Chapter 40

Chapter 40

Agad akong napa-balikwas sa kama ko nang mag-alarm iyong cellphone ko. Kailangan kong gumising nang maaga para maka-punta agad ako sa ospital. Kagabi pa nandoon si Mauve. Kailangan din naman niyang magpahinga at saka may sarili din siyang duty na kailangang asikasuhin.

Inabot ko iyong cellphone ko sa may nightstand. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko na puno ng notification iyong screen ng cellphone ko at halos ma-lowbatt na iyon kahit sigurado ako na full-charge iyon nung iniwan ko kagabi dahil kailangan bukas lagi iyong cellphone ko dahil baka biglang magtext si Mauve tungkol kay Achilles.

Babasahin ko na sana iyong notif nang biglang magring na naman iyong phone ko at nakita ko na tumatawag si Mauve.

"Bakit—"

"Nasan ka? Nasa condo ka pa rin ba?"

"Yeah... Kaka-gising ko lang."

"Okay. Shit. Safe naman d'yan, 'di ba? I mean, wala naman sigurong gagawin sa 'yo si Papa. 'Di naman siya siguro aabot sa ganon," diretsong sabi ni Mauve na mas lalong naging dahilan ng pagsakit ng ulo ko dahil wala pa akong tulog.

Kumunot iyong noo ko dahil sa mga sinabi niya. "What? Ano ba'ng sinasabi mo?"

Napa-tingin ako sa screen nang makita ko na nagrerequest ng FaceTime si Mauve. Agad kong tinanggap iyon at saka sinaksak iyong cellphone ko dahil malapit na iyong mamatay.

"Uminom ka ba kagabi?" agad na sabi niya nang sagutin ko iyong tawag.

Tumango ako. "Wine lang," sabi ko. "Sandali. Kuha lang akong tubig," mabilis na dugtong ko tapos ay tumayo na. Naglakad ako papunta sa ref para kumuha ng tubig. Napa-tingin ako sa may lamesa at nakita na nandon iyong laptop ko at isang bote ng wine. Napa-kunot ang noo ko... at saka biglang nanlaki iyong mga mata ko.

Fuck!

Mabilis akong lumapit sa may laptop ko at binuksan iyon. Bumungad sa akin iyong notification sa Facebook account ko. May mga messages din doon mula sa reporters na gusto akong interview-hin.

127 thousand likes... and 113 thousand shares... and still counting.

Fuck.

Naka-tingin lang ako sa screen habang padami nang padami iyong notification. Rinig na rinig ko iyong bilis ng tibok ng puso ko habang pinipindot ko iyong pinaka-bagong notification. Mabilis na dinaanan ng mga mata ko iyong mga sinulat ko kagabi.

Tangina.

Nilagay ko pala talaga lahat.

Fuck.

No wonder ang daming gustong mag-interview sa akin dahil sa dami ng pangalan na nilagay ko roon sa post ko.

Isinarado ko iyong laptop ko. Huminga ako nang malalim. Naglakad ako papunta sa ref at binigyan iyong sarili ko ng tubig. Kailangan kong kumalma. Kasi tangina, wala naman akong choice! Nagawa ko na. Na-post ko na. Nabasa na ng lahat.

"Si Papa?" tanong ko kay Mauve nang maka-balik ako.

"Di ko alam... pero baka wala siya sa bahay."

"Tinawagan ka rin ba?" Tumango siya. "Shit. Sorry."

Umiling siya. "Wag mo akong isipin," sabi niya sa akin. "Ikaw? Pano ka? Post mo 'yung kumalat."

Pilit lang akong tumango sa kanya. "It's the truth, anyway."

"Alam ko, pero alam din naman natin na delikado iyong trabaho ni Papa... 'Di ka ba mapapahamak niyan?"

"I'll be fine," sabi ko sa kanya. "Pupunta na ako kay Achilles."

"Seryoso ka ba? Lalabas ka?"

Tumango ako at muling huminga nang malalim. "Okay lang ako, Mauve," sabi ko sa kanya na parang mas kinu-kumbinsi iyong sarili ko. "Ikaw na rin iyong nagsabi na kumalat iyong post ko. Ibig sabihin, maraming naka-tingin sa akin. 'Di naman siguro sila tanga na ngayon may gagawing masama sa akin kung kailan maraming naka-masid."

Nagpaalam na ako kay Mauve bago pa mas sumakit iyong ulo ko dahil sa mga pinagsasabi ko. Nag-ayos na ako at saka dumiretso sa ospital. Mabuti na lang at busy iyong mga tao roon. Wala siguro silang panahon na magsocial media o 'di kaya ay manood ng balita kaya hindi nila alam iyong pagkakalat na ginawa ko roon. Mas okay na 'to. Hindi naman titigil ang buhay ko dahil lang sa viral na post ko. Kailangan ko pa ring bantayan si Achilles at mag-aral. Tuloy pa rin iyong buhay.

"Hi," sabi ko nang maka-pasok ako sa sa kwarto ni Achilles. "Weird mo palang tignan pag may bigote," dugtong ko habang naka-tingin sa mukha niya. First time ko lang siyang makitang ganito... Ang weird pala. Mas bagay pa rin sa kanya iyong 'clean look' niya.

"Saka ang haba na rin ng buhok mo," dugtong ko habang naupo sa tabi niya. Gusto ko muna siyang kausapin kahit ilang minuto lang. Sabi kasi sa nabasa ko, nakaka-tulong daw kapag kinakausap mo... Kasi naririnig pa rin naman daw nila ako.

"Grabe, ang lakas nung wine mo," sabi ko sa kanya. "Gusto ko lang naman mag-unwind kahit konti kagabi... pero parang nagkaroon ako ng confession sa virtual world bigla."

Sinandal ko iyong ulo ko sa may bandang kamay ni Achilles.

Sana gising siya ngayon... kasi sa aming dalawa, mas alam niya iyong dapat kong gawin. Kailangan ko rin siya ngayon para paulit-ulit na sabihin sa akin na magiging ayos din iyong lahat...

Na nagsabi lang naman ako ng totoo.

Na magtiwala ako sa sistema na gusto kong salihan.

Kahit hindi ako lubos na naniniwala don, masaya pa rin na marinig mula sa kanya.

"Di ka pa pwede mawala... Kahit kailangan ko ng guardian angel ngayon, 'di pwede na ikaw 'yon, okay?" sabi ko sa kanya.

"Okay..." sabi ng paos na boses na narinig ko.

Agad na napa-kunot ang noo ko. Minu-multo na ba ako ng dating naka-stay sa kwarto na 'to? Hindi pa ba sapat lahat ng problema ko, kailangan pang dagdagan ng mga multo?!

But then I felt Achilles' hand move.

Nanlaki ang mga mata ko at napa-bangon iyong ulo ko at napa-tingin ako sa kanya.

"Gising ka na ba talaga?!" malakas na tanong ko sa kanya. Napa-tingin ako sa paligid ko na para bang naghahanap ako ng magcoconfirm sa nakikita ko na gising na ba talaga siya.

Tumango siya sa akin. Sinubukan niyang magsalita, pero sobrang hina ng boses niya.

Tumingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko. Gusto ko siyang hawakan, pero natatakot ako na baka masaktan ko siya.

"Wag kang pipikit o matutulog ulit, okay? Tatawagin ko lang 'yung nurse," sabi ko habang hindi inaalis sa mukha niya iyong mga mata ko dahil sa takot na baka hallucination ko lang lahat dahil sa sobrang sama ng loob ko at stress sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Halos paatras akong naglakad dahil ayoko talagang alisin iyong tingin ko sa kanya. Tinawag ko iyong nurse para sabihin na gising na iyong pasyente nila. Dumating siya pati iyong doctor. Nandon lang ako sa isang gilid at hindi umalis kahit sinabi nila na lumabas muna ako. Ayoko. Dito lang ako.

Hindi ko namakayan kung ilang oras iyong lumipas dahil may mga tests pa sila na gustong gawin kay Achilles. Naka-sunod lang ako sa kanila at naka-tingin habang pinipilit pa rin na basahin iyong codal ko. Kailangan ko pa ring pumasok mamaya. Gustuhin ko man na dito lang ako, alam ko na sasabihin sa akin mamaya ni Achilles na pumasok ako sa klase ko.

"Gusto mong makita iyong itsura mo?" tanong ko sa kanya nung finally, kaming dalawa na lang sa kwarto niya.

Bahagya siyang tumango. Kinuha ko iyong cellphone ko at saka kinuhanan siya ng picture. Pinakita ko sa kanya 'yon.

"Ang bad boy ng dating mo ngayon," sabi ko sa kanya. Naka-tingin lang siya sa akin na parang sa dami ng pwede kong sabihin ay iyon ang nauna kong sinabi.

Ewan ko.

Ayoko muna pag-usapan iyong nangyari sa kanya.

Ang bigat kasi tuwing naiisip ko na... paano kung nawala nga talaga siya? Ano kaya ang ginagawa ko ngayon? Siguro ako din iyong nagplano nung lamay niya... Tapos malulungkot ako kasi walang masyadong pupunta... Tapos siguro tuwing birthday niya o undas, ako lang din ang bibisita sa kanay.

Ang lungkot-lungkot.

Kaya hindi rin ako pwedeng mawala kasi hindi ko siya pwedeng iwan.

"Wala ka bang pasok?" tanong niya sa mahinang boses.

Natawa ako na naiiyak na 'di ko maintindihan. Kung babae lang ako, iisipin ko na baka malapit na akong magkaron dahil pota bakit ang emotional ko bigla?!

"Meron," sabi ko sa kanya. "Pero mamaya pa naman 'yon. May bintana naman dito. 'Di mo ba nakita na maliwanag pa?"

Tangina talaga kahit life and death situation na, 'di ko pa rin kayang magseryoso. Kahit si Mauve talaga kikilabutan sa akin kapag naging seryoso ako, e.

Tinignan ako ni Achilles nang masama. Kahit 'di siya masyadong nakaka-galaw, kitang-kita sa mga mata niya na napapa-kwestyon siya kung bakit sa lahat ng tao, sa akin pa siya nagka-gusto.

"Were you worried?" he asked.

Umiling ako. "Hindi, ah."

"Really?" he asked like he didn't buy for a second what I just said.

I shrugged. "Saktong alala lang." Mahinang humalakhak siya pero sandali lang. Bigla akong naalarma. "May masakit ba? Saan? Gusto mong tawagin ko—" sabi ko pero umiling siya. "Sigurado ka? Kasi baka mapaano ka. Baka kung ano iyong mangyari—"

Hanggang sa napa-hinto ako dahil umiiyak na pala ako. At nalaman ko lang na umiiiyak ako nang maramdaman ko iyong luha ko na bumagsak sa kamay ko.

"Shit. Sorry," sabi ko tapos ay mabilis na pinunasan iyong luha ko. "Pero, okay ka nga lang? Kasi tatawagin ko talaga iyong doctor—"

Inabot ni Achilles iyong kamay ko.

"I'm sorry," mahina niyang sabi. "For making you worry."

Mabilis akong umiling. "Basta buhay ka, okay na ko 'don. 'Wag mo ng uulitin 'yon. Hindi bagay sa akin iyong laging emo. Nakikita mo ba iyong eyebags ko? Mukha na akong eyebags na tinubuan ng tao."

Panay lang ang reklamo ko kay Achilles at mahina lang siyang tumatawa sa akin. I just kept on ranting to him about the most random of things... kasi hindi ko kaya iyong seryoso.

"I'm sorry," bigla kong sabi nang naubusan na ako ng sasabihin. Tumingin lang siya sa akin. "Ako iyong tinatawagan mo nung—"

Tanginang luha 'to.

'Di naman ako dramatic actor kaya bakit on cue iyong luha ko?

Achilles reached for my hand and squeezed it weakly as if telling me that it's fine... but it wasn't. Mamamatay talaga ako sa lungkot kapag nawala siya. Para siguro akong love bird na hindi magsusurvive kapag wala siya.

"You wanna hear something funny?" he asked with his weak voice.

"Galing sa 'yo?" I asked, feigning shock kasi sa aming dalawa, ako kaya iyong funny.

He rolled his eyes. Well, at the very least, he didn't lose that skill.

"Fine... Joke ba 'yan o knock-knock?" sabi ko sa kanya.

"With all the siopao and cup noodles that you eat, I really thought na sa ating dalawa, ikaw ang ma-o-ospital," seryosong sabi niya na dahilan kung bakit napaawang ang labi ko.

I looked at him and shook my head with disappointment. "You were praying for my downfall? Mabilis talaga ang karma," I jokingly said.

He laughed and then paused again dahil may sumakit na naman ata sa kanya. This time, hindi na ako nagpa-pigil at tinawag ko na talaga iyong nurse. Ang hirap naman pala na nandito ako dahil tatawa lang siya nang tatawa. Ako pa ata papatay sa lalaking 'to.

Iniwan ko muna si Achilles dahil may mga pumunta rin para kausapin siya. He assured me naman na ayos lang siya. Kailangan ko rin namang umalis dahil may pasok din ako.

Diretso akong pumasok sa school. Kinakabahan din ako kahit ayoko... kasi hindi talaga ako pwedeng mamatay dahil kay Achilles. Mapapariwara iyong taong 'yon. Saka kawawa naman si Mauve.

Patingin-tingin lang ako sa paligid ko. Kulang na lang talaga e i-livestream ko iyong buong journey ko mula hospital papuntang school para lang may proof kung anuman mangyari sa akin.

Pagdating ko sa school, ramdam ko na sikat na talaga ako dahil naka-tingin sa akin kahit mga 'di ko naman kilala. 'Di ko na lang sila pinansin. Bahala sila d'yan.

As expected, natawag na naman ako sa recit. Swerte ata si Achilles dahil iyong natanong sa akin na concept ay iyong binabasa ko nung chine-check-up siya na ilang beses ko inulit dahil 'di ko maintindihan.

My friends asked me kung okay lang ako. Nagpasalamat ako kina Niko at Assia. Kahit simpleng tanong lang na ganon, sobrang saya ko na...

Tapos bumalik na ako sa ospital. Anong oras na din kasi kaya akala ko ay tulog na siya. Pero pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko na may hawak siyang iPad. Tapos ay tumingin siya sa akin na naka-kunot ang noo.

"Mauro, have you lost your fucking mind?" he asked while looking at me like indeed, I had lost my fucking mind. 

**

This story is already at Chapter 44 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top