Chapter 42
Chapter 42
Pakiramdam ko ay gumagaling na akong magdissociate. Sinabihan ako nung mga nag-iimbestiga sa kaso ni Papa na 'wag na muna akong pumasok sa school dahil delikado daw. Hindi pumayag si Achilles. Hindi ko alam kung maaamaze ba ako na sa dami ng nangyayari sa buhay ko, concerned pa rin siya sa edukasyon ko. Nagdemand siya na bigyan ako ng security papunta at pabalik sa school. Kaya naman kahit weird, may mga kasama ako sa school. Sa labas lang naman sila kasi bawal sila sa loob ng school. Sanay naman na iyong mga kaklase ko rito sa Brent. I mean, of course hindi kagaya nung akin na bigay ng gobyerno. Marami akong mayaman na classmate dito. May mga security details iyong mga 'yon.
"Thank you for making time," sabi sa akin ni Tito Francis nang maka-rating ako para sa admin investigation ni Papa. Sabi sa akin ni Achilles, good as dismissed na si Papa dahil sa laki ng eskando na ginawa niya—o ginawa ko. More for formality na lang daw 'to... saka sa mga kaso na isasampa sa kanya.
Gusto kong ma-guilty.
Gusto ko talaga.
Kaso... inisip ba talaga ni Papa na walang karma na dadating sa kanya?
Pero hindi niya rin siguro naisip na mismong anak niya iyong magiging karma niya.
Nagsimula na sila ng tanong sa akin. Nasagot ko naman lahat. Binigyan ako ni Achilles ng 'talking points,' pero hindi ko ginamit iyong mga 'yon. Hindi naman niya malalaman dahil ako lang mag-isa dito. Bawal si Achilles sumama sa akin sa loob kaya nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin.
Siya na rin naman iyong nagsabi na magtiwala ako sa proseso...
Kaya heto—magtitiwala ako.
Sasabihin ko lahat ng alam ko.
"Iyon na po ba lahat?" tanong ko nang isang minuto na ang lumipas at wala na siyang follow-up question.
Marami akong alam sa mga kaso ni Papa... pero ang tinanong niya lang ay siguro iyong mga highlights—iyong mga malalaking kaso na talagang naging headline noon. Iyong mga kaso na malalaking tao ang involved.
Tumingin siya sa akin. Kumunot ang noo ko nung bigla siyang tumayo. Pinatay niya iyong camera na nagrerecord nung buong usapan namin. Suddenly, I was well-aware that we're in an enclosed space. Na naka-sarado iyong pinto at mga bintana.
Nag-iba bigla iyong pakiramdam ko.
"I will be very honest with you, Mauro," sabi sa akin ni Tito Francis.
Nanatili lang akong naka-tingin sa kanya. Biglang bumigat iyong paghinga ko kahit wala pa siyang sinasabi sa akin. Kilala ko si Tito Francis. Napa-nood niya akong lumaki. Minsan ay nakaka-sama ko pa siyang kumain sa bahay namin. Naka-punta na ako sa bahay niya. Ni-reto pa nga sa akin iyong anak niya na si Angeline.
Pero... parang iba na bigla ngayon.
"You can't say those things in the committee hearing."
Kumunot ang noo ko. "Po?"
"Iyong mga narinig mo sa usapan ng Papa mo? Hindi mo pwedeng sabihin sa hearing."
"Nasabi ko na po sa post ko 'yon."
Pinagsalop niya iyong mga kamay niya. "I know," sagot niya. "And you already got what you wanted. Natanggal na sa trabaho iyong Papa mo."
Napaawang iyong labi ko. "Sa tingin niyo po ba, iyon ang gusto ko kaya ginawa ko 'yon?"
Diretsong naka-tingin lang sa akin si Tito Francis. "Dahil 'to sa boyfriend mo, hindi ba?"
My jaw clenched. Sure, siguro nga ay nagsimula 'to dahil kay Achilles, pero dahil din 'to kay Papa. Buong buhay ko dala-dala lahat ng ginawa niya kahit wala naman akong kasalanan don. Kahit pa sabihin ni Achilles na ginawa lang ni Papa iyon dahil ano? Gusto niya ng mas malaking bahay para sa pamilya namin? Mas magandang buhay?
But to what extent?
"Maniwala ka sa akin, Mauro—"
"Bakit po ako maniniwala sa 'yo? Pareho lang kayo ni Papa. Kaya ba ayaw niyo akong magsalita dahil natatakot kayo na madamay kayo? Kasi kung wala ng trabaho si Papa, sino na ang susunod? Ikaw na po ba? Kasi dikit kayo ni Papa, e. Malamang naambunan din kayo sa kung anuman ang binigay sa kanya."
Alam ko na hindi ito iyong gusto ni Achilles na mangyari. Kaya nga niya ako binigyan ng 'talking points' niya ay para maging maayos iyong lahat... pero paano? Kung kahit dito sa akala ko may tamang proseso na ay kino-kontrol pa rin ako ni Papa?
"Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo kung sasabihin mo lahat 'to sa committee, Mauro."
"Alam ko po," sagot ko. "Alam ko bata lang ako sa paningin niyo, pero nag-aaral din po ako ng batas, Tito. Saka 'di ko naman kailangang mag-aral ng batas para malaman na mali 'yang ginagawa niyo."
Nakita ko iyong paglalim ng hininga niya.
Gusto niya na siguro akong suntukin sa mga pinagsasasabi ko.
"Hindi ako nagguilty na nawalan ng trabaho si Papa," sabi ko sa kanya. "Kasalanan niya 'yon dahil ginamit niya iyong posisyon niya para sa sarili niyang agenda."
Tumayo na ako.
"Don't do anything you'll regret, Mauro."
Tumango ako. "Salamat sa advice, Tito," sabi ko sa kanya bago ako nagmadaling lumabas sa kwarto. Agad na nakita ko si Achilles na naka-tingin sa akin. Kanina pa siya nag-aabang. Agad na tinago ko iyong mga kamay ko sa likuran ko para hindi niya makita kung paano nanginginig iyong mga 'yon.
"How was it?" tanong ni Achilles.
Tipid na ngumiti ako. "Okay naman," sagot ko sa kanya. "Kain muna tayo?" pag-iiba ko ng topic.
* * *
Alam ko na gustong magtanong sa akin in Achilles, pero natutunan ko na ata iyong diversion technique niya. Hindi ko masabi sa kanya iyong ginawa ko roon dahil alam ko na mag-aalala lang siya sa akin. Saka... hindi ko pa rin alam kung ano ang end goal ko.
Gusto ko bang makulong si Papa?
Gusto ko bang maiganti si Achilles?
Ano ba talaga ang gusto ko?
"Are you ready for tomorrow?" tanong ni Achilles sa akin.
Tipid na tumango lang ako. Naka-upo kami sa may couch at nanonood ng Netflix... o at least nagpapanggap man lang na nanonood dahil ramdam ko na naka-tingin lang siya sa akin habang ako naman ay palutang-lutang lang ang iniisip.
Sabi sa akin, may media daw bukas. Syempre. Malaking gulo 'tong ginagawa ko, e. Alam ko rin na iba iyong sa post ko online. Nagawa kong isulat lahat ng nasa isip ko. Bukas, may mga magtatanong ng follow-up question sa akin.
"Kung ayaw mong sagutin iyong tanong nila, sabihin mo na lang na hindi mo naaalala," sabi niya.
"Paano kung naaalala ko?" tanong ko sa kanya.
Hindi agad siya naka-sagot. "Just... tread carefully."
"Alam ko."
"You already said a lot in your post online, Mau. You don't have to add details tomorrow. Hayaan mo iyong gobyerno na gawin iyong trabaho nila."
"Parang recitation lang ba iyong bukas?" pag-iiba ng tanong ko sa kanya.
"No," simpleng sagot niya. "Walang tama o maling sagot bukas... pero kung anuman ang sabihin mo, makakaapekto 'yan sa buhay mo."
Huminga ako nang malalim. "I know," I replied. "Nandon ka ba bukas?"
Tumango siya. "Of course."
Tumango ako. "Okay," sabi ko. "Basta kung anuman mangyari bukas, 'wag kang sasali, okay? Ayokong madamay iyong trabaho mo."
Kasi... kasi kahit hindi ko pa alam kung ano talaga ang lalabas sa bibig ko bukas, ayoko lang na madamay iyong trabaho ni Achilles. Kasi kahit pagbaliktarin ko iyong mundo, government official pa rin naman siya. Hindi siya pwedeng sumali sa mga gagawin ko. Labas siya dapat don. Ayoko na madamay siya.
"Bakit? Ano ba ang gagawin mo?"
"Wala naman," sabi ko sa kanya. "Pero alam mo naman minsan, nakaka-tanga iyong tanong ng mga senador. Baka biglang mamilosopo ako."
I saw him give me a disapproving look. "Best behavior, Mau. Formal proceeding iyong bukas. They can hold you in contempt."
"Weh?"
Seryoso pa rin iyong tanong niya sa akin. "Sumagot ka lang nang maayos bukas. Kung ayaw mong sagutin, sabihin mo na hindi mo naaalala. Fake an amnesia. Bahala ka. Basta, 'wag kang sumagot."
Natawa ako. Kumunot ang noo niya.
"Seryoso ako," sabi niya.
"Oo na."
"Avoid mentioning more names."
"Okay."
"Avoid adding more details maliban don sa mga na-post mo na online."
"Mabo-bore mga manonood nito sa livestream."
"Wala akong pakielam kung ma-bore sila." Ang seryoso ng tono niya. "Answer when asked; shut up when not."
Panay lang ang sabi ni Achilles sa akin ng mga paalala niya hanggang sa naka-tulog na ako. Nagising na lang ako nung madaling-araw at nasa couch pa rin kaming dalawa at buhay pa rin iyong TV. Dahan-dahan akong tumayo. Pinatay ko iyong TV tapos ay kinuha ko iyong sarili ko ng tubig.
Kumunot ang noo ko nang may makita ako na text sa phone ko.
'Sino 'to?'
'Tito Francis mo,' sabi sa text. 'Gusto kang kausapin ng Papa mo.'
Hindi agad ako naka-sagot. For some reason, wala akong tiwala kay Tito Francis. Pakiramdam ko e kung sasama man ako sa kanya, bigla niya na lang akong papatayin at itatapon sa ilog.
Ewan ko kung paranoid na ako o nasobrahan na ako sa True Crime na pinapanood ko.
'Gusto ka niyang makausap bago ka pumunta sa committee.'
'Para ano? Pigilan ako?'
'Papunta na ako dyan.'
Kumunot ang noo ko. What? Ni hindi pa ako nakaka-isip ng sasabihin ko sa kanya nang bigla siyang magtext na nasa labas na raw siya. Naka-tingin ako kay Achilles na tahimik pa rin na natutulog. Alam ko na kapag sumama ako ay papagalitan niya ako... Kaya lang ay siya na rin ang nagsabi na kausapin ko si Papa.
Agad na nakita ko iyong sasakyan ni Tito Francis. Toyota iyon kumpara sa Mercedes na dina-drive niya dati. Para ano? 'Di magtanong ang mga tao kung paano na-afford ng simpleng kawani ng gobyerno iyong ganong sasakyan?
"Maraming CCTV dito. Kapag nawalaa ko, ikaw ang unang hahanapan sa akin," sabi ko sa kanya nung maka-sakay ako sa sasakyan.
Naka-hawak sa manibela si Tito. "Sa tingin mo, papatayin kita?"
Nagkibit-balikat ako. Kung nagawa nga ni Papa na ipalagay si Achilles sa mga delikadong kaso at halos mamatay na siya dahil doon, pakiramdam ko ay anuman ay possible para sa kanila.
Anak ako ni Papa? Sus, mas importante pa rin sa kanya ang pangalan at career niya.
Tahimik lang ako habang nagda-drive si Tito. Nakarating kami sa ewan ko... safe house ata 'to. Baka. Kasi si Papa ata star witness sa kung anuman ang gustong gawin sa kanya.
May kinausap si Tito na parang bantay dito. Naka-sunod lang ako hanggang sa huminto kami sa harap ng isang pinto.
"Nasa loob ang Papa mo," sabi niya sa akin.
Naka-tingin lang ako sa pinto. Ang tagal na rin nung nakita ko si Papa—ngayon ko lang napagtanto. Sa dami ng nangyari sa kanya, ngayon lang siya nagsabi sa akin na kakausapin niya ako.
Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa loob.
Hindi ko alam kung ano ang tamang reaksyon. Pinilit ko na wala akong maging reaksyon nung nakita ko kung gaano kapayat si Papa... na para bang ginutom siya rito.
Gusto kong isipin na karma niya 'to kasi sigurado ako na ganito rin iyong naranasan nung ibang mga tao na pinahamak niya... pero shit.
Tatay ko pa rin pala siya.
Kahit anong mangyari, tama si Achilles, tatay ko pa rin siya.
Tanginang feelings 'to.
Bakit ba ang active ng konsensya ko?
"Hindi ba masarap ang pagkain dito?" sabi ko para lang mabasag iyong katahimikan dahil pakiramdam ko ay malulunod ako sa guilt kahit... kasalanan naman talaga niya kung bakit nandito siya. Naiinis ako na ako iyong nagguilty.
"Gusto ko lang malaman kung ano ang sasabihin mo bukas," sabi niya sa akin.
"Para saan?"
"Para alam ko kung ano ang susunod kong gagawin."
Hindi ko alam kung bakit parang nahulog iyong puso ko mula sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi ako nandito para baguhin kung anuman ang gagawin mo," muling sabi niya. "Kilala kita. Ako ang nagpa-laki sa 'yo. Anak kita. Alam ko na kung may gusto kang gawin, hindi kita mapipigilan," dugtong niya. "Kaya gusto kong malaman kung ano ang sasabihin mo bukas."
Hindi agad ako naka-sagot. Panay ang paghugot ko ng malalim na hininga.
"Bakit kailangang umabot tayo sa ganito, Pa?" tanong ko sa kanya habang ramdam na ramdam ko iyong pagsikip ng dibdib ko. "Okay naman tayo dati."
"Hindi ako hihingi ng tawad dahil ginusto kong bigyan kayo ng magandang buhay ng kapatid mo," sabi niya.
Kahit pumayat si Papa, kahit ata maging buto at balat na siya sa harapan ko, hinding-hindi mababawasan iyong pride niya. Iba man iyong pisikal na itsura niya, ganon pa rin iyong pakiramdam niya sa akin.
"Iyong ginawa mo kay Achilles... para sa akin din ba iyon?"
"Hindi kita pinapunta dito para pag-usapan siya," sabi niya. Gusto kong matawa dahil ni hindi niya man lang masabi iyong pangalan ni Achilles.
"Achilles," sabi ko sa kanya. "Iyon ang pangalan niya."
Naka-tingin lang sa akin si Papa. Napa-tingin ako sa may lamesa sa kwarto niya. May mga papel doon na naka-ipit sa bibliya. Naniniwala kaya talaga siya na ang gusto ni Lord ay iyong pahirapan niya ako na sarili niyang anak dahil lang nagka-gusto ako sa kapwa ko lalaki?
"Sa mga ginawa mo, Papa, ang dami kong na-realize... Nung nasa hospital si Achilles, akala ko mawawala na siya. Tapos wala akong magawa kasi hindi niya naman ako pamilya. Gaya mo, na-frustrate din ako sa sistema... pero ang pinagkaiba lang siguro natin, ni minsan, hindi ko inisip na manghila ng ibang tao para kumampi sa akin iyong sistema."
Nanatiling tahimik si Papa.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
"Kasi laging sinasabi ni Mama sa amin dati na parehas daw tayo na ma-reklamo... Kasi nga 'di ba sumasama ka pa sa rally dati? Kaya hanggang ngayon, hindi ko talaga maintindihan kung paano ka umabot sa ganito. Para bigyan kami ni Mauve ng magandang buhay? I doubt it. Kasi kahit hindi tayo mayaman dati, hindi naman tayo iyong tipong lugmok. Sana hindi ako kainin ng sistema gaya mo."
Ayokong kumampi sa akin iyong sistema.
Mas gusto ko siyang baguhin.
Kasi nakaka-gago na talaga.
"Sana nga," sabi ni Papa na dahilan kaya napaawang iyong labi ko. Parang reflex ko na gusto ko agad siyang tulungan nung tumayo siya at muntik ng mabuwal. Pero agad niya akong sinenyasan na 'wag ko siyang lapitan. Kaya naman pina-nood ko siya habang naglalakad siya papunta sa pinto. Kumatok siya roon. Bumukas iyong pinto at nakita kong muli si Tito Francis. Hindi sila nagsalitang dalawa. Nagtinginan lang sila, pero parang buong pag-uusap iyong naganap sa pagitan nila.
Muling tumingin sa akin si Papa.
"Mag-iingat kayo ni Mauve," sabi niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ang sikip-sikip ng dibdib ko. "See you mamaya," imbes ay sabi ko at tipid na tumango lang sa akin si Papa.
**
This story is already at Chapter 46 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top