Chapter 29
Chapter 29
"Morning..." sagot ko nang tumawag si Achilles sa akin.
Halos wala akong tulog. Huling araw na ng finals ngayon. Swerte na ata ako kung maka-kuha ako ng apat na oras na tulog. Kaya hindi na rin ako nakipagtalo pa kay Papa nang sabihin niya sa akin na ihahatid at susunduin niya ako sa school after ng exam ko, e. Pakiramdam ko rin kasi na kung ako ang magda-drive ay mababangga ako. Makaka-tulog talaga ako habang hawak iyong manibela.
Ganon ako ka-pagod.
Pero ayos lang. Mas gusto kong makulangan ng tulog kaysa magkaroon ng bagsak na grade. Alam ko kasi agad kung ano ang sasabihin ni Papa.
Na kasalanan ni Achilles.
Lahat siguro ng maling mangyayari sa buhay ko ay isisisi niya kay Achilles.
Kaya naman napagdesisyunan ko na mag-aaral ako nang mabuti. Buong college life ko, yolo lang ako. Sakto lang na aral, ganon. Kasi hindi ko naman talaga goal na maging summa cum laude. Siguro iyong ibang estudyante, ganon iyong gusto. Ako? Trip ko lang maka-graduate. Magkaroon ng magandang trabaho para maka-alis na ako sa bahay.
Pero ngayon? Kailangan ko ng magandang grades. Kailangan ko na wala akong bagsak. Kumbaga, anything less than perfect was not allowed. Medyo nakaka-sakal din... na ang daming requirement bigla sa buhay ko.
'Di siguro talaga pwede iyong masaya lang.
"Hanggang 9:30 exam mo mamaya, right?"
"Yup," sagot ko habang naka-pikit pa rin ang mga mata.
"May lakad ka kasama block mo?"
"Hindi ko sure," sabi ko sa kanya. "Pero baka 'di rin ako sumama kasi gusto kong matulog na."
Gusto kong makita si Achilles... pero gusto ko ring matulog. 'Di kaya pwede na sa condo niya na lang ako pero matutulog lang talaga ako? Grabe na 'tong pagod ko! Kung tatanungin ako kung pagkain o tulog, mas pipiliin ko na matulog. Bahala na iyong gutom. Siya na mag-adjust sa antok ko.
"Ah..."
Natawa ako kahit ang sakit ng ulo ko sa antok. "Sorry. Alam kong miss na miss mo na ako."
Natawa rin siya. "Naghahallucinate ka na."
"I hear no denial."
Ngayon ko lang talaga napatunayan na kapag lagi kayong magkasama o kaya magka-usap ng isang tao, talagang nakukuha mo na iyong way of speaking o kaya naman ay mannerisms niya... Minsan kasi talaga ay nahuhuli ko iyong sarili ko na gumagamit nung mga phrases ni Achilles.
"Ayaw mo sa condo ko? Kahit matulog ka lang."
Natawa ako tapos ay napa-hawak sa sentido ko dahil sumakit na naman iyong ulo ko. "Ganyan mo na ako ka-miss?" tukso ko sa kanya. Halos two weeks na rin kaming hindi nagkikita. Naka-kulong lang ako lagi sa kwarto ko at nag-aaral. Tinukso nga ako ni Mauve na nagbago na raw ako. Hindi na raw ako patapon na tao. Gago talaga 'yon.
"Di naman."
"E 'di 'wag."
"Magpapa-pilit ka ba?" tanong niya sa akin. Siguro talagang kilala ko na siya dahil na-imagine ko na kung ano iyong itsura niya habang sinasabi niya 'yan. Diretsong naka-tingin siya sa akin habang naka-tilt sa gilid nang kaunti iyong ulo niya. Naka-pasok din sa mga bulsa ng pantalon niya iyong dalawang kamay niya.
Ano ba 'yan...
Miss ko na nga ata.
"Hindi," sabi ko na natawa. "Sige, pero uuwi ako ng mga 4AM."
"Deal," sagot niya. "Sunduin kita?"
"Wag na," sabi ko.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Naramdaman ko na naman iyong guilt. Alam ko na hindi naman ako pinipilit ni Achilles na sabihin na sa mga magulang ko... pero alam ko rin naman na hindi maganda sa pakiramdam na tinatago ka.
Na wala naman siyang ginagawang masama, pero galit iyong mga magulang ko sa kanya.
Kaya nga nag-aaral ako nang mabuti... kasi kailangan ko ng mataas na grades. Mas mataas kaysa nung first sem. Kasi gusto ko na kapag sinabi ko sa kanila iyong tungkol sa amin ni Achilles, kapag sinabi nila na guguluhin niya lang ako sa pag-aaral, gusto ko na masasabi ko sa kanila na mas tumaas iyong grades ko nang makilala ko siya.
Kasi gusto ko lang naman maging masaya.
Pero bakit lagi akong naka-defense mode sa mismong pamilya ko?
"Okay," sabi niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. "Do you want any food? O talagang matutulog ka lang dito?"
"Hmm... Alam mo iyong smash burgers? Kaya mong gumawa non?"
"I have no idea what you're talking about, but sure."
Natawa ako. "Okay. Thank you."
"You got it," sabi niya.
Then my alarm reminded me that it's time to really wake up and begin reviewing yet again.
"Have to go," I said, groaning as I was forcing myself to stand up dahil alam ko na kung hindi ko pipilitin ang sarili ko na tumayo, hindi ako makakapag-aral.
Last push na. Matatapos 'din 'tong lecheng sem na 'to.
* * *
"Susunduin ulit kita mamaya," sabi ni Papa nang ihatid niya ako sa school. Tumango na lang ako kahit ang balak ko talaga ay sabihin mamaya na sasama ako sa block ko. Magseselfie na lang kami ni Assia. 'Di naman magagalit 'yon. Alam niya naman. Saka siya lang ang kilala ni Papa na kaibigan ko sa school. Kilala niya rin si Niko pero ewan ko ba... sinabihan ako na lumayo raw ako doon. Hindi na ako nagtanong dahil marami na akong iniisip at ayoko ng dagdagan pa.
Saka judgmental naman 'yang si Papa. Malay ko ba na may problema lang talaga siya sa pamilya ni Niko tapos ay nadamay lang si Niko talaga.
Dumiretso na ako sa classroom. Ramdam ko iyong kaba naming lahat. Consti 2 iyong huling exam namin. Ewan ko ba sa subject na 'to. Okay naman siya kapag inaaral ko... pero kapag exam? Parang tinatakasan ako ng lahat ng inaral ko.
"Assia," sabi ko nang hindi na siya nagbabasa. Ayoko kasing mang-istorbo kung busy siya.
"Bakit?" tanong niya habang naka-tingin sa 'kin.
"Ano... kung may matanda mang maghanap sa akin mamaya," sabi ko sa kanya tapos ay tumango agad siya. "Thank you."
Ngumiti lang siya sa akin. "Enjoy kayo mamaya ni Atty. Marroquin."
"Achilles nga. 'Di mo naman siya teacher," sabi ko kasi minsan ay tinuturuan kami ni Achilles sa Obli. In fairness naman talaga sa kanya ay magaling siyang magturo. Kapag kasama pa namin si Assia ay may pa flashcards pa si gago. Pa-bibo talaga sa kaibigan ko, e.
Umiling si Assia. "Nakaka-hiya."
Tapos ay nakita ko na naman na masama ang tingin sa akin ni Vito. Mukhang tanga talaga 'yon. Pakiramdam ko talaga ay nagseselos siya sa akin kay Assia. 'Di ko lang masabi sa kanya na 'di ko naman type si Assia. Masyadong mabait. Gusto ko ay iyong may pagka-pilosopo na masarap tampalin iyong bibig minsan saka iyong nakaka-ubos ng pasensya.
Ewan ko ba—gusto ko iyong pinipikon talaga ako.
"Lord, kayo na po ang bahala. Nag-aral naman po ako," mahinang bulong ko nang makuha ko na iyong exam booklet at saka iyong questionnaire.
Naka-ilang hinga ako nang malalim habang nag-eexam. Nagsagot ako to the best of my abilities. May mga tanong na hindi ko talaga alam iyong sagot, pero nagsagot ako at inilaban ko pa rin iyon. Basta naman daw may logical reason, sabi ni Achilles. Basta ilaban ko lang daw.
Nang maipasa ko iyong questionnaire ko, dumiretso muna ako sa chapel. Nagdadasal naman ako... Naniniwala naman ako sa Diyos. 'Di lang talaga ako pala-simba.
Pakiramdam ko ay okay lang naman 'yon—regularly namang updated si God sa mga ganap sa buhay ko.
Nang maka-labas ako sa chapel ay kinuha ko iyong cellphone ko. Nakita ko na nagtext si Papa sa akin na nasa labas na raw siya ng school. Grabe. Naka-bantay talaga. Buti na lang at naka-off iyong read receipt ko sa kanya. Sasabihin ko na lang na 'di ko nabasa iyong text niya at na nasa kung saan mang inuman na ako.
Bahala siya d'yan.
Imbes na sa main gate ay doon ako sa may likurang gate dumaan. Para akong pugante kahit pupunta lang naman ako sa condo ng ka-something ko.
Shet talaga—pagod na akong sabihin na ka-something ko si Achilles! Once talaga na masabi ko na kay Papa, kailangan na naming mag-usap ni Achilles kung ano ba talaga ang balak niya sa buhay. Pero ayoko rin kasi na ako ang magbring-up.
Gawa na lang kaya ako ng Google Form tapos answer siya doon ng yes or no?
Tsk.
Bakit ako pa magtatanong kung ano ba kami? Para namang hindi siya iyong unang nagka-gusto sa akin.
Sumakay na ako sa Grab nung dumating iyon. Gustuhin ko mang mag-Angkas para maka-tipid, wala naman akong balak mahulog dahil antok na talaga ako.
Pagdating ko sa condo niya ay para akong gago na naglalakad ng mabilis papasok. Ewan ko ba!
"San burger ko?" sabi ko nang pagbuksan ako ng pinto ni Achilles. Tangina... ilang linggo ko lang hindi siya nakita pero para bang na-shock na naman ako sa kung gaano siya ka-gwapo sa personal. Kasi alam mo 'yon? Alam ko naman na gwapo siya. Alam ko itsura niya. Pero iba pa rin sa personal na nakikita ko siya, nahahawakan, naamoy.
'Di niya talaga dapat malaman na patay na patay ako sa kanya—alam kong 'di niya ako titigilan kaka-tukso.
Imbes na sagutin ako sa napaka-importanteng tanong ko ay bigla niya akong niyakap. Yakap lang naman iyon pero napaawang iyong labi ko sa gulat. Kasi... kasi para bang sa yakap lang na iyon, ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako na-miss.
Grabe...
Dalawang linggo lang iyon pero parang habang-buhay iyong tagal.
"Gumawa rin ako ng fries," sabi niya habang yakap ako.
Natawa ako at saka niyakap siya pabalik. "From scratch?" He nodded. "Grabe... Ikaw talaga ang personal chef ko."
He took a stepback habang yakap pa rin ako. Isinara niya iyong pinto. He broke the hug and cupped my face. Naka-tingin lang siya sa mga mata ko at hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit ramdam ko iyong pamumula ng buong mukha ko.
"Ano?" sabi ko na bahagyang naiilang dahil sa paraan ng pagtingin niya.
"Bakasyon mo na, noh?"
Tumango ako. "Yup. Two months." Tumango din siya. "Bakit?" tanong ko nung hindi siya nagsalita.
Umiling lang siya. "Nothing," he replied, instead.
Siguro nga kilala ko na siya.
Gusto niyang itanong kung may free time ba ako. Na kung pwede ba kaming mag-out of town o kung anuman na normal na ginagawa ng dalawang taong may gusto sa isa't-isa at gustong maging magkasama.
Gusto kong sabihin sa kanya na kailangan ko lang hintayin na lumabas iyong grades... Tapos ay sasabihin ko na kay Papa. Na kung magalit man siya sa akin ay bahala na. Basta ayoko ng magtago.
Ayoko na nung nagtatago ako na masaya ako.
Na iyong bahay namin ay imbes na maging pahingahan ay para akong preso.
"Gutom na ako," sabi ko na lang sa kanya dahil ayoko na siyang ma-stress pa sa grades ko kasi alam ko na iniisip niya na malaki ang chance na mababa iyong grades ko. I mean... 'di ko naman siya masisisi. Medyo patapon naman talaga ako nung una niya akong makilala. Lately lang naman nagkaroon ng direksyon iyong buhay ko.
* * *
Ewan ko kung biased lang ba ako, pero ito na ata iyong pinaka-masarap na burger na nakain ko sa buong buhay ko. Sabi ni Achilles ay sinunod lang daw naman niya iyong recipe na nakita niya sa Youtube. May mga tao talaga siguro na talented... Kasi sigurado ako na kung ako iyong nagluto non, kahit sususod naman ako to the best of my ability sa recipe, for some reason ay maglalasang sinigang 'tong burger.
Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nasa couch lang kami. May kung anumang palabas sa Netflix pero nag-uusap lang kami ni Achilles.
"May plano ka sa bakasyon?" tanong ko sa kanya.
"Wala akong sembreak."
Natawa ako. "Ay, oo nga pala. Gurang ka na nga pala."
Nakita ko na napa-irap siya tapos ay uminom nung wine. Ang weird minsan kapag naiisip ko kung gaano kami magkaibang dalawa. Siya ay model student habang ako ay bahala na si batman. Tapos PAO lawyer siya habang sigurado ako na 'di ko kaya iyong litigation kagaya niya. Financially stable siya habang ako ay minsan hindi sigurado kung afford ko ba ang siopao. Tapos health conscious siya samantalang ako ay nabubuhay sa cup-noodles.
Poles apart nga pala kami... but weirdly, we work.
"Tingin mo ba sa 30 years old ay magdidisintegrate na kami?"
Natawa ako. "Grabe, hindi naman. Pero pakiramdam ko ay sumasakit na ang mga buto-buto niyo."
Umirap na naman siya. "I'll remind you kapag 30 years old ka na rin—how you used to think that 30 means your one foot is in the grave."
"Tingin mo nag-uusap pa rin tayo kapag 30 na ako?"
He shrugged. "Why not?"
"Malay ko."
"Why? Do you think na 'di na tayo nag-uusap kapag 30 ka na?"
"Ewan."
"Why?" he asked, his tone more serious now.
"Wala lang."
"Why?"
Inabot ko rin iyong wine glass. Ramdam na ramdam ko iyong tingin niya sa akin at sa bawat galaw ko.
"Kasi..." I said and it was like I saw him holding his breath with my every word. Gusto ko pa sanang bagalan para ma-stress siya kaso changed person na ata talaga ako... Ayoko na nase-stress si Achilles sa akin.
"Kasi ilang buwan na rin tayong ganito," sabi ko tapos napa-hinto kasi para akong tinamaan ng hiya bigla. Inistraight ko tuloy iyong wine. "Alam mo 'yon? Landian lang pero walang label?"
Pota.
Pwede bang tumakbo na lang ako palabas ng condo niya kasi parang gusto ko na lang maglaho. Bakit ba nagsabi lang naman ako na kailangan ko ng label pero ang pakiramdam ko ay nagmamakaawa ako sa kanya?
It literally felt like I was on my hands and knees begging.
"What?" he asked.
Naka-tingin lang ako sa TV. Ah, Forensic Files pala iyong pinapanood namin.
"Thoughts lang naman," sagot ko habang naka-tingin sa TV.
"What label?" he asked.
"Wala lang 'yon. Random thoughts lang."
"No," he said. "You said na hindi na tayo mag-uusap kapag 30 ka na dahil landian lang na walang label," he continued. "Can you elaborate?"
"No."
"Mauro."
"Ayoko nga," sabi ko tapos napa-tingin ako sa kanya nang patayan niya ako ng TV. "Ang bastos."
Umirap na naman siya. Sarap tusukin ng mga mata.
"Come on," he said. "What label?" he asked.
Hindi pa rin ako nagsalita. Pota naman 'to. Ang hirap na nga sa akin na sabihin iyong kanina tapos gusto niya pa akong mag-elaborate ngayon? What if saksakin niya na lang ako?
"I'm not really updated with the modern slangs," sabi niya at napa-kunot iyong noo ko dahil ang seryoso ng boses niya. "I'm always swamped with work. I only read updates on jurisprudence. I don't really use social media. I don't really know what this label you're talking about is... but whatever it is, I'll give it to you."
Pota.
'Di ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa sa kanya kasi parang stressed na stressed na siya at hindi niya alam kung ano ba iyong label na sinasabi ko. Ito ba iyong sinasabi nila na mahirap makipagdate kapag nasa magkaibang stage kayo ng buhay niyo? Dahil ako ay estudyanteng maraming time sa social media habang siya ay working professional na hindi nagsosocial media?
Minsan ang hirap intindihin ni Achilles, pero sa kanya lang ako willing ma-stress nang ganito.
"Fine," sabi ko. Naka-tingin siya sa akin na parang nag-aabang talaga sa mga susunod na salitang sasabihin ko. "Penge muna ulit ng wine," I continued and he was about to refill my glass when he realized na ubos na iyong laman non.
"Pwede bang mamaya na?" he asked.
Umiling ako. "Wine muna."
Natawa ako dahil labag na labag sa loob niya na tumayo mula sa couch at pumunta sa kusina niya para kumuha ng wine doon sa wine rack niya. I watched as he grabbed the corkscrew. He looked so serious with his forehead a bit creased.
"Label as in boyfriend ba kita? Boyfriend mo ba ako?"
Napa-tingin siya sa akin habang hawak niya pa rin iyong wine. Kumunot ang noo niya.
"Oh, that."
"Yes, that."
"Iyon 'yung label?" Tumango ako. "Okay. Boyfriend mo ako at boyfriend kita."
Napaawang iyong labi ko. "Yon na 'yon?"
He nodded. "Yeah... But I'm sensing that you're disappointed."
Ano nga ba ang ineexpect ko?
Na may flowers and balloons?
Parang hindi naman.
Tapos ay napa-tingin ako kay Achilles—this guy literally went to Subic just because I jokingly asked him to. The guy who made powerpoint presentations para lang turuan ako kahit ang dami-dami niya ng ginagawa sa trabaho niya. The guy who sent me food nung akala niya ay wala akong kasama sa bahay at walang magluluto para sa akin. The guy who fucking braved the Metro Manila traffic just to see me for a few minutes.
Yeah... I wasn't disappointed.
I'd rather have all these on normal days than to have one big gesture once a year. Kasi madali lang naman 'yon. Madali lang namang magplano ng enggrande once a year.
But to be consistent on normal days?
That's different.
That's the fucking goal.
To have someone who'd treat you like you're the prize when there's no special occasion calling for it.
Kaya naman tumingin ako sa kanya at umiling.
"No, I'm not," I said as I stood up and walked towards him. "Boyfriend na kita," dugtong ko bago siya hinalikan at sinulit iyong mga oras bago kailanganin ko ng umuwi.
**
This story is already at Chapter 32 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top