Chapter 45

Chapter 45

Nauna akong nakarating sa restaurant na sinabi ni Achilles. Wala pa sila pagdating doon sa private room. Nagpa-reserve pala si Achilles. Bigla akong na-curious kung sino ba si Tali at bakit kailangang may ganito pa...

Habang naghihintay ay nagsearch ako tungkol sa kanya. Nalaman ko na galing nga siya sa Brent kaya lang ay ahead siya sa akin. Siya rin pala iyong top 1 na nabalitaan ko noon. Siya lang ang nag-iisa na naka-kuha ng top spot sa BAR exam... Magaling nga siguro siya... Pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang koneksyon niya sa mga plano namin ni Achilles.

I read on her some more. Dati siyang nagtrabaho sa prosecutor's office. Dahil ba doon? Pero sandali lang naman siya doon... May nalaman ba siya nung nagta-trabaho siya doon? O baka gusto ni Achilles na tulungan niya kami kapag nagfile na kami ng pormal na kaso? Kasi maraming papel at documents din ang kailangan naming ayusin.

Ang dami kong gustong itanong. Ang tagal dumating ni Achilles. Sanay naman na ako na late siya dahil na rin sa dami ng ginagawa niya. Hindi ako nagrereklamo kahit nale-late siya. Hindi ko magawang magreklamo dahil alam ko na dahil naman din sa akin kung bakit halos patayin niya iyong sarili niya sa dami ng ginagawa niya.

He could've had a quiet life living as a government employee... but he chose to follow me to the depths of hell.

Minsan, weird talaga ang pag-ibig.

Akala mo matalino ka, pero nakaka-bobo din talaga minsan.

You can reason against yourself all you want, but sometimes, at the end of the day, logic can't win against a fool in love.

Agad na napa-tingin ako nang marinig ko iyong pagbukas nung sliding door papasok dito sa private area. Akala ko ay si Achilles ang makikita ko, pero babae iyong pumasok.

Napa-kunot ang noo ko nang makita ko siya... She looked a bit different from her photos than in person. O baka matagal na iyong mga picture na nakita ko sa Internet? Ganon pa rin naman iyong itsura niya, pero mas seryoso siyang tignan ngayon. Kahit ngumiti siya nang magtama iyong mga mata namin, ramdam na ramdam ko pa rin kung gaano siya ka-seryoso.

Huh.

Nakaka-tanda talaga maging abogado. Kasi hindi lang problema mo ang pino-problema mo kundi problema din ng ibang tao.

"Hi," sabi niya sa akin.

"Hi," sagot ko. "Wala pa si Achilles," sabi ko sa kanya nang makita ko na parang gumala iyong mga mata niya para tignan kung may kasama ba ako dito.

She gave a small nod. Inilagay niya iyong bag niya sa may bakanteng upuan tapos ay naupo siya doon sa kabila. Tumingin siya sa akin. Bakit kinakabahan ako kahit naka-tingin lang naman siya sa akin?

"Achilles told me that you're from Brent, as well?"

Tumango ako. "Ahead ka sa 'kin?"

Tumango rin siya. "Law school... Feels like a lifetime ago," sabi niya sa akin. "Nag-enjoy ka ba don?"

Umiling ako. Natawa siya. "Sira ulo lang mag-eenjoy sa law school."

Natawa ulit siya. She looked... normal kapag naka-tawa siya, pero kapag sumeryoso iyong mukha niya, para bang kahit walang salita siyang gamitin ay kayang-kaya niyang sabihin na 'now, it's time for business.'

"What's at stake for you here?" tanong ko nang diretso. I would love to engage in small talks with her, but at this point, I couldn't. Alam ko naman na hindi kami nagkita dito para maging magkaibigan.

I needed something done.

Ilang taon na rin akong tahimik na nag-aaral lang, nagta-trabaho. Kasi naniniwala ako sa sinabi ni Achilles na maghintay lang ako. Nagawa ko na kasi dati iyong padalos-dalos... Marunong naman siguro akong matuto sa mga pagkakamali ko.

She probably wanted that, too, kasi kung hindi, bakit siya nandito? She's a BAR topnotcher. Even I knew that that meant a lot of doors can be opened by her. And the fact that she's here?

"Can ask you the same thing," sagot niya sa akin.

"I want to burn the world."

She looked at me as a smile formed on her face. "Not the whole world, per se... but I have some names on my list," she said... almost menacingly that sent chills up my spine.

"Names?"

Tumango siya. Magsasalita na sana siya nang sabay kaming mapa-tingin sa pintuan nang bumukas iyon. Dumating si Achilles. Napa-tingin siya sa aming dalawa ni Tali at tinanong kung umorder na kami. Gusto kong matawa. Ang seryoso nung usapan namin ni Tali tapos ay dadating si Achilles at magtatanong kung may pagkain na ba.

He never fails to remind me that at the end of the day, we should always remember to enjoy ourselves... after all, we only have one life to live and to lose.

* * *

We did the small talk, still.

Nag-usap kami tungkol sa school, tungkol sa nangyari after BAR exam. Iyong mga usual na pinaguusapan ng mga kagaya namin na galing law school. Minsan, siguro ang yabang sa pandinig ng ibang tao... But spending years in law school? One way or another, it would consume you. May punto pa rin kasi na doon lang iikot ang buhay mo—school, bahay, tapos ay school ulit. Pagka-graduate namain, trabaho at bahay. Ang hirap magka-social life kasama ang ibang tao na hindi galing sa parehong linya ng trabaho. Kaya siguro kami-kami lang din ang nagkakaintindihan minsan.

"Pwede na ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanila nung maubos na namin iyong pagkain.

"Dessert muna," sabi ni Tali. Napaawang iyong labi ko. Natawa siya tapos tinignan si Achilles. "He's exactly how you described him."

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng sinabi mo?" tanong ko kay Achilles.

He shrugged. "Na hindi ka mahilig sa dessert."

My brows furrowed. "Mahilig ako sa dessert."

"We're all here because we have common enemies," sabi ni Tali. Napa-baling iyong tingin ko sa kanya.

"Sinu-sino?"

"Iyong mga pinagtakpan ng tatay mo."

Napaawang iyong labi ko.

"May... atraso din sila sa 'yo?"

"Sa akin, sa atin, sa buong Pilipinas," sagot niya sa akin. "I can't do this alone, Mauro. I need you and Achilles to work with me."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Napa-tingin din ako kay Achilles, but he looked at me like he was urging me to just wait patiently and to listen to what Tali had to say.

And I did.

I sat there and listened to her as she told me how everything was connected... Na iyong mga pinagtatakpan ng tatay ko sa trabaho niya, iyong mga pangalan na sinulat ko dati sa account ko, ay iyong mga tao rin na gusto niyang ipa-kulong.

Totoo pala.

Magkakaibigan din ang mga demonyo and sadly, this goddamned country is their playground.

"What do you need from me?" tanong ko sa kanya.

"Help," she replied. "They retained BGY," dugtong niya. "Have you heard about them?"

Tumango ako. Of course, I had heard about them. How often can you hear about a lawfirm na puro topnotcher lang mula sa top law schools ang kasama?

"Good. So, you know what we're up against."

Huminga ako nang malalim. "Kaya ba natin sila?" tanong ko. Kasi kahit hindi ko talaga sila kakilala personally, marami akong naririnig na kwento mula sa kanila... Magagaling sila. Alam ko matalino rin si Tali, pero alam ko rin na iba pa rin kapag nasa mismong korte na kami.

It's a whole different arena altogether.

Tumingin si Tali kay Achilles tapos ay sa akin.

"We got this," she replied with a small smile that didn't really reassure me.

* * *

The days passed by... Ganon pa rin. Pareho lang ang nangyayari. Nakaka-galit lang manood ng balita dahil sila-sila pa rin iyong nakikita ko.

And sometimes, I'd read about some ridiculous news and knew that it's just some fucking diversion technique dahil mukhang may kababalaghan na namang nangyayari. They do it for a reason. It's effective. The more ridiculous, the more attention it'll get. Lagi na lang ganito. 'Di na nasanay iyong mga tao.

I decided to go see Papa's grave. Wala kahit isang bulaklak doon. Hindi pa nga ata nakakapunta si Mama dito simula nung nilibing si Papa. Kahit si Mauve ay ayaw na pumunta rito.

Ako? Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong napadpad dito. Sa ilang taon na naka-libing siya rito, ngayon pa lang ako naka-punta dito.

I stood in front of his tomb. Halos hindi na mabasa iyong naka-sulat doon dahil natatakpan ng mga dumi.

"Seriously, I don't know why I'm here," I began. "I'm a lawyer now. But it's been a while, so baka alam mo na rin. I still haven't forgiven you for all the shit you put us through... but life has given me perspective. Kung bakit ka naging ganyan."

Politics... a fucking work of art.

Nakaka-suka.

Kung hindi ko lang talaga kailangan, hinding-hindi ako magta-trabaho bilang parte ng legal team ni Congressman Ramirez. Nakaka-suka.

I stayed there for a while. I just stood there in silence. Sometimes, I still remember what he looked like nung nakita ko siya. It would probably haunt me for the rest of my life.

Siguro kaya rin hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nagagawa iyong dapat kong gawin.

Kahit gaano katagal.

* * *

Bago ako umuwi sa condo ay dumaan muna ako sa supermarket. I was in the middle of the aisle nang mapa-tigil ako. May nakita ako na pamilya. Dalawang lalaki din sila na may kasamang batang lalaki. Namimili sila ng cereal na bibilhin. Napa-ngiti ako.

That could've been us.

Possible kaya iyong ganon?

Kahit hindi muna ngayon.

"Hey."

Napa-tingin ako nang marinig ko iyong boses ni Achilles. Napansin niya siguro ako na naka-tingin doon sa pamilya kaya naman ay napa-tingin din siya doon.

"Akala ko sa condo ka didiretso?" I asked him instead. I didn't want to talk about the future... kasi sa mga ginagawa namin, hindi ko rin masabi kung may future pa ba na pwedeng pag-usapan.

Sometimes, I'd hear people at work talking about 'problems' and how they'd make them disappear. Hindi naman ako bobo. Alam ko kung ano iyong pinaguusapan nila. Nakaka-suka lang din pala talaga na nangyayari iyong ganon.

Minsan kapag nanonood ako ng balita at may nakita ako na namatay, I'd wonder kung totoong aksidente ba talaga...

Working with demons makes you question things.

"Nag-ask ng ceasefire iyong class ko."

"What?" tanong ko na natawa. "Grabe ka ba talaga magpa-recit at nag-aask pa sila ng ceasefire?"

He shrugged. "I ask reasonable questions."

"Reasonable my ass..."

"Kung nagreview sila, makaka-sagot sila."

"I remember nung ako pa iyong tinuturuan mo dati, may tinanong ka na case tapos nasa footnote pala 'yon. Saan ang reasonable doon?"

Natawa siya. "I did that only once."

"Kahit na."

"Puro nasa syllabus lang iyong tinatanong ko sa kanila," sabi niya sa akin.

"E bakit sila nagpa-ceasefire?"

He shrugged. "Exam na next week e."

Napaawang iyong labi ko. "Grabe ka. Unwritten rule kaya na a week before exams, dapat wala ng class!"

He shrugged again. "Sinusulit ko lang iyong tuition na binabayad nila."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw iyong tipo ng prof na iniiwasan ko dati," sabi ko sa kanya tapos ay tinawanan niya lang ako.

Marunong naman na akong maggrocery pero kapag kasama ko si Achilles, mas gusto ko na ako na lang iyong nagtutulak nung cart at siya iyong namimili ng bibilhin namin. Siya kasi talaga iyong mas magaling sa ganitong bagay. Mas magaling siyang maggrocery, magluto, maglinis... Hindi ko nga talaga alam kung ano ang ambag ko sa household na 'to.

Achilles and I went home. As usual, siya na naman ang nagluto ng dinner namin tapos ako lang iyong naghugas ng mga plato. Konti lang naman 'yon kasi si Achilles iyong tipo ng wash as you use kaya lahat ng ginamit niya sa pagluluto ay malinis na.

"Sa tingin mo, matagal pa?" I asked him while we're laying on bed.

"Malapit na," he replied.

"Lagi mong sinasabi 'yan."

"I know."

"Tali's doing her best, right?"

"Yes."

I nodded to myself. Achilles pulled me close and I felt him planting a kiss on the top of my head.

"Enjoy this peace and silence," I heard him saying, "Because once it begins, peace is something you'll miss."

**

This story is already at Chapter 49 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top