10 years ago | the day he said goodbye

t e n y e a r s a g o .

——

"Anong ginagawa mo?"

Umusog ako papalapit sa kaniya at pilit na sinisilip ang kaniyang ginagawa. Kagagaling ko lamang sa eskwela samantalang siya ay hindi pumasok sa hindi ko malamang dahilan. Nang makauwi ako, siya lang ang nadatnan ko sa bahay dahil malamang ay nasa shop si Mommy at bumisita naman sina Lolo at Lola sa bukid. Mayroon siyang ginagawa na hindi ko makita ng maayos bukod sa mga nagkalat papel at panulat sa paligid niya.

"Stop right there, Estelle! You're not allowed to see this." Kaagad niyang tinago ang ginagawa at dali-daling niligpit ang kalat na sarili niyang gawa.

"Ano nga 'yan?" pagpupumilit ko pa. "Sige ka, isusumbong kita kay Mommy na lumiban ka na naman sa klase! Alam mo bang galit na ang mga propesor mo dahil do'n? Ako iyong tinatanong nila at pinapapunta pa talaga sa campus n'yo, e ang layo no'ng campus ng kolehiyo!"

Biglang lumaki ang kaniyang mga mata at kasama na roon ang butas ng kaniyang ilong. Pinigilan kong mapahagikgik sa nasaksihan. He's really cute with that expression.

"Don't! Please, Estelle, mababasa mo naman na ito kapag ano..." unti-unting humina ang boses niya kaya hindi ko na narinig pa ang kasunod ng huling narinig ko.

"What?"

Umiling lamang ito. "Basta! Alis nga r'yan, inaantok ako."

Nagpadyak pa ako sa inis bago dumeretso sa kuwarto. Matapos magbihis, ginawa ko saglit ang homeworks ko at nilinis ang kuwarto dahil kung hindi ko iyong gagawin, baka kapag umuwi na si Mommy ay masermunan na naman ako at pagtatawanan ni Habi.

Tapos na lahat ng gawain ko kaya lumabas na ako ng kuwarto at pumunta ng kusina. Ang alam ko ay iskedyul ko ngayon sa pagluluto pero naabutan ko si Habi na nakatalikod at parang masiglang ginagawa ang pagluluto.

Napahinto ako at napatitig sa kaniyang ginagawa. Kitang-kita ko na nage-enjoy siya pero sa isang iglap, huminto ito at parang may naalala o napagtanto. Nakaharap siya sa puwesto ko pero alam kong hindi niya ako napapansin dahil sa nakaharang na kurtina mula sa puwesto niya.

Nalungkot ang kaniyang mukha pero makalipas ang ilang segundo, parang kinakausap niya ang sarili na hindi ko naman naririnig at ngumiti ito.

"Wow, ayos ka lang kaya, Habi? Para kang sinapian, e," bulong ko.

Papasok na sana ako pero naunahan ako ni Mommy na nakauwi na pala at mukhang hindi ako napansin. Gano'n na ba ako ka-hindi kapansin-pansin? Parang gusto kong magtampo kahit saglit pero nang makita kong parang kakausapin niya si Habi, nagpasalamat kaagad ako dahil hindi niya ako nakita.

I know eavesdropping is bad, but I couldn't help it.

"Habi, anak, the time has come."

Napakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ni Mommy?

"Po? What do you mean, Mama?" takang tanong din ni Habi. "I-Is it about..."

Tumango ang aking ina na mas lalong nagpatalas ng aking kuryosidad. May nalalaman ba silang hindi ko alam? Ang daya, ah!

"Yes, hijo. I already found your foster parents. Nasa Korea sila at kasalukuyang naghahanda para sa pagbabalik dito sa Pilipinas na kanilang pinagmulan din pala. Are you ready for this? Maybe, next week will be your last here."

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig. Tinambol nang malakas ang aking puso at kahit anumang oras ay lalabas ito sa pinaglalagyan. Muntik pa akong mabuwal sa kinatatayuan ko dahil sa panghihina. Napatakip ako ng bibig at hindi na napigilan ang luhang kumawala mula sa aking mga mata.

Heto na naman ang aking pagiging iyakin. I'm already 16 years old but I am still a crybaby. Kasalanan ni Habi ito, e. Palagi akong pinapaiyak. Pero iba ngayon... iba ang sakit na dulot ng iyak ko ngayon.

Aalis siya. Iiwan na niya kami... ako. Akala ko ay sapat na walong taong pinagsamahan namin para hindi niya maisip na bumalik sa mga umampon sa kaniya. But, I shouldn't be selfish. It's his family and I have no strength and courage to fight that.

He only sees me as his sister. Why am I acting this way? I should be happy, instead of silently crying here like it's the end of the world. I should be supporting him, not the other way around.

Bakit pa kasi nakita namin siya sa airport kung iiwan niya lang din kami?!

"Okay. Thank you for informing me, Mama." Hindi ko man makita ang mukha niya dahil hindi ko kayang tingnan ito nang hindi ngumangawa, alam kong nakasimangot ito base sa boses niya.

And I know that he's also close to crying. Pareho naman kami, e, iyakin. Kahit dise-otso na siya ay hindi niya kinakahiya ang pag-iyak.

"Estelle? What are you doing there?"

Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Mommy. Ilang minuto ba akong nakatulala at hindi ko napansin ang paglapit nila?

"M-Mommy..." my voice broke. "I-Is true? H-Habi's leaving?"

Naging malambot ang tingin ni Mommy at dinala ako sa kuwarto ko, hindi hinahayaang marinig ng kung sino ang aming pag-uusap. Mukhang hindi rin ako napansin ni Habi dahil abala na ulit ito sa pagluluto nang malingunan ko.

Umupo kami sa kama nang magkaharap nang bigla akong niyakap ni Mommy. "Hush now, baby, okay? We—you just have to accept it. He will be in good hands naman. You don't have to worry about him," pagpapagaan niya sa kalooban ko.

"But he's still leaving. Maiiwan ako. Balewala lang ba iyong pinagsamahan namin?" parang tangang tanong ko. I know I am being pointless but this is just a sign that I cannot accept it that fast.

I love him. Dapat ay panagutan niya ako ngunit alam kong imposible iyon. Kapatid lang ang tingin niya sa 'kin.

"Estelle, of course your bond matters to him. It's just that, he have his own family. Lahat naman 'ata ng tao ay naghahangad na may pamil—"

"Are we not his family, Mom?"

"No. I mean, we are. But..." napabuntong hininga ito at parang hirap na hirap na sa pagpapaliwanag. "You see—"

"I understand, Mommy. I just don't want to accept it immediately. It hurts..." Napangiti naman ako ng malungkot. Naintindihan ko naman lahat pero ako lang itong indenial. Such an immaturity, Estelle.

Hindi na nagsalita pa ang aking ina at niyakap na lamang ako nang mahigpit. Kahit anong pigil ko ay tumulo pa rin ang luha kong hindi maubos-ubos. Umiyak ako sa bisig ni Mommy nang dahil lang sa lalaki.

But he's not just a guy. He's extremely important to me. I hate this kind of feeling. Why am I even feeling this pain and at the same time, love?

Dahil sembreak naman ay hindi ako lumalabas ng kuwarto, puwera nalang kung kakain at may kukunin sa labas. Iniiwasan ko siya at alam kong nahahalata na niya iyon. Yaya siya nang yaya na gumala raw kami para maibsan ang lungkot ko, pero ang hindi niya alam ay siya ang dahilan nito. Hinahayaan lang din ako ni Mommy dahil alam niya ang nangyayari sa 'kin.

I'm trying to accept this fate as soon as possible. Love Month pa naman ngayon kaya dapat ay pagmamahal lamang ang mamayani. Pero sa tingin ko ay hindi iyon posible. Hindi puwedeng purong pagmamahal lang ang buhay, may pighati rin ito at hindi iyon maiiwasan.

Bukas ng gabi ay ang flight niya. Narinig ko na pinag-usapan iyon sa hapag-kainan kanina no'ng nag-dinner kami. Alam ko rin na alam na nilang lahat ang bagay na iyon at alam kong alam din ni Habi na alam ko. Mukha ngang unti-unti na niyang naiintindihan ang sitwasyon.

"Estelle, please, talk to me. Aalis na ako pero ganiyan ka pa rin. Don't you want to take my time here?"

Napaisip ako sa kaniyang sinabi at napahinto sa pagkakatulala. Parang nagising ako sa malalim na pagkakatulog matapos may napagtanto. Right. Bukas ay aalis na siya pero heto ako ngayon at nagmumukmok. I should be savoring the moment right now.

Suminghot ako dahil kagagaling ko na naman sa pag-iyak. Inayos ko ang aking hitsura at napagdesisyunan na kausapin at agawin ang oras niya ngayon. I unlocked the door and went back to the bed.

"Come in."

Natigil ang kaniyang pagkatok at dahan-dahang binuksan ang pinto. Maingat ang kaniyang kilos na parang kung magkamali siya ay takot siyang masigawan. Agad nagtama ang aming paningin. He's just wearing a plain white shirt and maong short.

"Umiyak ka na naman," puna niya. "C-Can I sit?" Tumango ako bilang sagot.

"Sorry for not telling you right away. I don't want to leave you but I must. Babalikan kita, Estelle. I will visit you someday. I can't afford of losing you completely because..." he's contemplating.

Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi niya kahit naintindihan ko naman. Agad ko siyang dinamba ng yakap kaya natumba kaming pareho sa kama. Akala ko ay ubos na ang aking luha pero tumulo na naman ito nang maakap siya. Naririnig ko na rin ang mumunting iyak niya nang yumakap ito pabalik sa 'kin.

"A-Alam kong wala akong laban sa kanila pero ayaw kong malayo sa 'kin, Habi. Ayaw ko pero kinakailangan. Mahal na mahal kita kahit a-alam kong kapatid lang ang turing mo sa 'kin sa loob ng walong taon..." I mumbled those words using my muffled voice.

There, I said it. I confessed, and yet, I can't feel the embarrassment I should be feeling right now because of his warm hug. I'm elated and I don't know why.

Niyakap niya ako nang mas mahigpit at hindi ako sinagot—na parang hindi niya narinig ang aking pag-amin pero alam kong narinig niya iyon.

Pinahiwalay niya ako sa kaniya at pilit na pinapaharap sa kaniya. Nakadapa pa rin ako sa ibabaw niya at hindi man lang ako nakaramdam ng hiya. Ito na ang huling pagkakataon para magawa ko ito sa kaniya kaya bakit ko sasayangin pa?

Inayos niya ang nagkalat kong buhok sa aking basang mukha at pinapatahan kahit siya ay umiiyak din. Hindi siya nagsasalita pero kita ko ang saya sa kaniyang mga mata sa hindi ko alam na dahilan. Pinalapit niya ulit ako pero akala ko para yakapin na naman. Hindi ko inaasahan ang kaniyang sunod na ginagawa.

He kissed me. I am too stunned to react nor respond. Malambot ang kaniyang labing humahalik sa akin at parang sinasanay niya pa ang sarili. Nakatitig lamang ako sa kaniyang mga matang nakapikit na parang dinadama ang halik naming ito.

Hinaplos ng kaniyang kamay ang aking buhok at dinidiin ang ako sa kaniya. Napakurap ako dahil doon at parang nagising na naman sa pagkakatulog. Humiwalay lamang siya nang maubusan na kami ng hininga. Para akong lumangoy sa ilalim ng karagatan at kaaahon lamang.

"W-Wha—"

Hindi pa nga ako nakaka-recover sa unang ginawad niya nang binigyan na naman niya ulit ako. Sa pagkakataong ito, hindi ko na sinayang pa. Wala akong experience sa ganito dahil siya lang naman ang palagi kong kasama.

Ninanamnam ko pa ito nang bigla niyang ginalaw ang kaniyang mga labi. He's moving it like an expert as he seek for entance to enter the paradise. I gave him the permission. Naging mainit ngunit maingat ang kaniyang paghalik. He is guiding me to follow his rhythm and I did what he wants me to do.

Umaabot na sa kung saan-saan ang kaniyang makulit na kamay, humahaplos at parang kinakabisa ang bawat parte ng aking katawan. Ako naman ay nakahawak lamang sa kaniyang buhok at hinihimas-himas iyon.

Kahit sobrang saya ko dahil sa ginagawa namin ngayon, hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil sa katotohanang baka ginawa niya lamang ito dahil ito na ang huli. Hindi niya talaga binalik ang pagmamahal na inialay ko sa kaniya. Wala naman kasi siyang sinabi.

Humiwalay na kami sa isa't isa. Hinahaplos niya ang aking mukha na mukhang kinakabisa ito. He smiled. "Action speaks louder than words, Estelle."

....

Magkatabi kaming natulog dalawa. Pero nang magising ako kinaumagahan, wala nang bakas na dito siya nanggaling. Umalis na siya at hindi man lang niya ako inantay na magising.

"How cruel."

Niligpit ko ang higaan ko pagkatapos ay umupo at nagsimula na namang mag-drama. Nagpapahid ako ng mga luha nang may nahagip ang aking mga mata.

Para iyong scrapbook ngunit hindi masyadong pulido ang pagkakagawa. Ngunit alam kong pinaghirapan iyon ng gumawa dahil sa itsura. Wala iyon kahapon kaya alam kong sa kaniya ito.

Kinuha ko ang scrapbook at sinimulang pakliin ang mga pahina. Larawan naming dalawa ang mga nandoon. At sa bawat larawan ay mayroong mga sulat na siyang nagpaiyak pa sa 'kin lalo. Inisa-isa kong binasa at tinitigan lahat. Sa huling bahagi ay mayroong sulat na napakahaba ngunit pinagtyagaan ko iyong basahin—kahit halos hindi ko na mabasa dahil sa pangit ng sulat-kamay niya.

Matapos kong basahin iyon, hindi na talag tumigil ang mga luha ko na parang umiiyak ako sa isang taong wala ng buhay. Sa dami ng sulat ay may isang parte lang na tumatak sa akin.

I may not be here on the Valentine's Day, but always remember that I love you (whatever you think this kind of love is). This is my advance present for you. I hope I made you happy everytime I was with you, because to me, you made me happier than the others. Thank you, Estelle. I will visit you someday. Goodbye.

He made me happy. But that happiness didn't last long for he left without giving me time to express my love fully. Pumalit ang sakit sa kasiyahang dulot niya.

Lalo na't hindi na siya nagparamdam matapos ang araw na iyon. Ang araw kung kailan iniwan niya ako at ang mga alaalang bumaon sa aking puso.

***

napahaba, wooh! hahah. mas mahaba pa sana kaso nadistract na akes ng aking mga kapatid at nawala ang lahat ng isusulat ko sana sa chapter na ito wahahaha!

if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!

love,
ruru

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top