Chapter 3: White Magic

"ANG sakit ng katawan ko!" Halos gumapang kaming dalawa ni Bea no'ng sumunod na araw dahil sa sobrang sakit ng katawan naming dalawa. Akala ko ba, Magic School 'to? Hindi naman ako na-inform na military training pala 'tong pinasok naming dalawa.

Pagkarating naming dalawa sa classroom ay pare-parehas iniinda ng mga kaklase ko ang sakit ng katawan ng bawat isa. Pare-parehas kaming hindi makatayo sa aming inuupuan habang hinihintay namin ang aming unang klase.

Habang nakaupo ako ay saglit akong nag-unat at hindi ko naman sinasadyang masipa ang nasa katabi kong desk. 'Yong lalaking guwapo kanina yung nakaupo roon. Nakadukdok siya sa desk at mukhang natutulog.

"Sorry," sabi ko pero nagulat na lamang ako nang bigla siyang lumingon sa akin at pinukulan ako ng masamang titig.

Nagulat ako nang malakas niyang kinalampag ang desk niya. Napatahimik at napatingin sa amin ang aming mga kaklase. "Nakita mo nang masakit ang katawan ko tapos maninipa ka pa ng desk! Nananadya ka ba?"

Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw at parang umakyat ang dugo ko sa aking ulo. "Kaya nga ako nag-sorry 'di ba? Hindi ko naman sinasadya eh!" malakas ko ring sigaw.

"Sorry? Anong magaga—"

"Silent, class!" Biglang sumigaw ang isang boses at napatingin kaming lahat sa pinanggalingan n'on. Iyon na siguro marahil ang aming guro. Nakasuot ito ng lab gown at mahaba ang kanyang buhok. "Ang bago-bago n'yo pa lang sa Altheria pero kung makapagsigawan kayo!"

Napayuko na lamang ako. "Sorry, ma'am," sabay naming bigkas n'ong lalaki. Nagkatinginan kami at sabay na umirap sa isa't isa.

"Please be seated everyone." Umupo naman kaming lahat. "I will be your white magic teacher. I'm Miss Melanie Lorryale."

"Good morning, ma'am," walang kasigla-siglang bati sa kanya ng buong klase. Napakasakit pa rin kasi ng katawan namin at hirap pa rin kaming gumalaw.

"Oh, ba't ganyan ang reaksyon n'yo? Hindi ba kayo masaya na ako ang isa sa mga teacher n'yo?" pagtatanong ni Ma'am Melanie.

"Masakit po ang katawan namin, ma'am! Pinatakbo po kami ni Sir Ernie kahapon sa quadrangle nang ilang ulit. Nakakabeastmode nga po, eh!" pagsusumbong ng isa naming kaklase na si Sarah.

Lumapit si Ma'am Melanie sa isa naming kaklase at hinawakan ang hita nito dahilan upang mapasigaw ang kaklase namin sa sakit. "Mukhang nabigla ang katawan n'yo sa biglaang physical activity na ipinagawa sa inyo ni Sir Ernie. Hindi iyan ang huling beses na gagawin n'yo ang training na iyon lalo na't ginigising natin ang mga magi na nakatago sa inyong katawan."

Maya-maya pa ay ngumiti sa amin si Ma'am Melanie. "Okay, guys! Ipatong n'yo sa desk ang inyong mga kamay at pagmasdan ang aking gagawin."

Nagulat kami nang biglang may malakas na umilaw na kulay puti sa kamay ni Ma'am Melanie. Hinawak niya ang kanyang kamay sa may sahig ng aming room. Nabalutan ng puting liwanag ang aming buong silid at may parang bituin na kumukuti-kutitap sa buong paligid.

Habang nasa loob ako ng puting liwanag na iyon ay pakiramdam ko'y unti-unting gumagaan ang aking pakiramdam. Kasabay ng pagkawala ng puting liwanag ay ang pagkawala ng sakit na nararamdaman ko sa buo kong katawan.

"Hindi na masakit yung katawan ko!" malakas na sigaw ng mga kaklase ko at nagtawanan naman kaming lahat.

"That's what you called white magic. We're using white magics to help somebody and keeping each person in good shape. Hindi ito katulad ng ibang mahika na ginagamit upang makasakit ng ibang tao. White magician is a support and a backline member in each party," pagpapaliwanag sa amin ni Ma'am Melanie.

Lahat kami ay pokus na pokus sa kanyang ipinapaliwanag at lahat kami ay nabuhay ang kuryosidad. Kung si Sir Ernie kanina ay nagpapalipad ng mga gamit sa ere, si Ma'am Melanie naman ay nanggagamot gamit ang mahika. It was pretty awesome!

"Sa ngayon ay hindi pa kayo puwedeng gumamit ng mahika dahil mahina pa kayo physically and mentally. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na kayo puwede makagawa ng white magic." Nagsigawan naman kaming lahat dahil lahat kami ay excited sa paggamit ng mahika.

"Ngayon ay bibigyan ko kayo ng assignment na ipapasa n'yo sa akin sa Biyernes. May tatlong araw kayo para gawin ang assignment na 'to. Kailangan n'yong makagawa ng healing potion."

"Ma'am ano po ang mga ingredients?"

"There's a library here at our academy. Magresearch kayo. Hindi lahat ng bagay ay kailangang i-spoonfeed sa bawat isa sa inyo," pagpapaliwanag ni Ma'am. "Dahil nga wala pa kayong family, ang bawat grupo ay dapat may tatlong miyembro."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Bea. "Grupo tayo ah," bulong ko sa kanya at naghagikhikan kaming dalawa.

"Sino 'yong kaninang nag-away?" pagtatanong ni Ma'am.

"Si Red 'tsaka si Jasmin," in chorus na sagot ng mga kaklase ko na parang mga elementary. Alam n'yo 'yon? 'Yong mga pinapahaba yung words.

"Kailangan n'yong mag-partner na dalawa bilang parusa sa hindi magandang asal na ipinakita n'yo pagkapasok ko sa classroom n'yo," wika ni ma'am.

"Aw, sayang! Gusto ko pa namang kapartner si Red! Ang swerte naman ni Jasmin."

Kung ano-ano pa ang mga sinabi ng mga kaklase kong babae. Mga tag-landi. Kung sila, gustong kapartner si Red, puwes ako, ayoko! Matapos ba naman akong sigawan kanina? Major turn off.

"Ma'am, kapartner ko na po si Bea."

"Then, kayong tatlo ang magkakasama," nakangiting sabi ni Ma'am Melanie. Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga at tinanggap na lang ang sinabi niya. At least, magkasama pa rin kami ni Bea and that's a good thing.

Nagngitian kaming dalawa ni Bea tapos napalingon ako sa lalaking katabi ko. Ang sama ng tingin sa akin. As if namang gusto ko siyang kagrupo. Huwag nga siyang feelingero na parang lugi pa siya.

"Okay, class dismissed! Don't forget to pass your assignment on Monday." Naglabasan na kaming lahat sa room at may free time kaming dalawang oras bago ang susunod naming klase.

"Pag-usapan muna natin kung kailan tayo magre-research about sa paggawa ng healing potion," pagsasalita ko kay Bea. "Tawagin mo 'yong Red na 'yon." Nalaman ko yung pangalan niya noong nagsigawan yung mga classmate namin kanina.

Nakita kong naglalakad na si Red sa direksyon naming. Akmang tatawagin ko na siya nang bigla niya lamang kaming lampasan kasabay ng paghagis ng kapirasong papel. "Here."

"Aba't wala talagang modo 'to." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis. Pinulot ni Bea ang papel.

"Uy, Jasmin, ito na pala ang lahat ng ingredients, eh. Nakalista na. Salt, clear water, blue petal of rose, spinach herb," pagbabasa ni Bea sa mga nakalista sa papel. "Matalino naman pala si Red, eh."

"Matalino nga, saksakan naman ng sungit." Umirap pa ako sa ere. "Tara na nga! Kumain na lang tayo at h'wag pansinin 'yang lalaking 'yan."

"Isasama mo ba 'yan sa paggawa natin ng assignment?"

"Pag-iisipan ko pa." Bwisit. Mukhang kasisimula pa lang ng klase ay nahanap ko na ang magiging kaaway ko sa buong pananatili ko sa Altheria Academy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top