Chapter 48

Chapter 48

Simula nung pinasok namin—or more like pinasok ko ang gulo na 'to, halos wala na ata akong gabi na nakita na natulog nang maaga si Achilles... Lagi niya na atang naaabutan iyong pagsikat ng araw. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na magpahinga naman siya, but the thing is, kahit ilang beses niya pa sabihin sa akin na ginagawa niya lang lahat 'yon dahil sa akin, kilala ko pa rin si Achilles. May dahilan kung bakit once in his life, naging public defender siya. May puso siya para sa mga tao.

At itong kaso na 'to? Maraming tao ang naapakan at naagrabyado.

Kahit hindi niya aminin sa akin, alam ko na may parte sa kanya na pine-personal na rin iyong kaso na 'to.

"Achilles," pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at saka tinanggal iyong reading glasses niya at saka pinisil iyong bridge ng ilong niya. Kitang-kita ko sa mukha niya iyong pagod. "Bukas na 'yan. 1AM na," paalala ko sa kanya dahil baka nalimutan niya na tao rin siya at kailangan ng pahinga.

"Kailangan kong tapusin 'to," he said.

"Bukas na—"

"No," he said, cutting me off. "I received a summons from CTA."

Napa-kunot ang noo ko. "Kailan?"

"Last week."

Nanlaki ang mga mata ko. "Last week?" I asked. Tumango lang siya. "Last week pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" medyo naiinis na sabi ko. Last week pa 'to tapos hindi niya sinabi sa akin? Akala ko ba partner kami? Porke hindi ako kasing galing nila sa litigation, hindi nila sasabihin sa akin iyong mga nangyayari talaga? After kaming puntahan dito ni Lance at basically bantaan ang mga buhay namin?

"It's nothing," sagot niya. Kilala ko na siya at alam ko na paraan niya 'to para 'wag akong masyadong mag-alala. Too late. Matagal na akong nag-aalala para sa kanya.

Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim. Naglakad ako papunta sa dining table kung saan naka-kalat iyong maraming mga papel. Tumingin ako kay Achilles. Gusto kong manermon sa kanya, pero nung makita ko iyong pagod sa mga mata niya, mabilis kong pinigilan ang sarili ko.

I can be worried and still be supportive.

I didn't want to further stress him out.

"Summon para saan?" I asked him instead.

"To appear in court," he replied. I knew he was choosing his words carefully to not frighten me. Too late.

"Akala ko puro papers lang sa CTA?"

"Usually," he replied. "In some cases, kapag masyadong kumplikado, kailangan ng appearance sa court."

"Makikita natin... sila doon?" I asked him.

I read the names on paper... Curiosity got the best of me and so I did search for them online. These people... you wouldn't see them on the mainstream media, but if you search for them online, if you type in the right words, you'd see that they're there.

Sila ata talaga iyong tinutukoy kapag nababasa ko iyong kataga na the power that looms in the dark.

Iyon bang hindi mo nakikita, pero ramdam na ramdam mo iyong mga desisyon na ginagawa nila. That they're really the ones who decide who'd get screwed in this fucking economy.

Sila iyong mga pinagtatakpan ng Papa ko.

Kaya siya pinatahimik.

"Usually, just the lawyers," sagot ni Achilles.

"Pero possible na nandon sila?" I asked because he's still being very vague.

"Yes," he replied. "Lui gave us a list of all their money source. There's a high chance that they'd really make an appearance."

Hindi agad ako naka-sagot.

Hindi ko rin alam kung bakit.

"You don't have to come—"

"Sasama ako," mabilis na sagot ko sa kanya. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "I promise... I'll be okay." Kita ko sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa akin. I couldn't blame him. He saw me spiral when my father died. He's just probably worried... kung ano ang mangyayari sa akin kapag nakita ko iyong dahilan kung bakit nawala si Papa.

Silence engulfed us.

I stayed up with him.

Nahilo ako sa mga documents na binabasa ni Achilles, but I did try my best. He made me group the documents depending on the source of money. Sinabi niya rin na kasama namin iyong anti-money laundering committee and we'd support them with the documents since they're the one with the power to request na ipa-freeze at ipa-forfeit iyong assets.

For the next days, iyon lang ang ginawa namin.

Nabigla ako nang mapa-tingin ako sa glass door sa may veranda at makita ko na papa-sikat na iyong araw. I looked at Achilles and he was still reading. I didn't know how he could do this... every damn day.

I stood up and quickly made us a decaf coffee. Lumapit ako sa kanya at saka marahan siyang tinapik sa balikat. He almost got startled. Ganoon siya ka-seryoso sa binabasa niya.

"What?" he asked.

Instead of answering, I merely motioned for him to follow me. Bahagyang naka-kunot iyong noo niya. He was confused, but nonetheless followed me.

"Look," I said. "Sunrise."

Napa-tingin si Achilles. "Ano'ng oras na?" he asked na parang wala talaga siyang idea kung anong oras na.

I shrugged. "Basta mag-uumaga na." I saw the mental computation going on in his head. "Five hours," I told him. "Five hours bago tayo kailangang umalis papunta sa CTA. Naka-alarm na sa phone ko with 15 minutes interval for each alarm."

Napa-tingin siya sa akin. Hindi ko alam kung matatawa o maooffend ba ako na parang gulat na gulat siya na alam ko kung ano ang nangyayari at hindi lang ako display.

"What?" he said. "Hindi 'yon ang nasa isip ko."

"Ano?"

"Matulog ka muna," sabi niya sa 'kin.

"What?"

"I'm used to running with no sleep," sagot niya. "We're almost done, anyway. I'll finish it. Matulog ka na muna," he continued. I looked at him. "I'll wake you up. Matulog ka na. We both know how you are kapag kulang ka sa tulog."

Nalito ako sandali kung seryoso ba siya na pinapa-tulog ako o gusto niya lang akong paalisin... On one hand, inaantok na talaga ako at tama siya na hindi ako masaya kasama kapag kulang ako sa tulog... on the other hand, this was the day. Ngayon pa ba ako matutulog?

* * *

But I was tired.

So fucking tired that despite me fighting the urge to sleep, naka-tulog pa rin ako. Nang magising ako, agad na nagtaka ako kung bakit nasa kama na ako. I was so certain na pagbabasa ang ginawa ko bago ako naka-tulog kaya dapat ay naka-patong sa lamesa iyong ulo ko ngayon.

I was mid-stretch nang mapa-tingin ako sa may digital clock sa bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na ilang minuto na lang ay magsisimula na iyong clarificatory hearing.

Fuck!

Iniwan ako ni Achilles?! Because that was the only sane explanation. Impossible na nalimutan ni Achilles na ngayon 'yong hearing.

Mabilis na nagpalit ako ng damit. Kinuha ko iyong wallet ko pero bago pa man ako maka-labas sa unit, natigilan ako dahil may dinikit na papel si Achilles doon sa may pintuan.

'I didn't wake you up. Pinatay ko lahat ng alarm mo. Just please stay inside the unit. I'll be fine. Kasama ko 'yung security. Please don't leave the unit. I'll be back as soon as the hearing ends. You can nag at me later.'

The fuck, Achilles!

Gustuhin ko mang umalis, hindi ko magawa dahil nangako ako kay Achilles na hindi ako lalabas unless kailangan talaga at dapat lagi akong may kasama na security. Sinama niya talaga lahat para wala akong choice kung hindi dito lang ako.

I couldn't even call him dahil alam ko na hindi rin siya sasagot dahil nasa hearing siya. I had no choice but to call Tali.

"Tali," I said when she answered the call.

"Hmm?"

"Iniwan ako ni Achilles."

"What? Bakit kayo nagbreak?" nagulat na tanong ni Tali.

Napa-kunot ang noo ko. "What? No, no," mabilis na sabi ko dahil subject to misinterpretation pala iyong pagkakasabi ko. "I mean, nasa hearing siya ngayon ay hindi niya ako sinama," I quickly explained. "Kasama ka ba niya? O si Lui?" I asked. Alam ko magaling na lawyer si Achilles, pero hindi naman siya si Superman na kaya gawin ang lahat.

"Hindi... wala rin siyang sinabi sa amin na kailangan niya ng kasama ngayon," sagot ni Tali. Hindi ako nakapagsalita. "Kasama niya ba iyong security?"

"Kasama."

"Then he'll be fine... I know you're stressed and anxious right now and I would be, too, if I were in your position... but Achilles probably did what he think was best."

"And that is?"

"Keep you safe inside the comfort of your unit," Tali replied. "Look, iyong sa kaso na hawak namin, sensationalized by the media. Somehow, we're more safe because all eyes are on us... Iyong sa kaso na hawak niyo, mas delikado pero walang masyadong mata na naka-tingin. Because tax and civil cases are boring. But those boring cases are the key to everything, Mauro. Achilles just wants you safe. And although I don't really know you both that well, but if there's one thing I know, it's that that guy can't and won't function properly kapag hindi niya alam na safe ka."

Hindi ako naka-sagot kasi ano pa ang sasabihin ko doon?

"Okay—"

Hindi ko alam kung bakit biglang nanlamig iyong buong pagkatao ko nang maka-rinig ako ng katok mula sa pintuan.

Impossible na si Achilles 'yon dahil sigurado ako na nasa hearing siya ngayon mismo.

"Tali," sabi ko sa kabila ng mabilis at malakas na kabog ng dibdib ko.

"What—"

"May kumakatok sa pinto."

"What? Oh, my god. 'Wag mong buksan. I'll call Lui and have someone be there immediately," she said but I couldn't hear her anymore and could only hear the loud beating of my heart.

"Mauro."

Tangina.

Ramdam na ramdam ko iyong paglalamig ng buong katawan ko nang marinig ko na tawagin ng kung sinuman ang nasa labas ang pangalan ko.

"I'm Catalina," sabi nung boses sa labas. "Catalina Cantavieja. Can we talk? I just want to discuss some things with you. I'm not with anyone."

Narinig ko iyong boses ni Tali. Hindi ko naririnig kung ano iyong sinasabi niya. My mind was in a haywire. Hindi ko alam kung ano ba ang susundin ko. My mind was telling me to not answer the door. My sense of self-preservation was telling me to go contact the lobby and the security.

But there was this... tiny voice inside my head telling me to go answer the door.

So, despite all logic, I ended the call with Tali and went and opened the door.

"Hi," she said. She lied... she wasn't alone. But she was with a kid. "I hope you didn't mind that I brought him with me," sabi niya at saka tumingin sa bata na kasama niya. "Say hi, Mateo."

Tumingin lang iyong bata sa akin tapos ay nagtago sa likod ng nanay niya.

"I brought him so that you'd know that I'm here and I meant no harm. I just really want to talk," she continued.

Binuksan ko iyong pinto. Pumasok sila. Napa-tingin ako sa cellphone ko at puro text at tawag iyon mula kay Tali. Tumingin ako sa dalawang tao sa loob ng condo ko. Wala naman siguro silang ibang gagawin... kaya nagtext ako kay Tali na paranoid lang ako at maintenance lang iyong nasa labas.

"Thank you," sabi ni Mateo nang abutan ko sila ng baso ng tubig. Tipid na ngumiti ako sa kanya. Sinabihan ni Catalina si Mateo na maglaro sa isang gilid. Sumunod iyong bata. He was a cute kid—with his tanned skin and hair that curls on the end.

"I suppose you know who I am?" sabi niya.

Hindi ako sumagot. Of course, I knew her. Kilala ko silang lahat. Hindi ko lang akalain na makikita ko sila—most importantly, na makikita ko sila dito sa loob ng unit namin ni Achilles.

"I'm here regarding the case you filed involving my family," dugtong niya.

"I'm not backing out," sagot ko sa kanya. "If you're here to threaten me—"

"Believe me, I am on your side," kalmado na sagot niya. "I... am not my mother's biggest fan. I tried countless of times to persuade her to stop what she was doing, but money's just too strong a factor," dugtong niya at saka malungkot na ngumiti. "I know money blinds most people... but I really need this to stop. Ayoko na lumaki sa ganito iyong anak ko. God knows what will happen kung ganito pa rin kapag malaki na siya. I don't want to give him the option to be involved in that business," sabi niya at saka tumingin sa akin nang diretso. "This has to stop."

Hindi ako nakapagsalita.

I was in no position to make her an offer or to make promises.

"I know I can convince my mother to cooperate... if you will help us convince the authorities to drop any charges."

Bahagyang napaawang iyong labi ko.

"I know that this is a big ask... but please also consider that my mother will go against big names—"

"I'm not interested," mabilis na sabi ko sa kanya. Isa iyong mga nanay niya sa mga may kinalaman sa nangyari sa tatay ko. After everything she did, magtataka pa ba siya na makukulong siya? Ito siguro iyong sinasabi nila na fuck around and find out.

Gagawa ka ng ilegal tapos magugulat ka na makukulong ka? Gago ka ba?

"I know you think my mother had something to do with what happened to your father," sabi niya. Mabilis na natigilan ako. "But you're wrong, Mauro. If that's your reason, I hate to tell you that you're going after the wrong person—the de Marcos... They're the ones behind what happened to your father."

**

This story is already finished patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top