Chapter 20
Chapter 20
Pakiramdam ko ay hindi ako matutunawan sa kinain namin ngayong lunch. Hindi naman nagsalita sina Mama at Papa pero iba iyong tingin nila sa amin ni Mauve. Pero si Mauve ay mukhang immuned na dahil ang saya-saya niyang kumakain habang ako e hindi mapakali.
Alam na ba nila?
Pero kung alam na nila, bakit hindi nila sinasabi?
Ano ba'ng balak nila?
Hindi na talaga natapos ang problema ko. Pagkatapos ng midterms, ito naman ngayon. Simula talaga nung pumasok ako sa law school ay tuluy-tuloy lang ang problema ko.
"San kayo pupunta?" tanong ni Papa nang sinabi ni Mauve na may pupuntahan siya at isasama daw niya ako.
"May bibilhin lang ako," sagot ni Mauve.
Bahagyang tumango si Papa. "Bakit kasama si Mauro?"
Mauve shrugged. "Wala lang," she replied. "Una na kayo. Uwi agad kami after."
Hindi na nakapagsalita pa sila Papa dahil umalis na agad si Mauve at hatak-hatak ako. Alam ko na may sasabihin pa si Papa, pero hindi niya na nasabi pa dahil kay Mauve. Iba talaga ang nagagawa ng guilty conscience na kahit taon na ang lumipas, ramdam na ramdam ko pa rin iyong awkwardness ni Papa kay Mauve. Kaya alam ko na kapag nalaman niya na at pinag-usapan namin, magbabago talaga lahat.
Bakit ba kasi issue pa 'yon?
Bakit hindi na lang gawing love is love ang motto?
"San tayo pupunta?" tanong ko kay Mauve dahil pagod pa talaga ako sa midterms at excited na ako na matulog buong araw tapos ang gagawin ko lang pagka-gising ko ay maghanap ng makakain at papanoorin sa Netflix.
Kaya ayoko rin maging total hypocrite. Ayoko sa stance nila Mama kay Mauve... pero at the same time, alam ko na kung ano man ang meron ako, dahil sa kanila 'yon.
Hirap maipit sa gitna.
Parang kahit ano ang gawin ko, may matatamaan ako.
"Manonood ako ng movie," sabi niya.
"Ikaw lang? Bakit kasama ako? Paghihintayin mo ako sa labas? Kapal ng mukha mo," sabi ko sa kanya. E 'di sana sumabay na ako kila Mama pauwi. Matutulog na lang ako sa sasakyan tapos diretso sa kwarto ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Si Tanga naman," sabi niya dahil iyan ang nickname niya sa akin talaga. "Malamang para makita mo si Achilles. Tapos meet na lang tayo bago umuwi para sabay tayo."
Kumunot ang noo ko. "Bakit ikaw nagdedecide na magkikita kami?"
"Di 'wag. Pwede rin naman pumunta na lang tayo sa bookstore."
"Tss. 'Di ko alam kung free iyong tao," sabi ko sa kanya. Mamaya masabihan na naman ako ni Atty. Marroquin na busy din naman siyang tao at hindi sa akin umiikot ang mundo niya. May pagka-makapal ang mukha din kasi ang isang 'yon.
"Itanong mo kasi," sabi ni Mauve. "Alam mo, matanda ka na."
"23 lang ako."
"E 'di hindi ka na teenager," sagot niya at inirapan ko siya. "Itanong mo kung free. If hindi, e 'di magbookstore na lang tayo tapos coffee shop. Ayoko pa rin kasi umuwi."
"Ayaw mo lang pala umuwi. Ginawa mo pa akong dahilan," sabi ko. "Wala ka bang girlfriend ngayon?"
"Wala," sabi niya. "Halos mamatay na ako sa mga subjects ko. Wala na akong energy lumandi."
"Malamang. High school pa lang kasi, itinodo mo na kalandian mo."
"Hater," she replied. "Text mo na. Para kapag hindi, diretso na tayo sa Fully Booked."
Sinamaan ako ng tingin ni Mauve dahil tinakpan ko iyong screen ng cellphone ko habang nagta-type ako. Hindi naman siya nakiki-basa pero ewan ko ba. Dahil kay Tin na laging sumisilip sa screen ko, naging conscious na ako sa screen.
"Nakikipagsext ka ba? Bakit kailangang takpan?"
"Gago," sabi ko sa kanya tapos tinawanan lang ako.
Inirapan ako ni Mauve nung patuloy ko pa ring tinakpan iyong phone ko nung nagtetext ako. Habit na, e. Kasalanan ni Tin 'to at nagkaroon ako ng privacy issue.
'Busy ka?'
As usual, nagtiktok muna ako habang naghihintay sa sagot niya. Base sa pagkakakilala ko kay Atty. Marroquin, sasagot naman siya agad kapag wala siyang ginagawa. Kaso Sunday ngayon. Ano kaya ginagawa niya? Impossible naman na nagsimba siya. Ewan ko kung judgmental lang ba ako pero para kasing si Atty. Marroquin iyong tipo ng tao na hindi nagsisimba... o kaya kung magsisimba man siya, iirap lang siya o kaya naman iiling sa homily nung pari na tipong after ng mass, saka niya sasabihin na hindi siya agree doon sa homily.
"Nagtext si Papa," sabi ko kay Mauve.
Kumunot noo niya. "Ano sabi?"
"Kung nasan daw tayo."
Hindi nagsalita si Mauve, pero pareho naman naming kilala si Papa... Hindi naman siya ganito—naging ganito lang siya nung kaka-huli pa lang nila kay Mauve. Bantay-sarado at gusto na alam lagi kung nasaan.
Hindi ko ata kaya iyong ganon.
Kasi kahit si Mauve naman talaga ang naka-ranas, kita ko kung gaano kahirap na sa bawat galaw mo e may naka-tingin sa 'yo.
"You'll be fine," sabi niya bigla sa akin at saka tinapik iyong balikat ko. "Just give me a heads up kapag magkasama kayo. Ako na bahala pagtakpan ka."
Napa-titig na lang ako kay Mauve dahil sa mga sinabi niya.
"Wag ka nga," sabi niya tapos ay tinakip sa mukha ko iyong kamay niya kasi naka-tingin lang ako sa kanya tapos ay na-awkward-an siya.
"Curious lang," I said. "Bakit mo ginagawa 'to?"
She shrugged and acted like it was nothing. Inilagay niya rin iyong mga kamay niya sa bulsa niya. "Basta," she said but I just kept on looking at her. "I just want your experience to be better than mine, okay?" sabi niya na para bang masama pa ang loob na sinabi niya 'yon. Tapos ay tumingin na siya sa akin. "One way or another, malalaman din 'to nila Papa... but until then, I'll do my best para pagtakpan ka, okay? So... just enjoy."
Alam ko ay itutulak lang ako ni Mauve kapag niyakap ko siya kaya naman tumango lang ako sa kanya. Inirapan naman niya ako. Pakiramdam ko talaga ay nasa maling profession siya. Wala siyang ka-care-care sa katawan.
* * *
Sinabi ni Atty. Marroquin na nasa UP Diliman siya at nagjjogging. Na-weirduhan ako dahil bakit doon pa siya napadpad e tiga-Mandaluyong siya? Pwede naman siyang sa BGC na lang magjogging.
Dahil wala na akong pera ay nag-Angkas na lang ako papunta roon. Malayo naman iyong bahay namin sa UPD... Besides, public place naman 'yon.
Tsk.
Ano 'to? Iooverthink ko na lang lahat? Wala ng space sa utak ko.
Pagdating ko sa UP, doon na lang ako nagpa-baba sa harap ng College of Education. Huling text kasi ni GLOBE sa akin na nandito siya banda. Patingin-tingin lang ako sa paligid hanggang sa mapadpad iyong tingin ko roon sa may Sunken Garden. Ang ganda naman dito. Ang tahimik lang tapos puro lang mga naka-tambay na tao o kaya naman ay nagjjogging sa may oval.
"Wala akong pera!" agad na sabi ko nang may maramdaman ako sa tagiliran ko. Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"What the hell—" rinig kong nagsalita sa likuran ko. Hindi pa rin ako maka-galaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Atty. Marroquin sa harapan ko. He was wearing a white shirt, brown cargo pants, and black Adidas sliders. Ganito ba suot niya kapag nagjogging? Ganito ba magjogging ang mga millenials?
"Gago ka," sabi ko habang naka-hawak sa may puso ko. "Akala ko na-holdap na ako!"
Kumunot ang noo niya. "In the middle of broad daylight?"
"Wala ng pinipiling lugar ang mga masasamang loob ngayon!"
Bahagya siyang tumango. "True," sagot niya. "Pero sa tingin mo ikaw ang hoholdapin nila?"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam ko na sinasabi niya na wala akong pera. "Naka-iPhone ako, okay? Magkano rin 'to kapag binenta nila."
Napa-iling na lang siya sa akin na para bang pagod na siya sa paraan kung paano gumagana ang utak ko. E bakit ba? Ang dami ko na kayang nabasang criminal case kaya na-traumatize na ata ako. Kaya nga kapag nasa jeep ako o kahit anong public transpo ay nagdadasal na lang ako. Kasi kapag naholdap ako, willing naman ako ibigay lahat ng gamit ko pero ang problema ko ay magffreeze ako sa sobrang kaba kaya hindi ko mabibigay ang gamit ko upon demand.
Ang laki talaga ng problema ko sa buhay.
"Anyways, akala ko nagjjogging ka?" Tumango siya. "Ganyan itsura mo?"
"Obviously, nagpalit na ako," he said. Masyado ko na ata siya kilala kaya alam ko na sarcastic siya kahit walang bahid ng sarcasm iyong tono ng boses niya.
"Nagtatanong lang."
"Sumasagot lang."
"Ang epal mo talaga," sabi ko tapos natawa lang siya sa akin. "Di halata na nagjogging ka," dugtong ko habang sabay na kaming naglakad. Wala kasing kabahid-bahid ng pawis iyong mukha niya.
"Dapat ba pawisan ako?"
"Oo."
"Next time," he replied.
"Good."
"Pasensya na. Nagpalit lang ako ng damit nung sinabi mo na papunta ka na," he said, this time, his voice was covered with sarcasm. "I thought I'd make myself look presentable, but noted na mas gusto mo na puno ako ng pawis."
Tumingin ako sa kanya ng naka-kunot ang noo. "Abogadong-abogado ka talaga, noh?"
Natawa siya. Ganda talaga ng ngipin ng isang 'to, e! Kasama kaya iyong dental care sa trabaho niya? Kasi iyong sa akin walang ganon, e.
"I thought you're busy today?" he asked.
"Tapos na ako sa ginagawa ko," I replied. "Dito ka talaga sa UPD nagjjog?"
Bahagya siyang umiling. "Sometimes," he said. "Most of the times, in BGC."
"Thought so," I replied. "So, bakit ka nandito?"
He just casually shrugged and didn't say anything for a few seconds. "Mas malapit sa 'yo 'to."
Napa-tingin ako sa kanya. "Sinasabi ko na nga ba... stalker kita."
Napa-tawa siya. "Ako 'yung stalker pero ikaw 'yung nagpunta dito?"
I shrugged. "Kawawa ka naman, e. Mag-isa ka lang."
"Paano mo nalaman na mag-isa lang ako?"
I shrugged again. "Bakit? May kasama ka ba?"
"Wala, pero may hinihintay ako," he said and then looked at me once again. "Ikaw."
I wrinkled my nose as I looked away. Ang dami talagang alam ng taong 'to. Gusto ko na talagang itanong kung saan ba siya nagpractice dahil parang ang dami niyang baon... pero ewan ko. 'Di ako masyadong interesado sa mga ex niya kung meron man. Alam ko kasi na isusumbat ko 'yon ng mga ilang buwan.
Ika nga ni Mauve, petty akong tao.
"Pero bakit nga nandito ka?"
"Kasi nga malapit sa 'yo."
"Weh?"
He nodded. "I left you alone for more than a week."
"So, nanunumbat ka ngayon?"
He rolled his eyes, AVM style. "I never said that," he said. "Just saying that I haven't seen you that much in the past few days... so I'm just here on the off-chance na maaga kang matapos sa kung anuman iyong ginawa mo kanina."
Napaawang nang bahagya iyong labi ko pero mabilis kong inayos iyong sarili ko. Hindi pa rin ako sanay sa kung gaano siya ka-forward sa mga sinasabi niya.
Saka hindi ko sinabi sa kanya na family lunch 'yon. Ayoko lang mag-explain. Saka na. Sabi nga ni Mauve, enjoyin ko muna 'to... kung anuman 'to.
"Paano kung hindi ako natapos agad?" I asked habang naka-tingin lang sa mga nakaka-salubong namin mag-jog dahil for some reason, nahihiya ako tumingin sa kanya. Leche talaga 'to.
He shrugged. "It's fine. Nakapagjogging pa rin naman ako."
"Hindi mo isusumbat?"
"Hindi naman ako mahilig manumbat," he replied. "That's more of your thing."
Napa-tingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. "Seryoso ka ba d'yan?"
He nodded at habang naglalakad kami sa oval ay nagtatalo lang kami sa kung sino sa amin ang mahilig manumbat. Sobrang kawawa ako dahil ang galing niya palang magmemorize—as in sinasabi niya sa akin kung approximately what date, ano ang ginagawa namin, at kung ano iyong sinabi ko sa kanya na panunumbat. Para bang nasa hearing ako at naglalabas siya ng discoveries.
"Objection!" sabi ko sa kanya.
"On what grounds?" he asked like he was taunting me dahil alam niya na 'di hamak na first year student lang ako at wala pa akong Evidence na subject.
"Pakyu."
Humalakhak siya. "Overruled."
I showed him my middle finger. "Hintayin mo na maka-rating ako sa Evid."
"Third year subject pa 'yon."
"Mabilis lang ang panahon."
"That's true," he said. "Dati hindi mo lang ako pinapansin. Ngayon, stalker na kita," dugtong niya.
Muli akong napa-tingin sa kanya at napaawang iyong labi sa kapal ng mukha niya at lakas ng loob na sabihin sa akin lahat ng 'yon.
"Kapal-kapal ng mukha," sabi ko sa kanya tapos tinawanan niya lang ako and as usual, sinabi niya na naman na wala siyang denial na naririnig.
Palakad-lakad lang kami at paikut-ikot sa oval hanggang sa maabutan na namin iyong sunset. Sabay kaming huminto sa paglalakad at naka-tingin lang kami doon.
"Ano'ng mas gusto mo? Sunset o sunrise?" tanong ko sa kanya.
"Sunrise."
"Knew it."
"Really?" he asked at ramdam ko na naka-tingin siya sa akin habang ako naman ay naka-tingin pa rin sa sunset.
Tumango ako. "Yeah," I replied. "Hulaan ko iyong sagot mo kung bakit sunrise."
"Sure."
"Because you live a very busy life saka marami kang tao na kinausap araw-araw... alam mo 'yon? Maingay saka magulo... kaya gusto mo iyong sunrise kasi tulog pa lahat ng tao. You're on your own. You're probably enjoying your cup of coffee and enjoying the silence and the view in front of you. You get to enjoy the world while everyone else around you is asleep," I said and then I looked at him. "Tama ba ako?"
But instead of answering, I just saw how intently he was looking at me and how loud my heart was beating that I could almost hear it.
"Yes," he said. "Now, answer my question," he continued habang diretso pa rin siyang naka-tingin sa akin. "Can I kiss you now?"
**
This story is already at Chapter 23 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top