Chapter 22: Amnesia
"Huy Jasmin! Mag-review ka na nga, malapit na ang midterm," sabi sa akin ni Bea habang tulala kong pinagmamasdan ang ball pen na aking hawak. Kahit naman mag-review ako ay hindi ko naman din maiintindihan masyado ito dahil puro formulas ito sa kung paano makakabuo ng isang item. Crafting, iyan ang isa sa pinakamahirap at pinakakinaaayawan kong subject namin.
"Naisip ko lang kasi, tatlong araw ng hindi tumatawag sa telepono sa akin si Papa, noong makauwi naman ako galing sa Alkhemia ay sinusubukan ko siyang tawagan kaso hindi niya sinasagot." sabi ko at pinagulong-gulong sa lamesa ang ballpen kong hawak.
Sa school kasi na ito ay bawal ang cellphone so confiscated at sinunog lahat ng gadgets namin. Nakakatawag lang kami sa telepono na nasa Vaefonia Hall pero hindi ko naman ma-reach si papa.
"Baka busy lang 'yon 'no!" sabi ni Bea at binato ako sa mukha ng pop corn niyang kinakain. "Huwag ka nang sumimalmal d'yan, ako nga tatlong linggo ng hindi tinatawagan ng parents ko eh."
"Talaga? Hindi mo man lang ba sila nami-miss?"
"Nami-miss, pero pagtapos naman ng midterm exam eh may three days vacation tayo sa normal na mundo kaya maybe next week ay makauwi na rin tayo sa normal world," sabi sa akin ni Bea at umupo sa tabi ko at nagsimulang magbuklat ng mga review. "Pero siguraduhin mo na maipapasa mo lahat ng exams mo dahil kapag may bagsak ka... hindi ka papayagan ng committee na lumabas ng school at mag-aaral kayo sa library in three days."
Sinimulan kong imagine-in na nag-aaral ako sa library. Grrr! Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nakakasawa na ring mag-aral at gusto ko ng magbakasyon. "Kaya mag-aral kang mabuti Jasmin para makita mo na ang papa mo soon."
Tama! Tama! Kailangan kong mag-aral, nami-miss ko na rin yung mga kaibigan ko sa normal na mundo eh.
"By the way kamusta na yung si Klein?" Pagtatanong sa akin ni Bea at napabuntong hininga na lamang ako.
"Ayon, hanggang ngayon hindi pa rin nagigising at nasa infirmary pa rin. Napalakas yata yung ginawang spell ni Red kaya tatlong araw ng tulog." Pagpapaliwanag ko habang nagha-hilights ako ng mga words sa binabasa kong libro.
Dumakot si Bea ng pop corn, "Pero infairness guwapo rin pala 'yon," sabi niya at bumungisngis. Seriously, puro guwapo na lang ba ang nakikita ng ka-roommate ko na 'to at wala ng pangit sa kanyang paningin?
"Pero masama ang ugali."
"Pero guwapo pa rin, aminin mo?" Sabi niya at binato muli ako ng isang pirasong pop corn.
"Oo na." Malakas na halakhak ang pinakawalan naming dalawa.
Ang sabi namin ay magre-review kami ngayong Sunday pero nauwi lang yata sa pagkukuwentuhan naming dalawa at wala kaming na-review kahit isa.
"Jasmin! Bea!" Biglang malakas na katok ang aming narinig galing sa labas dahilan upang mapatigil kaming dalawa ni Bea sa paghaharutan.
"Sino 'yan!?" Sigaw ko.
"Si Harly 'to!" sigaw niyang muli, "Labas na kayo bilis! Gising na raw si Klein!"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Bea at lumabas na kami ng aming silid. Pagkalabas namin ay hinatak agad kami ni Harly patungo sa Infirmary. Actually hindi naman ako natatakot sa pagkakataong ito kay Klein dahil maraming guro ang nandito sa Altheria at hindi siya makakakilos ng masama.
May lahing tsismoso rin pala 'tong si Harly dahil agad-agad niyang nabalitaan ang tungkol sa pagkagising ni Klein.
Pagkapasok namin sa infirmary ay naririnig namin ang boses ng Principal namin na si Mrs. Evelyn, "Anong balak niyong taga-Raven Clan kay Jasmin?" narinig naming tanong ni Mrs. Evelyn, napatingin naman sa akin sina Harly at Bea, nagkibit balikat na lamang ako.
"Ba't ba ang kulit mo? Sinabi ko naman sa'yo na wala akong alam sa mga sinasabi mo." Naririnig naming sabi ni Klein, aba't bastos 'to ah! Principal namin yung kinakausap niya kaya dapat ay magbigay respeto siya.
Pumasok kami sa silid at napatingin sa amin si Mrs. Evelyn ngunit muli niyang ibinaling ang tingin kay Klein na nakahiga sa hospital bed. "Teka, tanda," Pagtawag niya kay Mrs. Evelyn at nanlaki ang aming mga mata. "Alam mo ba ang pangalan ko?"
Tumingin si Mrs. Evelyn kay Ma'am Melanie dahil ito ang in-charge sa panggagamot kay Klein. "Pwedeng nagkaroon siya ng head injury dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama sa kanyang ulo at saglit na makalimot," Pagpapaliwanag ni Ma'am Melanie.
"Ibig sabihin ninyo ma'am ey may chance talaga na magka-amnesia siya? Hindi niyo ba puwedeng gamitin yung kapangyarihan niyo para makaalala 'tong lalaki na 'to?" Pagtatanong ko.
"Hindi naman ito permanente. Maybe weeks or months ay makaalala na ulit siya. Walang mahika ang kayang makapagpaalala sa mga nakalimutang bagay Jasmin, tanging ang sarili mo na lamang ang maaasahan mo sa ganoong sitwasyon kung makakaalala ka pa o hindi na." sabi sa akin ni Ms. Melanie.
Nagbuntong hininga si Mrs. Evelyn, "Wala pa pala akong makukuhang impormasyon sa ngayon." Sabi ni Mrs. Evelyn, tinignan niya muna si Klein bago naglakad palabas.
"Teka Mrs. Evelyn! Hahayaan niyo lang ang lalaki na 'to sa loob ng Altheria?" Pagtatanong ni Harly. "Eh siya yung gago na muntik pumatay kanila Red eh."
"Mag-ingat ka sa pananalita mo Harly." Sabi ni Mrs. Evelyn at napakagat sa labi si Harly. Ayan! Kasi nagmura pa. "Mas madali para sa akin na makausap siya kung nandito siya sa Altheria Academy kapag nakaalala siya. Hindi naman makakagawa ng kalokohan sa loob."
Naglakad na palabas si Mrs. Evelyn at iniwan na rin kami ni Ma'am Melanie dahil may sunod pa raw siyang klase. "Teka tanda! Tinatanong kita tanda!" Sumisigaw si Klein ngunit hindi na siya pinansin ni Mrs. Evelyn.
Padabog na lumakad patungo sa kanya si Bea at malakas siyang binatukan. "Aray ko! Inaano ba—"
"Ang lakas naman ng loob mo na tawagin ang principal namin ng tanda!" Sigaw ni Bea. Oo nga pala, member pala 'to ng student committee kaya naman ganoon na lang kataas ang respeto niya sa aming pinakamamahal na punong-guro.
"Principal pala si tanda. Teka binibini, alam mo ba ang pangalan ko?" Pagtatanong ni Klein. Kaswal lamang siyang nagtatanong at halata naman sa kanyang mga mata na wala talaga siyang matandaan.
"Klein. Klein ang pangalan mo." Ako na ang sumagot sa kanyang tanong.
"Klein? Ang baho naman ng pangalan ko. Ano ang apelyido ko?" Pagtatanong niya at saglit naman akong natahimik.
"Klein... uhm..." Saglit akong nag-isip, "Klein Stanford!" Magiliw kong sagot. Naalala ko kasi bigla yung nabasa ko sa wattpad.
"Klein Standford," Napatango-tango siya no'ng makumpirma niya ito. "Alam mo ba kung bakit ako nandito?"
Muli akong nag-isip pero hindi ko na alam ang idadahilan ko, grabe para akong nag-e-exam dahil sa mga tinatanong niya. "Dito ka nag-aaral," Wika ni harly, "Lumabas kasi kayo sa school nina Jasmin at Red. Napahamak ka."
"Ah ganoon pala ang nangyari," Humawak si Klein sa kanyang ulo na parang nakaramdam ng kirot. "Sige lumabas na muna kayo, bigla kasing kumirot ang ulo ko." Sabi niya at lumabas naman kami
Pagkalabas namin ay agad akong nagtungo sa Principal's office. "Good day po Mrs. Evelyn." Pagbati ko sa kanya at umupo sa kanyang tapat. "Gusto ko lang po sanang itanong kung tumawag nab a ang papa ko sa inyo?"
Parang nagulat si Mrs. Evelyn sa aking tanong ngunit agad din siyang bumalik sa pagiging kalmado. "Sabi ng papa mo ay magbabakasyon daw muna siya sa probinsya kasama ang ilan niyang mga kaibigan, hindi ko iyon nasabi sa iyo kasi nga tumakas kayo at nakalimutan ko ng sabihin pagbalik niyo."
Aaah! Ganoon pala ang nangyari kaya naman pala hindi tumatawag si papa. Atleast ngayon ay nakaramdam na ako ng ginhawa. Napaginipan ko kasi kagabi na iniiwan ako ni papa, kaya pala niya ako iniwan sa panaginip ko dahil magbabakasyon siya.
"Pero Mrs. Evelyn paano po si Klein, baka saktan niya po ako?" Pagtatanong ko.
"Hangga't nasa loob ka ng apat na sulok ng Marsham Division ay nasa ligtas kang pangangalaga Jasmin"
"Eh pero po bakit ako hinahabol ng Raven clan? Anong kailangan nila sa akin?" Pagtatanong ko sa kanya, kung may tao man na nakakaalam nito ay si Mrs. Evelyn lamang ito dahil siya ang huling nakausap ni papa.
"Kapag umilaw na ang kwintas mo. Doon natin pag-usapan lahat ng tanong na tumatakbo sa iyong isipan," Sabi sa akin ni Mrs. Evelyn. "Siya nga pala, umakto ka lang ng normal sa harap ni Klein, ituring mo siya na para mong isang kaibigan para sa oras na bumalik ang kanyang alaala ay madali na tayong makakakuha ng impormasyon."
Tumango naman ako sa sinabi ni Mrs.Evelyn. Malaki ang tiwala ko sa principal namin dahil sobrang bait niya salahat ng estudyante rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top