Chapter 17: Closing Ceremony

ANG tulin ng mga pangyayari at last day na agad ng Unity Festival. Sobrang nakaka-enjoy ang festival na 'to lalo na't ang dami kong nakakasalamuhang ibang tao.

"Sa wakas ay libre na rin akong makakapag-ikot sa Altheria Academy," nakangiting sabi sa akin ni Bea. Naging busy si Bea nitong mga nakaraang araw at hindi kami masyadong nagkakasama. Isa kasi siya sa mga organizer ng mga naunang events at kailangan siya para mag-assist sa ibang tao. "Tara, mag-ikot tayo, Jasmin."

Isang simpleng tango na lang ang aking naitugon sa aking kaibigan. Ngayon na nga lang kami magkakasama, nakakahiya naman kung hindi ko siya pagbibigyan. Naglakad na kaming dalawa palabas ng aming dorm at sinimulang mag-ikot sa Marsham Division.

"Ano, nag-enjoy ka naman kahapon, Jasmin?" pagtatanong sa akin ni Bea. Ang tinutukoy niya ay yung nangyaring athletic games.

"Nag-enjoy naman ako kaso natalo tayo dahil sa akin." Medyo naging malungkot ang tono ng aking boses. Mas masaya sana kung nanalo kami.

"Okay lang 'yon, ano ka ba!" Hinampas ni Bea ang aking balikat. "Ganoon naman talaga sa laro eh. May nanalo at may natatalo. 'Tsaka hindi naman manalo ang goal ng section natin eh. Ang gusto ko lang ay mag-enjoy ang buong klase natin," pagpapaliwanag niya.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit na-elect bilang class president si Bea dahil magaling at maganda ang leadership niya. She has a great mind set at hindi siya naninisi ng ibang tao kapag nagkakamali... Mahaba rin ang kanyang pasensya.

Nag-ikot kaming dalawa ni Bea at naglaro sa kung saan-saang booth. Habang naglalakad kami sa ground ng Altheria ay may biglang umilaw na liwanag sa inaapakan kong damuhan. "Hala, anong nangyayari, Bea!"

"'Wag kang mag-panic. Trap lang 'yan."

Biglang may duwende ang biglang lumabas sa kung saan. "May nahuli sa patibong! May nahuli sa patibong!" paulit-ulit nitong bigkas. Imbes na mainis ako ay natuwa pa nga ako dahil sa ka-cute-an n'ong duwende. Hanggang tuhod ko lang kasi ang laki niya at nakasuot ito ng makulay na damit. Agaw pansin din ang mahaba nitong tainga at maputing kulay ng balat.

May lumapit sa amin na ibang first year. "Jail booth!" sabi nila at hinatak na nila ako.

***

"BEA, tulungan mo naman akong makawala rito," sabi ko habang nakadungaw ako sa kanya sa bintana. Ikinulong kasi nila ako sa isang lumang classroom.

"Wala akong dalang pera eh. Naiwan ko ang wallet ko." Kinapkap pa ni Bea ang kanyang bulsa.

Napaupo na lamang ako sa lapag at wala pa akong limang minuto sa jail booth ay sabi nila na laya na raw agad ako.

"Makakalabas na ako? Sino ang nagbayad?" tanong ko sa nagbabantay na ogre pero masamang tingin lang ang ipinukol nito sa akin. Okay, bugnutin nga pala ang mga ganitong klaseng creature. Lumabas ako ng classroom at agad sumalubong sa akin si Bea.

"Buti naman nakalabas ka na." Yumakap pa ito sa akin.

"O.A. mo naman," natatawa kong tugon sa kanya. "Para namang totoo akong nakulong. By the way, sino ang nagbayad?"

"Ako," nakangiting sabi noong lalaki—si Harly lang pala. "Nakita ko kasi kayong ipinasok dito so naisip ko na baka kailangan n'yo ng tulong."

"Huh! Great timing ka talaga Harly." Nakipag-apir pa kami sa kanya at tiningnan naman kaming dalawa ni Bea.

"Aba! Kailan pa kayo naging close?" nagtataka niyang tanong.

"Ah neto lang, naging busy ka kasi sa pag-o-organize sa event kaya lagi akong naiiwan mag-isa. Lagi akong sinasamahan ni Harly that time kaya medyo naging close na kaming dalawa," pagpapaliwanag ko kay Bea at napatango-tango na lamang siya.

"Wala kasi akong kasama ngayon. Mind if I join you?" pagtatanong sa amin ni Harly at wala namang naging problema dahil masaya rin namang kasama si Harly. At isa pa, siya ang nagbayad para makalabas ako sa jail booth na 'yon.

Nag-ikot kaming tatlo around the campus. Ang paborito kong lugar na napuntahan namin ay ang Exemena Division. Dahil nga sanay nang gumamit ng mahika ang mga nandito sa division na ito ay 'di hamak na mas makulay ang kanilang division kumpara sa amin na taga-Marsham.

May makikita ka na lamang sa division na ito na nakasakay sa mga naglalakihang mga creature, o kaya naman ay nagpapagalingan sa paggamit ng mahika.

"Oh napadpad kayo rito, Jasmin at Bea?" pagtatanong sa amin ni Marie, isa siya sa mga miyembro ng White Soldiers. "Enjoying the last day of Unity Festival?" pagtatanong sa amin ni Marie.

Ngumiti naman kami. "By the way, Marie, ito nga pala si Harly, kaklase namin." Kumaway naman sa kanya si Marie at isang ngiti ang itinugon ni Harly.

"Oh sige, enjoy your stay here at Exemena Division. By the way, 'wag n'yong kalimutang manood ng closing ceremony at fireworks display mamayang gabi. That's the highlight of this festival." Kumindat pa sa amin si Marie bago tuluyang umalis.

Kung saan-saan pa kaming nag-ikot tatlo. Minsan ay nakikisayaw kami sa malakas na tugtugan o kaya naman manonood ng mga banda sa may quadrangle. Dito ko talaga napatunayan na nagkakaisa ang bawat estudyante ng Altheria Academy pagdating sa kasiyahan. Nararamdaman ko talaga ang word na Unity.

Dumating ang dapit hapon at sinabihan ang lahat ng estudyante na magtipon-tipon sa stadium para sa gaganaping closing ceremony. Naglakad kaming tatlo patungo ro'n nang makita ko si Red na nag-e-ensayo sa ground ng Vaefonia Hall.

Puro ensayo lang talaga ang ginagawa ng lalaking 'to at hindi man lang hinahayaan ang sarili niya na magsaya sa ganitong mga klaseng kaganapan.

"Red!" pagtawag ko sa kanya dahilan upang mapatigil siya sa kanyang ginagawa at mapalingon sa akin.

"Wait lang ah. Aayain ko lang si Red," sabi ko kina Harly at Bea. Pumayag naman silang dalawa.

Tumakbo ako patungo sa direksyon ni Red at iritable niya akong tiningnan. "What?" pagtatanong niya sa akin.

"Halika na! Ini-invite lahat ng estudyante roon sa stadium para manood ng closing program 'tsaka fireworks display," pag-aaya ko sa kanya.

"I'm not interested. Kayo na lang ang pumunta ro'n."

Hinatak ko ang kanyang braso. "Ano ka ba?! 'Wag ka ngang KJ! Minsan lang 'to sa isang taon, Red. 'Tsaka kaya nga ginawa ang ganitong klaseng festival para mailayo sa stress ang bawat estudyante," pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ayoko nang—"

"No more but's. Sumama ka na." Hinatak ko na siya at napilitan naman siyang sumama sa amin.

Naglakad kaming apat nina Bea, Harly, at Red patungo sa may stadium. Nagtaka naman ako kung bakit huminto kami sa tapat ng lumang bodega. "Oh ba't tayo huminto rito? Akala ko ba, pupunta tayo sa stadium?" pagtatanong ko sa kanila.

"Because this is the stadium. Idiot," sabat ni Red.

"Naku, imposible 'yan! Hindi naman magkakasya lahat ng estudyante sa maliit na bodega na 'yan. 'Wag n'yo nga akong jino-joke time." Akala yata ng mga 'to, uto-uto ako. Hindi talaga 'to stadium.

"Oh sige pumasok na tayo," natatawang sabi ni Harly habang nakatingin sa akin.

Naglakad kami papasok doon sa bodega at pagkapasok pa lang namin ay dumadagundong na sigawan ng mga estudyante ang aming narinig. Nanlaki ang mata ko dahil mukha nga siyang stadium sa loob.

Napakalaki ng loob ng maliit na bodega na 'yon. "Mukhang nag-i-start na yung event," sabi ni Bea. "Buti na lang, isa ako sa mga organizer ng event kaya may naka-reserve na upuan para sa atin sa bandang unahan."

Naglakad kaming apat at nakipagsiksikan sa maraming bilang ng estudyante na nag-aaral sa Altheria Academy hanggang sa makarating na kami sa aming puwesto. Maganda ang view rito.

Nagsimula na ang closing ceremony at sobrang nakakaaliw ang aking nasaksihan. Mayroong mga dancer na nag-perform habang nakatuntong sila sa lumilipad na platform sa ere. Napalingon ako kay Red at nakangiti siya habang pinanonood ang mga nagtatanghal. Tingnan n'yo, mag-e-enjoy rin pala ang loko na 'to.

Nagsimula ang fireworks display at tama nga si Marie, ito ang highlight ng festival na ito.

Kapag sumasabog kasi ang mga fireworks ay nagkokorte ito ng kung ano-anong makukulay na hayop 'tsaka gagalaw sa kalangitan. It's so magical. Saglit lang ang itinatagal nito ngunit para silang nagsasayawan na fireworks habang pinagmamasdan ko ito.

Natapos ang closing ng Unity Festival at paniguradong bukas ay balik normal na naman ang lahat. Lumabas kaming apat sa stadium.

"Wait lang, iihi lang ako," pagpapaalam ko sa kanila at tumango naman silang tatlo.

Nagtungo ako sa girl's C.R. kaso nga lang dahil katatapos lang ng closing ceremony ay napakahaba ng pila sa C.R..

Ihing-ihi na talaga ako kaya naman naisipan ko na doon na lang sa lumang C.R. ako iihi tutal wala naman masyadong tao ang umiihi roon.

Naglalakad na ako patungo sa C.R. at pakaunti nang pakaunti ang taong nakakasalubong ko dahil medyo tago ang banyo na 'to dahil na rin hindi na ito ginagamit.

Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong isang lalaki at nakangiti siyang tumingin sa akin. "Hi, miss," bati nito.

Tanging ngiti lang ang itinugon ko sa kanya.

"Puwede mo bang tingnan 'to?" Ipinakita niya ang kanyang daliri at napokus ang atensyon ko roon. Ini-snap niya lang ang mga daliri niya at para namang instant na nawalan ng lakas ang buong katawan ko upang makatayo.

Bumagsak ang aking katawan sa ground at unti-unti akong nakaramdam ng pagkaantok.

Sa pagkakataong ito ay alam kong may masamang mangyayari sa akin. Red, Harly, Bea, Carlo... tulungan ninyo ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top