Chapter 44
Chapter 44
Hindi mawala sa isip ko iyong itsura ni Papa nang makita ko siya. Hindi ko rin naman alam kung ano ba ang inaasahan ko na makikita ko. Siguro, alam ko rin naman na wala na siya... kasi bakit naman ako biglang papapasukin don kung hindi?
Pero ganon pala iyon... kapag nagpakamatay ka?
Naaalala ko pa rin iyong tali na naka-pulupot sa leeg niya.
Iyong mga mata niya na halos lumuwa na.
Iyong—"
"Do you know that it takes approximately four minutes for someone to die from hanging?" sabi ni Mauve sa akin habang magkatabi kaming naka-upo. Nasa funeral home kami ngayon. Si Mama iyong nag-ayos ng lahat. Nung sinabi na sa kanya iyong balita ng pagkawala ni Papa, at saka niya lang binitawan iyong rosaryo. Tumayo siya sa pagkaka-luhod niya. Tumingin lang siya sa akin. Akala ko ay sisisihin niya ako sa nangyari, pero wala siyang sinabi sa akin. Kinuha niya iyong cellphone niya at saka nagsimulang tumawag.
"Four minutes to lose consciousness... Then maybe additional 10 to 15 minutes para sigurado na wala na..."
"Pwede bang 'wag—"
"Ano'ng itsura ni Papa nung nakita mo siya?"
Hindi ako nagsalita.
"Sabi kasi sa mga libro na nabasa ko, nawawala na iyong muscle control—" Agad akong tumayo. "Hindi kita sinisisi," sabi niya sa akin. Napa-tingin ako sa kanya. "Pakiramdam ko lang, ang unfair, kasi hanggang kamatayan, gusto pa rin niya tayong konsensyahin."
Hindi pa rin ako nagsalita.
Don't speak ill of the dead.
Iyon na lang ang gusto kong isipin.
"Then stop asking to me describe kung ano iyong nakita ko," diretso kong sagot sa kanya.
Bahagyang tumango si Mauve. "I just want to know what you saw, so that I can share the guilt you're feeling."
"The guilt that I'm feeling?"
Tumango si Mauve. "Alam ko na nagguilty ka."
Umiling ako. "Hindi ako nagguilty, Mauve. Nagagalit ako."
Nagagalit ako kasi alam ko na masama si Papa, pero hindi naman siya iyong may kasalanan sa lahat. Pinagtakpan niya iyong mga ginawang masama, pero hindi siya iyong pinaka-gumawa non.
Nagagalit ako kasi para lang siyang kalat na niligpit.
Na... ganon lang.
Nagka-problema? Ligpitin iyong problema.
Parang hindi tao iyong niligpit nila.
Nakaka-galit iyong putanginang sistema na 'yan.
"Ako rin," narinig kong sabi niya. "Nagagalit ako. Nagagalit ako na ganon na lang? Papatayin nila si Papa? Para ano? Tumahimik na?"
Napaawang iyong labi ko.
"Ang hirap kasi... tangina... parang nawalan ako bigla ng karapatan na magalit kay Papa sa lahat ng ginawa niya sa atin dahil ano? Dahil namatay siya para protektahan tayo?" Natawa siya tapos ay umiling. "Hindi pwede. Ayoko. Galit pa rin ako sa kanya. Galit pa rin ako sa mga gumawa nito sa kanya."
"Ako rin."
Napa-tingin sa akin si Mauve. "Talaga?"
Tumango ako. "Kung akala nila matatapos 'to dahil kay Papa," sabi ko at saka umiling. "Mali sila."
Hindi kami nag-usap ni Mauve ulit tungkol dito. Maraming ka-trabaho si Papa. Maraming nagsasabi ng condolence. Wala akong ma-seryoso sa kanila dahil nasaan sila nung humihingi ako ng tulong para maka-usap namin si Papa? Walang kwentang mga kaibigan.
Nang maka-uwi ako sa condo, naabutan ko si Achilles na nandon. Nasa may dining table siya at may inaayos na mga pagkain doon.
"Dadalhin ko sana 'to sa 'yo kasi ayaw mong kainin iyong mga pagkain don," sabi niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at saka niyakap siya. Naramdaman ko iyong pagka-bigla niya. "Tinatakot mo ako."
Hinigpitan ko pa lalo iyong yakap ko sa kanya.
Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti.
"Magbreak na tayo."
Nakita ko iyong pagkabigla sa mukha niya. At saka iyong takot. Tapos iyong panic.
"Dahil ba 'to wala akong nagawa para sa Papa mo?" mabilis na sagot niya. "I'm sorry—"
Mabilis akong umiling.
Ano nga ba ang ginawa ko dati para maibigay sa akin iyong ganitong klaseng lalaki?
"Hindi iyon."
"Then, what?" mabilis niyang tanong. "I know a lot is happening right now, but I'm not asking for anything. I'm here. I'm waiting. I just want to be here for you."
"Alam ko," sagot ko sa kanya.
"Then what do you want from me?"
"I want you to be safe," diretsong sagot ko. "I want you to be safe and have a full life ahead of you, Achilles."
Napaawang iyong labi niya. Mabilis na nakita ko iyong panic na bumalik sa mukha niya. "What... the fuck are you saying?" sabi niya habang namumuo iyong luha sa paligid ng mga mata niya. "Your dad just died, Mauro. 'Wag mo akong sinasabihan ng mga ganyan. This is not the time and place kung nagbibiro ka lang."
Malungkot akong ngumiti. "I know. I'm sorry... pero hindi ako nagbibiro, Achilles."
Naka-tingin lang siya sa akin.
Huminga ako nang malalim.
"Then give me a reason," sabi niya. "And you wanting me to be safe is not a good enough reason."
"Kakamatay lang ng tatay ko—"
"You're grieving, I know, but that's not a reason—"
"I'm not grieving," mabilis kong sabi sa kanya. "I am mad. I am angry. I am furious. Ang dami kong nararamdaman, Achilles. Gusto kong gumanti sa lahat ng gumawa nito kay Papa. Ayoko na madamay ka. Hindi ako ganon ka-selfish para idamay ka."
Lumapit ako sa kanya at saka hinawakan iyong mukha niya.
"Mahal na mahal kita, okay? Saka... naging masaya naman tayo dati, 'di ba? Baka okay na 'yon... Baka hanggang don lang talaga tayo."
Mabilis niyang inalis iyong kamay ko sa mukha niya. "Stop making decisions for me. I was there, wasn't I? Why do you think that I won't want to be there for you?"
"Kasi wala ka namang choice dati. Ginawa ko iyong post ng hindi mo alam. Nadamay ka lang naman talaga. Ayoko na madamay ka na naman sa mga gagawin ko."
"Do you seriously think of me as a child, Mauro? Kung gusto kong umalis dati, aalis ako. Kung ayaw ko talagang madamay—"
"Alam kong hindi mo gagawin kasi mahal mo ako. Kaya nandito ka pa rin kahit wala akong ibang dinala sa buhay mo kung hindi problema."
Nakita ko iyong lalim ng paghinga niya habang naka-tingin siya sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Please?" pakiusap ko sa kanya. "Kasi hindi ko alam kung paano ko gagawin iyong mga kailangan kong gawin kung nagaalala ako sa 'yo..."
Naka-tingin lang ako sa kanya, nasasaktan, naghihintay.
"No," he said. "No."
"Achilles—"
Umiling siya. "No," paguulit niya.
"Hindi mo ako—"
"Stop belittling my love for you, Mauro. I almost died before because of you. I'm still here, am I not?"
"Mamamatay ako kapag nawala ka."
"Then let's just die together," sabi niya. "That was a risk I decided to take when I became a public defender. I just wanted to live longer when I met you... pero kung gusto mong mamatay? E 'di mamatay na tayong dalawa."
Napaawang iyong labi ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Parang hindi na siya iyong Achilles na kakilala ko.
"I love you, Mauro. I will do anything for you. Why can't you see that?" tanong niya. "And why do you think that I can just stand back and watch as you get yourself killed? Ganon ba ang pagkakakilala mo sa akin?"
Hindi ako nakapagsalita.
Palalalim lang nang palalim iyong paghinga ko.
"The world is already burning anyway... so, why not let it burn some more?" sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko.
* * *
Sabi ni Achilles, sa mga ganitong bagay daw, kailangan namin ng mahabang pasensya... Long-game daw ang tawag sa ganito. Lagi niya akong sinasabihan na kailangan ko ng mahabang pasensya dahil malalaking tao ang kalaban namin.
He officially resigned from his job—it was more of a formality dahil talagang tinanggal na siya doon nung kasama ko siyang naghihintay kay Papa dati.
Nagtatrabaho siya ngayon bilang law professor sa ilang school sa Manila. It was only parttime dahil ang pinaka-trabaho niya ay bilang counsel ng mga manggagawa.
At first, I didn't understand the trajectory of his career... or how this was helping us burn the world some more.
"Counsel? Labor?" naguguluhan na tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Mahirap pumasok bilang legal counsel sa mga kumpanya. It will take time," sagot niya sa akin. "As labor counsel, I can request for the legal documents na walang nagdududa sa akin. I can request through the labor organizations. No one will question me dahil counsel nila ako." Napaawang iyong labi ko. "I'm working with labor organizations in different sectors. I'll gather all important documents. This is a long game, Mauro."
Tumango ako. "I know. Patience," sagot ko sa kanya. "Pero iyong sa pagtuturo mo?"
Pinaliwanag niya sa akin na karamihan sa mga professor ay nagta-trabaho din bilang legal counsel ng mga businessman, politicians, at kung sinu-sino pang matataas na tao. By working with them, he can get close.
"Hindi ba delikado 'yan?" tanong ko sa kanya.
Hindi niya sinagot iyong tanong ko. "Just continue studying," sabi niya sa akin. "Kayong dalawa ni Mauve."
Tumango ako. "Okay," sagot ko.
For years, I did what Achilles ask of me. Tuwing napapagod na ako sa paghihintay, lagi ko lang pinapaalala na hindi kami pwedeng magmadali... kasi kapag nagmadali, magkaka-mali.
Gaya nung nangyari dati kay Papa.
Mabilis akong gumawa ng problema.
Mabilis din silang gumawa ng solusyon.
"Nasaan ka?" tanong ni Achilles.
"Pauwi na," sagot ko. "Bakit?"
"May dinner tayo."
"Tayo?" I asked. "May plano ba tayo?" tanong ko sa kanya.
Laging busy si Achilles sa dami ng ginagawa niya. Ayos lang naman sa akin. Alam ko naman na lahat ng ginagawa niya, para sa akin din kaya sino ba naman ako para magreklamo? Saka kahit gaano naman siya ka-busy, ramdam ko na gumagawa pa rin siya ng paraan para makapagbonding kami.
Ganito siguro talaga kapag tumatanda na—pinaka-bonding na namin ni Achilles e maggrocery at tumingin ng bagong bed sheets.
"I'll introduce you to someone," sabi niya. "O baka kilala mo na siya. Pareho kayong galing Brent."
Kumunot ang noo ko. "Sino?" tanong ko dahil bukod kila Assia, wala naman akong masyadong kakilala sa school... Lahat sila halos ilag sa akin dahil sa involvement ko sa mga malalaking issue. Hindi ko rin naman sila masisi.
"Italia," he said. "But I think she goes by the name Tali."
**
This story is already at Chapter 48 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top