Chapter 36
Chapter 36
Akala siguro ng mga kaklase ko ay sobrang religious ko na tao—o sobrang kabado ako sa mga klase namin dahil tuwing dadating ako sa Brent ay dumi-diretso ako sa may chapel para magdasal. Araw-araw kong pinagdadasal iyong kaligtasan ni Achilles.
Hindi ko alam kung mas maayos ba na hindi high profile iyong kaso na binigay sa kanya dahil wala akong masyadong naririnig na balita tungkol doon... o mas dapat ba akong kabahan.
Kasi sa mga ganyang kaso na maliliit, walang ingay na nangyayari.
Wala kang maririnig na kahit ano...
Kasi wala namang masyadong may pakielam.
Unless something goes terribly wrong.
And every day I pray to God na walang mangyaring masama kay Achilles dahil nagta-trabaho lang naman iyong tao.
Kaya kapag natatapos rin iyong araw na wala akong narinig na kung anumang balita, nagpapasalamat din talaga ako.
Sana ganito lang lagi... pero parang 'di ko rin gusto na mabuhay araw-araw na kinakabahan kung ito na ba iyong araw na mangyayari na iyong mga bagay na kinatatakutan ko.
Habang nasa trabaho ako ay parang huminto iyong pagtibok ng puso ko nang maka-receive ako ng email. Halos nanginginig iyong daliri ko nang buksan ko iyon.
Fuck.
I was being invited by the IBP. Hindi direktang naka-lagay doon tungkol saan, but there was a mention of an investigation for a possible disbarment proceeding.
Fuck.
Ito iyong kay Achilles.
"Hi," sabi ko nang sumagot siya sa tawag. "Sorry. Nasa work ka."
"It's fine. Why?" he replied. Hindi kasi talaga ako tumatawag sa kanya o nagtetext kapag nasa trabaho. Dati, oo. Pero ngayon, hindi na. Hindi dahil sa ayaw ko lang kung hindi dahil alam ko kung gaano kadami iyong kasong hawak niya. Alam ko na normal lang na marami iyong kaso, pero parang sobrang dami na nung sa kanya. Hindi na lang ako nagsalita pa dahil trabaho niya naman iyon.
"Nag-email iyong IBP."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan.
"Tungkol sa disbarment," I said.
"Just go," he replied.
"Ano'ng sasabihin ko?"
"The truth," sagot niya. "Just tell them the truth, Mau. I did nothing wrong. 'Wag kang kabahan."
"Paanong hindi e lisensya mo ang naka-salalay dito?"
"I know," he replied. "But just be honest, okay? Don't lie for me. Just tell them the truth and everything will be fine."
Ayaw ko pang ibaba iyong tawag. Bakit ba ako umaasa na kakausapin niya ako kagaya nung sa mga kliyente niya na tinuturuan niya kung paano sumagot kapag may tanong iyong prosecutor? Alam ko naman na 'di gagawin ni Achilles iyon. Mas pipiliin niya pa ata na ma-disbar kaysa magsinungaling ako under oath para sa kanya.
Bakit ba ganito siya?
"Just trust in the system, okay?"
"The system is corrupt."
"It is, but there are good people in the system, Mau. Just trust in them."
Gusto ko ring sabihin na may mababait nga pero may mga gago rin kagaya ng tatay ko na babaliin iyong batas para lang mas maka-lamang sila.
Sabi nila, good people win at the end of the day...
But I digress.
Bad people win all the time.
Because they will stop at nothing to get what they want—and that's the reality.
"Kailan ka pinapapunta?"
"Bukas," sagot ko. "Magsisickleave ako. Sa tingin mo sasabihin ko kay Judge kung san ako pupunta?"
"Sabihin mo."
"Okay lang sa 'yo? Kasi masasabi ko rin 'yon."
"Yes, it's fine. Just focus on your work and just answer them honestly. I promise, everything will be fine."
I had to bite my tongue dahil gusto kong sabihin sa kanya na tumigil na siya sa kaka-pangako na magiging ayos lang ang lahat. Kasi hindi niya naman alam 'yon. Hindi niya naman kontrolado kung anuman ang mangyayari. Pero alam ko na ayaw niya lang na mas mag-alala ako. Kaya para sa kanya, susubukan ko na lang.
Pagkatapos kong tawagan si Achilles ay bumalik na ako sa opisina. Tingin nang tingin sa akin si Tin na para bang alam niya kung ano ang nangyayari sa akin.
"Nandyan ba si Judge?" tanong ko.
"Nasa loob," sagot niya. "Dito lang ako, ha?" dugtong niya. "Alam ko sa tingin mo madaldal ako, pero alam ko naman kung kailan ako tatahimik."
Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. Minsan kahit ang sarap takpan ng tape ng bibig ni Tin, alam ko naman na nandyan lang din siya kapag kailangan ko.
Huminga ako nang malalim pagpasok ko sa chamber ni Judge. Nakita ko na nagbabasa siya ng mga kaso na gagawan niya ng decision.
"Judge," pagtawag ko.
Napa-tingin siya sa akin. Hindi naman kasi ako pumapasok dito unless may pinagawa siya sa akin at kailangan kong ipasa. Mabait naman si Judge kaya lang medyo masungit saka strict sa deadline. Halos mamatay na nga ako sa kaba dati nung nagpaalam ako na magsstudy leave ako. Akala ko e hindi ako papayagan. Pero okay naman. Sabi ni Tin e mabait daw si Judge pagdating sa mga working student kasi working student din siya dati kaya alam niya iyong struggle.
"Absent po ako bukas."
"Okay," sagot niya habang bahagyang naka-kunot ang noo. "Karapatan mong umabsent. Bakit nagpapaalam ka pa sa akin?"
"Pinapatawag po ako sa IBP."
Nakita ko kung paano ko nakuha iyong atensyon niya. Ibinaba niya iyong hawak niyang ballpen at saka tinanggal iyong suot niyang salamin.
"Mauro, are you in trouble?" tanong niya na parang magulang ko na nag-aalala sa akin. Grabe... mas may pakielam pa sa akin iyong boss ko sa trabaho kaysa sa mismong mga magulang ko. Minsan talaga, wala sa dugo ang pamilya, e.
"Hindi po ako," sagot ko. "Pinapa-tawag lang po ako tungkol kay Atty. Marroquin."
Bahagya lang na nabigla si Judge tapos ay tumango lang siya.
"I see," sagot niya. "Is he in trouble?"
"Hindi ko pa po sigurado, pero sana wala."
"Kung wala naman siyang ginawang masama, everything will be fine," sabi niya sa akin.
"May tanong po ako," sabi ko. Binigyan niya ako ng maliit na tango. "Bakit po sa tingin niyo magiging maayos din ang lahat? Kasi ganyan din ang sinabi ni Atty. Marroquin sa akin. Hindi po ba nakakakaba ang disbarment?"
Sa buong panahon na dito ako nagta-trabaho ay ngayon lang ako nagtanong ng personal na tanong kay Judge. Baka kasi alam niya dahil Judge na siya. Mas marami na siyang napagdaanan kaysa sa akin. Baka kapag sa kanya ko narinig na magiging okay din ang lahat, maniniwala na iyong utak ko.
"Of course it is. Passing the BAR exam is no easy feat. Being disbarred is one of the worst things that can happen to a lawyer," sabi niya sa akin. "Pero kung wala namang ginawa si Atty. Marroquin para ma-disbar siya, then everything should be fine."
Nanatili lang akong tahimik.
"Mauro, had you studied your legal ethics seriously, you'd know that disbarment is only given in the worst case scenarios. If Atty. Marroquin had done something so grossly immoral that requires disbarment, then only then should the disbarment proceed."
Napaawang iyong labi ko. Napagalitan pa ako at nasabihan na hindi nag-aaral. Si Judge talaga.
"You should learn how to trust the system that you're studying to be a part of. Because if not, then what are you even doing?"
Bahagya akong tumango.
Baka nga tama siya kasi ganyan din ang sabi ni Achilles.
Magtitiwala na lang ako—kasi kung masama man si Papa, sigurado naman na may mabubuting tao rin sa IBP. 'Di naman drug lord iyong tatay ko na may kapit kahit sa IBP. Iba naman iyong NBI doon.
* * *
Kinabukasan, tahimik lang kami ni Achilles na kumain ng almusal. Sinubukan niya naman akong kausapin, pero wala kasi ako sa mood makipag-usap. Ewan ko ba. Mali ata iyong gising ko ngayong araw. Kanina pa ako kinakabahan kahit magsasabi lang naman ako ng totoo sa kung anuman ang itanong nila sa akin.
Ano ba kasi itatanong nila? Na boyfriend ko si Achilles? Oo. Na live in kami? Oo.
So, ano? Disbarred na siya dahil lang don? Sana ma-realize nila na mukha silang tanga kung gagawin nila 'yon. 21st century na! Saka ano nangyari sa motto na 'those who have less in life should have more in law?' Quote of the day lang ba 'yon?
"Ano'ng oras ka nga pupunta?"
"2PM," sagot ko.
"Papasok "Dinner tayo after?"
"May class ako."
"Ah, oo nga pala. Sa weekend na lang."
Naka-tingin lang sa akin si Achilles habang hawak niya na iyong mga gamit niya. Naka-upo lang ako sa may couch habang nagbbrowse ng mga palabas sa Netflix. Alam ko na dapat mag-aral na lang ako kaya lang ay alam ko na wala lang ding papasok sa utak ko kaya 'wag na lang siguro.
"Text me when you're done, okay?" Tumango ako. Lumapit sa akin si Achilles at saka hinalikan iyong tuktok ng ulo ko. "Kinakabahan ka ba dahil hindi mo na ako mahal kapag hindi na ako abogado?" sabi niya. "Title ko lang ba ang mahal mo?"
Binaling ko iyong ulo ko at sinamaan siya ng tingin. "Ewan ko sa 'yo."
Binaba niya iyong bag niya saka lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. "Come on, Mau. Stop worrying about it. Hindi ako madidisbar. Besides, think about the possible public outrage kapag na-disbar ako dahil dito? Hindi naman ako ang nag-iisang lalaking abogado na may boyfriend."
I wrinkled my nose. "Alam ko. Pero kinakabahan pa rin ako. Bayaan mo akong kabahan."
"Okay," he said softly. "I'm just worried. Nakikita ko na binabasa mo lagi iyong ethics kahit tapos ka na don. Focus on your class, Mau."
"Nakaka-sagot naman ako."
"Okay, that's good."
"Gusto ko na lang na matapos na 'to," sabi ko.
"I know. Me, too," he said.
Gusto kong magsorry ulit sa kanya pero alam ko naman na ang sasabihin niya. Na hindi ko kasalanan. Na 'wag akong ma-guilty kasi hindi ko naman hawak iyong utak ng tatay ko.
Pagka-alis ni Achilles ay nanood lang ako ng sitcom kahit hindi naman din ako natawa sa mga sinasabi nila. Sinubukan kong matulog, pero hindi ako dinadalaw ng antok. Kung anu-ano lang ang ginawa ko hanggang sa kinailangan ko ng pumunta sa IBP.
"Good afternoon," bati sa akin. "Thank you for accepting our invitation."
Tipid na ngumiti lang ako sa kanila. Paanong hindi i-aaccept iyong invitation? Ikaw ba naman na aspiring lawyer tapos ay ipatawag ka ng IBP, may ibang choice ka ba?
"We just have a couple of questions," panimula niya.
"Okay po."
"Do you know Atty. Achilles V. Marroquin?"
"Yes po."
"And you work as a court assistant in the sala of Judge Selma Alcaraz of MTC 43?"
"Yes po."
Nanlamig iyong buong katawan ko habang may sinusulat siya sa notebook niya. Ano kaya iyong nilalagay niya? Tungkol ba kay Achilles iyon? Mapapahamak ba siya sa mga sagot ko? Sinabi ko lang naman na magkakilala kami at kung saan ako nagta-trabaho.
"Were you already working in MTC 43 when you got acquainted with Atty. Marroquin?"
"Yes po."
"Did Atty. Marroquin ask you for any favor?" Kumunot ang noo ko. Hindi agad ako naka-sagot kaya napa-tingin siya sa akin. "Any favor related to your work with Judge Alcaraz?"
Napaawang iyong labi ko.
Shit.
Oo, tinatanong ako ni Achilles dati tungkol sa schedule ni Judge, pero iyon lang 'yon. Wala akong ibang sinabi sa kanya. Isang beses lang at saka wala namang sinabi si Judge sa akin tungkol doon.
Pero alam ko na kung sasabihin ko na oo, pangit pakinggan. Na humihingi si Achilles sa akin ng pabor tungkol sa trabaho ko.
Umiling ako. "No favor related to my work," diretsong sagot ko.
Hindi naman ako nagsisinungaling... ayoko lang mapahamak si Achilles dahil sa akin.
**
This story is already at Chapter 40 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top