Chapter 49
Chapter 49
I knew that Tali didn't believe my lies nang makita ko iyong itsura ni Achilles nung buksan ko iyong pinto. Heck, I didn't even need to see his face to know the panicked state of his mind. Sa tunog pa lang ng bawat pagkatok niya sa pinto ay alam ko na. The urgency of each knock told me that if I were even just a second late from opening it, he was close to knocking the door down.
"Hi, traitor," sabi ko nang buksan ko iyong pinto. Ewan ko. It was a desperate attempt on my part para pagaanin kahit konti iyong sitwasyon.
Imbes na sagutin ako sa sinabi ko, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Tinignan niya iyong mukha ko pati iyong mga braso ko. Gusto ko sanang magjoke na huhubaran niya na rin ba ako i-check, but I decided against it. Not the place and time. Definitely not. Seryosong-seryoso iyong mukha ni Achilles—evidenced by the deep crease on his forehead.
"You should've called me!"
"Nasa hearing ka."
"Regardless."
"I could've... pero naka-silent iyong phone mo kapag nasa Court ka, 'di ba?"
"It's on vibrate. If I saw you calling, I would've answered," seryosong sagot niya sa akin. Kita ko iyong malalim na paghinga niya. I reminded myself that this was not the place and time para inisin si Achilles.
"Di ka takot ma-contempt?" I asked in my lame attempt na pagaanin iyong atmosphere dahil sobrang seryoso ni Achilles.
"Why do you think I'm doing all these?" mas seryosong sagot niya ngayon.
"Oh... Akala ko—"
Napa-tigil ako sa pagsasalita dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya. Ito iyong panahon na walang tamang sagot kung hindi sorry.
Bigla kong naisip iyong sinabi ni Tali na anuman ang gawin ni Achilles, dahil 'yon nag-aalala siya sa akin. Na itong taong 'to ay mahal na mahal ako kaya natural lang na mag-alala siya dahil sa nangyari. Ganon din naman ang mararamdaman ko kung ako iyong nasa kinatatayuan niya.
"Sorry."
Tahimik lang siya.
"Pero paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya. Wala siyang sinabi na alam niya, pero sa tagal na naming magkasama ni Achilles, madalas, kahit walang salita ay nagkaka-intindihan na kami.
Instead of answering, may tinuro siya. Tumingin ako roon at napa-kunot ang noo... hanggang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin niya.
"I'm not gonna apologize," sabi niya.
"What the fuck!"
Nagpatuloy na sa paglalakad si Achilles. Inilagay niya iyong briefcase niya sa lamesa.
"Hindi ba 'to violation of privacy?!"
"We're way past that," kalmado pero galit na sagot niya. "I don't watch that like a perverted creep. But it's needed—kagaya ngayon." He looked at me. His eyes showed the disappointment again as he poured himself a glass of water. "What did she want?"
"Ano? Wala bang audio 'yang hidden camera mo?"
Achilles threw me a look that told me that he was not amused and that I needed to answer his question. I pursed my lips. Bakit ba lagi akong tumitiklop sa isang 'to?
Naupo ako sa may stool doon sa kitchen island. Naka-tayo si Achilles sa kabilang side non. Naka-tingin siya sa akin habang hinihintay kung ano ang susunod na sasabihin ko.
"Pumunta dito iyong kapatid ni Sancho."
"Alam ko. Ano'ng sinabi niya?"
I bit my tongue bago pa kung ano na naman ang masabi ko at ma-bwisit na talaga siya sa akin. Sinabi ko sa kanya kung ano talaga iyong nangyari kanina. Tahimik lang na nakikinig si Achilles.
"Sa tingin mo nagsasabi siya ng totoo?"
"Tungkol saan?"
"Sa lahat. Na wala siyang kinalaman."
"I believe so," sabi ni Achilles. "Sa dami ng nabasa natin, wala akong nabasa na pangalan niya."
Tama naman siya... Kahit mga panglan nila Sancho at Nikolai, wala akong nabasa. Pero ang hirap pa rin kasi alam mo 'yon, pamilya nila 'yon, e. Imposible na wala silang alam na kahit na ano...
O baka kagaya ko lang din sila.
Na deep down, alam ko na may nangyayaring mali... pero dahil pamilya ko, pinilit ko iyong sarili ko na maniwala na walang ganon na nangyayari... na nasa isip ko lang ang lahat...
Bakit? Kasi pamilya ko.
"E iyong sa mga de Marco?" tanong ko sa kanya.
"They probably are," sagot ni Achilles. "No, they are guilty. But we have no proof."
"Wala? Kahit ano?"
Umiling siya. "It's all hunch. Nothing we can prove in court," sagot niya.
Hindi ako nagsalita. Iyon na 'yon? Sila iyong nagpapatay kay Papa tapos... iyon na 'yon?
"But we can't be sure if they're really the ones behind what happened with your father," sabi ni Achilles na para bang gusto niyang pagaanin ang loob ko. "For all we know, this is just her trying to save her family."
Hindi pa rin ako nagsalita.
Inabot ni Achilles iyong kamay ko at hinawakan iyon.
"I promise we'll also go after them if we get any solid proof they they're the ones behind that."
Kailan pa kami matatapos?
May katapusan pa ba 'to?
"Sa tingin mo ba... dapat makipagtulungan na tayo sa kanila?" tanong ko kay Achilles.
Kasi parang wala na 'tong katapusan.
May oras pa ba kami para maging masaya ni Achilles?
O dito na lang iikot ang buong buhay namin?
That I'd be forever chasing after this so called justice that I'd forgo the life that I could've had with Achilles?
Could I really live with that?
"It's up to you," sabi ni Achilles.
Ilang segundo ang lumipas na naka-tingin lang ako sa kanya. "Hindi ko alam," sagot ko. "Kung ikaw ako... ano ang gagawin mo?"
"It's your—"
"Ikaw ang tinatanong ko."
Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nakapagsalita. "If I were you... of course I'd want justice. Of course gusto ko na kung sino talaga ang may kasalanan, sila ang makulong," panimula niya. "But if we're to do that, it's gonna be a lifetime of legal battle."
"Hindi mo ako sasamahan?"
Hindi ko rin alam kung bakit tinanong ko sa kanya 'yon.
Imbes na sumagot, inabot ni Achilles iyong kamay ko at hinawakan.
"What do you think?" sagot niya habang mahigpit na hinawakan iyong kamay ko.
I looked at Achilles...
Nalungkot ako.
Deserve niya ba 'to? Na ito ang gawin habang buhay dahil lang sa lahat ng tao sa mundo, sa akin siya nagka-gusto?
Saka isa pa, tama naman siya... Baka hindi rin naman mga de Marco ang may kasalanan. O kung meron man silang kasalanan, hindi namin kayang patunayan sa korte. Saka wala rin namang pruweba na may kinalaman iyong kapatid ni Sancho sa mga nangyayari na 'to.
Parang lahat madumi, lahat may pino-protektahan.
Gaya ko.
Gaya namin.
Kaya kailangan na lang naming galingang pumili kung kanino kami maniniwala.
* * *
Ilang araw ko ring pinag-isipan kung ano ang gagawin ko. Sa huli, mas nanaig iyong pagka-gusto ko na magkaroon din ng katapusan ang lahat ng 'to.
I just needed to have something to look forward to.
That this couldn't be it.
There's more to our lives than this case.
Hindi ko rin muna sinabi kina Tali iyong tungkol dito. Gusto ko munang maka-usap si Catalina. Gusto ko munang marinig lahat ng sasabihin niya bago ko sabihin kina Tali.
"Kailan mo kinabit 'yan?" tanong ko kay Achilles habang naghihintay kami sa pagdating ni Catalina.
Tumingin sa akin si Achilles na naka-kunot ang noo. Na para bang sinasabi niya sa akin na 'talaga? Iyan ang tanong mo ngayon?' Pero oo, iyon ang tanong ko. Ayoko nung masyadong seryoso. Alam ko naman na kinakabahan ako. Gusto ko lang mabawasan kahit konti.
"Dati pa ba 'yan?" ulit na tanong ko. "So... kapag may ginagawa tayo dati—" Natigilan ako dahil sa talim ng tingin sa akin ni Achilles. Natawa ako. "But seriously?"
"Nung nagsimula lang iyong kaso," seryoso na sabi niya.
Kumunot iyong noo ko at saka nanlaki ang mga mata. "Kaya pala lagi mo akong hinahatak sa kwarto—" Agad na natigilan ako kasi literal na tinakpan ni Achilles ng kamay niya iyong bibig ko. Natawa ako dahil sa ginawa niya.
For a few moments, nawala sa isip ko lahat ng problema. Tinukso ko lang si Achilles. Naging entertainment ko iyong pamumula ng dulo ng tenga niya.
Pero mabilis din na naputol ang lahat nang maka-rinig kami ng katok. Agad na nagka-tinginan kami ni Achilles. Walang nagsalita. Walang kailangang magsalita.
Tumayo siya at saka sumilip sa may peephole bago binuksan iyong pinto. Kasama niya ulit iyong bata. Ito ba iyong way niya para i-pacify kami na walang masamang mangyayari? Kasi parang gago naman talaga kung may gagawin siya na masama sa harap ng bata...
But then again, when it comes to these people... meron pa bang imposible?
"Hi," sabi niya nang maka-upo siya sa may couch.
Tipid ako na tumango sa kanya. Si Achilles, ni hindi man lang tumango. Seryoso lang iyong mukha niya. Mukhang hindi naman na-offend si Catalina doon.
Lahat ata kami ay napa-tingin kay Mateo nung lumapit siya kay Achilles at saka tinapik iyong binti niya. Napa-tingin si Achilles doon sa bata. Tinuro nung bata iyon ref. Naka-tingin lang si Achilles at naka-kunot ang noo.
"Do you want food?" tanong ko doon sa bata.
Umiling siya.
"Water?"
Tumango siya.
"Bigyan mo daw ng tubig," sabi ko kay Achilles. Mukhang aangal pa si Achilles dahil ayaw niya atang umalis sa gilid ko, pero hinila nung bata iyong pantalon niya sa may bandang tuhod.
Weird... gusto ba ng mga bata si Achilles?
Tumayo si Achilles at saka sumunod sa kanya si Mateo. Papanoorin ko sana sila nang mabaling iyong atensyon ko kay Catalina nang tawagin niya iyong pangalan ko.
"Have you made a decision?" tanong niya.
"May mga tanong lang ako."
"Of course," sagot niya.
"Say we agree with what you're proposing... Gaano kami ka-sigurado na makukulong lahat ng dapat makulong?"
Nakita ko na tiningnan ni Catalina si Mateo. Baka nagsasabi naman siya ng totoo... Baka ayaw niya lang talaga na lumaki din sa ganitong mundo iyong anak niya.
Hindi naman porke napapaligiran kami ng mga questionable na tao ay ganon na silang lahat.
"I wish I can give you what you want—na makulong lahat ng dapat na makulong," sagot niya. "However, I can assure you that everyone who's had a dealing with my mother, you can go after them. My mother keeps a meticulous record of everything."
Bahagyang napa-kunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya.
"I think she calls it her 'insurance'," dugtong niya. "But if my mom has that, I think it's fair to assume na mayroon ding ganon iyong ibang mga tao na ilalaglag niya."
Alam ko na iyong susunod na sasabihin niya.
"Kailangan ko munang kausapin sila Tali," sabi ko sa kanya. Sigurado ako na kilala niya rin si Tali.
"Of course," sagot niya. "I have to discuss this again with my mom."
"Hindi pa pala siya pumapayag."
"I'm sure she'll agree," sagot niya.
"Okay."
"So, do we have a deal?"
Bago pa man ako maka-sagot ay naka-balik na si Achilles. Kaya pala natagalan siya ay dahil naka-sabit sa binti niya si Mateo. Gusto kong mapa-ngiti, pero parang hindi na naman ito iyong tamang panahon.
Tama iyong desisyon ko na tanggapin iyong tulong niya.
Gusto kong magkaroon ng araw na pwede akong ngumiti na walang ibang iniisip.
"Give us everything you have and then we'll talk," sigurista na sabi ni Achilles.
"We need assurance."
"If what you have will help us, then there's no reason to be worried," sagot ni Achilles. "As you know, we already have a case. Baka meron na rin kami ng sinasabi mo na ebidensya."
"Very well," sabi ni Catalina. May kinuha siya mula sa bulsa niya at saka inabot iyong kay Achilles. "Consider this as a gift." Napaawang iyong labi ko. Napa-tingin sa akin si Catalina. "You didn't ask."
What the hell?
Tumayo siya at saka hinawakan iyong kamay ni Mateo. "Say goodbye," sabi niya roon sa bata at saka kumaway iyong bata sa aming dalawa ni Achilles.
Nang makaalis sila ay mabilis na tinignan ni Achilles kung ano iyong inabot sa kanya ni Catalina. May cellphone sa loob nun. Nagka-tinginan kami ni Achilles. Agad na tinignan namin kung kaya naming mabuksan iyong cellphone na iyon. Wala iyong passcode. Pagpunta namin sa inbox ay maraming mga message thread doon... some goes as far back as from four years ago.
Binuksan namin iyong isang thread. It was obvious na gumagamit sila ng code word para sa ilang mga transactions.
"Magagamit ba 'to?" tanong ko habang naka-tingin kay Achilles na seryosong naka-tingin sa may cellphone.
"If this is just a welcome gift," sabi niya at saka tumingin sa akin. "I need to see what else she has to offer."
**
This story is already finished at patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top