Chapter 18: Saving her


Iminulat ko ang aking mata habang tumitingin sa paligid. Nanlaki ang mata ko no'ng manpansin kong nakakulong ako sa isang kahon. Mukhang nakasakay ako sa isang karwahe dahil sa naririnig kong tunog mula sa kabayo.

Pilit kong inalala ang mga nangyari. Sino ba ang gumawa ng pagdukot na ito!? Si Klein na naman ba? Ano bang kailangan sa akin ng Raven Clan!?

Tumayo ako at malakas na kinakalampag ang bawat sulok ng karwahe. "Pakawalan ninyo ako! Sino ba kayo! Pakawalan ninyo ako!"

Parang wala lang silang narinig at patuloy lamang pinaandar ang karwahe habang palayo kami ng palayo sa Altheria Academy. Bigla na lang napatulo ang luha galing sa aking mata. Sino ang tutulong sa akin sa pagkakataong ito?

Ilang beses akong nagsisigaw at humingi ng saklolo ngunit habang umaandar ang karwahe na aking sinasakyan ay mas lalo akong nawawalan ng pag-asa dahil nalalayo ako sa Altheria Academy, kung nasaan ang mga taong tutulong sa akin.

Napaupo na lamang ako sa isang sulok at napapikit ng aking mata. Hindi ko alam kung saan ako makakarating, hindi pa naman ako pamilyar sa mga lugar na nasa labas ng Altheria... hindi ko alam kung makakauwi pa ako.

Halos isang oras ang tinagal ng pag-andar ng karwahe. No'ng maramdaman kong huminto na ito ay muli akong napatayo. "Tulong! Tulungan ninyo ako!"

Bumukas ang pinto ng karwahe at nasilaw ang aking mata sa liwanag na nagmumula sa labas. "Labas." Malaki ang boses na nagwika nito. Lumabas ako ng karwahe at napunta ako sa isang nakakatakot na lugar. Liblib ito at nasa sulok ng mga eskinita.

"Bilisan mo sabi eh!" Malakas nitong hinatak ang aking kamay dahilan upang mapasubsob ako sa sahig at magasgasan ang aking tuhod. Napaluha ako dahil sa ginawa nung lalaki. Takot ang nangingibabaw sa akin ngayon.

Ako lang mag-isa ngayon. "Pumasok ka!" Malakas na sigaw nung lalaki habang itinuturo ang pinto ng isang lumang bahay.

"Larry! Ano ba! Huwag mo ngang sigawan ang bata." May isang matandang babae ang lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo. Base hitsura nito ay nasa mid-60's na ito dahil na rin sa konting puti na hibla sa kanyang buhok at medyo kulubot na mukha. Tinulungan niya akong maglakad papasok sa lumang bahay.

"Pasensya ka na sa inasal ng asawa ko ah." Hinimas-himas nito ang buhok ko at mabilis ko namang itinapik ang kamay nito palayo sa akin. Wala akong ideya kung sino sila, dinukot nila ako kaya paniguradong hindi sila mapagkakatiwalaan.

"S-sino kayo? A-anong kailangan niyo sa akin?" Nangangatog at natatakot kong tanong sa kanila.

"Pasensya ka na kung ginawa namin ang bagay na ito, nautusan lang kami. Wala naman kaming planong saktan ka,"!Wika sa akin nung matandang babae. "Ako nga pala si Lena" Wika nito sa akin.

Hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam ang pakay niya sa akin pero nakaramdam ako ng sinseridad sa bawat salita niyang binitawan, may parte sa akin na gusto ko siyang pagkatiwalaan pero mas nakakaangat yung pakiramdam na kailangan kong mag-ingat sa kanila.

"B-bakit niyo po ako kinuha?"    

"Kinakailangan naming gawin 'yon dahil utos ng ama mo-Si Ramon," Nagulat ako nung banggitin niya ang pangalan ng ama ko. "Noong gabi na iyon habang ginaganap ang Unity Festival, may mga taong gustong dumakip sa'yo, sinabi sa amin ni Ramon na pansamantala ka naming ilayo sa Altheria Academy."

May mga gustong dumukot sa akin? Biglang pumasok sa isip ko ang Raven clan, paulit-ulit sa amin sinabi ni Klein na gusto akong kuhanin ng Raven Clan. "A-ang Raven Clan po ba ang tinutukoy niyo?"

Tanging ngiti lamang ang itinugon sa akin ni Aling Lena. "Halika, gamutin muna natin 'yang sugat mo."

Alam kong iniiwasan niyang pag-usapan ang bagay na 'yon, kahit kapag nagtatanong ako sa mga guro sa Altheria kung ano ba talaga ang pakay sa akin ng Raven Clan ay ipinapasawalang bahala nila ito at ililipat sa ibang topic.

Dahil kilala nila ang aking ama, nakakasigurado ako na nasa ligtas akong lugar. Hindi naman ako ipagkakatiwala ng papa ko sa dalawang ito kung hindi niya ito labis na pinagkakatiwalaan. Pero gusto ko ng masagot lahat ng mga katanungan, gusto ko ng malaman kung ano ba ang kailangan ng Raven Clan sa akin.

***

Red

"Ano nakita niyo!?" Pagtatanong ko kay Bea at Harly dahil kanina pa kaming tatlo nag-iikot sa loob ng Altheria Academy upang hanapin kung nasaan si Jasmin. Ang paalam niya lamang ay pupunta siya sa C.R pero ilang oras na ang lumipas ay hindi pa siya bumabalik.

"Wala pa siya sa loob ng dorm eh." Hinihingal na sabi ni Bea. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis. Nangako ako sa Mrs. Evelyn na po-protektahan ko si Jasmin pero hindi ko nagawa. Naging open sa public itong Altheria Academy dahil na rin sa ginanap na Unity Festival kaya hindi imposibleng may mga nakapasok na miyembro ng Raven Clan dito.

"I-inform ko ang mga teachers na may nawawalang estudyante—"

"'Wag!" Malakas na sigaw ko upang tutulan si Harly. Paniguradong magko-cause lang ng pag-pa-panic ang bagay na pinaplano niya, sobrang pinoprotektahan ng paaralan na ito si Jasmin kaya paniguradong kakabahan ang ilang guro at miyembro ng committee kapag nalaman ito.

"Red anong pinaplano mo ngayon?" Pagtatanong sa akin ni Bea, tinignan ko siya sa mata at doon ko masasabi na sincere ang pag-aalala niya para sa kanyang kaibigan.

"Lalabas ako ng Altheria Academy." May diin sa bawat salitang binitawan ko upang ipakita sa kanila na pinaninidigan ko ang bawat salita na lumabas sa aking bibig.

"Baka mapahamak ka lang, hayaan na natin ang school ang kumilos para sa problemang ito," Suhestiyon ni Harly pero sarado na ang tenga ko at buo na ang loob ko sa bagay na gusto kong gawin.

"Bigyan mo ako ng isang araw. Kapag hindi ko naiuwi si Jasmin dito sa Altheria, doon ka kumilos upang humingi ng tulong sa Committee," Saglit kaming nagpaligsahan ng titig ni Harly ngunit sa huli ay siya rin ang sumuko.

"Pagkakatiwalaan kita this time dahil buhay ng kaibigan ko ang nakasalalay rito." Sabi ni Harly,

Tumingin ako kay Bea upang hingin ang permiso niya sa gagawin kong pagkilos. "Red pinagkakatiwalaan kita kasi ilang beses mo ng iniligtas si Jasmin. Sana ay maiuwi mo siya rito sa Altheria kung kinuha man siya ng masasamang loob. Kami na ang bahala ni Harly para lituhin ang mga guwardiya."

Ginawa nga namin ang planong napagkasunduan namin, nasa harap na kami ng Gate at nakatingin sa dalawang guwardiya na nagbabantay rito. "Red mag-iingat ka" Wika ni Bea.

Naglakad silang dalawa patungo roon sa dalawang guard. "Mga kuya! May nangyari pong stampede doon sa may Stadium. Halika po! Baka mas lumaki ang gulo roon." Pag-arte ni Harly at tumakbo ang mga guard kasama sila.

Bago ako lumabas ng Altheria Academy ay tinignan muna ako ni Harly na parang umaasa siya sa akin na maibabalik ko si Jasmin sa loob ng Altheria.

Gusto kong tulungan si Jasmin dahil na rin sa utos ni Mrs. Evelyn at wala ng ibang rason. Kung mayroon man, siguro ay nagi-guilty lang ako dahil ako ang dahilan kung bakit sila napahamak nung nasa Polto's Forest kami, ako kasi ang nag-aya sa kanila roon.

Pagkalabas ko ng Altheria Academy ay nagpokus ang isip ko sa aking paa. Hangin ang kapangyarihan ko kaya naman kayak o itong paglaruan. Limitado nga lang dahil hindi pa ako ganoon kabihasa sa paggamit nito.

Nagbigkas ako ng mga salita at unti-unti akong lumutang sa ere at lumipad sa tulong ng hangin. Limang minuto lamang ang pwede kong itagal sa paglipad dahil na rin hindi ko pa labis na kayang kontrolin ang magi ko at baka may mangyaring masama kung sosobra ako sa limang minuto.

Ilang beses sa aking sinasabi na huwag kong aabusuhin ang paggamit ng Magi kung hindi pa naman kaya ng aking katawan. 'Masarap gumamit ng mahika, pero kung masosobrahan ka sa paggamit ay baka ito ang maaaring kumitil sa iyong buhay.' Iyan ang paulit-ulit na paalala sa akin ni Hades.

Habang lumilipad ako sa ere ay inililibot ko ang aking mata sa mga lugar na dinadaanan ko. Plano kong pumunta sa bayan ng Alkhemia dahil na rin ito ang pinakamalapit na bayan sa Altheria.

Isang karwaheng umaandar ang pumukaw ng atensyon ko, nasa gitna ito ng gubat. Binabaan ko ang lipad ko ng bahagya at may narinig akong mga sigaw na nanggagaling mula sa loob nito.

"Pakawalan niyo ako! Sino ba kayo! Pakawalan niyo ako!"

Hearing that annoying voice, nakakasigurado akong galing iyon kay Jasmin. Nakaramdam na ako ng butil-butil na pawis at panghihina dahil naabot ko na ang rurok ng paggamit ko ng mahika. Kung magpapatuloy pa ako ay baka kung ano na lamang ang mangyari sa akin.

"Damn! Ba't ngayon pa!" Unti-unting akong bumaba sa lupa at hinabol ang aking hininga dahil sa pagod.

Pinagmasdan ko ang karwaheng tumatakbo palayo, "Tangina, sakit ka talaga sa ulo." Hinakbang ko ang paa ko at tumakbo upang mahabol ang karwahe kung saan man ito papunta.

May mga taong umaasa sa akin na maibabalik ko si Jasmin sa Altheria Academy so I should do my best.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top