Chapter 46
Chapter 46
"Are you sure about this?" tanong na naman sa akin ni Achilles. Siguro kung may piso ako kada tinatanong niya ako niyan, may mabibili na akong burger meal.
"Oo nga," sagot ko sa kanya.
I drew a deep breath. Alam ko naman na nag-aalala lang siya sa akin—ako rin naman nag-aalala sa sarili ko. Nag-aalala rin ako sa kanya. Minsan nga, gusto ko na lang din siyang sabihan na tumigil na siya. Na pabayaan niya na lang ako. Kasi sa totoo lang, problema ko naman 'to...
But again and again, he'd remind me that he'd go to the ends of the world for me.
Gusto ko siyang tanungin kung bakit, kung ano ba ang meron sa akin, pero pinili ko na lang na manahimik. Kasi willing din akong gawin para sa kanya 'yon, e. Tapos kapag tinanong niya ako kung bakit, pakiramdam ko ay wala rin akong masasagot.
Wala, e.
Mahal ko.
Ganon talaga.
"Nag-aalala lang ako," sagot niya. Baka naramdaman niya iyong konting asar sa boses ko.
"Alam ko," sagot ko na mas mahinahon na. "Sorry. Pagod lang ako. Ang daming ginagawa sa trabaho."
"But you're being careful, right?"
Tumango ako sa kanya. "Yes."
"Are you sure—"
"Yes," sagot ko. Lumabas na naman iyong inis sa boses ko. Bakit ba kasi paulit-ulit naming pinag-uusapan 'to? "Naka-usap ko si Tali," sabi ko sa kanya.
May bahagyang pagba-bago sa mukha niya. I've been living with him long enough to know kapag may tinatago siya sa akin. Sure, minsan hindi ko ma-figure out kung ano iyong tinatago niya... pero alam ko na meron.
"Malapit na raw," sabi ko kay Achilles.
Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung malapit na talaga. Ilang beses kong kinukulit si Tali, pero wala siyang sinasabi sa akin. After a while, na-bwisit na ata sa akin si Tali kaya sinabi niya na sinabihan siya ni Achilles na kung may importanteng kailangang malaman, kay Achilles niya sasabihin tapos si Achilles naman ang magsa-sabi sa akin.
Minsan, gusto ko na lang manakal ng matanda.
Achilles gave a small nod.
Nanlaki iyong mga mata ko.
He quickly caught on it.
"Seryoso?" sabi ko habang unti-unting bumi-bilis iyong tibok ng puso ko. "Kailan? Naka-ayos na lahat para sa may tax case, 'di ba? Saka may napansin din ako na irregularities doon sa may campaign donation last time—"
Napa-tigil ako nang makita ko iyong itsura ni Achilles. This time, I didn't fight the urge to roll my eyes. I showed him my disapproval. Alam ko mahal niya ako, but come on! Hindi naman ako bata!
"You can't seriously hide everything from me," I told him. "This is my fight—"
"This is bigger than your fight."
"No," sagot ko sa kanya. "This is all connected. Papa's death was just the tip of the iceberg—and I intend to crush that iceberg."
Hindi nakapagsalita si Achilles.
"Alam ko naman na delikado. Alam ko na possibleng may mangyari sa 'yo, sa 'kin, kay Tali, kay Lui," pagpapatuloy ko. "But this is a risk that I'm willing to take."
Tumingin sa akin si Achilles. I could see the fear in his eyes. I wanted to tell him to just stop. Ibigay niya na lang sa akin lahat ng files. I could do it myself. I didn't care anyway if I live or die... but I also knew that I couldn't die. My fear was that my death would also kill him.
So, I can't die.
"It's not a risk I am willing to take," sagot niya sa 'kin.
"I'll do it myself," sabi ko sa kanya. "I mean, I hate Tax, but I've been studying."
Sinubukan kong magbiro, pero alam ko na hindi ito iyong tamang panahon para dito... but we've been in this same scenario before. Napag-usapan na namin 'to. I knew he's scared, but who isn't? Kahit si Lui, naki-kita ko na natatakot din siya. But at least for him, hindi niya pinipigilan si Tali kasi alam niya na hindi niya kaya. Sana ganon din si Achilles.
"Fine," he replied. Ramdam na ramdam ko iyong saya sa boses niya.
I grinned at him. "Good," sabi ko. "So, tax evasion? Magfile din kaya tayo sa SEC? Maraming violations 'yung mga corporation. I think pasok din iyong money laundering pero mahirap sundan iyong money trail."
Nakinig lang si Achilles sa akin habang sinasabi ko sa kanya iyong mga pwede naming gawin. He nodded, but I knew that his mind was elsewhere. At least this time, hinayaan niya akong magcontribute kaysa sa lagi niyang sinasabi na magtrabaho lang ako. Kung siya lang ang masusunod, ikukulong niya ako sa condo panigurado.
"May sinabi ba si Tali kung sino ang opposing counsel?"
"Lance," he simply replied.
"Serrano?" I asked.
He nodded.
Wow... parang dati lang nakikita ko siya sa school tapos magiging opposing counsel siya kapag nagfile na kami ng kaso?
Achilles proceeded to cook our dinner habang nandon lang ako sa may dining table. I opened my laptop. I began reading the documents again. May ginawa akong mga drafts kahit na alam ko na ang ending ay si Achilles din naman ang gagawa. I mean, he's the better lawyer between the two of us. Tanggap ko naman 'yon.
I was focused on reading related tax cases. Gusto ko lang na maging maayos iyong arguments. I knew that Tali and Lui were doing their best with the criminal case. Mas mahirap i-prove iyon dahil beyond reasonable doubt iyong kailangan na legal burden of proof.
But... I knew that these kind of people love their money. Kasi bakit naman sila gagawa ng mga ganito kung hindi dahil sa pera? Sabi nga ni Tali, hit them where it hurts. And they'll hurt a lot kapag nagalaw namin iyong source of income nila.
Napa-tingin ako kay Achilles nung maka-kita ako ng baked salmon sa harapan ko. He was standing before me. He was wearing a white shirt, his navy blue pajama, tapos ay may suot siyang apron na niregalo ko sa kanya nung birthday niya.
"Gamit mo," he said.
"Oo na," sagot ko. "Sungit nito."
Mabilis na tinanggal ko iyong mga gamit ko at nilagay sa couch sila. Tapos ay tinulungan ko si Achilles na maglagay ng mga plato at kubyertos sa lamesa.
"Achilles," I called in the middle of our dinner. He's so quiet. It made me feel bad. Pakiramdam ko may sinipa akong tuta kapag ganito siya.
Naka-tingin lang siya sa akin. "What?"
"Thank you," I told him. "Saka pangako mag-iingat ako," dugtong ko. "Mag-iingat ka rin, okay?"
Hindi ko alam kung ano ang mali sa sinabi ko. Naka-tingin lang ako sa kanya at pinapanood siya na kumuha ng isang bote ng wine. He angrily opened it tapos ay halos mapuno na iyong wine glass. Parang galit pa rin siyang habang iniinom niya 'yon. Akala ko talaga ay uubusin niya iyong isang buong baso.
Kinagat ko iyong dila ko.
Kating-kati na akong sabihin sa kanya na kung ayaw niya naman pala, 'wag niya na lang gawin. Wala namang pumipilit sa kanya. Gets ko naman na ayaw niya kasi sino ba naman may gusto nito? Saka tahimik naman iyong buhay niya dati. Prosecutor siya. Maganda iyong career niya.
Tangina.
Ito na naman 'yung guilt.
Pakiramdam ko sinira ko 'yung buhay niya.
Na minahal niya lang naman ako pero parang dahil mahal niya ako, nawala lahat ng importante sa kanya.
Naka-tingin kami sa isa't-isa. Hinihintay ko siya na magsalita dahil kapag nagsalita ako, hindi namin magugustuhan iyong sasabihin ko.
"Hindi ako galit," sabi niya pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan.
Hindi pa rin ako nagsalita.
Kung hindi siya galit, pwes ako galit.
"I'm frustrated," he continued. "These people love their money—"
"Exactly," I said, cutting him off.
"We'll be poking the devil's nest."
"That's the plan."
"Is it?" sabi niya. "Because the plan is just to get the people responsible for killing your father. Now, I feel like we're fighting Tali's fight."
I briefly closed my eyes and drew a deep breath. "I'll give you a pass dahil alam ko na natatakot ka lang," sabi ko sa kanya. "But seriously, Achilles? Tali's fight? Do you honestly think she's having the time of her life right now? Her whole family's in another country for fear of retaliation. Ni hindi siya maka-labas ng walang kasamang security. If any, siya ang pinaka-delikado sa ating apat. All because of what? Dahil lang na-dismiss iyong case na gusto niya lang namang ilaban dati?"
I couldn't believe I was hearing this from him of all people! Dati ko rin siyang naririnig na galit dahil may mga kaso siya na na-di-dismiss kahit alam niya na may laban naman. Pareho sila ni Tali na galing sa prosecution. I thought that more than me, mas maiintindihan niya si Tali.
I saw the regret cross his eyes.
"I know," I told him because I heard the apology before he even said it. "We're taking all necessary precaution, right? Once we officially file the case, magre-resign na ako sa trabaho. I'll focus on the case. Hindi ako lalabas kapag hindi ka kasama. I will be careful."
He stared at me. "This could last years," he said.
"Then I'll be careful for years," I replied. I reached for his hands and held them. "Look, I love you... but the past few years, this is the only reason that I am able to continue. I need to get justice for Papa's death. Hindi ako matatahimik kapag hindi ko 'to nakuha, Achilles. Sana maintindihan mo 'ko."
Naghintay ako hanggang magsalita siya.
"Okay," sagot niya.
"Okay?"
Bahagya siyang tumango. "I'm sorry," he said. "Of course I care about Tali's fight—"
"Pero mas mahal mo lang talaga ako?" tukso ko.
He rolled his eyes. "You talk as if Lui won't use us as shield for Tali."
Natawa ako sa sinabi niya kasi totoo naman... pero as if hindi rin niya gagamitin si Lui bilang distraction kung sakaling may humahabol sa amin. Pakiramdam ko itatali niya pa si Lui sa flagpole tapos sabay kaming tatakbo palayo.
We stayed and finished the bottle of wine. After that, we cleaned up. Tahimik kaming naka-higa sa kama. I was thinking about the cases nang bigla niya akong yakapin. I could feel his breath on my nape.
"Mauro," he said.
"Hmm?" sagot ko habang hinawakan iyong mga kamay niya na naka-yakap sa akin.
"When this is all done and over with, let's go on a vacation."
"Saan?"
"Kahit saan na pwede tayong magpa-kasal."
Agad na binaling ko iyong ulo ko para mapa-tingin sa kanya. "Proposal ba 'to?!"
"No—" sabi niya tapos ay natigil. "I mean, kind of? But I will propose formally," he continued. "I just... need something to look forward to."
Muntik na akong magalit kasi ito na 'yon? But... I did understand where he's coming from. I understood his fear and uncertainties. I understood him.
Instead, I held his hands.
"Okay," I replied. "When this is all done and over with, we'll get married."
**
This story is already at Chapter 50 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top