Chapter 38
Chapter 38
My mind kept on going to the worst case scenario.
I hated that my mind kept on picturing Achilles' lifeless body.
Alam ko na hindi ko dapat hanapin iyong pangalan ni Achilles sa Internet, pero wala akong mapagtanungan tungkol sa nangyari sa kanya. Wala akong kakilala sa mga ka-trabaho niya. Wala akong kilala sa mga kaibigan niya.
Ang dali lang palang sabihin na mahal mo iyong tao kahit wala ka talagang alam sa kung sino iyong nasa buhay niya.
I felt sick to my fucking stomach.
Gusto ko na lang banggain lahat nung sasakyan para lang makarating agad ako sa ospital kung nasaan si Achilles. Sabi ni Tin, napanood niya lang daw sa balita. Mas nauna pa sila na makaalam sa nangyari sa kanya.
Ayokong tignan... pero sa bawat segundo na lumilipas na nandito pa rin ako sa loob ng sasakyan, para akong tatakasan ng bait.
'Public attorney natambangan sa gitna ng traffic.'
Nanginginig iyong mga kamay ko habang hawak-hawak ko iyong cellphone. Parang lalabas na iyong puso ko palabas ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pagbabasa. Sabi naman ni Tin, nasa operasyon pa si Achilles... Ibig sabihin nun ay buhay pa siya... 'di ba?
'Di ba?
Hindi ko alam kung kaya ko bang basahin... pero mas mababaliw ata ako kung hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya.
"Dito na po tayo."
Ni hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa ospital. Agad akong bumaba at tumakbo papasok. Hindi ko alam kung kanino ako magtatanong. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"San po si Achilles Marroquin?" agad na tanong ko nang may makita akong nurse.
"Sa may nurse station po kayo magtanong," sagot niya sa akin.
Agad akong tumakbo papunta sa may nurse station.
"Achilles Marroquin," sabi ko nang makarating ako roon. May kausap iyong nurse sa telepono. Alam ko na marami silang ginagawa at kailangan kong maghintay sa kanila, pero bawat segundo na lumilipas ay para akong mamatay sa kaka-isip kung nasan na ba siya at kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.
"Miss," malakas na pagtawag ko kaya napa-tingin siya sa akin. Agad niya akong binigyan ng masamang tingin pero wala na akong pakielam. Kailangan ko lang malaman kung nasaan siya ngayon. Kasi pakiramdam ko ay mababaliw na ako kapag hindi ko pa rin nalaman kung nasaan siya ngayon. "Achilles Marroquin po. Please."
Pinilit ko iyong sarili ko na kumalma habang hinahanap niya iyong pangalan ni Achilles.
"OR No. 6. Sa West Wing," sabi niya sa akin.
"Salamat po," sagot ko at mabilis na tumakbo papunta roon. Nasa operating room pa si Achilles. Ibig sabihin nun ay buhay pa siya, 'di ba? Lumalaban pa siya. May pag-asa pa.
Pagdating ko sa labas ng operating room ay agad akong nanlumo nang makita ko na tanging dalawang police lang ang nandon at naka-duty.
Walang kaibigan.
Walang pamilya.
Ako iyong nalungkot at nasaktan para sa kanya.
"Sir," sabi ko nang maka-lapit ako sa may pulis. Wala akong makitang doctor na pwede kong pagtanungan. Sana nandito si Mauve para may aalalay sa akin. "Pwede po bang magtanong kung kamusta na iyong—" Huminga ako nang malalim. "Iyong nabaril."
"Di ko rin alam, Sir," sagot sa akin nung pulis. "Bantay lang kami rito."
Ni hindi ko na tinanong kung sino iyong may gawa nung nangyari kay Achilles. Ang priority ko ay malaman na ayos lang siya. Saka ko na iisipin kung sino ang may kasalanan.
I just really needed him to survive.
I just got him.
He couldn't leave me yet.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Palakad-lakad lang ako sa waiting area—naghihintay ng balita. Hindi ako makaalis hanggang hindi ko nalalaman na maayos si Achilles.
Tinawagan ako ni Mauve at sinabi na papunta na rin siya. I was thankful. I just needed someone with me. I couldn't break right now—not when Achilles needed me.
Gusto kong takbuhin si Mauve nang makita ko siyang papalapit na sa akin, pero parang nawalan na ako ng kontrol sa mga paa ko. Gustuhin ko mang maglakad ay para akong natulos sa kinatatayuan ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin nang makalapit siya.
"May kakilala ka ba dito? Pwede ka bang magtanong? Gusto ko lang malaman kung kamusta si Achilles," diretsong sabi ko sa kanya.
"Okay. Magtatanong-tanong ako," sagot niya sa akin. "Nasa loob pa ba siya?"
Tumango ako. "Nasa operation pa rin. Ang tagal."
"That's fine," sabi niya sa akin. "It means that he's still fighting."
Hindi ko alam kung totoo ba iyong sinasabi ni Mauve o gusto niya lang pagaanin iyong loob ko. Pero sa ngayon, mas pipiliin ko na maniwala dahil hindi ko kayang isipin na wala na si Achilles.
Ngayon pa lang kami masaya.
Ang dami pa naming plano.
Hindi niya ako pwedeng iwan.
* * *
Sinabihan ako ni Mauve na umidlip o magpahinga pero hindi ko magawa. Naka-tingin lang ako sa pintuan at naghihintay na may lumabas doon na magsasabi sa amin kung ano na ang nangyayari kay Achilles.
"Doc, kamusta na po iyong pasyente?" agad na tanong ko nang may lumabas na doctor.
"Are you the immediate family?" tanong niya sa akin.
Bahagya akong natigilan. "Hindi po," sagot ko.
"We have to get the immediate family's approval," sabi niya sabay sabi ng mga salita na hindi ko maintindihan. Naka-tingin lang ako kay Mauve at umaasa na ipaliwanag niya sa akin kung ano ang nangyayari.
"Okay lang daw ba si Achilles?" tanong ko kay Mauve nang makaalis iyong doctor.
Hindi agad naka-sagot si Mauve. Sa bawat segundo na hindi siya nagsasalita ay para akong tinatakasan ng bait.
"He's still fighting."
"I don't need lies right now, Mauve. Sabihin mo sa 'kin kung kamusta siya," diretso kong sabi sa kanya. Ilang oras na akong naghihintay dito. Gutso ko lang naman malaman kung kamusta na ba talaga siya. Walang nagsasabi sa akin ng totoo. Gusto ko lang naman malaman kung okay ba siya.
"He's in critical condition now, Mauve. His doctors need his family's approval para sa gagawin sa surgery niya."
Kumunot ang noo ko. "Kung kailangan para sa surgery niya, bakit hindi na lang nila gawin?" nagagalit na tanong ko dahil kanina pa sila nandon! Bakit hindi na lang nila gawin lahat ng kailangan nilang gawin para masigurado na maliligtas siya? Kaya ba ang tagal naming naghihintay dahil don? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang nila gawin 'yon!
"Those are the rules—"
"Fuck the rules!" sigaw ko. Wala akong pakielam kung may tumingin man sa amin. "Kung kailangan nila ng approval, ako na lang ang magbibigay!"
"May special power of attorney ka ba na pwede kang gumawa ng medical decisions para sa kanya?"
Hindi ako naka-sagot.
Wala akong kilala sa mga kaibigan niya.
Sa pamilya niya.
Pati dito.
Dati iniisip ko na sobrang seryoso namin ni Achilles... na kami na talaga... na sana kami na talaga... pero parang ni hindi namin napag-usapan iyong mga importanteng bagay. Kaya ngayon, litung-lito ako sa mga kailangan at pwede kong gawin para sa kanya.
Pero sino ba ang mag-aakala na dadating kami sa ganito?
"Ano? Wala na lang akong gagawin?" diretsong tanong ko dahil nawawalan na ako ng pag-asa sa pwede kong gawin para kay Achilles. Napapagod na akong maghintay. Gusto ko na may gawin ako para sa kanya.
"Hindi ganon 'yon, Mau..." naaawang tingin sa akin ni Mauve. "Alam ko mahal mo siya, pero hindi ka immediate family. Walang legal na kasal sa same sex marriage dito sa Pinas, Mau. Alam mo naman 'yan."
I felt my jaw clenching in unmistakable mixture of anger and frustration.
"So, ano? Ganon na lang 'yon?"
"Hindi ako iyong kaaway mo, Mau. I'm as frustrated as you are. Pero ano'ng magagawa? Ganon talaga. Kapag same-sex kayo, wala kayong karapatan legally," sabi niya tapos ay umiling. "But that's for another discussion. Nasaan ba iyong pamilya ni Achilles? Pwede mo ba silang contact-in? Iyong parents niya?"
"Patay na."
Napaawang iyong labi ni Mauve. "I'm so sorry," sabi niya. "How about iyong grandparents?" Umiling ako. "May kapatid ba siya?"
"Meron pero hindi naman sila nag-uusap."
"Pero alam mo kung paano siya contact-in?"
"Hindi—" sabi ko at saka natigilan. Naalala ko noon na may binabasa si Achilles na document na padala nung kapatid niya. Possible na may return address doon o number kung saan siya pwedeng tawagan.
"Hindi ko sigurado... pero susubukan kong tawagan siya. Nasa mga gamit ni Achilles iyong contact info niya," sabi ko kay Mauve.
Tumango siya. "Okay. Dito lang ako. I promise tatawagan kita kung may kung anumang update dito."
Agad akong bumalik sa condo. Dumiretso ako sa mga gamit ni Achilles. Alam ko na ayaw niyang ginagalaw iyong mga gamit niya. Wala akong pakielam kung magalit siya sa akin. Mas importante sa akin na mahanap ko iyong number ng kapatid niya kung iyon ang kailangan.
Pinilit ko iyong sarili ko na 'wag basahin iyong mga dokumento na may koneksyon sa trabaho ni Achilles. Ayokong maglaro iyong isipan ko. Lahat ng kasong hawak niya ngayon, lahat ng sinabi niya noon sa akin na ayaw niyang hawakan.
Kasi masyadong marahas.
Masyadong delikado.
Pero kahit ganoon, alam ko na dahil kay Papa, napunta iyong kaso na iyon kay Achilles. Alam ko na relihiyosong tao si Papa, pero lakasan niya na ang dasal niya na maka-ligtas si Achilles dahil kung hindi, gagawin ko sa kanya lahat ng ginawa niya sa amin. Alam ko na mahalaga sa kanya iyong trabaho at reputasyon niya. Alam ko lahat ng baho niya. Nananahimik lang ako dahil iniisip ko na tatay ko pa rin siya.
Halos mabaliktad ko na iyong buong condo nang mahanap ko iyong contact number ng kapatid niya. Naka-hinga ako nang maluwag nang makita ko na may personal number na naka-lagay doon.
Pa-ikut-ikot ako sa condo habang pinapakinggan iyong pagriring. Hindi ko sigurado kung anong oras na sa kung nasaan mang bansa iyong kapatid ni Achilles. Dinadasal ko na lang na sana ay hindi naka DND iyong cellphone niya dahil kailangan ko siyang maka-usap ngayon.
Naka-limang tawag ako nang sa wakas ay sumagot na siya.
"Have you finally decided?"
Napa-kunot iyong noo ko sa sinabi niya. "Ikaw po ba iyong kapatid ni Achilles Marroquin?" agad na tanong ko.
"Who is this?"
"Mauro Eugenio po," sagot ko. "May nangyari po kasi sa kapatid niyo. Kayo po iyong next of kin."
"Is he dead?"
Napaawang iyong labi ko sa paraan ng pagtatanong niya. Walang kung anumang emosyon. Para bang nagtatanong lang siya kung uulan o aaraw ba ngayong umaga.
Gusto ko siyang sigawan, sumbatan, pero para bang naririnig ko iyong boses ni Mauve na sinasabi sa akin na hindi ito ang panahon para makipag-away ako. Kailangan ko iyong kooperasyon ng kapatid ni Achilles.
"Nasa operating room pa po siya," sabi ko sabay paghinga nang malalim. "Buhay pa po iyong kapatid mo. Lumalaban pa siya."
Wala akong narinig mula sa kabilang linya. Tinignan ko kung binabaan ba niya ako ng tawag. Kausap ko pa rin siya. Ano ba iyong nangyari sa kanilang dalawa para maging ganito? Hindi ko maisip na magiging ganito kaming dalawa ni Mauve. Ni hindi man lang niya tinanong kung ano iyong nangyari kay Achilles.
"Look, I just need you to give consent. To help save his life," sabi ko sa kanya. "Please."
Bakit kailangan ko pang humingi ng tulong sa kanya? Hindi ba dapat pamilya? Gaano ba siya kagalit sa kapatid niya na parang mas gusto niya na mawala na si Achilles? Dahil pa rin ba 'to sa may bahay nila na gusto niyang ibenta?
"Pangako tutulungan kita na pumayag siyang ibenta na iyong bahay ng parents niyo..."
"Sino ka ba?" she finally responded.
"Boyfriend niya," sagot ko. "Hindi kita aabalahin kung pwede lang na ako iyong magbigay ng consent. Please," mahinang pakiusap ko. "Kapatid mo pa rin siya."
"Okay," she responded. "But I want the entire house."
Hindi na ako nagsalita pa. Para lang sa bahay? Para sa pera? May mga ganitong tao pala talaga... Parang si Papa... At sana sinisimulan niya ng magdasal dahil maging stable lang ang condition ni Achilles, ipaparamdam ko sa kanya iyong ginagawa niyang pang-iipit sa aming dalawa.
**
This story is already at Chapter 42 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top