Chapter 2: Magical School?!

NAKAALIS na si papa at kabilin-bilinan niya sa akin na huwag akong aalis sa school na ito puwera na lamang tuwing end of semester o summer vacation.

Napakalaki nitong Altheria Academy at namamangha na lang ako tuwing pinagmamasdan ko ito. Pansin kong hindi ito normal na paaralan... Ewan ko, may something magical akong nararamdaman habang nandito ako.

"Miss Jasmin, sundan mo na ako. Hahatid na kita sa dorm mo," sabi ni Mrs. Evelyn at sumunod naman ako sa kanya.

Hinatid niya ako sa girls dorm at binuksan ang isang pinto. Nakakaligaw pala 'tong Altheria Academy at ang daming pasikot-sikot sa buong lugar.

"Ito ang room mo, Miss Jasmin." Binuksan niya ang pinto at pumasok naman ako sa loob dala ang aking maleta.

"Uy! Ikaw ba 'yong magiging roommate ko?" pagtatanong ng babaeng nasa loob ng room. Tinulungan niya akong dalhin ang gamit ko papasok at inilagay niya sa isang sulok.

"Oo, ako nga pala si Jasmin Fernando." Inilahad ko naman ang aking kamay sa kanya.

Iniabot niya ang kamay ko at ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis. "Beneah Gonzales, Bea (Be-ya) na lang ang itawag mo sa akin."

"Ang ganda ng school na 'to 'no?" Sa tingin ko ay extrovert itong si Bea dahil ang dalas niyang magkuwento at palaging nakangiti.

"Oo, pero 'di ba ang weird dahil parang tagong paaralan na ito? Parang may kakaibang magic sa lugar na 'to, eh."

Biglang tumawa si Bea. "Wala ka bang alam sa alchemy?"

Hindi ko alam ang sinabi niya pero mabilis akong napailing. "Tinuturo sa school na 'to ang tamang paggamit ng mahika gamit ang magi sa iyong katawan."

"Magi?"

"Yup, that's the magical energy inside our body. Hindi ka naman tatanggapin sa school na 'to kung wala silang nararamdamang magi sa 'yo," pagpapaliwanag niya at umupo sa kama. "Hindi mo alam?"

Mabilis akong umiling. Ano ba 'tong school na 'to? May mga saltik yata ang mga estudyante rito.

"We're not an ordinary person, Jasmin. We are alchemists. Hindi tayo nandito sa school na 'to para mag-aral ng Algebra, mag-aral ng mga basic subjects. We are here para i-train kung paano gagamitin ang mga magi sa katawan natin."

"Ewan ko. Ayaw mag-sink in sa akin ng mga sinasabi mo." Napahawak ako sa sentido ko at hinilot ito. Tumawa naman nang malakas si Bea.

"Magulo pa nga siguro para sa 'yo ang lahat. 'Wag kang mag-alala, wala pa rin naman akong masyadong alam pagdating sa mahika. Maliliwanagan na lang tayo kapag nag-start na ang klase," sabi niya.

Nagbitiw na lamang ako ng malalim na buntonghininga. Hindi ko alam kung ba't dito pinili ni papa na mag-aral ako. Isa lang ang nasisigurado ko, may dahilan kung bakit dito niya ako pinag-aral.

Mabilis na lumipas ang mga araw at simula na ng klase. Medyo nakabisado ko na rin ang buong lugar dahil sinamahan ako ni Bea na mag-ikot. Minsan ay naliligaw pa rin ako. Mabuti na lamang ay magkaklase kami ni Bea kaya naman hindi ako masyadong ma-a-out of place.

Pagkapasok namin sa classroom namin ay naririnig namin ang malakas na ingay ng aming mga kaklase. Umupo kaming dalawa ni Bea sa may likod.

Pinakinggan lang namin ang mga usapan ng aming mga kaklase pero mas lalong lumakas ang ingay nila nang may pumasok na isang lalaki. Ngayon, alam ko na kung bakit sila sumigaw. Matangkad ang lalaking pumasok at may guwapong pisikal na anyo.

Umupo ito sa may upuan sa tabi ng bintana.

Pumasok sa classroom namin ang isang teacher—si Sir Ernie.

"Okay, class, welcome to Altheria Academy." Nanlaki ang mata ko dahil habang binibigkas iyon ni Sir ay nagkakaroon ng sulat sa board. Napa-wow naman kaming lahat.

"Alam kong marami pang naguguluhan sa inyo pero sa ngayon, may ibibigay muna ako sa inyo." Inilabas ni Sir Ernie ang mga maliliit na kahon.

Ini-snap lang ni Sir ang kanyang kamay at lumutang sa ere ang mga kahon at isa-isang lumapit sa kinauupuan namin. May bumagsak na kahon sa harapan ko. Nang buksan ko ito ay isang kuwintas ang laman.

Hindi ko alam ang mga nangyayari pero ngayon ay unti-unti ko nang naiintindihan na wala nga ako sa isang normal na paaralan. Hindi ko alam kung paano nila nagagawa ang mga bagay na iyon, pero nakakatuwa kapag nakakakita ako ng mga tao na gumagamit ng mahika.

"May iba't ibang klase ng mahika na itinuturo rito sa paaralang ito at sa oras na umilaw ang kuwintas ninyo ay nahanap n'yo na kung anong uri ng mahika ang magiging inyong espesiyalisasyon. It's either magiging Priest, Alchemist, Illusionist, Psychic, Summoner, o Muse kayo."

Napatingin kaming lahat sa kuwintas at isinuot namin. "Sa ngayon ay pare-parehas kayong bago sa Altheria kaya naman wala pa kayong alam sa paggamit ng magi sa inyong katawan."

"Ginawa ang school na ito upang turuan kayo kung paano gamitin at kontrolin ang mga magi sa inyong katawan... Pero sa ngayon, hindi muna namin ituturo sa inyo ang paggamit ng mahika dahil ihahanda muna natin ang inyong pisikal na katawan at kaisipan bago kayo gumamit nito."

"Sir, pakitaan n'yo naman kami ng magic!" malakas na sigaw ng isa naming kaklase.

Bumuntonghininga si Sir at may ibinulong sa hangin. Laking gulat na lamang namin nang biglang lumutang ang mga gamit namin sa ere. Para itong sumasayaw sa ere at nakakatuwang pagmasdan. Natapos ang ginawa ni Sir at bumagsak na muli ang aking gamit sa desk.

Nagpalakpakan naman kaming lahat dahil sa tuwa. Hindi ko alam na may nag-e-exist pala talaga na ganitong klaseng school. Nababasa ko lang kasi dati ito sa mga libro tulad ng Harry Potter.

Ang sabi ni Sir ay natutulog pa ang magi sa katawan namin at kailangan ng mahabang preparasyon bago namin ito tuluyang magamit.

"Sir, makakasakay rin ba kami sa mga lumilipad na kabayo?" pagtatanong ni Bea at nagtawanan naman nang malakas ang aming mga kaklase.

"We are not in Hogwarts. Walang nag-e-exist na ganoon," natatawang tugon ni Sir Ernie.

"Sayang naman," narinig kong mahinang bulong ni Bea.

Pinapunta kami ni Sir lahat sa may school quadrangle. "Sir, ano pong gagawin natin dito? May freshmen orientation po bang magaganap?" pagtatanong ng isa kong kaklase. Ngayon ko lang naman sila nakita kaya hindi ko pa sila kilala sa kanilang mga pangalan.

"Nope. Your training will start today." Ngumiti sa amin si Sir pero agad din itong napalitan ng seryosong ekspresyon. "Tumakbo kayo ng limang beses paikot sa quadrangle..."

Napatulala kami sa sinabi ni Sir Ernie at walang gustong tumakbo. "Sir naman eh! Ang ini—"

"NOW!" malakas na sigaw ni Sir kaya napilitan kaming tumakbo lahat.

***

THIRD PERSON

"SIGURADO ka ba Mrs. Evelyn na tatanggapin mo sa school na 'to ang anak ni Ramon? Hindi basta-basta ang magi na dumadaloy sa katawan ng batang iyon," pagsasabi ng isang matandang guro sa Altheria Academy.

"Nangako ako kay Ramon dati na sa oras na manganib ang anak niya ay tutulungan ko siya. Nasa wastong edad na si Jasmin at sa oras na makuha siya ng Raven Clan ay gagamitin nila sa masama ang kapangyarihan ni Jasmin. Kailangan natin siyang protektahan bilang tayo ang nangangasiwa sa Altheria Academy," mahabang litanya ni Mrs. Evelyn habang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan si Jasmin na tumatakbo sa quadrangle.

"Dahil hawak natin ngayon si Jasmin... Paniguradong mainit ang mata sa atin ng ibang grupo. Baka iyon ang maging dahilan upang masira ang paaralan natin."

"Sir Jerome, baka nakakalimutan mo na School of Alchemy 'to. Hindi natin puwedeng basta-basta pabayaan si Jasmin lalo na't may kakaibang magi na dumadaloy sa kanyang katawan. Kailangan lamang natin siyang turuan kung paano kokontrolin at kung paano gagamitin ang kapangyarihang dumadaloy sa kanyang katawan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top