Chapter 31
Chapter 31
Hindi ko alam kung saan ako pupunta na ang tanging dala ko lang ay iyong cellphone ko at iyong naka-ipit na isang libo sa likod nun in case na mayroong emergency.
Considered ba 'to na emergency?
Na hindi ako tanggap ng magulang ko?
Na mas gusto nilang magpanggap na lang kaming tatlo na walang nangyayari para lang walang gulo?
Diretso lang akong naglakad hanggang sa maka-labas ako ng subdivision namin. Tapos ay nanatili akong naka-tayo doon, nag-iisip kung saan ako pupunta.
Ayokong pumunta kay Achilles ngayon... Kasi alam ko na hindi ko kayang magsinungaling o magpanggap na ayos lang iyong lahat. Kapag nakita ko siya, sasabihin ko lahat ng nangyari sa bahay. Lahat siguro nung mga masasakit na salita na sinabi ni Papa... Iyong bawat galaw ni Mama na parang kutsilyo na sinasaksak sa dibdib ko.
Bakit ganon?
Mas masakit iyong kay Mama... Kasi tanggap ko iyong kay Papa. Kasi alam ko na na may masasakit na salita akong matatanggap kahit ano iyong gawin ko. Pero iyong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan siya? Ang sakit pala non. Mas masakit pala 'yon.
Kaya ayokong pumunta kay Achilles.
Kasi makikita niya na nasaktan ako.
Kasi baka sisihin niya iyong sarili niya sa bagay na wala naman siyang kasalanan.
Kailangan ko munang mapag-isa.
Gusto ko sanang lumayo, pero ang hirap pala kapag wala kang pera. Wala rin akong dalang sasakyan dahil galing kila Mama iyon. Wala akong kahit ano. Wala pa nga talaga akong napapatunayan... Totoo naman iyong sinabi ni Papa na naka-tira ako sa puder nila... Pero sapat ba 'yon para gawin nila akong robot na dapat na lang sundin lahat ng gusto nilang mangyari?
Bawal ba talaga maging masaya?
Naka-sakay ako sa jeep na 'di ko rin alam kung saan ako bababa nang makita ko na tumatawag si Mauve. Ayoko sanang sagutin dahil ayokong magsalita. Alam ko kasi na kapag pinag-usapan namin iyong nangyari ay baka maiyak ako sa galit at frustration kila Mama. Pero ayoko rin na mag-alala si Mauve sa akin.
Huminga ako nang malalim bago ko sagutin iyong tawag niya saka nagdasal na sana ay hindi ako mahablutan ng cellphone ngayon.
"Bakit?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na alam niya na may nangyari sa bahay. Baka sakaling hindi niya alam. Ayoko kasi talaga siyang idamay dito. Pinagdaanan niya na 'to dati. Ayoko lang siya bigyan ng take two.
"San ka?"
"Jeep."
"San papunta?" tanong niya. Alam na nga niya. Kasi kung usual lang 'to na usapan, alam ko na pipilosopohin niya ako.
"Di ko rin alam," sagot ko sa kanya.
"Ah..." sabi niya.
Tahimik lang akong naghintay sa susunod na sasabihin niya. Pero gusto ko na rin matapos iyong tawag. Ayoko kasi talagang makipag-usap ngayon. Gusto ko lang mapag-isa... pero parang hindi rin. Kasi kapag mag-isa ako, maiisip ko na naman iyong nangyari kanina.
Tapos malulungkot na naman ako.
"Message mo ko kung san ka matutuloy pumunta mamaya," sabi niya sa akin.
"Okay."
"Okay. Ingat," sagot niya bago ibaba iyong tawag. Kilala nga siguro talaga ako ni Mauve dahil alam niyang ayoko nung madramang usapan.
Itatago ko na sana iyong cellphone ko nang magvibrate ulit iyon.
'Nagsend ako pera sa gcash pambili ng kape.'
Natawa ako. Love language siguro ng mga tao sa paligid ko na bigyan ako ng pera kasi ganto rin si Achilles, e.
* * *
Hindi ko alam talaga kung saan ako pupunta. For some reason ay hindi ako nakakaramdam ng gutom. Pero ayoko rin na naka-upo lang ako. Nakarating ako sa UP Diliman. Palakad-lakad lang ako sa oval. Gusto ko rin sanang tumakbo kasabay nung mga nagja-jogging dito kaya lang ay wala akong running shoes. Kasalanan talaga 'to ni Achilles. Kung sinabi niya agad sa akin na kailangan ko ng running shoes, e 'di naka-bili sana ako agad.
"Mauro—"
Halos tumalon na ako sa pagka-gulat nung may tumawag sa pangalan ko at humawak sa balikat ko. Gabi na rin kasi. Kanina pa talaga ako naglalakad sa oval. Ang daming nangyari sa araw na 'to pero at least na-achieve ko iyong ten thousand steps.
"Bakit ka ba nanggugulat?" naka-angil na tanong ko sa kanya habang nasa may dibdib ko iyong kamay ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Kumunot iyong noo ni Achilles. "Tinawag ko lang pangalan mo."
"Kita na ngang seryoso akong naglalakad."
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Kailan pa naging seryoso ang paglalakad?"
"Basta," sabi ko na lang sa kanya. Tapos turn ko naman para kumunot ang noo. "Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Sinabi ng kapatid mo."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Si Mauve?"
Tumango siya. "May iba ka pa bang kapatid?"
Normally ay mapipikon ako sa mga ganitong sagutan ni Achilles (well, nakakapikon pa rin naman siya), pero at the same time, naaappreciate ko na ganito pa rin siya. Na nandyan lang siya. Na may nagbago pero at the same time, wala rin.
Ang gulo ko na.
"Wala siguro," sagot ko sa kanya. Kasi ang kapal naman ng mukha ng mga magulang ko na magalit sa amin ni Mauve tapos may anak sila sa labas?
Weirdo talaga ng mga religious na tao pero makasalanan din—feeling ba nila exempted sila?
Tumango lang si Achilles. "Gutom ka na?" he asked.
Umiling ako tapos parang ewan iyong tiyan ko kasi bigla siyang tumunog. Epal. 'Di naman talaga ako nagugutom. Mapagdesisyon iyong tiyan ko.
"San tayo pupunta?" tanong ko kay Achilles nung nasa sasakyan niya kami. Sabi ko sa kanya na wala ako sa mood magdinner. Sabi niya kung hindi daw ako nagugutom e panoorin ko na lang siyang kumain.
"Mall."
"Di ba pwede na sa condo mo na lang?"
"Tinatamad akong magluto," sagot niya sa akin.
Nakakapagod talaga 'tong araw na 'to dahil wala akong masagot na pamimilosopo sa kanya. Tawag muna ako ng ceasefire. Wala akong bala ngayon.
Doon kami sa Shangri La Plaza pumunta dahil siguro malapit na rin iyon sa condo niya. Naka-sunod lang ako habang naglalakad siya.
"San ka ba kakain?" tanong ko sa kanya kasi ilang resto na iyong nadadaanan namin pero wala pa siyang napipili. Alam ko naman choosy siya sa pagkain pero taena naman baka maka-one hundred thousand steps na ako ngayong araw dahil ilang beses ko ring naikot iyong oval.
"Sandali lang," sagot niya sa akin.
Bigla kaming huminto sa may Adidas. Tignan mo 'tong taong 'to. Ngayon pa ata magsshopping kung kailan mamamatay na ako sa dami ng nilakad ko.
Diretsong pumasok doon si Achilles. Sumunod lang ako sa kanya. Wala naman sigurong sinabi sa kanya si Mauve kasi kung may sinabi si Mauve, siguro naman ako na 'di pipiliin ni Achilles na mamili ng sapatos habang may existential crisis ako.
May kinuha na sapatos si Achilles sa may display tapos ay tumingin siya sa akin.
"Size mo?" he asked.
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"Shoe size," he replied. Naka-kunot pa rin ang noo ko. "Size 12 ka rin ba?"
Naka-tingin lang ako sa kanya habang naguguluhan. "Para sa 'kin ba 'yang hawak mo?"
Tumango siya tapos ay pinakita sa akin iyong sapatos. "Running shoes mo," he said. "Pwede na 'to pang-beginner. Baka kasi kagaya lang 'to nung sinabi mo na gusto mo mag-gym tapos after one session, pinagtaguan mo iyong trainer mo."
Naka-tingin lang ako sa kanya habang bahagyang naka-awang iyong mga labi ko.
"Sinabi sa 'yo ni Mauve?"
Bahagyang tumango si Achilles. "I'm sorry."
Umiling ako. "Wala ka namang kasalanan."
Naka-titig lang siya sa mga mata ko. "You know I'm just here, right?"
"Alam ko."
Pero ayoko ring iasa sa kanya lahat. Kasi 'di naman niya kasalanan na ganon sila Mama. 'Di naman niya ako pinilit na gustuhin siya. At the end of the day, choice ko naman 'tong lahat.
"Tell me whatever you need."
Ngumiti lang ako sa kanya. 'Di naman ganoon kakapal iyong mukha ko para isiksik iyong sarili ko sa condo niya. Saka hindi pa naman kami ganoon katagal. Ni wala pa nga kaming isang taon tapos doon na ako titira sa kanya?
Ayoko talagang maging pabigat kay Achilles.
Ayoko na isipin niya na imbes na pagaanin ko iyong buhay niya ay puro problema at stress lang ang dala ko sa kanya.
"Bibilhan mo nga ako ng running shoes?" tanong ko na lang para mabaling sa iba iyong usapan.
Tumango siya. "Since pasado lahat ng grades mo."
I scoffed. "Di lang pasado—matataas kaya grades ko."
Ngumiti lang siya sa akin pero alam ko na nag-aalala siya dahil kung nasa normal na pag-uusap kami, alam ko na tutuksuhin niya ako na ipakita sa kanya iyong grades ko sa mismong portal dahil hindi siya maniniwala na mataas iyong grades ko. Kasi hindi sapat iyong screenshot sa kanya at sasabihin niya na inedit ko 'yon sa photoshop.
"What if dalawang sapatos kasi mataas grade ko?" pagbibiro ko sa kanya.
Tumango siya. "Okay."
"Tatlong pairs? Mataas grades ko sa Obli."
"Okay."
Huminga ako nang malalim at saka humarap sa kanya. Mabuti na lang at nasa bandang dulo kami nung store kaya walang makaka-rinig sa amin.
"Wag nga kasi," sabi ko sa kanya.
"What?" he asked.
"Wag... ganito," sagot ko. "Wag mo akong tratuhin na parang kawawa."
Kasi ang sama sa pakiramdam.
Na alam ko naman na unfair iyong mundo, pero 'di ko naman akalain na sa magulang ko mismo manggagaling kasi 'di ba dapat kapag anak mo, mahal mo?
Kasi sabi nila may romantic love, may puppy love, at kung anu-anong love... pero sa anak mo raw mararamdaman iyong tinatawag na unconditional love.
Parang scam naman.
Naka-tingin si Achilles at ilang segundo siyang tahimik at parang iniisip nang mabuti kung ano ang sasabihin niya sa akin.
"Okay," sabi niya.
"Okay?"
Tumango siya. "Back to normal."
"Okay. Salamat."
"Wala na ring libre."
Napaawang iyong labi ko. "Grabe! E sa grades ko naman 'yon!"
He shrugged. "Expired na iyong offer."
"Ano 'yan? Obligation with a period?"
Natawa siya. "Naks. May natutunan sa Obli."
"Talaga," I said. "Kaya deserve ko ng running shoes."
Naka-tawa siya na naiiling sa akin. "Fine..."
Ngayon ko napa-tunayan na hindi talaga ganoon kakapal iyong mukha ko dahil iyong pinaka-murang running shoes iyong pina-bili ko sa kanya kahit na iyong gusto talaga niyang bilhin para sa akin e mahal.
Wala pala talaga akong future maging sugar baby.
Pagkatapos namin bumili ng sapatos ko ay naghanap kami ng restaurant na pwedeng kainan. Wala siyang mapili. Maarte kasi talaga siya. Sabi niya rin, mas masarap pa kasi siya magluto kaysa sa resto... Na totoo naman pero hindi ako nag-agree sa kanya kasi inflated na iyong ego niya as it is.
In the end, napadpad kaming dalawa sa marketplace.
"Cart talaga? Ayaw mo ng basket lang?"
"Cart," sagot niya.
"Madami ka bang bibilhin?"
Tumango siya. Ako iyong nagtutulak nung cart dahil mas marami naman siyang alam sa pamimili ng pagkain. Ako kasi ay taga-taste test lang talaga. Naka-sunod lang ako sa kanya habang naka-tingin siya sa mga shelves doon.
Ewan ko ba kung bakit naaamaze ako e namimili lang naman siya ng pagkain saka stocks sa kusina. Siguro kasi ang adult niyang tignan? Naggo-grocery siya ng pagkain niya... Samantalang ang pinaka-grocery ko na ay ang mamili doon sa ref ng 711 between sa microwaveable na giniling o lasagna.
Hindi lang siguro ako sa school dapat mag-excel... kailangan ko na ring magmature sa ibang aspeto ng buhay ko.
Nakaka-pressure namang mahalin 'tong taong 'to.
"Okay ka ba sa oat milk o ano'ng milk substitute ang gusto mo?" tanong niya habang may hawak siya na karton ng gatas.
Kumunot ang noo ko. "Bakit ako?"
Instead of answering, he just shrugged.
Tumingin lang din ako sa kanya.
Bakit kailangan ng opinyon ko sa gatas sa condo niya? Hindi naman ako doon naka-tira. Gusto kong itanong kung bakit pero... fuck, nakaka-hiya!
Kaya para lang kaming tangang dalawa doon na naka-tayo sa harap ng shelf ng mga gatas at naka-titig sa isa't-isa.
"Di mo naman ako kailangang kupkupin. 'Di naman ako papalayasin sa bahay namin," sabi ko sa kanya kahit sigurado ako na papalayasin ako ni Papa. Ayoko lang talagang maging abala kay Achilles. Ayokong maging source of stress niya. 'Di niya deserve.
"Kupkupin? Ano ka? Ligaw na pusa?"
Umirap ako. "Basta."
Tapos ay biglang binaling ni Achilles sa mga gatas sa harap namin iyong mga mata niya. Inabot niya isa-isa iyong iba-ibang gatas kaya may almond, soya, at pistachio milk sa cart. May ganon pala? Masaya na ako sa fresh cow's milk!
"You can always stay with me."
Kaswal niya lang na sinabi iyon habang balak niya talagang kunin ata lahat ng klase ng gatas dahil lang 'di ko sinabi sa kanya kung ano ang preferred kong gatas. Ano'ng klaseng tao ba 'to?
"Hindi mo naman ako problema," sabi ko sa kanya.
"I don't see you as a problem," sagot niya sa akin.
"Okay na ako sa fresh milk," sabi ko dahil maglalagay na rin siya ng rice milk sa cart at parang sobra na ata iyon.
"Oh, okay," sabi niya tapos ay isa-isang binalik iyong ibang gatas. Naka-tayo lang ako sa gilid habang pinapanood siya. Parang ang weird ko dahil ang seryoso ng usapan namin pero iyong utak ko ay naka-stuck sa thought na ang ganda ng braso niya habang binabalik niya iyong mga gatas.
Iba rin talaga mga priority ko sa buhay—magandang braso ni Achilles over kung may bahay pa ba akong uuwian.
Nang matapos na siya sa pagbabalik nung mga gatas ay tumingin siya sa akin.
"Can you promise me one thing?"
"Depende."
"Depende saan?"
I shrugged. "Basta."
"Saan nga?"
Nag-iwas ulit ako ng tingin. Ayoko talaga ng sobrang seryosong usapan. Tapos pota nasa supermarket pa kami. Kanina, sa Adidas, ngayon sa supermarket. Next na seryosong usapan namin ni Achilles e baka nasa Timezone na kami.
"Ayokong mag-impose."
"Do you seriously think that?" I shrugged instead of nodding. "Or have I made you feel like you're imposing?" he asked. "Because if I ever did, I was just teasing. You've never imposed on me. Everything I did, I did voluntarily."
Napaawang iyong labi ko dahil sa seryoso ng tono ng boses niya.
"Just promise me that whatever you decide to do, you'll remind yourself that I'm here and I'm never leaving," diretsong sabi niya habang naka-tingin sa mga mata ko. "You're not alone."
**
This story is already at Chapter 34 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top