Chapter 24

Chapter 24

Doon ako nagpa-lipas ng gabi sa hotel room ni Atty. Marroquin. Sabi ko sa sarili ko na aalis na lang ako nang maaga para maka-balik sa kwarto ko bago magising si Papa... kaso parang ayokong umalis doon. Mas gusto ko siya kasama, e. Wala naman kaming ginawa. Nag-uusap lang kami tapos bigla siyang naka-tulog siguro sa sobrang pagod kasi nagdrive pa siya dito galing Manila. Nakaka-tawa iyong itsura niya na kahit naka-pikit na siya ay sinusubukan niya pa rin akong kausapin hanggang sa maging gibberish na iyong mga salita niya.

Hanggang sa naka-tulog na rin ako.

"Shit!" malakas na sabi ko tapos napa-tikom ako ng bibig nang makita ko si Atty. Marroquin na mahimbing pa rin na natutulog kahit 9AM na. Pagod siguro talaga siya kasi usually ay morning person naman siya.

Gusto kong umalis na agad. Magpapanggap na lang ako na naglakad-lakad sa paligid. Hindi naman siguro magdududa si Papa... Kung alam man niya iyong sa amin ni Atty. Marroquin, 'di naman siguro niya iisipin na pinuntahan din ako dito.

"Atty. Marroquin," sabi ko habang mahinang tinatapik iyong mukha niya. Ayoko naman siyang bigla na lang iwan dito.

"Hmm..." sagot niya habang naka-pikit pa rin iyong mga mata. Ang peaceful niya tignan kapag natutulog siya. Parang ang bait-bait na walang ka-pilosopohan sa katawan. Tsk. Looks can be deceiving talaga!

"Alis na ko."

Dinilat niya iyong mga mata niya. Ang pungay tignan. Ang gwapo talaga ng pesteng 'to.

"Ano'ng oras na ba?"

"Past 9AM."

Napa-upo siya. Gulu-gulo pa iyong buhok niya. Kinusot niya iyong mga mata niya. Naka-suot siya ng white shirt saka boxers. Apparently, may overnight bag siya kaya kahit biglaan iyong punta niya rito ay prepared siya. Sana kagaya niya rin ako. Kasi kung ako siya, maliligo na lang siguro ako sa pabango.

"Oh, okay," sabi niya tapos ay naghikab pa. "Kailangan mo na ba umalis? O pwede magkape muna ako?"

"May free breakfast naman ata 'tong hotel mo."

"Yeah, but I mean, I wanna have coffee first before I drive you back."

Umiling ako. "Hindi na."

Tumingin siya sa akin. Tahimik lang siya tapos ay tumango siya. Siguro alam niya. To some extent, alam niya siguro. Hindi pa namin napapag-usapan iyong mga seryosong bagay. Alam ko sa sarili ko na ayokong pag-usapan. Hindi ko alam sa kanya kung ayaw niya rin bang pag-usapan o baka ramdam niya na ayaw kong pag-usapan.

Either way, we'd still have to discuss it.

He's my home.

He's my escape.

I didn't want any lies between us—sapat na iyong marami akong tinatago sa bahay. Ayoko na pati sa kanya ay kailangan kong magsinungaling.

"Okay," he said instead.

Hindi ko alam gagawin. Nawe-weirduhan ako kung hahalikan ko ba siya o yayakapin. So I settled with patting his head. Nabigla siya sandali tapos natawa.

"Magche-checkout ka na ba mamaya?" I asked kasi baka gusto niya na bukas na lang ng maaga umalis since nag-effort pa siya magdrive papunta dito.

He nodded. "May trabaho bukas," he replied.

"Workaholic."

"Sue me, I actually enjoy my job."

Umirap ako. "Wala naman akong sinabing hindi," sabi ko sa kanya. "Ano'ng gagawin mo ngayon?"

He shrugged. "Swimming kung may pool."

Tsk. Parang gusto ko rin magswimming kasama siya. Ano kaya pakiramdam non?

"Kung wala?"

He shrugged again. "Order room service. Watch a movie."

"Tss."

Natawa siya. "Alis ka na para makapagsimula na ako ng bakasyon ko," sabi niya habang pabiro na tinutulak ako paalis sa kama. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako umalis talaga sa room niya. 'Di na siya nagsabi na ihahatid niya ako sa labas. Ewan ko. Baka alam niya na nga rin. Baka alam na ng lahat sa paligid ko pero wala lang may gusto magsabi.

* * *

Medyo nagsisi ako habang naglalakad ako pabalik sa hotel. Dahil sa sobrang paranoid ko ay ang layo tuloy ng nilakad ko. Mabilis lang naman siya kapag sasakyan pero ang layo din pala kapag nilakad! Sakto na pa-tanghali na kaya pawis na pawis na ako nang makarating ako pabalik.

"San ka galing?" tanong ni Papa nang makita niya ako sa lobby. Halos mapa-talon ako sa gulat.

"Naglakad-lakad lang," sagot ko dahil kanina ko pa pina-practice 'yan in case na makita ko siya.

"Saan?"

"Sa labas," I replied. "Balik muna ako sa room. Ang init," mabilis na sabi ko tapos ay naglakad din ako paalis dahil gusto ko na talagang maligo dahil ang init-init.

Umorder muna ako ng room service habang naliligo since hindi ko na inabutan iyong breakfast buffet. Ginaya ko lang si Atty. Marroquin na manonood ng movie habang may room service. Gusto ko rin sana maligo sa pool kaso baka may maka-salubong pa ako. Bigla ko naalala si Angeline. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa akin pa nagka-crush?

In the middle of enjoying my food and watching Godzilla, naka-rinig ako ng katok. Alam ko na agad na si Papa iyon dahil naglagay ako ng Do Not Disturb sign sa harap ng pinto.

"May kailangan ka?" tanong ko nang makita ko si Angeline na naka-tayo sa labas ng pinto ko.

She was smiling at me. "Sabi ni Tito, nagpa-iwan ka raw."

I nodded. "Yeah. Bakit?"

She shrugged while she's still smiling. "Sabi ni Tito, baka gusto mo raw sumama sa akin. Magka-café hopping ako habang naghihintay matapos iyong seminar nila."

Mukha namang mabait si Angeline. Unfair din naman na sa kanya ko ibunton iyong inis ko sa tatay ko. Hindi niya naman siguro alam iyong dahilan kaya ako binubugaw ng tatay ko.

"No, thanks," I replied politely but sternly. "May ginagawa din ako."

I quickly shut the door at her face. I mean, no offense, but I had no time nor energy to deal with her. Besides, kung totoo man na may crush talaga siya sa akin, mas mabuti pa na ngayon pa lang e ma-realize niya na wala siyang mapapala sa akin. At least 'di masasayang oras niya.

Saka taken na ako—kahit so far ay masaya pa lang ang status naming dalawa.

Sinubukan ko na manood lang ulit pero may parte talaga sa akin na naiinis kay Papa. Kasi talagang dinala niya pa ako dito sa Subic para lang ipakilala si Angeline. 'Di ba niya naisip na ito lang pahinga ko bago magsimula iyong finals? O kaya na mas kailangan ko ng oras para mag-advance study? Mas mahalaga pa sa kanya 'to.

Nakaka-disappoint na nakaka-galit.

Agad akong umalis sa hotel. Naglakad ulit ako papunt sa hotel ni Atty. Marroquin. Nagtext ako sa kanya pero hindi siya sumasagot. Pakiramdam ko ay nasa pool area siya. Nakita ata ako nung receptionist na galing din ako dito kanina kaya pinayagan niya akong dumiretso sa pool area kahit 'di naman ako guest ng hotel.

And... holy shit.

Nawala agad iyong inis ko nang makita ko si Atty. Marroquin. Naka-talikod siya mula sa akin. Naka-patong iyong dalawang magkabilang braso niya sa may dulo ng pool. Naka-tayo lang siya doon na para bang may malalim na iniisip.

Fuck.

Ang ganda kahit iyong likod pa lang niya.

Mabuti na lang at walang tao dito sa pool area dahil alam ko na ang creepy ko tignan dahil ilang segundo na ako na naka-tingin lang sa kanya.

"Kanina ka pa d'yan?" sabi niya sa akin nang lumingon siya. He looked like he was about to take a swim, pero natigilan siya nang mapansin niya ako na naka-tayo malapit sa lounger niya.

I shrugged, casually putting my hands inside the pockets of my shorts na para bang hindi ako naka-tingin lang sa kanya kanina.

"Kaka-dating ko lang."

"Libre ka ngayon?"

Tumango ako. Bahala si Papa d'yan. Kahit iwan niya na ako dito. O kaya maghintay siya bumalik ako sa hotel.

"Buti may pool," I said instead.

He nodded. "Gusto mong magswimming?"

"Wala akong dalang damit."

"You can just wear your boxers. Tayong dalawa lang naman dito."

It was off-season. Sobrang konti nga lang ng guest sa hotel na 'to. Malamang kami lang din dito sa pool.

"Fine," I said as I removed my shirt. Sisimulan ko na sana i-unbutton iyong sa shorts ko nang makita ko na naka-tingin sa akin si Atty. Marroquin at naka-ngiti. "Wag ka nga."

Tumawa siya. "Fine, fine," he replied tapos ay tumalikod siya at nagsimulang lumangoy.

Tinupi ko nang maayos iyong damit ko at ipinatong iyon sa lounger niya. Bumaba na ako sa pool. Fuck, ang sarap nga magswimming ngayon! Masaya din sana magbeach kaya lang next time na lang.

"Marunong ka lumangoy?" tanong niya sa akin nang maka-balik siya. He combed his wet hair using his fingers. Tumutulo pa iyong butil ng tubig mula sa buhok niya pababa sa mukha niya.

Taena talaga ng taong 'to.

Bakit ang gwapo nito?

"Depende."

"Depende saan?"

"Kung may humahabol sa akin," sagot ko.

"Sino naman hahabol sa 'yo?"

I shrugged. "Sharks."

Napaawang iyong labi niya. "Sharks?"

I nodded. "Kung hinahabol ako ng pating, magically magkaka-swimming skills ako."

Iyong mukha niya ay hindi alam kung matatawa siya o ano. "Do you seriously think you can outswim a shark?"

I shrugged. "No... but I can try."

"Really?" sabi niya sa akin. Sumandal siya at saka pinagkrus iyong mga braso niya. Taenang biceps 'yan. Pwede bang bumalik na kami sa hotel room niya? "Pakiramdam ko ikaw iyong tao na kapag naka-encounter ng pating, tatanggapin mo na lang na hanggang doon na lang ang buhay mo."

"Excuse me?"

"I'm saying na mukha kang walang survival instincts."

"Kung magkaka-apocalypse, pakiramdam ko ako ang last man standing."

"Sige nga—zombie apocalypse. Paano ka magsusurvive?"

"Depends. Ano'ng klaseng zombie ba? Iyong mabibilis o iyong mababagal?"

"Importante ba 'yon?"

"Syempre. Iyong isa, kayang kaya ko takbuhan palayo."

"E 'di mabilis na zombie."

"Okay... Next question, nakaka-kita ba sila? O nakaka-rinig ba sila? Mabilis lang ba sila tumakbo o kaya rin ba nila umakyat?"

We spent the next hour just arguing kung sino sa aming dalawa ang makaka-survive sa apocalypse. Ang yabang-yabang nito e hindi rin naman pala siya marunong gumawa ng apoy! In his defense daw, may mga posporo at lighter naman. Worse comes to worst, fast learner naman daw siya. Pagkikiskisin lang naman daw iyong mga kahoy.

After magbabad sa pool ay bumalik na kami sa kwarto niya.

"Mau," sabi niya habang naka-tayo lang ako roon sa may gilid kasi ayoko mabasa iyong mini-couch. Mamaya ko na huhubarin iyong basa kong boxers pagpasok niya sa CR.

"Ano?" sabi ko kasi nilalamig ako.

"Gusto mo sabay na tayo maligo?"

Napa-tingin ako sa kanya at saka nanlaki ang mga mata. Nakita ko na natawa siya. Pakshet na 'to—pinagti-tripan na naman ako!

"Okay," sabi ko bigla kasi lagi niya na lang akong pinagti-tripan. Nakita ko na nanlaki iyong mga mata niya sa gulat. Naglakad ako papasok sa CR. Nilalamig na rin kasi talaga ako!

Pagpasok ko ay agad akong tumayo sa ilalim ng shower. Binuksan ko iyong tubig. Ang sarap talaga ng hot shower!

Pakiramdam ko ay hindi naman susunod si Atty. Marroquin kasi malakas lang mambwisit 'yon. Saka malakas lang mang-asar. Kahit naman nung first kiss namin, ang bagal-bagal! Ako pa tuloy nanghalik! Kahit kapag nanonood kami ng Netflix basta naka-hawak lang siya sa akin. Para tuloy ako iyong excited.

Nanlaki iyong mga mata ko nang bigla ko siyang maramdaman na naka-tayo sa likuran ko.

"Mamaya ka na. 'Di tayo kasya dito," sabi ko kasi pota, dalawang 6 footer ba naman kami e hindi naman malaki iyong CR dito kagaya sa condo niya.

"Hotel room ko kaya 'to," sabi niya tapos inaabot iyong sabon o shampoo ata.

"E nauna na ako."

"Sabi ko sabay, 'di ba?"

"Di nga tayo kasya."

"Kapag may gusto, may paraan," sabi niya tapos nagsimula siyang magshampoo. Hayop na 'to. Kahit may bula sa tuktok ng ulo, ang gwapo pa rin!

"E ano ba'ng gusto mo?" sabi ko habang diretsong naka-tingin sa kanya.

Rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hot water or talagang naiinitan ako. Tangina kasi ng lalaking 'to—bakit ang gwapo niya talaga? I mean, it's one thing na matalino siya pero ang gwapo niya rin?! Saka iyong ugali niya at saka kung paano niya dalhin iyong sarili niya. Mas lalo na kapag seryoso siya sa trabaho niya.

Ang hot pota.

Imbes na magsalita, humakbang siya palapit sa akin.

"Madami, pero ito muna," sabi niya bago ko mabilis na naramdaman iyong labi niya sa akin.

Fuck, yes.

Naka-sandal ako sa glass wall nung CR habang naka-tukod sa magkabilang gilid ng ulo ko iyong mga kamay niya. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin iyong mga kamay ko. Alam ko kung saan ko sila gustong dalhin pero hindi ko alam kung paano ko dadalhin doon. Hindi rin ako maka-concentrate kasi tangina, ang galing talaga humalik ng taong 'to! Hanggang ngayon 'di ko pa rin natatanong kung ilan na naging boyfriend/girlfriend niya.

Pero hindi importante 'yon ngayon.

Fuck.

Finally ay nailagay ko iyong kamay ko sa may may tiyan niya. Tangina nito. Sa dami ng trabaho niya ay nagagawa pang mag-exercise. Wala siya nung defined na abs, pero ang tigas nung sa may tiyan niya. Nakaka-hiya kasi feeling ko malambot iyong tiyan ko. Makapag-exercise na nga rin. Ayoko na sa amin siya iyong hot tapos ako iyong mabait.

"Shit, sorry!" sabi ko nung makagat ko iyong ibabang labi niya. Kanina pa kasi ako nagcoconcentrate kasi iyong kamay ko may ibang gustong puntahan.

Napa-hawak siya doon. May kaunting dugo pero mabilis din iyong nawala dahil sa agos ng tubig. Pero hindi ko rin pansin dahil sobrang foggy na ng buong CR mula sa steam nung mainit na tubig.

"No, it's fine. Let's carry on," he said and then just like that, he was back to kissing me again.

He was kissing my lips.

And then my neck.

And then he was back to kissing my lips and tasting every inch of my mouth with his tongue.

'Bahala na nga,' sabi ko nang tuluyan kong ibaba pa iyong kamay ko. Naramdaman ko na natigilan siya sa paghalik niya sa akin.

"Sorry—" sabi ko dahil baka hindi pa pwedeng gawin. Ewan ko. First time ko lang!

"No, it's fine," he said as he placed a hand on top of mine and steadied it in place. "What do you want to do?" he asked, his voice very low... and fuck, sexy.

"Hindi... ko alam."

"Okay."

"Pero... pwede ba?" I asked, hoping that he knew what I meant.

"Yes," he replied. "Can I?" he asked.

I looked at him and saw that his eyes were mirroring the exact same expression as mine. "Yes," I replied breathlessly.

He guided my hand inside his shorts. I felt him gasping as I held him. Napa-sandal iyong ulo niya sa balikat ko. I didn't know how to do it to someone else... so I just held him like how I liked to do it to myself.

I thought I could just watch him, listen to him, pero agad na napa-tigil ako sa paghinga nang maramdaman kong abutin niya rin ako.

"Atty. Marroquin—" sabi ko na nanlaki ang mga mata.

"Achilles," he replied, correcting me. "Please don't call me Atty. Marroquin while I am holding you in my hand."

"Sanay kasi ako—" sabi ko at saka hinigpitan niya ang hawak doon na dahilan kung bakit napaawang iyong labi ko sa gulat. Tangina talaga nito!

"Then sanayin mo iyong sarili mo na tawagin akong Achilles," he said while he was slowly stroking me at parang nag-evaporate na lahat ng thoughts sa utak ko kasabay ng steam sa CR na 'to. 

**

This story is already at Chapter 27 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top