ako ng hindi ko kilala, hinigit ako ng taong iyon at biglang niyakap sa gitna ng nga taong dumadaan.
Nahigit ko ang aking hininga. "Ump!" daing ko pa dahil sa higpit no'n. Unti-unting rumeshistro sa aking utak ang pagiging pamilyar ng yakap. Nang dahil sa yakap na ito, ang akala kong manhid nang puso ay lumambot.
Muntik na naman akong maiyak pero pilit kong pinipigilan ang sarili. Ayaw ko ng umiyak sa maling tao, pero bakit niya ba ito ginagawa? Ayaw ko nang mag-assume, pakiusap.
"I miss you, I miss you..." his broken voice echoed.
Tuluyan na akong tumigil sa pagpupumiglas. Heto na naman ang pakiramdam ng pagiging malambot. Rumurupok na naman ang akala kong matibay na proteksyong aking binuo. Balewala na naman ang lahat ng aking pinaghirapan sa mga nagdaang taon. Nawawasak na. Pagod na akong umasa pero heto na naman ako at umaasa.
Hindi ko gustong may makakitang iba sa eksenang ito kahit hindi naman nila kami kilala. Kaya naman ay hinila ko siya papasok sa apartment ko na malapit pa lang mula sa aking nilalakaran. Agad akong napaupo sa kama at napatitig sa kaniya na ngayon ay nakatitig din sa akin habang nakaupo sa swivel chair. Umiiyak siya at mukhang nakainom dahil sa namumula niyang mukha.
"H-Habi?" pagtawag pansin ko sa kaniya. Mukha kasing nags-space out siya. "Are you... okay? Baka napagkamalan mo lang akong ex-girlfriend mo, ah." Tumawa ako ng hilaw.
Umiling siya at nilapit ang upuan sa puwesto ko. "Estelle, I'm sorry... I'm sorry, I'm sorry! Forgive me, please. Please, forgive me and I will explain everything to you. Please... give me a chance," sumisinghot na pakiusap niya. Muntik pa siyang lumuhod kung hindi ko lang siya napigilan.
Napuno ng pagtataka ang aking mukha. Ano ba'ng pinagsasabi niya? Hindi ko maintindihan kung bakit siya biglang nagsasabi nito. Kung bakit niya ito ginagawa. Parang ang bilis ng pangyayari. One moment, I was walking. And now, I'm with the guy whom I didn't wish to be with after being hurt.
"I-I don't understand..."
Mukha na talaga siyang may tama kahit umaga pa lang naman ngayon. Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap na naman ako; sinubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg at doon umiyak nang umiyak habang paulit-ulit na sinasambit ang mga katagang hindi ko kayang paniwalaan.
"I'm sorry... I loved you, Estelle, and I still love you. I missed you and even you're in front of me, I still miss you. It's always you, Estelle, always you..."
***
if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!
love,
ruru
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top