Chapter 21
Chapter 21
Nanlaki iyong mga mata ko.
Fuck.
Gusto kong... umoo? Pero...
"I'm kidding," sabi niya bigla tapos ay ginulo iyong buhok ko. Naka-tawa iyong mukha niya, pero hindi ko alam kung seryoso ba siya na niloloko lang ako o baka nakita niya iyong panic sa pagmumukha ko. Kasi gusto ko naman... yata? Pero nasa labas kasi kami.
Bigla ko lang naisip iyong sinabi ni Mauve na one way or another, malalaman naman talaga nila Papa...
Pero ewan...
Masama ba kung gusto ko na patagalin hanggang hindi pa nila alam?
Kasi kilala ko sila. Nakita ko na kung ano iyong mangyayari. Gusto ko lang i-pause hanggang maaari. Hindi naman siguro masama 'yon.
"Gago ka talaga," sabi ko na lang dahil ayoko na ring pag-usapan pa namin iyon. Ayoko lang dumating sa punto na kailangan kong ipaliwanag sa kanya iyong sa pamilya ko at kung gaano kasama iyong magiging reaksyon nila kapag nalaman nila kung sino iyong taong gusto ok.
Kaya kung pwede lang, sana masaya muna kami.
"I was just teasing," sabi niya.
"Sige, sabi mo, e."
"Alam ko naman na 'di ka papayag," sabi niya sa akin. "Dalagang Pilipina ka kaya."
Sinamaan ko siya ng tingin. "So, sa ating dalawa, ako iyong babae?"
"No, we can be both guys," he replied. Naka-kunot pa rin iyong noo ko sa kanya. Ito na ata ang default na itsura ko kapag kausap ko iyong taong 'to. "But sure, for argument's sake, ikaw iyong laging may topak saka nagtatampo... so, maybe, if there are roles to be played, ikaw iyong babae."
"Sexist."
"Saka ikaw iyong pa-baby."
"Kapal ng mukha mo. Kailan ako nagpa-baby sa 'yo?"
"Kapag lagi ka nagpapa-rinig na gusto mo ng pagkain o kaya gusto mo na puntahan kita o kaya—"
"Excuse me! We've established na kusa mong ginagawa iyon. Hindi kita pinilit."
He nodded. "I didn't say that I was forced," he said. "In fact, I liked doing those things for you," diretso niyang sabi at saka sobrang casual na para bang wala lang ang mga bagay na 'yon.
Hayop talaga 'to—may master's degree na talaga sa kalandian.
"Anyway, my point was, most times, you act like a baby," sabi niya tapos sinamaan ko siya ng tingin. "But it's fine since I want you to be my baby."
Against my will, ramdam ko iyong pamumula ng dulo ng tenga ko dahil sa mga kalandian na sinasabi nitong kasama ko. Mabuti na lang at gabi na kaya hindi niya na nakikita iyong epekto ng mga sinasabi niya sa akin. Pakiramdam ko kasi kapag nakita niya kung gaano ako namumula ay mas hindi niya ako titigilan. May pagka-epal kasi 'tong isang 'to.
"Dami mong alam."
Humalakhak siya. "Of course," he replied.
"Ilibre mo na lang ako ng pagkain tutal gusto mo namang maging tiga-pag-alaga ko."
"Baka gusto mo ng kunin iyong credit card ko," he said sarcastically.
"Bakit? Ibibigay mo ba kapag hiningi ko?"
"Hindi," he replied. Tumingin ako sa kanya at saka kinunutan siya ng noo. "That's boyfriend privilege."
"Really."
He gave a small nod. "Really."
"So, ano pala tayo ngayon? Textmates?"
He shrugged. "I already told you what I want," he said. "But I'm considering what you want as well. So, we're taking whatever pace you're comfortable with."
Bigla akong natahimik. Ang hirap naman nito. Kasi... syempre gusto ko rin naman pero alam mo 'yon? Parang ang unfair kasi na parang siya e all in tapos ako e parang laging naka-tingin sa paligid dahil pakiramdam ko ay may makaka-kita sa amin na kakilala ni Papa tapos isusumbong ako.
Ganito ba ang pakiramdam ng nasa loob ng bahay ni kuya?
"So, if you want to be 'friends' for a while, I'm good with it," sabi niya saka gumamit nung air quotes sa salitang friend.
"Parang 'di naman seryoso 'yang 'friend' mo," sagot ko tapos gumamit din ng air quote.
Natawa siya. "No, it's fine," he replied. "I told you already—I am not going anywhere."
Napa-tingin ako sa kanya. "Okay."
"Okay."
We walked in silence for a few minutes hanggang sa maka-rating kami sa Area 2. Naghanap kami ng makakain. Sabi ni Atty. Marroquin sa akin, okay lang naman na kahit ano pero alam ko na sinasabi niya lang 'yon. Choosy kaya 'to sa pagkain.
"Gusto mo sa condo mo na lang?" I asked habang naka-tingin siya sa menu na puro tapsilog. Feeling ko kakain naman siya kung pipilitin ko, pero for a change, gusto kong maging considerate sa kanya.
"Paglulutuin mo na naman ako?" he asked.
I shrugged. "Pwede rin naman na ako ang magluto."
Tumingin siya sa akin tapos bahagyang kumunot iyong noo niya. "I don't think so."
Napaawang ang labi ko. "Judger," I replied. "Marunong kaya akong magluto."
"Really? Do tell."
Sinamaan ko siya ng tingin at saka isa-isang sinabi iyong mga kaya kong lutuin. Ang sama talaga ng ugali nito dahil sinabi niya na puro prito lang naman daw iyon saka sigurado siya na sa air fryer ko ginagawa iyon. Hindi daw iyon counted.
Kung may isa akong hater, si Atty. Marroquin iyon.
Kung wala na akong hater, patay na siya.
Hindi ko namalayan na naka-balik na pala kami sa sasakyan niya. Mabuti na lang din at Sunday kaya wala masyadong traffic. I mean, not the usual traffic kapag weekdays at mas lalo na kapag Saturday.
Pagdating namin sa condo niya, naggagaguhan pa rin kami. Hindi talaga kami nauubusan ng pagtatalunan ng taong 'to. Kaya niya kasi akong pikunin palagi.
"Any requests, Your Highness?" sabi niya habang naka-tayo sa harap ng ref at saka tinitignan iyong laman non. Lumapit ako sa kanya at saka sumilip. Nalito ako kung ref niya ba iyon o ref ng Healthy Options.
"Pasta, pwede?"
"Any pasta?"
"Yes."
"You got it," he replied tapos ay may kinuha siya na mga ingredients doon na para bang alam niya na kung ano ang gagawin niya.
Naupo lang ako roon sa may stool sa may kitchen island niya habang una niyang binoil iyong pasta.
"Nag-aral ka ba ng culinary o mahilig ka lang magluto?" tanong ko sa kanya.
"Took a culinary course," sabi niya.
"Nerd."
"Correction—a nerd who can cook."
Napa-irap na lang ako sa yabang ng taong 'to. "Kailan ka nagtake ng culinary?"
"After I took the BAR," sagot niya sa akin. "I was drowning in work, but I was also tired of eating take outs."
"Kaya naisipan mo na dagdagan pa iyong ginagawa mo?"
He shrugged. "It's therapeutic."
"Feeling ko ikaw iyong tao na hobby rin maglinis."
"It's not really a hobby," sagot niya. "Ayoko lang sa makalat. Hindi ako makapagtrabaho kapag makalat sa paligid ko."
"Bakit naman?"
He shrugged. "Distracting."
"Kailangan sobrang linis ba?"
"Not really," he replied. "Besides, I live alone. I clean after myself. It's not that hard."
I gave a slow nod. "Paano kapag may kasama ka na sa condo?"
Napa-tingin siya sa akin. "Nagpapa-rinig ka ba na gusto mong tumira dito?"
Nanlaki iyong mga mata ko at saka nagpanic dahil baka akala niya ay nagpapa-rinig ako na gusto kong mag-move-in. Ni hindi pa nga kami! Nakaka-hiya!
"Hindi, ah!" sabi ko na parang mali dahil ang tunog defensive masyado. "Was genuinely wondering," agad na dugtong ko.
He nodded and then went back to dicing habang kita ko na may maliit na ngisi sa labi niya. "I mean, I hope you're not a slob."
"Bakit ako?"
"Why not?"
Hindi ako tumingin sa kanya dahil alam ko na mamumula na naman hindi lang iyong tenga ko kundi ang buong pagmumukha ko dahil sa kalandian ng taong 'to. Wala talaga siyang preno.
"Kung meron man akong papayagan na tumira dito, ikaw lang 'yon."
Kumuha ako ng wine glass at saka inabot iyong wine. "Dami mong alam," sabi ko tapos ay sa hindi malaman na dahilan, hindi na-shoot nang maayos iyong wine sa may glass kaya bahagya iyong natambak sa lamesa at saka may kaunti sa damit ko.
"Shit, shit," nagpapanic na sabi ko dahil puti pa naman iyong suot ko kaya kitang-kita iyon. Sinubukan kong punasan iyon ng tissue pero hindi natatanggal.
Napa-tingin ako kay Atty. Marroquin nang bigla niya akong abutan ng t-shirt. Ang bilis naman nito kumuha ng damit!
"Magpalit ka muna," sabi niya sa akin. "Aayusin ko 'yung damit mo."
"Matatanggal pa ba 'to?" I asked, a bit worried kasi mahal pa naman iyong damit ko. Buti sana kung normal na t-shirt lang. Bigay ni Mama iyon sa 'kin. Tumango siya. I sighed in relief. "Okay."
Mabilis kong tinanggal iyong suot ko na polo. Nang natanggal ko na iyon ay inabot ko kay Atty. Marroquin. Naka-tingin lang siya sa akin habang bahagyang naka-kunot iyong noo niya.
"Ano—"
"Fuck being friends," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko.
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.
Iyong paraan ng pagtitig niya sa akin ay naging dahilan kung bakit biglang naririnig ko na naman iyong tibok ng dibdib ko.
Tangina... tapos naka-hubad pa ako ngayon?!
Tapos kaming dalawa lang dito at walang ibang makaka-kita?!
Naka-tingin lang din ako sa kanya.
Naghihintay sa susunod na gagawin niya.
Wala pa akong nahahalikang tao kasi hindi ko naman kino-consider iyong classmate ko nung Grade 6 na hinalikan ako nung natapat kami sa spin the bottle. Labag sa loob ko iyon saka smack lang naman 'yon. Hindi iyon considered.
Pero iyong ngayon?
Tangina.
Bakit hindi pa siya gumagalaw?!
Para akong gago na nagbibilang ng bawat segundo sa utak ko at saka pinapa-nood iyong bawat paggalaw niya, paggalaw ng mga mata niya, ultimo paghinga niya.
"Tangina, ang bagal," I uttered under my breath bago ko siya hinatak papa-lapit sa akin at saka hinalikan.
Ito... ito iyong counted na halik.
Hindi ko alam kung ano iyong gagawin. I mean, alam ko naman kung paano dahil naka-nood naman ako nito sa mga palabas. Pero iba pa rin kapag ikaw na iyong gagawa.
Shit.
Paano ba 'to?!
Siya naman iyong mas malandi sa aming dalawa kaya hindi ba pwede na siya na iyong maging leader?! Ako na nga nagsimula!
Nang halos sampung segundo na iyong lumipas na hindi pa rin siya gumagalaw at para lang kaming tuod na magka-dikit ang labi, umatras ako pero ni hindi pa ako nakaka-layo ay mabilis niya akong hinatak pabalik at saka muling hinalikan... but this time, hawak-hawak na ng dalawang kamay niya iyong magkabila kong pisngi.
And... holy fuck.
Matagal na akong nagtataka kung bakit sinasabi nila na masarap daw kapag hinahalikan ka. Kasi paano 'yon? May lasa ba? Depende ba kung may suot na chapstick iyong hinahalikan mo tapos may flavor? Ganon ba?
Ang dami kong tanong...
Pero fuck.
Ang sarap nga.
Hindi ko alam kung dahil masarap lang talaga na hinahalikan ka o baka kasi dahil dito sa lalaking humahalik sa akin? Hindi lang ata sa kalandian may Master's degree ang isang 'to kung hindi sa paghalik din.
Tangina, ilan na ba nahalikan nito?!
Tignan mo, umiinit na naman ang ulo ko!
"What?" tanong niya nang ilagay ko iyong dalawang kamay ko sa may dibdib niya at saka itulak siya palayo. Naka-tingin sa akin si Atty. Marroquin at kahit wala pa naman kaming iniinom na wine ay parang lasing iyong mga mata niya.
"Bakit ang galing mo?"
Kumunot iyong noo niya. "What?"
"Ilan?"
"Ha?"
"More than 10?"
"I have no idea what you're talking about," sabi niya at saka nilagay iyong mga kamay niya sa magkabilang gilid ko kaya para akong trapped sa pagitan niya. Lumapit siya sa akin lalo kaya naka-tayo na siya sa pagitan ng mga binti ko.
"Ilan na naging boyfriend mo? Girlfriend?"
Naka-kunot pa rin iyong noo niya. Bigla niyang ipinatong iyong kanang kamay sa binti ko kaya biglang nawala iyong train of thoughts ko at doon lang napunta iyong atensyon ko. Naka-patong lang naman iyong kamay niya pero tangina bakit ang init sa condo niya kahit bukas naman iyong aircon?!
"I'll answer that, but can we talk about that later?" sabi niya at para akong na-hypnotize dahil sa pagtingin niya at saka sa boses niya dahil alam ko na kahit gusto kong malaman iyong sagot sa tanong ko ay napa-tango na lang ako.
What the fuck?
Halik pa lang 'to, pero nauuto na ako nang ganito?!
"Good," he said and then he was cupping my face yet again. "Let's go back to business," he continued before closing the distance and once again, I felt his lips electrifying mine.
**
This story is already at Chapter 24 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top