Chapter 50

Chapter 50

We decided to get all the help we could get—God knows we need them. But really, it was more like I decided to get all the help we could get. Lagi naman akong tinatanong ni Achilles kung ano ang gusto kong mangyari.

Ang gusto kong mangyari? Matapos na 'to.

I knew that legal battles like this could last us years.

And what I knew for sure was that I did not want this to last for years.

Marami pa akong gustong gawin kasama si Achilles—iyong mga bagay na gagawin lang namin dahil gusto namin at hindi dahil kailangan namin. Nitong mga nakaraang taon, parang laging may dahilan lahat ng bagay na ginagawa namin.

What I'd give to just live and breathe.

I told Achilles that whatever we decide to do, we need to inform Tali and Lui. Syempre, lahat kami ay damay dito. Kailangan din nilang malaman na may balak kaming makipagtulungan sa mga Cantavieja.

"Mom, please."

Para akong nanood ng telenobela habang naka-upo ako sa harapan nila. Ganito rin ba kami nung nag-a-away kaming pamilya?

Fuck.

Ang tagal na rin nung nakausap ko sila Mama.

Siguro kaya rin kailangan kong matapos 'yung kaso na 'to... Kasi dala-dala ko iyong guilt sa nangyari kay Papa... Na kung hindi ko ginawa lahat ng ginawa ko dati, buhay pa kaya siya?

Hanggang hindi ako nakaka-kuha ng hustisya sa nangyari sa kanya, pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap kina Mama at Mauve.

Kaya hindi ko lang 'to gusto—kailangan kong matapos 'to.

"Do you honestly think these people can protect me?"

"Do we have a choice?"

"Yes—"

"Mom, please. Hindi pa ba sapat iyong nangyayari kay Sancho? Don't you believe in karma?"

"Kasalanan 'yon nung babae—"

"Or maybe it was your karma," mabilis na pagputol niya sa sasabihin ng nanay niya. "For all the lives you ruined. Did you even try to consider that? What it if happens to Mateo, too? Hindi ka ba naaawa sa apo mo na madadamay sa mga kasalanan na hindi niya naman ginawa?"

Tatayo na sana ako dahil gusto ko silang iwan para makapag-usap sila. I didn't think I should be here.

"No need to leave," mabilis na sabi sa akin ni Catalina. Nakita ko na humugot siya ng malalim na hininga. "We'll cooperate... right?" sabi niya at seryosong tumingin sa nanay niya.

Ni hindi kailangang magsalita ni Isobel Cantavieja para malaman ko na hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ng anak niya... pero mukhang tinamaan siya sa sinabi ni Catalina—sino ba naman ang hindi? Kahit ako matatakot sa karma sa dami ng nangyari sa mga anak niya. Baka natatakot lang siya na madamay din iyong apo niya.

"Fine. What do you need?" sabi niya sa amin ni Achilles.

* * *

Halos pagtulog lang ang naging pahinga namin nang mga sumunod na araw. Paano kami makakapagpahinga laging biglang may bagong mangyayari?

Halos tapos na iyong sa may criminal case na hawak nila Lui at Tali at naghihintay na lang sila ng resolution mula sa Court. They did their best—kaya kailangan din namin ni Achilles na gawin lahat ng makakaya namin.

"Ito na lahat?" tanong sa amin ng mga ka-meet namin galing sa Anti-Money Laundering Council. Maraming tinurn over na files si Isobel Cantavieja. We had to hire a forensic accountant para lang matignan nang mabuti lahat ng files.

It took us weeks.

Ilang linggo na araw-araw namin tinitignan dahil baka may na-miss kami sa mga files.

We just needed something—or at least I needed something. Kasi sa dami ng hawak namin, sigurado na ako na mapapa-bagsak na namin ng tuluyan ang mga Villamontes at ang mga Ferreira.

I knew I should be happy.

Naka-tulong ako na mabawasan ang mga masasamang tao dito...

Pero laging may bumubulong sa akin na paano kung mga De Marco talaga ang may kasalanan? Ano? Iyon na 'yon? Talagang kahit ano ang gawin nila, hindi sila mapaparusahan?

Are they really above the law?

"Ito na lahat," sabi ko sa kanya sabay abot ng flash drive. Tahimik lang si Achilles sa tabi ko. Alam ko na kung siya ang masusunod, mas pipiliin niya na siya ang makipag-usap. Ganon naman lagi. Hinahayaan ko siya dahil mas marami naman talaga siyang alam sa akin.

Pero ngayon?

Ngayon na may nahanap na kaming paraan para maikonekta ang mga de Marco sa mga illegal na gawain?

I just had to be the one who'd give the loaded gun.

Napa-kunot ang noo ng kausap namin nang hindi ko bitawan iyong flashdrive habang hawak niya na iyon.

"Ipapa-freeze mo iyong assets nila, tama?" tanong ko sa kanya kahit pinaliwanag na sa akin ni Achilles kung ano ang mangyayari. May dahilan kung bakit sa AMLC kami makikipagtulungan para sa kaso ng mga de Marco. Sila iyong may kakayahan na magpa-freeze ng mga assets.

"Depende."

"Saan?"

"Sa nakalagay dito," sagot niya.

"Nandyan na lahat."

"Don't get me wrong—gusto kong maniwala, pero kailangan ko munang makita gamit ang sarili kong mga mata. Matagal na naming sinusubukang hulihin ang mga de Marco. Walang kumakanta."

"Well, meron na ngayon."

"Again, I'll have to see it myself first."

Naramdaman ko iyong paghawak ni Achilles sa braso ko na para bang sinasabihan niya ako na hayaan ko rin ang AMLC na gawin ang trabaho nila. Alam ko naman 'yon... I just really need this.

"Salamat dito," sabi niya.

Tumango ako.

"Kung may kailangan—"

"We'll manage," sagot niya sa akin.

"I've seen you in Court," biglang sabi ni Achilles. "No offense, but you can ask for our help."

Nakita ko iyong pamumula ng dulo ng tenga ng kausap namin. Seriously... sa akin lang ba mabait si Achilles? Kasi parang rude siya sa mga nakakausap namin. Ano 'to? Boyfriend privilege?

"Those greedy motherfuckers get the best lawyers from the best firms," mabilis na sagot niya habang namumula pa rin ang dulo ng tenga.

"Precisely. Kaya tutulungan namin kayo. We already gave you the puzzle pieces—you just have to complete them."

Ilang segundo rin na naka-tingin lang siya sa amin na para bang tinitimbang niya pa kung hihingi ba siya ng tulong... at kung mapapagkatiwalaan ba kami.

Apparently, Achilles has a way with people—kahit hindi ko maintindihan because most of the time, straightforward at rude lang siya. Dapat ba ganon na rin ako?

We stayed for a few more hours—discussing legal tactics at kung anu-ano pa. Apparently, meron na talaga silang files tungkol sa mga de Marco. Nagsimula pa iyon nung unang pumasok sa politics si President de Marco. Nakakapagtaka naman daw kasi talaga... from basically nothing tapos magiging isa sa pinaka-makapangyarihan na pamilya sila sa Pilipinas? Of course people would wonder.

But everything has been unfounded gossip.

Walang mapatunayan.

Walang may gustong magpatunay.

Until this.

Totoo din pala iyong sinasabi nila sa statistics na most likely than not, kung ipapa-patay ka, kilala mo rin ang papatay sa 'yo.

Alam kaya ng mga de Marco na si Isobel Cantavieja ang nagtraydor sa kanila?

Or maybe not... kasi hindi naman talaga sila nilaglag ni Cantavieja—sadyang hinanap lang talaga namin ni Achilles.

* * *

Matapos naming ibigay sa AMLC iyong sa mga de Marco ay nagfocus kami sa mga hawak namin na kaso sa CTA. Halos puro paperworks lang naman 'yon. Medyo mahirap lang dahil magaling talaga si Atty. Serrano, pero malaki ang tiwala ko kay Achilles.

"So... ano na?" sabi ko kay Achilles.

"Ano'ng ano?" tanong niya pero hindi naman siya naka-tingin sa akin dahil binabasa niya iyong isang petition for review. Ang gwapo talaga niya kapag nagta-trabaho dahil seryoso iyong mukha niya tapos bahagyang naka-kunot iyong noo niya at bahagyang nakaawang iyong labi.

"Iyong mga ipapasa mo na pleadings, medyo matagal pa naman, 'di ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes, pero ayoko ng nagmamadali. Nakaka-lito 'yung details, so I have to simplify them para hindi malito iyong magbabasa," sagot niya.

"Ah, okay."

Napa-tingin siya sa akin.

Tapos sinara niya iyong laptop niya—like he was telling me that he's giving me his full attention.

"What do you want?" he asked.

"Wala."

"Mauro," he called na para bang bata ako na pinapagalitan niya.

"Wala nga," sabi ko.

Hindi siya nagsalita. He slightly arched his brow, but that was enough para mapaamin ako. Tsk. Iba rin talaga katarayan ng taong 'to. Kung hindi siguro na-inlove 'to sa akin, grabe iyong pang-aapi na mararanasan ko sa kanya. Kasi grabe rin talaga iyong sungit niya sa akin dati.

"Naalala ko lang..."

"Out with it," sabi niya nung hindi ko agad nasundan iyong sinasabi ko.

"Sabi mo dati... kapag tapos na... pupunta tayong ibang bansa tapos magpapakasal."

Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya? After everything? After ng lahat ng ginawa namin sa isa't-isa at mga ginawa namin para sa isa't-isa?!

"Naalala ko lang naman. Alam ko naman na hindi pa tapos iyong mga kaso," mabilis na dugtong ko tapos tumingin ako sa iba kasi pakiramdam ko lulubog na ako sa kahihiyan kapag tumingin pa ako sa mga mata ni Achilles.

"Ah... Naalala mo lang?" sabi niya. Ni hindi ko kailangang tumingin sa kanya para malaman na nang-aasar na siya ngayon. "Naalala mo lang naman pala. Okay."

Gusto ko siyang sakalin, pero hindi ko magawa dahil alam ko na kahit ata mamatay ako e hindi ko mababayaran lahat ng sakripisyo niya para sa akin. Kaya nakuntento na lang ako na itulak siya. Napa-higa siya sa may sofa tapos tawa siya nang tawa.

"Bwisit ka talaga, Achilles V. Marroquin!" sabi ko habang patuloy siya na hinahampas kasi binu-bwisit niya na talaga ako ngayon.

"Wow, full name," tatawa-tawang sabi niya.

Kinurot ko siya. "Leche ka!"

"If you want to get married, all you have to do is ask—may pa-naalala ko lang ka pa d'yan."

Sinamaan ko siya ng tingin.

Naupo si Achilles.

"Mauro—" sabi niya tapos ay bigla siyang tumayo. Naka-sunod lang ang mga mata ko sa kanya. Saan pupunta 'yon?! Pero hindi ko na kailangan pang tanungin dahil bumalik agad siya. Nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko iyong hawak niya na box na sigurado ako singsing ang laman.

"Do you want me to get down on my knee o pareho na lang tayong naka-upo?" tanong niya. This time, seryoso siya. Medyo rinig ko iyong kaba sa boses niya... na medyo nakakatawa rin kasi literal na kinalaban niya ata iyong mga pinaka-demonyo dito sa Pilipinas tapos dito lang siya kakabahan?

Kapag nag-iimagine ako dati ng proposal ni Achilles, palaging formal iyong naiisip ko... Iyon bang nasa isang private room kami sa restaurant tapos may tumutugtog ng violin tapos luluhod si Achilles sa harapan ko at itatanong niya na iyong mahiwagang tanong.

Pero ngayon?

Parang mas gusto ko na naka-upo na lang kami sa sahig ng condo niya. Kasi ganito naman kami madalas. Dito namin pinag-usapan iyong mga problema namin, iyong mga tactics namin sa kaso, iyong mga pangarap namin.

Ilang gabi na naka-upo lang kami sa sahig ng condo niya habang napapa-libutan ng maraming papel at hinahanap iyong karayom sa bundok ng dayami.

Nakita ng condo na 'to lahat ng saya at hirap namin.

So... this felt appropriate.

This felt like us.

Tinapik ko iyong espasyo sa harapan ko.

Naupo roon si Achilles.

Huminga siya nang malalim.

"Mauro," pagtawag niya.

"Yes?"

He looked at me na para bang sinasabi niya na tumahimik muna ako. So, ganon? Kapag siya, pwede niya akong bwisitin... kapag ako, bawal?

"Mauro Eugenio dela Rama."

"Wow, full name," tukso ko.

"Please," sabi niya.

I acted like I was zipping my mouth. "Okay, okay," sabi ko at saka tinapik iyong magkabilang tuhod ko. Kinakabahan ako but at the same time, gusto kong hatakin na iyong mga salita mula sa dila niya.

Gusto ko na tanugin niya na ako.

Gusto ko na sabihin na rin sa kanya na oo.

Syempre, oo.

May iba pa bang sagot?

"Will you marry me? And annoy me for the rest of our lives?"

Napaawang iyong labi ko. "Seriously?!"

Natawa siya. Inabot niya iyong mga kamay ko. He caressed the top of my hands with his thumbs. He always did that. And every time he did that, I felt safe.

"Let's go abroad. And get married. And do a yearlong honeymoon," sabi niya. "Pupunta lang ako sa Pilipinas para magfile ng pleadings tapos uuwi ako kung nasan ka man."

God... this man really has a way with words.

"Fine, I'll marry you. Baka umiyak ka pa kapag hindi," sabi ko tapos napa-iling na lang siya habang kinukuha iyong singsing at sinuot sa daliri ko. 

**

This story is already finished on patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top