Chapter 39

Chapter 39

I had always been indifferent with bureaucracy. Siguro kasi nakikinabang din naman ako sa posisyon ni Papa. Sa pagkuha ng driver's license o kapag may minor altercation sa traffic o kung anuman na kailangang ayusin, we always had it easy. Inaayos agad ni Papa, e. Kaya hindi rin ako kinakabahan dati. Hindi ko lang napapansin siguro dahil ayokong pansinin.

Pero totoo nga iyong sinabi nila na magagalit ka lang kapag ikaw na mismo iyong nabiktima nung sistema.

Ang hypocritical ko lang din talaga.

Gusto kong sunugin 'tong hospital dahil sa sistema nila. Alam ko na tama si Mauve na sumusunod lang din naman sila sa tamang proseso... Pero ang hirap maging level-headed tuwing naiisip ko na nakasalalay iyong buhay ni Achilles dito. Na imbes na gawin agad nila kung anuman ang makaka-tulong sa kanya, sinusunod na naman nila iyong lecheng sistema na 'yan.

Dati ayos lang ako sa sistema... ngayon, alam ko na iyong pakiramdam na nasa kabilang panig.

"Pumasok ka sa class mo," sabi ni Mauve nang maabutan niya ako na nandon pa rin sa waiting area malapit sa kwarto kung nasaan si Achilles. Tapos na kasi iyong visiting hour pero ayokong umalis dito. Gusto ko nandito lang ako. Baka kasi magising siya. Baka hanapin niya ako.

"Dito lang ako."

Naupo si Mauve sa tabi ko. Kakagaling niya lang sa duty niya. Dumiretso siya dito. Alam niya kasi na wala akong kasama. Bumisita dito iyong mga kaibigan ni Achilles pero sandali lang. Nalungkot ako para sa kanya. Sobra akong nalulungkot. Kasi naiisip ko... paano kung wala ako? Walang magbabantay sa kanya sa ospital? Kasi iyong mga kaibigan at ka-trabaho niya, dumaan lang dito. Walang nagtagal.

Ako lang iyong meron siya.

Nalulungkot ako para sa kanya.

At nagagalit sa sistema... kasi parang ang unfair... na paano kung may ganito rin na mangyari sa kanila? Paano kung hindi agad nila mahanap kung saan cocontact-in iyong immediate family? Wala na lang bang gagawin? Hihintayin na lang na mawala? Kahit kaya pa namang ilaban?

Nakaka-galit.

Bakit ganito sa Pilipinas? Parang napag-iwanan na tayo ng mundo. Tayo lang ata iyong ganito.

"Pumasok ka sa klase mo, Mauro. Sa tingin mo ba matutuwa si Achilles na umaabsent ka dahil sa kanya?"

Hindi ako nagsalita. Alam ko na gugustuhin ni Achilles na pumasok ako sa mga klase ko. Alam ko na sasabihin niya sa akin na 'wag akong mag-alala kasi magiging maayos din ang lahat—na kailangan ko lang magtiwala.

Pero ang hirap magtiwala kapag puno lang ng galit at paninisi iyong puso mo.

"Just please go to school. Ako muna magbabantay dito," sabi niya sa akin.

"Kakatapos mo lang sa duty."

"It's fine," sabi niya sa akin. "I can go for another 48 hours. Batak ako."

Hindi ako nagsalita. Ayoko talagang umalis. Kasi paano kung magising siya?

"I'll call you kung may mangyari man dito," she said like she read my mind. "Sinabi naman nung doctor na succesful iyong operation, 'di ba? Magigising din siya any time soon."

"It's been days."

She looked at me with pity. "I know... but it's just a waiting game now, Mau. Magigising din si Achilles. Kaya pumasok ka na sa school dahil ayaw mo naman siguro na pagka-gising niya, ang ibubungad mo sa kanya ay na-drop ka sa law school dahil puro ka absent."

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Mauve. Una, dahil alam ko naman na tama siya. Pangalawa, dahil wala na rin akong lakas. Kahit pala naka-upo lang at naghihintay ng balita, para bang ubos na ubos na iyong lakas ko.

Umuwi ako sandali para maligo. Dumiretso ako sa school. Nakasalubong ko si Niko. Tumango lang ako sa kanya dahil balak ko na pumunta agad sa library para makapag-aral. Ilang araw na akong absent. Sigurado ako na sobrang layo na ng coverage nila. Sigurado din ako na matatawag ako mamaya.

"Wait up," sabi ni Niko.

"Bakit?" agad na tanong ko.

"Don't know what happened, but you'd been MIA for a few days..." sabi ni Niko. "I hope I didn't overstep boundaries, but I kinda told the professors that you were sick and hospitalized."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"I got an excuse letter from the doctor for you," sabi niya na dahilan para mapaawang iyong labi ko. "So, if anyone asks, you had dengue fever."

Hindi ako makapagsalita. Naka-handa na talaga akong masigawan o mapagalitan dahil bigla-bigla na lang akong nawawala. Hindi na ako nakapagsabi sa kahit kanino dahil mas focused ako sa kalagayan ni Achilles. Kung hindi dahil sa pamimilit ni Mauve, malamang ay nasa hospital pa rin ako ngayon.

"Salamat," sabi ko dahil hindi ko talaga akalain na gagawin iyon ni Niko para sa akin. Hindi naman kami ganoon ka-close... kaya ko ring bilangin sa daliri ko iyong pagkakataon na nagkasama talaga kami.

Nagkibit-balikat siya. "No biggie," sagot niya. "Also, Assia sent you notes—just in case you haven't checked your messenger or something."

Ngumiti si Niko tapos ay umalis din. Napaawang iyong labi ko. Hindi ko akalain na gagawin nila 'yon para sa akin... Ni hindi ko sila naisip nitong mga nakaraang araw pero sila, nag-aalala sa akin.

May mga kaibigan din pala talaga ako dito na maaasahan.

Sana may ganito rin si Achilles.

Sana magising na siya.

* * *

Mabilis na binasa ko iyong notes na sinend ni Assia. Nagdadasal na lang talaga ako na sana ay ma-retain ko lahat ng binasa ko. Pagkatapos nun ay binasa ko na iyong coverage para sa klase ngayon. Panay ang pagtapik ng mga daliri ko sa lamesa habang nagbabasa. Patingin-tingin din ako sa cellphone ko dahil baka biglang magtext si Mauve tungkol kay Achilles.

Pagdating namin sa klase ay mabilis na nagpasalamat lang ako kay Assia. Sinabi niya sa akin na pinagdadasal niya si Achilles. Nagpasalamat ako.

Ako iyong unang tinawag sa recitation.

"Contract of sale compared to contract to sell."

Huminga ako nang malalim. Shit. Topic pa 'yan last week. Mabilisan ko lang na binasa.

"Contract of sale..." sabi ko at saka isinara iyong kamao ko. Come on, Mauro. Nabasa mo 'yan kanina. Nasa notes ni Assia 'yan. Tinanong din 'to ni Atty. last week sa recitation kaya sigurado ako na nag-e-expect siya na dapat alam ko na iyong sagot. "Contract of sale is legal obligation between the seller and the buyer... to deliver an object... in exchange for payment," pahinto-hinto na sagot ko dahil hindi ko alam kung ano ang eksaktong sagot.

Naka-tingin si Atty sa akin at naghihintay ng kasunod na sagot. "Is that it?" tanong niya nang lumipas ang ilang segundo na wala pa rin akong sinasabi kasunod.

"Yes, Attorney."

"Villarasis," sunod na pagtawag niya. "Contract of sale and contract to sell."

Fuck.

Hanggang sa matapos iyong klase ay gusto ko na lang ihampas sa ulo ko iyong codal. Of course hindi ako makaka-sagot. Hindi naman ako katulad ni Achilles na matalino lang talaga. Iyong grades ko last sem, dahil iyon pinaghirapan ko lahat. Naggugol ako ng oras para aralin iyong mga concepts at kabisaduhin iyong mga kaso at provisions.

Sino ba ako para makasagot dahil lang binasa ko ng isang beses iyong notes ni Assia?

Parang wala ng tamang nangyayari sa buhay ko.

Binigyan lang ako ni Assia ng maliit na ngiti nung magkatinginan kami. Hindi niya ako sinabihan na may next time pa naman. Siguro kasi pareho kaming hindi naman kasing yaman ng mga kaklase namin. Bawat recit, mahalaga. Kasi wala naman kaming perang pwedeng ipambayad ulit sa tuition.

Sa kagaya namin, hindi pwede iyong 'may next time pa naman.'

Lalo na ngayon—wala na akong trabaho.

Tangina talaga.

Gusto kong puntahan si Achilles sa ospital pero mainit iyong ulo ko. Ayokong pumunta doon na ganito ako. Nagsabi ako kay Mauve na uuwi muna ako para umidlip. Nagsabi siya sa akin na kahit bukas na ako pumunta roon para makapagpahinga ako.

Paano kami naging anak nila Mama at Papa na kahit sobrang religious e parang sugo ng impyerno?

Pag-uwi ko sa condo, bumungad na naman sa akin iyong mga nagkalat na gamit ni Achilles na nagulo ko nung hinahanap ko iyong contact number ng kapatid niya. Binaba ko lang iyong bag ko at nagsimula akong linisin iyon. Alam ko ayaw ni Achilles na madumi dito. Kailangan pagbalik niya, malinis iyong lahat.

Niligpit ko iyong mga papel. Nilinis ko iyong buong condo. Pagod na pagod na ako, pero hindi ako maka-tulog. Gusto ko ng matulog. Kailangan ng maayos na pahinga ng utak ko. May pasok pa ulit ako bukas. Kailangan ko ng maka-sagot. Ayoko na sasabihin ko kay Achilles na bagsak ako sa mga subject ko.

Pero hindi ako maka-tulog.

Kumuha ako ng isang bote ng wine ni Achilles. Gusto ko na lang sanang tunggain iyon pero parang nakita ko si Achilles sa utak ko na umiiling sa akin. Kumuha ako ng wine glass at pinuno iyon. Naka-upo lang ako sa sofa. Patay iyong TV. Wala akong gana manood. Nanonood lang naman ako dito kapag kasama ko si Achilles.

Puro Achilles.

Hindi ko alam kung paano ako kapag wala na siya.

Kasalanan 'to ni Papa.

Bakit kasi hindi na lang siya maging masaya para sa akin?

Pumunta ako sa may dining area. Pinatong ko roon iyong baso ko at saka kinuha iyong laptop. Nagsearch ako kung ano ulit iyong grounds ng disbarment. Nagsearch ako ng proseso para sa administrative complaint.

Pero kilala ko si Papa.

Alam ko hindi 'to aangat.

Mabilis lang mababasura kung anuman ang ifa-file ko.

Kasi ganon siya magtrabaho.

Pa-ilalim.

Kagaya nung ginawa niya kay Achilles... at kahit kay Judge Alcaraz na wala namang ginagawa sa kanya... Dahil lang doon ako nagta-trabaho...

Muli kong inabot iyong baso ng wine. Inubos ko iyong laman non bago ako nagpunta sa Facebook.

'An Open Letter to NBI Director Mario dela Rama,' panimula ko bago nilagay doon lahat ng gusto kong sabihin sa tatay ko. At least sa Internet, may putanginang freedom of speech pa rin. 

**

This story is already at Chapter 43 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top