Chapter 30
Chapter 30
Humingi ako ng pabor kay Assia na kung pwede ay sabihin niya na lang sa akin kapag kumpleto na iyong grades namin. Para akong masusuka tuwing nakaka-receive ako ng notification mula sa GC namin na lumabas na raw iyong ganitong grade. Kaya sinabi ko kay Assia na i-text niya na lang ako kapag kumpleto na. Para isang kaba na lang!
Bakit ba kasi hindi na lang isang bagsakan iyong grades? Ginawa pang installment—installment din tuloy iyong stress ko.
Gusto kong bumaba para maghanap ng makakain pero nandon kasi sila Mama. Ayoko muna silang makita. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob. Kasi kapag nakita ko na na maganda iyong mga grades ko, sasabihin ko na sa kanila iyong tungkol sa amin ni Achilles.
Na may boyfriend ako.
At na sana, kahit hindi na sila maging masaya para sa akin, kahit tanggapin na lang nila.
Pero para talagang mababaliw na ako rito sa kwarto mag-isa at naghihintay lang ng text ni Assia kung okay na ba iyong mga grades. Magse-search sana ako sa Google kung required ba iyong running shoes kung tatakbo ako. Bawal ba kapag AirForce?
GLOBE is calling...
Agad na gumaan iyong mood ko nang makita ko na tumawag sa akin si Achilles. Lumingon ako para ma-check kung naka-lock ba iyong pinto ko.
"May tanong ako," sabi ko nang sagutin ko iyong tawag niya.
"What is it?"
"Required ba na naka-running shoes kung tatakbo ako?"
"What?" tanong niya. "You do know that you ask the most random questions, right?"
Nagkibit-balikat ako. "Isesearch ko kasi dapat sa Google, pero ginulo mo ako," sabi ko sa kanya. Kahit wala siya sa harapan ko ay na-imagine ko na iyong itsura niya na umirap habang umiiling. Ganyan naman itsura niyan palagi kapag 'di siya sigurado kung ma-aamaze o maiinis siya sa akin, e.
"Kasalanan ko na naman," sabi niya.
"Lagi naman. Duh."
"Why? Tatakbo ka?" he asked.
"Oo sana."
"Are you sure?"
"Oo nga. Grabe naman 'to. Sanay naman akong tumakbo."
"Sure... but you get winded out kapag aakyat lang tayo sa hagdan."
Napaawang iyong labi ko. "The disrespect!"
"Totoo naman, 'di ba?"
"Tss. In my defense, working student ako. Saan ako hahanap ng panahon para mag-exercise?" sagot ko sa kanya tapos narinig ko iyong halakhak niya.
"Yeah, yeah, sure, whatever."
"Tss. Hater. Tapos ngayon na tinatanong kita kung pwede ba na walang running shoes, ayaw mo naman akong sagutin nang maayos."
"Hindi pa naman ako nakaka-sagot," he replied. "I merely asked for a clarificatory question first."
"Kasi parang hindi ka maka-paniwala na tatakbo ako."
"Well... can you blame me?" he asked. Na-imagine ko na agad iyong itsura niya. Bahagyang naka-tilt sa gilid iyong ulo niya at naka-tingin sa akin as if he was taunting me kasi alam niya na tama siya at once again, mali na naman ako.
Hirap talaga kapag boyfriend mo ayaw magpatalo, e. Ano kaya pakiramdam ng panalo ka minsan?
"Whatever. Makapaglakad na nga lang," sabi ko.
Natawa na naman siya. "Bakit gusto mong tumakbo?"
Napa-higa na naman ako sa kama. "Wala lang..." I replied. "Nabasa ko kasi na kapag tumatakbo ka, malilimutan mo iyong mga nasa isip mo."
"What do you want to forget?"
"Release ng grades."
"You'll be fine," he said.
"Thanks," sagot ko na lang. 'Di ko kasi sinabi sa kanya na sobrang importante nito sa akin hindi lang para sa transcript ko kung hindi para na rin kahit papaano e mabawasan iyong stress ko kapag sinabi ko kila Mama. Para hindi na rin nila maibato sa akin na nakaka-sira si Achilles ng buhay kasi hindi naman talaga. Oo, minsan nakaka-pikon siya pero iyon lang 'yon.
"Just go for a walk," sabi niya. "Then do some sprints in between. Nakaka-pagod tumakbo kapag hindi ka sanay."
"Hindi ba tatakbo lang naman ako? Sanay naman akong tumakbo."
"You can sprint," sagot niya sa akin. "Sprint is different from running an actual marathon."
"Di naman ako tatakbo sa marathon."
"Ano'ng takbo ba pinag-uusapan natin? Takbo mula sa bahay niyo papunta sa 711?"
"Napaka-hater mo talaga," sabi ko sa kanya kasi alam ko binu-bwisit niya na naman ako sa 711. Minsan kasi kinukulit niya ako na bawasan ko na raw pagkain ko ng siopao at cup noodles kasi hindi daw healthy. Alam ko naman... pero masarap kasi talaga.
Natawa na naman siya. "Just run if you want to run," sabi niya sa 'kin. "I'd say do a bit of stretching first, but we both know you won't listen to me."
"Kasi tatakbo lang naman ako."
"See?" sabi niya sa akin at alam ko na napa-iling na naman siya. "Call me when you pull a muscle."
Ang effective din pala na distraction nitong si AVM. Nawala sa isip ko iyong grades namin. Nawala na rin iyong actual na pagkakbo na nasa plano ko dahil magkausap lang kami habang sinasabihan niya ako kung ano iyong mga preparations na kailangan kong gawin kung gusto kong tumakbo. Grabe talaga 'tong taong 'to! Hindi ba pwede na tatakbo lang ako? May mga ganito pa siyang nalalaman.
"Shit," napa-sabi ako nang tumunog iyong phone ko. Naka-silent kasi iyon bukod sa notif sa text ni Assia.
"Your grades?" tanong ni Achilles na parang alam niya talaga kung ano ang tumatakbo sa utak ko.
"Oo," sagot ko. "Tignan ko muna. Tawagan kita mamaya."
"Okay," sabi niya sa akin. "Di nakaka-bawas ng pagkatao kung may bagsak."
"Gago ka talaga," sabi ko sa kanya tapos ay narinig ko na naman iyong tawa niya.
"Just kidding," he replied. "I'm sure you passed your subjects."
"Sana nga," sabi ko bago ko putulin iyong tawag. Huminga muna ako nang malalim. Naka-pikit iyong mga mata ko at nagsabi ako kay God na Siya na ang bahala sa mga grades ko. Basta ginawa ko naman iyong best ko... pero kasi medyo wala talagang kwenta iyong recit ko nung simula nung sem. Totoo naman kasi na nag-effort lang ako sa grades ko nung nakilala ko si Achilles. Ewan ko ba.
"Okay. Bahala na," sabi ko sa sarili ko.
Pumunta na ako sa portal nung school namin. Buti na lang at naka-remember na iyong e-mail at password ko dahil bahagyang nanginginig iyong mga daliri ko. Para din akong masusuka habang pinapanood ko na magload iyong page.
'Please, walang bagsak! Kahit iyon na lang!' bulong ko sa utak ko habang pinapa-nood iyong loading nung page kasabay ng pagmura sa utak ko dahil bakit ang bagal ng Internet sa Pinas.
Nagsign of the cross pa ako ulit bago nagscroll down. Una kong nakita iyong grades ko nung first sem... Okay naman sila. Walang bagsak pero hindi rin mataas. Hindi na ako nagulat dahil pre-Achilles, masaya naman na talaga ako sa ganoong grades. Basta pasado, ayos na 'yon.
Tapos ay nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko iyong grades ko nung second sem.
Holy shit!
Ganito ba kapag nag-effort?!
Hindi ko alam kung mababa lang ba talaga iyong standards ko para sa sarili ko, pero line of 8 ako sa Crim, Consti, at Obli! Nasa low line of 8 lang pero kahit na! Sanay ako sa line of 7 basta pasado.
Fuck.
Nagscreenshot agad ako sa grades ko kasi baka biglang namali lang sila ng type. Tapos ay sumilip na ako finally sa class GC namin... At nabigla ako dahil ang daming nagrereklamo sa grades namin sa Obli at Crim.
Luh...
Ganito ba ang feeling ng honor student?
Ang saya pala?
* * *
Nagmessage ako kay Achilles na pasado lahat ng grades ko. Tapos ay nag-ipon ng lakas ng loob dahil sasabihin ko na talaga kila Mama. Mabuti na lang din at wala si Mauve ngayon. Alam ko na gusto niyang maging supportive sa akin pero ayoko na siyang idamay dito... Wala man siyang sinasabi sa akin, pero alam ko na may kaunting trauma pa rin siya sa nangyari dati. Ayoko lang dalhin ulit siya sa sitwasyon na 'yon.
Bumaba ako at nakita ko sila Mama sa may dining room. Naka-upo na si Papa at nagbabasa ng dyaryo. Si Mama ay nag-aayos ng lamesa.
"Tamang-tama. Kakain na ng lunch," sabi ni Mama nang makita ako.
Napa-tingin si Papa sa akin habang hawak pa rin iyong dyaryo. Napansin niya siguro na may iba sa mukha ko. Kaba. Iyon iyong nasa mukha ko.
"Lumabas na po iyong grades ko," panimula ko. Naka-tingin lang sila sa akin at naghihintay. Muli akong huminga nang malalim. "Pasado po lahat."
Papa gave me a small nod of approval. Mama smiled and clapped her hands together.
"Praise be to God!" sabi niya.
"Mas mataas po iyong grades ko nung second sem," dugtong ko.
Nakita ko iyong pagtigil ni Papa sa pagbabasa. Ewan ko kung nasa utak ko lang ba iyon... o naramdaman ko na alam niya kung ano ang mga susunod na lalabas sa bibig ko.
Because he ought to know.
Dahil kahit 'di ko man sinasabi, hindi ko naman din tinatago.
He ought to know that it was just a matter of time before I finally say the words out loud.
"Ma, Pa," I began. Biglang tumayo si Papa sa kinauupuan niya. "Pa—"
"May kukunin lang ako sa kwarto," sagot niya sa akin bago nagsimulang humakbang.
"May sasabihin muna ako," sabi ko sa kanya.
Muli siyang humakbang.
"May boy—"
At agad akong natigilan nang makita ko kung paano kusang ibinagsak ni Mama iyong plato sa sahig. Na para bang gagawin niya lahat ng paraan para gumawa ng ingay para lang hindi ko sabihin iyong sasabihin ko.
Napa-luhod si Mama sa sahig para pulutin iyong mga basag na parte nung plato. Isa-isa niyang pinulot iyon.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para sa sarili ko... Kung matatawa ba ako o maaawa... Kung magagalit ba ako o mapapagod...
Kasi alam nila.
Alam nilang dalawa.
Pero mas gusto ata nila na magpanggap na lang kaming tatlo na walang ibang nangyayari.
"Mama—"
Umiling siya habang mabilis na pinupulot iyong basag na plato. Kita ko na nasugatan siya roon, pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. "Kung hindi ka gutom, umakyat ka na sa kwarto mo."
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak.
Naaawa na ata ako sa sarili ko.
Kasi mali pala na ako iyong naghanap ng lakas ng loob para magsalita—dapat pala ay sila iyong naghanap ng lakas ng loob para makinig.
"Ma—"
Pero agad akong natigilan at nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko nang kuhanin niya iyong baso at ihagis iyon papunta sa pader para lang matigilan ako sa pagsasalita. May tumalsik na isang piraso ng bubog. Nakaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko.
"Dadalhan na lang kita ng pagkain mamaya, Mauro," sabi ni Mama. Rinig ko iyong pagmamakaawa sa boses niya na tumigil na ako.
Tumingin ako sa kanya, sa kanila ni Papa.
Umiling ako.
Tama na.
Ayoko na nung ganito.
Na nandito kami sa bahay... walang away na nagaganap... tahimik lang... pero ano iyong kapalit?
Na araw-araw akong nasasakal?
Na araw-araw silang nagpapanggap?
"Mama, may boyfriend ako. Achilles iyong pangalan niya. Mabait siya. May magandang trabaho. Masaya ako."
Ang gandang balita sana.
Na may nagpapasaya sa akin.
Pero bakit ganon? Maganda naman iyong sinasabi ko pero patuloy lang iyong luha sa mga mata ko na para bang kasalanan iyong sinasabi ko sa kanila?
Para na rin akong pinatay ni Mama nang maglakad siya paalis na para bang kung pwede lang ay tatakbuhan niya kung sino ako at sino iyong gusto ko.
"Mama," pagtawag ko habang naglalakad siya palayo. Tumingin ako kay Papa. "Pa—"
Umiling siya sa akin. "Naguguluhan ka lang, Mauro. Bata ka pa."
"Hindi na ako bata—"
"You don't know what you are talking about."
"Bakit? Ilang taon ba dapat bago malaman kung ano 'yung pagmamahal—"
Mabilis siyang umiling. "Tigilan mo na 'yan."
"Bakit, Pa? Ano ba'ng masama dito?"
"Hindi 'yan tama."
"Alin? Na may mahal ako?"
"Ang lalaki ay para lang sa babae. Tandaan mo 'yan."
Natawa ako habang patuloy lang iyong pagtulo ng luha ko. Para akong nakikipag-usap sa pader. Bakit ko ba sinusubukan kahit alam ko na ganito ang magiging reaksyon nila? Kasi ganito rin kay Mauve... Pero siguro kasi dati, hindi nila alam. Nabigla sila. Kaya wala silang choice kung hindi ang makinig.
Pero iyong sa akin?
Alam nila.
Kaya alam din nila kung paano iwasan.
"Kahit sa batas, alam mo na hindi pwede ang babae sa lalaki."
"Unfair naman ang batas, Pa. Alam mo 'yan—out of all people, alam mo na may kinikilingan ang batas."
Kita ko iyong pagpipigil ni Papa sa akin. "Tantanan mo na 'yang taong 'yan, Mauro."
Umiling ako. "No."
"No?"
"No, Papa," sabi ko sa kanya. "Hindi na ako bata. Hindi ako humihingi ng pahintulot niyo. Sinasabi ko sa inyo kasi napapagod na akong magtago—"
"Hanggang nasa pamamahay kita, susunod ka sa sinasabi ko!"
Natawa ako habang pinupunasan iyong luha ko. "Are you being serious?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita.
Pero bakas ko sa mukha niya na hindi kami magkaka-intindihan.
"Fine," sabi ko sa kanya. "Sana hindi na lang kayo nag-anak kung hindi niyo rin naman pala kayang tanggapin kung magiging ano kami paglaki namin."
**
This story is already at Chapter 33 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top