Chapter 15: Meeting The Members
DUMATING ang araw ng festival at napuno ng kulay ang buong Altheria Academy. Sa bawat daan ay may makikita kang banderitas na kumukuti-kutitap. Habang naglalakad ako ay kung ano-anong klaseng nilalang ang aking nadaraanan. Mayroong mga maliliit na tao na may pakpak na mas kilala natin sa tawag na fairies.
Nagkalat ang mga booth dito sa loob ng school. "Oh, ba't hindi ka tumutulong do'n sa booth?" pagtatanong sa akin ni Harly. Nasa tabi ko na pala siya. Hindi ko siya napansin dahil aliw na aliw ang aking mata na tingnan ang magagandang bagay na nakikita ko ngayon sa paligid.
"Ayaw akong patulungin nina Charmaine at Charly. Bwisit na kambal 'yon," medyo asar kong sabi sa kanya. Pinaalis kasi ako ng kambal sa booth namin kanina kasi raw may balat daw ako sa puwet. Baka raw may mapahamak ulit kapag nandoon ako.
"Grabe naman yung pambu-bully nila sa 'yo!"
"Okay na rin 'yon. At least, nakakapag-ikot-ikot ako ngayon sa buong Altheria at nararamdaman ko ang Unity Festival."
Naglalakad kaming dalawa at napatingin ako sa mga ilang estudyanteng inaaliw ang mga mamamayan ng Alkhemia. Nakakatuwang pagmasdan na nagkakaisa ang mga tao sa mundong ito.
"Yuko!" malakas na sigaw ni Harly at hinawakan niya ang ulo ko upang makayuko.
Nakaramdam ako ng malakas na hangin sa aking batok na parang may dumaan. Pagtingin ko sa itaas ay may mga estudyanteng nakasakay sa board na naglalaro sa kalangitan. Ibang klase talaga ang mundong ito. Walang bagay na imposible.
"Ayos ka lang?" pagtatanong sa akin ni Harly. "Gagong estudyante 'yon ah! Muntik pang magpahamak ng ibang tao."
Magpapatuloy na sana kami sa paglalakad nang makasalubong namin si Carlo. Nakaipit sa kanyang braso ang ulo ni Red. "Ano ba! Sinabi ko naman sa 'yong pakawalan mo ako eh!"
"Oh, Carlo ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?" pagtatanong ko.
"Binibisita ko lang ang mga freshmen na alaga ng aming club. Actually, gusto na nga kayong ma-meet ng ibang members eh. Tara na!" sabi niya.
Tiningnan ko si Harly at nangusap ang aking mata kung puwede ba akong sumama sa kanila. "Sige lang, sumama ka na. Kailangan ko na ring naman bumalik sa booth eh." Naglakad na siya palayo sa amin. "Sige, bye!"
"Sasama na ako! Pakawalan mo na yung leeg ko." Kumawala si Red sa pagkakahawak sa kanya ni Carlo.
"Kung hindi pa kita pipilitin eh hindi ka pa sasama," pagsesermon ni Carlo. "Huwag kang puro training, Red. Matuto ka ring mag-enjoy. Huwag mong i-pressure ang sarili mo. Sayang naman 'tong Unity Festival kung hindi ka magsasaya," pagpapaliwanag ni Carlo. Well, may punto naman siya. Ginawa ang festival na ito para sa mga estudyante at mamamayan ng Alkhemia.
"Ba't ka nandito Carlo?" pagtatanong ko sa kanya.
"Well, malaya akong makagagalaw sa buong Altheria dahil binuksan nila ang lahat ng gate ng Marsham, Wanester, at Exemena." Oo nga pala, nasabi sa akin ni Bea na malaya ang bawat year level na makapag-ikot-ikot sa buong Altheria Academy sa loob ng tatlong araw. "Ano, tara na? Excited na silang makita ka."
Tutal ay wala naman akong gagawin ay sumama na lamang ako kay Carlo. Ganoon pa rin si Carlo, sobrang bubbly ng personality at puring-puri pa rin niya ang kanyang sarili.
Katabi ko si Red habang naglalakad. Sa tagal naming hindi nagkasama... hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ang huli naming pag-uusap ay 'yong nandoon pa ako sa school hospital. Nakakapanibago. Parang back to strangers kaming dalawa.
"Gusto n'yo ba?" pagtatanong sa amin ni Carlo habang itinuturo ang cotton candy na itinitinda sa isang stall. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil kinakabahan akong baka hindi normal na cotton candy 'yon. Wala naman yatang normal sa lugar na ito. "Don't worry, edible 'yan. Normal na pagkain lang din 'yan."
Bumili si Carlo para sa amin at tama siya, normal lang iyon.
Habang naglalakad kami ay ang dami kong nakikitang mga bagay, tulad na lamang na mga sirena na lumalangoy sa may lawa sa loob ng Marsham Division, mga maliliit na fairies, mga goblins na gumagawa ng mga prank sa ibang estudyante, at mga duwendeng naglalaro sa may garden ng aming school.
"Anong mga ganap kapag Unity Festival, Carlo?" pagtatanong ko sa kanya.
"Usually, sa unang araw ay opening ceremony, may mga booths, and kung ano-anong magic shows. Tapos sa second day ay may mga athletic games. Sa third day ay may live band, fireworks display, at closing ceremony," sabi ni Carlo. Ang dami niya pang bagay na ikinuwento sa amin. Napasarap din ang kuwentuhan namin kaya hindi ko napansing nasa harapan na pala kami ng workshop.
"Ano, handa ka na bang makilala sila, Jasmin?" Ngumiti muna sa akin si Carlo bago tuluyang binuksan ang pinto. Sa totoo lang ay mas nangingibabaw sa akin ngayon ang kaba dahil hindi ko naman alam kung magugustuhan ako ng ibang members ng White Soldiers.
Pagpasok sa workshop ay nandoon na nga ang ibang members. Wala naman akong namumukhaan sa kanila dahil sa palagay ko ay higher year silang lahat sa aming dalawa ni Red.
"Oh, Red, ikaw pala!" pagbati ng isang lalaki at nakipag-apir pa siya kay Red. Agaw-pansin ang kulay abo nitong buhok pati na rin ang asul na kanyang mata. "Ano, nagagawa mo nang kontrolin ang kapangyarihan mo?"
"Hindi pa rin, Hades. Pero hindi naman ako tumitigil sa pag-e-ensayo."
"Tama lang 'yan. Makokontrol mo rin 'yan tulad ng pagkontrol ko sa tubig." Pinaangat nito ang tubig sa isang baso gamit lamang ang isang kumpas ng kamay.
"Oy! Guys, eto nga pala si Jasmin." Biglang naglingunan sa aking direksyon ang ibang mga tao sa loob ng workshop. Okay, medyo nakaramdam naman ako ng hiya. "Siya 'yong isang freshman din na nakapasok sa family natin," pagpapatuloy pa ni Carlo.
Isa-isa silang lumapit sa akin at nagpakilala. Kagaya ng ini-expect ko, hindi masyado marami ang members ng White Soldiers dahil sobrang sinasala ang mga nakapapasok dito.
Habang nanatili ako kasama nila ay nararamdaman ko na isang pamilya ang turing nila sa akin. Nakilala ko na ang mga members na bumubuo rito. Sina Hades, Carlo, Rhian, Jester, Marie, Lucas, King, si Bea, si Red, at ako. Kahit mas matanda ang ibang miyembro sa akin ay ayaw nilang nagpapatawag ng kuya o ate.
Marami silang ikinukuwento sa akin at nag-e-enjoy akong kasama sila. "Halika, Jasmin, samahan ka naming maglibot sa Wanester Division." Hinatak ako nina Rhian at Marie at naglakad na kami palabas ng workshop.
Isinama nila ako sa Wanester Division at mas nakamamangha ang mga nakikita rito dahil mas makulay ang Division nila kaysa sa Marsham.
Mayroon akong namamataang mga estudyanteng nag-aanyong hayop o kaya naman ay nanggagaya ng mga sikat na personalidad. Mayroon din namang nagpapagalingan sa paggamit ng mahika.
"Maganda ba?" pagtatanong sa akin ni Rhian kaya naman napatango ako.
"Hayaan mo, sa oras na mapailaw mo ang kuwintas mo... kami mismong dalawa ang magtuturo sa 'yo na gamitin ang kapangyarihan mo," sabi naman ni Marie. Mas lalo tuloy akong na-excite na magkaroon na ng ilaw ang kuwintas ko.
May biglang malakas na tugtog ang dumagundong sa Wanester Division at nagsayaw ang marami sa mga estudyante. Talagang nag-e-enjoy ang lahat sa festival na ito.
Hinatak nina Rhian at Jasmin ang aking kamay at sumabay kami sa maraming tao at nakiindak sa saliw ng musika. May ilang estudyante na gumamit ng mahika upang magkaroon ng effects ang kasiyahang nagaganap. May mga nagpapailaw ng daan upang magmukhang dance floor. May ilan na naglalabas ng kung ano-anong kulay sa paligid.
Wala man akong ideya sa mundong pinasok ko o bakit ako nandito, marami pa ring tanong sa utak ko na patuloy gumugulo sa akin, pero sa ngayon... masasabi kong masaya ako na dito ako sa Altheria nag-aral dahil sa kakaibang karanasan na ibinibigay ng paaralan na ito at sa mga bagong kaibigan na aking nakikilala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top