Chapter 24: Dare with Red


Nakatayo lang ako ngayon sa tapat ng bintana ng aming kwarto at pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng masayang dala-dala ang kanilang mga bagahe upang bumalik sa normal na mundo. Ba't ba kasi ang dami kong nilabag na school rules? Ayan tuloy, hindi ako makakalabas ng campus.

"Sure ka Jasmin, okay lang na maiwan ka rito mag-isa?" Pagtatanong sa akin ni Bea habang dala-dala ang maleta niya. Gusto niya nga na samahan na lang ako pero sabi ko 'wag na. Ilang buwan niya ring hindi nakita ang mga magulang niya, sayang naman yung chance na 'yon 'no.

"Okay lang ako, ano ka ba!" Sabi ko sa kanya. "Pumunta ka na sa Quadrangle, nandoon yung portal pabalik sa normal na mundo,"

"Mami-miss kita!" Yumakap pa sa akin si Bea. "Ang dami pa naman nating plano na gawin kaso hindi rin pala matutuloy dahil sa mga school rules"

"Ang O.A. mo naman, tatlong araw lang tayong hindi magkikita 'no. Tsaka ikaw ang mag-ingat doon, ligtas naman ako rito kasi nasa loob ako ng Altheria Academy."

"Hayaan mo bibili ako ng marami DVD para may mapanuod tayo rito pagbalik ko." Huling sabi sa akin ni Bea at naglakad na siya palabas ng silid.

Pinagmasdan ko lang muli ang mga naglalakad na estudyante paalis at nagbitaw ako ng isang mabigat na buntong hininga, "Nakakalungkot naman, paniguradong iilan lang ang mga estudyanteng maiiwan rito ngayon."

"Jasmin, simula ng trabaho mo. Tumulong ka sa library mag-ayos ng mga ginulong libro," Biglang may nagsalita sa pinto—Si sir Steven. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa naming mag-school service eh malaking parusa na nga yung hindi nila pagpapauwi sa amin.

"Opo sir! Magbibihis lang po!" Malakas kong sigaw at nagbuntong hininga muli. Oh well, wala na akong magagawa, nandito na ako sa sitwasyon na ito... tatanggapin ko na lang.

Matapos kong magpalit ng damit ay dumiretso na agad ako sa School Library at pinagmasdan ang mga nakakalat na libro na pinaggamitan ng mga estudyante. "May mga estudyante talaga na hindi tinuruan ng man—"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng may biglang tumunggo sa balikat ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng library. "Magrereklamo ka na lang ba d'yan? Kaya wala kang natatapos eh."

Noong marinig ko ang boses niya ay agad naman akong nakaramdam ng inis. Sino pa ba!? Iisang tao lang naman ang napakagaling mang-inis dito sa buong Altheria Academy—Si Red.

Padabog akong naglakad papasok sa library, mabuti na lamang ay wala rin yung librarian namin dahil um-attend ito ng meeting na sa tingin ko ay mamaya pa rin mamatapos. Nagsimula na akong magdampot ng mga libro at may naisipan akong bagay na gawin para mas mapabilis ang pagliligpit ko sa mga nakakalat na libro.

"Uy Red." Pagtawag ko sa kanya.

"What?"

"Hati tayo sa pagliligpit ng libro oh. Ako sa right side, ikaw naman sa left side," Paghahamon ko sa kanya. Best cleaners kaya ako nung nag-aaral pa ko sa normal world, walang makakatalo sa akin sa bilis sa paglilinis.

"Ano naman ang mapapala ko kung papatulan ko 'yang kabaliwan mo?" Masungit na sabi ni Red habang naglalagay siya ng mga libro sa isang shelf.

Ano nga ba? "Kapag ako ang nanalo, sagot mo lahat ng kakainin ko for this whole day." Tamang-tama! Medyo naiinis pa naman ako dahil hindi ako makakabalik sa normal world kaya idadaan ko na lang sa kain. O-order ako ng maraming Cheesecake.

"When I win, what is the prize?" Pagtatanong niya. Buti na lamang at kami lang ang tao rito sa library kaya Malaya kaming nakakapagsigawan dahil malayo ang pagitan naming dalawa. "Alam ko na, you will help me sa mga synthesization na ginagawa ko for three days."

"Ha? Crafting? Ano ba 'yan, nag-aaral ka pa rin noon kahit nasa break tayo," Sabi ko sa kanya, "Pero deal!"

"Ready Set Go!" Malakas kong sigaw at kumaripas ako ng takbo patungo sa right side at siya naman sa left side.

Dinampot ko ang mga libro na nasa desk malapit at matulin kong inilagay sa book shelf at kung saang category sila. Medyo mahirap dahil kailangan ko pang hanapin kung saang section kabilang yung mga libro pero kinaya ko naman.

Paniguradong talo na nito si Red dahil sa sobrang tulin ko. Sa wakas! May isang bagay ako na nalalamangan si Red, iyon ay ang pag-aayos ng libro.

Pinulot ko na ang huling libro at inilagay sa category shelf nito. "Tapos na ako!" Malakas kong sigaw ngunit pagkatingin ko sa left side ay nakaupo na si Red sa isang table at nagkakape.

"Tapos ka na? Bagal pala." sabi sa akin ni Red at humigop siya ng kape. Aba't saan galing ang kape? Nakapunta pa siya ng cafeteria sa lagay na 'yon?

Padabog akong naglakad patungo sa kanyang direksyon. "Nandaya ka 'no? Siguro ginamit mo yung kapangyarihan mo para maiayos yung mga libro"

"May rule ba na bawal gumamit ng magi?" Nakangisi niyang sabi sa akin. "Mamayang gabi tutulungan mo ako sa synthesization kong ginagawa."

"Eh nandaya ka naman eh!" Pagmamaktol ko. Kung may magi lang ako at umilaw na itong kwintas ko ay paniguradong maiisahan ko rin 'tong si Red eh. Bakit ba kasi almost perfect 'tong lalaki na 'to? Matalino tapos may hitsura rin... Walang bait sa katawan at mayabang nga lang kaya sayang lang yung magagandang katangian niya.

Biglang bumukas ang pinto ng library at inilabas nito si Klein. "Oh tapos na pala kayong maglinis d'yan dalawa." Nakangiting sabi ni Klein.

Napansin ko ang biglaang pagbabago ng ekspresyon ni Red dahil sa paglitaw ni Klein. Galit pa rin siguro si Red dahil sa mga nangyari, muntik na siyang patayin ni Klein dati. Pero sana intindihin niya naman na nakalimot si Red at walang matandaan kahit isa.

"Nakakainggit yung ibang mga estudyante, nakakapunta sila sa normal na mundo. Teka Jasmin," Tumakbo palapit sa akin si Klein. "Maganda ba sa normal na mundo? Mas nakakabighani ba ang tanawin doon? May mahika rin ba doon?" Pagpapaulan ng tanong sa akin ni Klein.

"Ang dami mong tanong, pero walang mahika roon." sabi ko sa kanya at napatango-tango naman si Klein na parang bata.

"Siya nga pala," Inilibot ni Klein ang paningin niya sa library. "Mukhang tapos na kayo sa paglilinis dito. Pinapapapunta kayo ni Sir Ernie sa Gym ipapaayos naman sa inyo yung mga magic equipments na nakakalat doon."

"Magic equipment!? Paano naman nagkaroon no'n sa gymnasium?" Gulat kong tanong.

"Ikinalat ni sir tapos sabi niya ipalinis ko raw sa inyo—" Namilog ang mata ni Klein at tinakpan ang kanyang bibig. "Sikreto lang dapat 'yon Jasmin. Huwag mong sabihin kay Sir na sinabi ko sa inyo 'yon. Nako! Magsusumbong 'yon kay Tanda at paniguradong malalagot na naman ako!"

Naglakad na kami ni Red palabas ng library at hindi na pinansin ang mahabang rant ni Klein, nakakaaliw ang bubbly personality niya pero minsan nakaka-annoy din dahil sa dami ng kuwento.

Habang naglalakad kami sa hallway ay sumabay sa paglalakad namin si Klein. "Ba't ka ba nakabuntot!?" Inis na sigaw ni Red.

"Sabi ni Sir Ernie, bantayan ko raw kayo hehe." Nakangiting sabi ni Klein.

Pansin ko ang pagkuyom ng mga palad ni Red at halatang nagpipigil ng galit dahil sa biglaang paglakas ng hangin. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay at tinignan sa mata upang sabihin na kumalma lang siya.

Nagbitaw ng malalim na buntong hininga si red at kumalma naman siya kahit papaano.

Napatingin ako kay Klein at nakatingin siya sa kamay namin ni Red na magkahawak. "Ay kayo pala, kaya pala ayaw niyo akong kasama sa Gymnasium kasi may gagawin siguro kayong mahika sa loob no'n ano?" Nakangisi na parang nang-aasar na sabi ni Klein.

Napabitaw naman ako sa kamay ni Red at mas naunang maglakad sa kanila patungo sa Gym.

Pagdating ko sa Gym, aba! Kung minamalas ka nga naman... nandito si Charmaine. "Nakita na naman kita Jasmin, sira na naman ang araw ko. Bumagsak ka siguro kaya ka nandito sa school ano?"

"Excuse me!? Naipasa ko lahat ng subject. Eh sino kaya yung bumagsak sa napakasisiw na subject na predictology?" Tinignan ko siya na parang nang-aasar at nagpatuloy na lamang si Charmaine sa paglilinis.

Naglinis kaming tatlo nina Red at Charmaine sa Gymnasium habang si Klein ay nakaupo sa isang bench at pinagmamasdan kami. Ewan ko ba kung naglilinis ba 'tong si Charmaine o lumalandi kay Red?

By the way nandito rin sa loob si Charly, mukhang hindi rin siya makakauwi sa normal world dahil kailangan niyang bantayan ang kakambal niya ng ubod na maldita... mana sa kanya.

"Alam niyo ba may naririnig akong kwento sa faculty," Ayan na naman si Klein sa napakarami nyiang tsismis. "Tsaka last time ang daming mga estudyante na nagpupunta roon."

"Malamang faculty 'yon! Marami talagang magpapabalik-balik na estudyante roon, duh!" Mataray na sabi ni Charmaine habang pinupulot ang flying board na nakalapag sa sahig. Yung kakambal niya? Ayun sa sulok at nagbabasa ng novel book, hindi ko naman alam ang title nung binabasa niya.

"Hindiiii!" Parang bata muling sabi ni Klein, "Kasi sabi nila ay may nakikita raw silang multo rito sa Altheria Academy."

Nakuha ni Klein ang atensyon naming lahat. "Doon sa old school house! Doon daw, may gumagala raw doong multo,"

"Sino namang siraulo ang nagpakalat ng kwento na 'yan?" Sabi ni Charmaine.

"Yung mga estudyanteng pumupunta sa Faculty. Ibig sabihin mo ba lahat sila eh siraulo?" Sagot sa kanya ni Klein.

"Ganito na lang, pumunta tayo mamayang gabi roon sa old school house at papatunayan ko sa inyo na wala talagang multo," Mayabang na sabi ni Charmaine. "Hoy babae sumama ka, kailangan ko ng lalaitin para lumakas ang loob ko," sabi sa akin ni Charmaine.

In the end, napagdesisyunan nga namin na sumama kay Charmaine. Ako, si Red, si Klein, at yung kambal. Sana talaga ay walang multo na nagpapakita roon. Takot pa naman ako huhu.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top