Chapter 33
Chapter 33
'Di ko sigurado kung changed person na ba ako o nahihiya lang ako kay Achilles dahil pina-tira niya ako rito sa condo niya kahit hindi niya naman talaga responsibilidad kahit pa maging palaboy ako sa kalye if ever.
Normally, kapag bakasyon ay naka-vacation mode talaga ako. Dati nung wala pa akong trabaho, kapag bakasyon ay ibig sabihin nun ay sa kwarto lang ako lagi. Nanoood lang ako ng kung anu-ano tapos ay lalabas lang ako sa lungga ko kapag nagugutom ako. Sabi sa akin ni Mauve ay border lang daw ako sa bahay namin. Akala mo naman siya ay hindi ganoon din. Minsan nga e hindi kami nagkikita talaga. Nagkaka-gulatan na lang kami sa kusina kapag hatinggabi na.
Pero dito sa unit ni Achilles? Ang linis! Lahat nung pwede kong linisin ay nilinis ko. Hindi lang ako nagbukas nung mga drawer dahil pakiramdam ko ay invasion of privacy. Basta iyong mga surface lang ay pinunasan ko. Saka ewan ko ba... nahihiya ako kumain. Iba iyong siya iyong nagluluto para sa akin. Iba kapag nandito ako sa condo niya na ako lang mag-isa.
"Why?" sagot ko nung tumawag si Mauve.
"Sorry," agad na sabi niya sa akin.
"Bakit?" tanong ko tapos ay tumayo ako at saka lumabas sa office. "Ano'ng meron?"
Tatlong araw na simula nung doon ako naka-stay kay Achilles. So far, okay pa naman. Pero sana mag-adjust na iyong katawan ko dahil pakiramdam ko ay magkaka-constipation na ako dahil namamahay pa rin ako.
"Nakita ni Papa na kinukuha ko sa kwarto mo iyong gamit." Natigilan ako. "Kinuha sa akin. Kung gusto mo raw kunin iyong gamit mo e kunin mo sa kanya."
Napaawang iyong labi ko. Pero hindi na rin ako nabigla... 'Di naman ako tanga. Alam ko na hindi papayag si Papa na basta-basta na lang akong aalis sa bahay. Alam ko na one way or another, magkaka-problema ako dito.
"Okay," sabi ko. "Sorry din pala."
"Para san?"
"Basta."
"Okay..." sabi niya na para bang alam niya na agad kung ano ang tinutukoy ko. "Text mo lang ako kung anuman."
"Sige," sagot ko sa kanya. "Text-text na lang."
Pagbalik ko sa trabaho, pilit kong inalis muna sa isip ko iyong sinabi ni Mauve. Medyo malayo pa naman iyong start nung pasukan. Kailangan ko lang kasi makuha sa bahay iyong ibang mga gamit ko. Nandon iyong laptop, chargers, saka ibang mga gamit ko. Nakaka-survive pa ako ngayon kasi hindi ko pa sila kailangan, pero paano kapag nagstart na ulit iyong school?
Pero ayokong maapektuhan iyong trabaho ko ng kung anumang personal na problema ko. Mas lalo na ngayon. Kailangan ko 'to dahil wala na akong aasahan sa magulang ko. Ayoko ng umasa sa kanila.
Kaya ko 'to—hindi naman ako ang unang taong naglayas sa bahay.
After nung trabaho, bago umuwi sa unit ay dumaan muna ako sa supermarket. Nahihiya kasi talaga ako kay Achilles. Doon din ako bumili sa The Marketplace dahil iyon ang binibilhan niya.
Bumibili ako nung alam ko na kinakain niya—iyong salmon, steak, saka chicken breast. Pati na rin iyong ibang gulay niya. Pumikit na lang ako nung nagbabayad na sa cashier. Iniisip ko na lang na naka-tipid naman ako dahil 'di naman ako siguro sisingilin ni Achilles ng renta.
Pagdating ko sa condo, napaawang iyong labi ko nang makita ko na kakadating lang din ni Achilles. Nasa may kitchen island pa iyong paperbags nung mga pinamili niya.
"Naggrocery ka?" tanong niya sa akin.
I nodded. "Ikaw rin?"
Tumango rin siya. "Ano'ng binili mo? May kulang ba dito?" he asked.
Umiling ako. "Wala naman... Nakaka-hiya lang," sagot ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Nakaka-hiya ang alin?"
I just shrugged. Ayokong sabihin dahil alam ko naman na icocomfort na naman ako ni Achilles. As much as it felt nice to be comforted, hindi niya naman trabaho na laging pagaanin ang loob ko.
"I do grocery every Wednesdays," sabi niya sa akin nang ilagay ko rin sa kitchen island iyong mga pinamili ko. "Just text me kung may gusto kang ipa-bili."
Tumango ako. "Magkano budget mo sa grocery? Hati tayo."
"No, it's fine," I replied.
"Magkano nga?"
He looked at me. He probably saw na seryoso ako. Wala akong balak maging leech sa kanya. Alam ko malaki iyong sweldo niya kumpara sa akin, pero kahit na.
"Do you want to go 50-50?" Tumango ako kahit kinakabahan ako para sa wallet ko. "Okay."
Magbabaon na lang siguro ako ng lunch para maka-tipid. Panahon na siguro para matuto akong magluto ng hindi lang nilagang itlog at pancit canton.
"Let's do it in proportion instead," sabi niya bigla. Napa-tingin ako sa kanya. "Proportion to our respective salaries," dugtong niya. Nilabas niya iyong mga pinamili niya. Of course, may salad kit doon. "Saka na tayo mag 50-50 kapag pareho na tayo ng sweldo."
"E matagal pa 'yon."
He shrugged. "Fine by me." Hindi ako nagsalita. Tumingin siya sa akin. "Look, you feel guilty by not contributing. I feel guilty if I take your money. So, let's just do it in proportion."
I wrinkled my nose. "Fine," sabi ko sa kanya. "Pero malalaman mo kung magkano sweldo ko."
"Alam ko," sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Akala mo naman hindi ka government official. Malamang naka-publish 'yon."
"Tss. May pagka-stalker ka rin talaga."
"In your dreams," sagot niya tapos ay tinulungan ko na siyang maglagay nung mga pagkain sa cupboard.
Na-guilty pa rin ako kasi si Achilles pa rin iyong nagluto. I know hindi naman competition kung sino ang mas pagod sa aming dalawa, pero alam ko naman na mas pagod siya. Naka-upo lang naman ako maghapon sa office. Siya, kung saan-saan pumupunta tapos may kausap lagi na client. Hindi naman ako sanay magluto nung mga gusto niyang kainin. Bakit ba kasi 'di siya mahilig sa pancit canton? Specialty ko kaya 'yon.
"Kailangan mo ba ng sibuyas saka bawang?" I asked habang tumitingin siya sa ref kung ano ang pwede naming kainin doon.
Tumingin siya sa akin na naka-kunot ang noo. "What?"
"Kailangan mo ba sa iluluto mo? Ako na maghihiwa."
"May sakit ka ba?"
"Wala."
"Bakit biglang gusto mo maghiwa?" he asked. I merely shrugged. He closed the ref saka tumingin sa akin. "Look, you're not required to do anything. Hindi mo kailangang maglinis dito sa condo o kaya ay maghiwa ng sibuyas."
Naka-tingin lang ako sa kanya at nanatiling tahimik.
Achilles sighed. "Fine," he said. "Chop these," he continued tapos ay muling binuksan iyong ref tapos ay kumuha roon ng sibuyas at bawang at saka inabot sa akin.
I began chopping the garlic. Nakita ko na naka-tingin sa akin si Achilles. Mukhang na-stress siya sa paraan ng paghihiwa ko pero ngumiti lang siya sa akin tapos ay naglakad palayo. Akala ko ay pupunta siya sa kwarto para hindi makita iyong pagmurder ko roon sa bawang, pero bigla akong naka-rinig ng tugtog. Napa-tingin ako sa gawi niya. Naka-tayo siya sa may tabi nung vinyl player. He played some jazz song. Ang relaxing bigla.
I chopped and Achilles cooked. And then we ate. Ako na agad iyong nagvolunteer na linisin iyong lamesa saka hugasan iyong plato. Hindi na umangal si Achilles.
"Ano'ng papanoorin natin?" I asked nang matapos na ako sa paghuhugas ng mga plato. Naligo rin muna kasi siya habang nag-aayos ako.
"Can't tonight," he replied. "Have to prepare for a hearing tomorrow."
"Oh, okay," sagot ko.
"Next time."
"Okay lang," agad na sabi ko. "Dito ka ba magwowork?" tanong ko kasi hindi ko rin kabisado pa kung ano talaga iyong routine niya. Nung dito kasi ako tumatambay dati, lagi ko lang din kasama o kaya kausap si Achilles. Of course may personal routine talaga siya. Ayokong makaabala talaga.
He nodded. "Yes," he replied.
"Oh, okay. Sa kwarto na ako."
Tumango siya. "Sunod na lang ako mamaya."
"Okay," sagot ko. "Magtiktok muna ako."
Natawa siya. "Puro ka tiktok."
"Try mo kasi! Entertaining naman siya," sabi ko tapos umiling lang siya. Naglakad na ako papasok sa kwarto para bigyan siya ng silence at privacy dahil ayokong maabala iyong trabaho niya.
* * *
Days passed by quickly... and before I knew it, kailangan ko na talaga iyong laptop ko at ibang mga gamit ko dahil magsisimula na iyong first semester.
"You okay?" Achilles asked habang kumakain kami ng breakfast.
Totoo pala talaga na mas makikilala mo iyong tao kapag kasama mo na sa iisang bubong. Alam ko na malinis talaga si Achilles sa bahay. Ayaw niya ng kalat. Siya iyong tipo ng tao na clean as you go. Hindi rin siya kumakain pala ng breakfast. Nung una, sinubukan ko na sabayan siya sa coffee only breakfast niya, pero nanghina ako. Ngayon, basta kumakain ako ng rice sa umaga tapos siya ay kape lang.
Kapag din dinner, si Achilles iyong in charge sa pagluluto. Relaxing din daw kasi sa kanya 'yon at okay lang talaga sa kanya na siya ang nagluluto. In exchange, ako iyong in charge sa paghuhugas ng plato. Mga two weeks ang lumipas bago nagkalakas ng loob si Achilles na sabihin sa akin na hindi siya masaya sa paraan ng paghuhugas ko ng plato. Sabi niya sa akin, may mga naiiwan na kanin na naka-dikit. Aakalain mo na sasabihin niya sa akin na break na kami nung sinabi niya iyon. Sobrang seryoso ng mukha niya. Tapos nung nasabi niya na sa akin, para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
Overall, it was a lot of adjustment on both our sides—but more on my side kasi ayoko talaga na i-adjust ni Achilles iyong schedule niya para sa akin.
"Naka-enroll ka na?" sobrang casual na tanong sa akin ni Achilles. Pero kilala ko na talaga siya kaya alam ko na iyong pagka-casual nung tanong niya sa akin ay praktisado. Natatawa ako kapag naiisip ko na pina-practice niya kaya kung paano ako tatanungin?
"Kahapon," sagot ko sa kanya. "Nag-full payment ako. Sayang discount, e."
Bahagyang nanlaki iyong mga mata niya na para bang nabigla siya but at the same time, proud sa akin.
"Grabe," sabi ko. "May ipon naman ako."
"What? Wala naman akong sinabi."
"Itsura mo kasi—gulat na gulat ka."
Natawa siya. "Medyo," he replied.
"May ipon ako," I replied then he tried to pat my head. I squatted his hand away at muli siyang natawa. "Hirap nito ka-bonding. Walang bilib sa akin."
"Akala ko sa siopao napupunta lahat ng pera mo, e."
"For your information, isang buwan na akong hindi kumakain ng siopao."
"Really?" Tumango ako. "Good for you."
Sinamaan ko siya ng tingin at saka tinawanan niya lang ako... pero come to think of it, hindi na nga ako kumakain ng siopao saka cup noodles. Na-realize ko na kumakain lang talaga ako non lagi kasi ayokong lumabas ng kwarto at makita sila Mama. Pero ngayon? Hindi na ako nagtatago sa kwarto ko. Kumakain na ako ng normal na pagkain. On time na rin akong kumain. No more midnight snacks for me.
Grabe... changed person na ata ako.
"Do you have plans tomorrow?" tanong niya.
"Bakit?" I asked.
He shrugged. "Let's go somewhere. Bago magsimula iyong sem mo."
Napaawang iyong labi ko. Na-excite ako bigla kaya lang ay naalala ko na bukas ko nga pala kukunin iyong gamit ko... I tried to delay it as much as possible, pero kailangan ko na kasi talaga.
Sayang. Gusto ko pa namang umalis kasama si Achilles. Ngayon na kasama ko na siya sa bahay, na-realize ko kung gaano talaga siya ka-busy sa trabaho niya. Minsan hanggang madaling araw e may binabasa pa rin siya. Napa-hanga niya ako roon. Alam ko malaki sweldo niya, pero grabe din kasi iyong workload.
Kaya hindi ako nag-aaya sa kanya na gumala o kung anuman. Na-guilty din ako na pinapa-punta ko pa siya dati sa QC. E ang dami pala talaga niyang ginagawa.
"Okay," I replied. "Pero pwede mga hapon na?"
"May pupuntahan ka sa umaga?" he asked. I merely nodded. Of course napansin niya na may hindi ako sinasabi. He's a public defendant for a reason. He chose not to ask follow-up questions, though.
The next day, maaga akong umalis. Achilles told me good luck as if alam niya kung saan ako pupunta. I told him thanks because I'd really need it.
Mabuti na rin siguro na sa public place kami nagkita ni Papa. Naaalala ko pa rin iyong huling pag-uusap namin. Naririnig ko pa rin iyong sinabi niya sa akin.
"Kailan ka babalik?" agad na tanong niya pagka-upo na pagka-upo ko pa lang.
"Nasan na po 'yung laptop?" I asked. Kasi kung hindi niya ibibigay, kahit iyong files ko na lang doon. Bibili na lang ako ng bagong laptop gamit iyong savings ko.
"Kailan ka babalik?" he just asked again.
Huminga ako nang malalim. "Hindi niyo na po ba ibibigay iyong laptop?" tanong ko dahil iyon lang naman iyong habol ko. Ngayon lang ako nagsisi na wala akong iCloud.
Naghintay ako.
Hindi siya nagsalita.
"Okay po," sabi ko tapos ay nagpakawala ng malalim na paghinga. "Bibili na lang ako ng bago—"
"Talaga bang doon ka na titira?"
Tumingin ako sa kanya. Huminga nang malalim.
"Yes po," sagot ko. "Pero kung anuman problema mo sa 'kin, Pa, 'wag mo sanang idamay si Mauve."
Mabilis na umalis na ako dahil ayoko lang na magkaroon pa ng pagtataas ng boses. Maybe in time, matatanggap din ni Papa... O baka hindi. Ewan ko. Bahala na siya sa kung ano ang gusto niyang mangyari.
Umuwi na lang ako at saka umalis kami ni Achilles para magrelax bago magsimula iyong semester ko. Akala ko ayos na iyong lahat... hanggang maka-rinig ako ng balita tungkol sa disbarment case na na-file daw laban kay Achilles.
**
This story is already at Chapter 36 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top