Chapter 7: Light of Necklace

DUMATING na naman ang araw ng Lunes na aming kinatatamaran. It only means na mami-meet na naman namin muli si Sir Ernie.

"Makikita na naman natin 'yong gurang na 'yon," naiinis na sabi sa akin ni Bea habang nagbibihis na kami.

Simula no'ng patakbuhin kami ni Sir Ernie sa quadrangle ay nainis na sa kanya ang buong section namin. "By the way, anong balita sa form na ipinasa natin doon sa White Soldiers?"

"Magpapadala raw sila ng sulat kapag pumasa ka naman. Maybe after a week. Maraming nag-try sa White Soldiers kasi iyon daw ang pinakamalakas na family rito sa Altheria." Napatango-tango naman ako sa kanyang sinabi.

Noong matapos na kaming magbihis ay naglakad na kami palabas ng dorm at pumasok sa una naming klase which is kay Sir Ernie.

Masaya kaming nag-uusap na magkakaklase dahil wala pa naman si Sir. Habang nagkukuwentuhan kami ay bigla kaming napatigil nang biglang lumapit sa akin si Charly, ang isa sa kambal.

"M-may problema ba?" pagtatanong ko sa kanya pero mas lalo niya lang inilapit ang mukha niya sa akin. Kinakabahan ako dahil parang inuusisa niya ako.

"Nakita kong kumislap ang kuwintas mo kanina," sabi niya. "Nalaman mo na ba ang specialty mo?"

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Charly and at the same time natatakot. Hindi ko alam ang sinasabi niya dahil hindi ko naman napansin na kumislap ang suot kong kuwintas lalo na't busy ako sa pakikipagkuwentuhan sa iba kong kaklase.

"Hindi kita maintindihan." Nasasaktan na ako sa pagkakahawak ni Charly. Ewan ko ba kung bakit sobrang big deal sa kanya ng pagkislap ng kuwintas ko. "Ano ba, Charly! Nasasaktan na ako!"

"Hindi mo ba siya narinig?" Biglang malakas na tinapik ni Red ang kamay ni Charly at nabitiwan niya na ang braso ko. "Nasasaktan 'yong tao," malamig ngunit may pananakot na sabi ni Red.

"What's going on here?" Biglang dumating si Sir Ernie at inilapag ang kanyang gamit sa desk. "May problema ba?"

"Sir, kumislap po 'yong kuwintas ni Jasmin," pagsusumbong ni Charmaine na parang siya ang nakakita. Masyadong sipsip 'tong kambal na 'to.

"Maybe nagsisimula nang magising ang magi sa katawan ni Jasmin. Normal lang 'yon." Napatingin sa akin si Sir Ernie at seryoso akong tinitigan. "Pero in just a period of time na magising mo ang magi, you're a special student, Jasmin. Ikaw pa lang ang nakikita kong estudyante na nagawang pakislapin ang kuwintas in just a week."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Sir. Tiningnan ko naman ang kuwintas na nasa aking leeg pero wala pa rin naman itong kulay. Siguro ay namalik-mata lang si Charly. Imposible naman na maging special student ako. Nahihirapan nga ako sa mga physical and mental activities eh.

"Okay, class, proceed to the quadrangle now," sabi ni Sir Ernie. Maraming mga nagreklamo at napapasigaw na lang sa inis. "Pupunta kayo sa quadrangle o gusto n'yong hindi na tayo magkita-kita pa next semester?"

Dahil nga sa pananakot ni Sir ay nanlulumo kaming lahat na lumabas ng classroom. "Bwisit talaga si Sir. Walang kakonsi-konsiderasyon sa katawan," pagpoprotesta ni Bea.

Nang makarating na kami sa quadrangle ay agad kaming pumila. Ipinaliwanag sa amin ni Sir na kailangan naming ikutin ang quadrangle nang sampung beses samantalang noong first meeting, limang ikot lang. Pero this time, kinakanta raw namin 'yong awiting pambata na "tatlong bibe." Hindi ko alam kung saan napulot ni Sir ang ka-corny-han niya sa katawan. It's disgusting.

"Kapag hindi ko narinig ang kanta n'yo, madadagdagan ng tatlong laps ang gagawin n'yo. Maliwanag ba?" Wala sa aming sumasagot bagkus ay nakarinig ako ng sunod-sunod na buntonghininga galing sa aking mga kaklase. "Maliwanag ba!?"

"Yes, Sir!"

Malakas na ipinito ni Sir ang pito niya at nagsimula na kaming tumakbo.

"May tatlong bibe akong nakita. Mataba, mapayat na mga bibe..."

Habang kinakanta namin iyon ay pinagmamasdan kami ng ibang estudyante at napapangisi na lang sila at halatang nagpipigil ng tawa. Super thank you talaga kay Sir Ernie, inilagay niya na naman sa panibagong kahihiyan ang section namin... Please take note the sarcasm here.

Mas mahirap ang ginagawa naming pagtakbo ngayon dahil naghahabol din kami ng hininga para makakanta and trust me, it's very tiring.

Nakakaapat na laps na kami pero ramdam ko na ang pagod sa katawan ko at nagsisimula na ring mamanhid ang hita't binti ko. Karamihan sa amin ay tumatagaktak na ang pawis pero hindi namin hinahayaan na humina ang kanta namin dahil ayaw naming madagdagan ng ilan pang laps ang ginagawa naming pagtakbo.

Habang tumatakbo kami ay biglang nakaramdam ako ng matinding pamamanhid sa aking paa. Bigla akong na-out of balance at tuluyan nang nadapa sa lapag.

"Okay ka lang?" pagtatanong sa akin ni Bea habang patuloy ang iba naming kaklase na tumatakbo.

"Okay lang ako." Pinagmasdan ko ang sugat sa aking tuhod. "Kaunting galos lang 'to. Sige na, tumakbo ka na."

"Sure ka?"

"Yup, kaysa naman mapagalitan ka rin." Ngumiti ako kay Bea at nagpatuloy na siya sa pagtakbo.

"Lampa!" biglang sabi ni Charmaine noong madaaanan niya ako. Bwisit na kambal 'to! Ang sarap nilang kaladkarin parehas habang tumatakbo.

Tumayo ako at nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking paa. Mukhang na-sprain pa ang paa ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tiniis ang sakit habang pilit na inihahakbang ang aking paa.

Nagulat na lamang ako nang bigla akong umangat sa lupa at may dalawang kamay na bumuhat sa akin na parang pangkasal. "Stupid and clumsy," narinig kong tinig.

Napakapit naman ako sa kanyang leeg upang hindi ma-out of balance. It's Red. Ang unexpected dahil sa lahat ng kaklase namin... hindi ko inaasahan na siya pa ang tutulong sa akin.

Maraming estudyante ang nakatingin sa amin dahil sa aming posisyon. Nasa gitna pa kami ng quadrangle kaya takaw pansin kaming dalawa. Isa pa, sikat si Red sa Altheria Academy kaya paniguradong may mga makakakilala sa kanya.

"Ibaba mo na 'ko, ang daming taong nakatingin sa atin oh."

Hindi ako pinansin ni Red bagkus ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin at hinatid ako sa may clinic.

This is the first time na babawiin ko ang sinabi ko... May bait naman pala sa katawan 'tong Red na 'to.

***

THIRD PERSON

Ilang oras ang lumipas matapos ang klase nina Jasmin ay nagkaroon ng pagtitipon-tipon ang bawat guro at committee ng Altheria Academy.

"Mukhang nagsisimula nang magising ang magi sa katawan ni Jasmin," pagre-report ni Sir Ernie sa principal ng paaralan na si Mrs. Evelyn.

"That's a good thing dahil mapapabilis ang pagte-train natin kay Jasmin," sagot ng isa pang guro.

"It's not a good thing," sabi ni Sir Ernie. "Kung magising man ang magi ni Jasmin, hindi pa rin handa ang pisikal niyang katawan at mental na kaisipan. Kung magtuloy-tuloy iyon, maaaring kontrolin si Jasmin ng magi."

"Kailangan nating doblehin ang pag-e-ensayo ng section nila," sabi ni Mrs. Evelyn at napasinghap ang lahat ng guro.

"Pero, madam, masyado nang advance ang mga pinagagawa natin sa kanila. Baka makahalata ang ibang section dito sa Marsham Division," pagsasalita ni Sir Ernie. "We're pushing our students into their limits."

"Wala tayong choice. Kailangan nating bilisan ang pagtuturo kay Jasmin bago pa man siya makuha ng Raven Clan," sabi ni Mrs. Evelyn. Napayuko ang ibang guro at miyembro ng committee.

"May tawag po kayo Mrs. Evelyn," pagsasalita ng secretary nito at iniabot sa kanya ang telepono.

"Hello, Evelyn!" Sa boses pa lang nito ay kilala niya na ang nasa kabilang linya.

"Ramon, napatawag ka? May problema ba?"

"Parami na nang parami ang mga miyembro ng Raven Clan ang pumupunta sa bahay namin. Hindi magtatagal ay malalaman na nila na nasa Altheria si Jasmin."

Biglang kinabahan si Mrs. Evelyn sa sinabi ni Ramon. Mataas ang kalidad ng seguridad sa paaralang iyon pero hindi niya alam kung sasapat iyon para pigilan ang pagpasok ng Raven Clan.

"Poprotektahan namin ang anak mo sa abot ng aming makakaya," pagsasalita ni Mrs. Evelyn at pinatay na ang tawag nito.

Tumingin siya sa bawat miyembro ng committee at mga guro ng Altheria. "Kailangan nating dagdagan ang seguridad ng Altheria."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top