Chapter 13: Back to Normal

"OKAY ka na ba? Sure ka na bang papasok ka na?" pagtatanong sa akin ni Bea habang nagbibihis na ako sa dorm. Ilang araw na rin ang lumipas nang mangyari ang insidenteng iyon kaya naman kinakailangan ko na ring pumasok.

"Ano ka ba, galos lang din ang tinamo ko. Si Red ngang halos mamatay na, nakapasok na noong isang araw. Baka isipin ng mga teacher eh nalumpo na 'ko," sagot ko sa kanya.

"Sa bagay, pero sa tingin ko, h'wag ka munang pumasok ngayon," alanganing sabi niya. "By the way, ba't hindi ka raw pumunta sa workshop noong nakaraan sabi ni Carlo?"

"Nakalimutan ko, 'tsaka 'di ba nga, nag-LBM ako kaya hindi ako nakalabas." Paano kasi, ang daming pagkain sa fridge. Hindi ko naman alam na expired na pala yung iba ro'n. Buti nga ay mga normal pang mga pagkain ang nakakain namin dito.

"Oh sige, tara na. Male-late na tayo." Hinatak na ni Bea ang kamay ko at tumakbo kami sa unang klase namin, which is kay Sir Ernie.

Umupo na kami sa aming puwesto at matatalim na titig ang pinupukol sa akin ng iba kong kaklase. Anong mayroon?

Biglang naglakad papalapit sa akin ang nagmamalditang si Charmaine. Bwisit na kambal 'to.

"Anong meron, Bea?" pagtatanong ko kay Bea na nasa aking tabi. Malakas na kinalampag ni Charmaine ang desk ko dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Ano bang problema mo?"

"Tinatanong mo pa kung anong meron!? Nang dahil sa 'yo, muntik ng mamatay si Red! Kasalanan mo kung bakit nagalusan ang guwapo niyang mukha!" malakas na sigaw ni Charmaine. Napalingon ako sa tapat ng bintana. Wala pa pala si Red dito kaya naman ang lakas ng loob na magmaldita ng Charmaine na 'to.

Sasagot na sana ako kaso biglang dumating si Sir Ernie. "'Di ba sinabi ko sa inyo na ayokong may sumisigaw sa tuwing papasok ako sa klase n'yo!?" malakas na sigaw ni Sir at kumaripas ng takbo si Charmaine papunta sa puwesto niya. "Who is it!?"

"S-sir, si Jasmin po," pagsusumbong ni Charmaine.

Aba! Hanep 'to! Ako pa ang sinisi sa sarili niyang kasalanan! Akala ko, sa Wattpad lang nag-e-exist yung mga exaggerated na fangirls na obsess sa isang lalaki. Hindi ako na-inform na mayroon din pala sa isang magic school. Isang patunay rito ang bwisit na Charmaine na 'to.

"You're lying, Miss Charmaine. Baka nakakalimutan mong nasa isang magic school tayo and I can distinguish the truth from lies." Biglang sumama ang tingin sa kanya ni Sir. "Pumunta ka sa quadrangle. 20 laps as a punishment."

"But, Sir—"

"Now!" Pagkasigaw n'on ni Sir ay mabilis na kumaripas ng takbo si Charmaine palabas. Bago siya lumabas ay isang irap muna ang ibinigay niya sa akin, as if naman na affected ako sa ginawa niya.

Noong napalabas si Charmaine ay matalim na titig ang ibinigay sa akin ng kanyang kakambal na si Charly. Nagtataka ako kung bakit ang laki ng galit sa akin ng kambal na 'to. Feeling yata nila kontrabida sila katulad ng mga napapanood ko sa mga drama.

"Class, pumunta kayong lahat sa Activity Center. We will do some physical activity." Naglakad na muling palabas si Sir Ernie. May ilan sa mga kaklase ko ang napabuntonghininga pero mas maraming natuwa dahil hindi na kami tatakbo ulit sa quadrangle at hindi na kami mapapahiya sa ibang estudyante.

"H'wag mo na lang pansinin 'yong Charmaine na 'yon," sabi ni Bea at lumapit sa akin. "Kulang ng pitong buwan 'yon noong pinanganak." Napatawa naman kaming parehas.

"Teka, ba't wala si Red?"

"Ewan ko. Baka hindi pumasok," konklusyon ni Bea. "Madalas ko siyang nakikitang nagpa-practice mag-isa. Sinusubukan niyang kontrolin ang magi niya... but of course, hindi niya pa magawa."

Naglakad na kaming dalawa ni Bea patungo sa Activity Center. I am really hoping na sana this time ay huwag na kaming ilagay sa kahihiyan ni Sir Ernie.

Pagdating namin sa Activity Center ay agad kaming pinapila ni Sir. Mabuti na lamang ay simpleng exercise lang ang pinagawa sa amin ni Sir. May pinagawa ring normal 'tong teacher na 'to. This past weeks ay na-feel ko naman na may essence ang ipinagagawa niya sa amin, dahil habang patuloy naming ginagawa ang mga activities ay hindi na masyadong sumasakit ang katawan ko.

"Okay, that's it for today!" pagsigaw ni Sir Ernie habang iniikot ang tingin sa amin. "Maybe a few weeks later ay may ilan sa inyo na magkakailaw na ang mga kuwintas if they will continue to work hard." Sa sinabi na 'yon ni Sir Ernie ay marami sa mga kaklase ko ang napasigaw. Well, sa tagal kong absent ay panigurado akong hindi ako kabilang sa unang makapagpapailaw sa kuwintas.

Naglakad na palabas si Sir habang karamihan sa amin ay nagpupunas ng pawis at mayroon namang ilan na nagpatuloy sa paglalaro.

"May next class pa ba tayo ngayon, Bea?"

"Mamaya pang alas dos ang next class natin so may mahaba tayong vacant. Ay wait lang, may sasabihin lang ako sa inyong lahat." Bumuntonghininga si Bea. "Guys! Wala munang lalabas. May i-a-announce lang ako! Gather around here!"

Pumaikot naman sa puwesto namin ang aming mga kaklase. "Alam n'yo naman na may magaganap na event next week 'di ba?"

"The Unity Festival!" malakas na sigaw ng isa sa mga kaklase ko, si Harly. He's one of the top students in our class.

"Yup, may mga games and contest na magaganap. Kung interesado kayong sumali kahit saan ay lumapit lang kayo sa akin a'right?" Sabay-sabay na sumigaw ang mga kaklase ko ng 'oo'.

"Okay that's it! 'Tsaka kung gusto n'yong may gawing pakulo ang seksyon natin ay agad n'yong ipaalam sa akin para masabi ko sa committee at ma-approve nila."

Naglakad na paalis ang mga kaklase naming. Bago umalis ay inirapan muna ako ni Charmaine at ngumisi naman sa akin si Charly. Bwisit na kambal! Tiningnan ko si Charmaine... tagaktak ang pawis ng feeling maldita. Tumakbo ba naman mag-isa sa quadrangle.

Nag-aayos na kami ng gamit. "Bea, ano 'yong Unity Festival?"

"Ha? Eh 'di ba na-explain ko na last tim—Ay oo nga pala, wala ka pala noong nag-explain ako." Naglakad na kami palabas ng Activity Center. "Ang Unity Festival ay three-day event na ginagawa ng paaralan. Meaning, lahat ng estudyante from Marsham, Wanester, and Exemena ay malayang makagagalaw sa lahat ng division for three days. It's a way of Altheria Academy para panatilihin ang bonds ng seniors, juniors at freshmen."

Napatango-tango naman ako sa kanyang paliwanag. "'Tsaka ang alam ko, nagpapapasok sila ng mamamayan sa labas ng academy, pero hindi ko lang alam kung gagawin pa nila ulit ngayon 'yon dahil naghihigpit daw sila sa security."

Habang naglalakad kami at nagpapaliwanag si Bea ay aksidente naming nakasalubong si Red. "Oh, ikaw pala!" pagbati ko sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na puro sugat at hinawakan ko ito. "Oh, napa'no 'tong kamay mo?"

Hinila niya ang kamay niya dahilan para mabitiwan ko. "Pake mo?" Binunggo niya pa ang balikat ko noong naglakad siya palayo. Dapat ngayon ay sanay na ako sa masungit na personality n'ong Red na 'yon pero ngayon...

Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang may naramdaman akong kirot. Maybe na-offend lang ako sa mga sinabi niya at hindi lang ma-take ng ego ko. Yeah! That's it!

"Siguro, nagsusugat ang kanyang kamay dahil sa kaka-practice," konklusyon ni Bea at napalingon siya sa akin. "Oh ba't nakahawak ka r'yan sa dibdib mo? May masakit ba ulit sa 'yo? Naku! Sinabi ko naman sa 'yo na huwag ka munang pumasok eh."

"No, I'm fine. Medyo nagutom lang ako. Ano nga ulit 'yong sinasabi mo tungkol kay Red?"

"Ewan ko sa lalaking iyon. Minamadali niyang matutunang kontrolin ang magi niya at makalikha ng mahika. Hindi ko alam sa lalaking 'yan kung may pinapatunayan sa buhay o may bagay na nag-uudyok sa kanya na gawin lahat 'yan," pagsasalita niya at napatango-tango na lamang ako. Pipilitin ko na lang siyang unawain... Kaibigan na rin kasi ang turing ko sa kanya.

"Nagugutom ako, Bea. Tara, kain tayo."

"Gusto ko 'yan, Jasmin!"

Unity Festival, huh? Umaasa ako na magiging masaya ang next week para sa amin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top