Chapter 17

Chapter 17

'Hindi ako makapagaral.'

'Wag mo kasi ako masyadong isipin.'

Napa-iling na lang ako sa reply niya. Simula nung gabi na pinuntahan niya ako sa 711, pakapal lang nang pakapal iyong mukha niya. Totoo nga talaga iyong sinabi niya na mas 'free' na siya magsalita—kasi talagang nawala na ata iyong filter niya.

'Kapal ng mukha.'

'I see no denial,' sagot niya sa akin. 'Pero bakit hindi ka makapagaral? May hindi ka naiintindihan?'

Sumandal ako sa study chair. Monday na ngayon. Bukas na iyong unang araw ng midterms—Tuesday magsstart kasi konti lang ang subjects namin kumpara last sem. Weirdly enough, hindi ako masyadong kinakabahan—at dahil doon, bigla akong kinabahan nang todo. Last sem kasi, halos isuka ko na lahat ng kinain ko bago magsimula iyong exam week. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko naman na first time mag-exam o baka nasiraan na talaga ako ng bait sa dami nung minemorize ko sa Crim 2.

'Nagsagot ako ng samplex. Nasagutan ko lahat.'

'Wow.'

'Di ko alam kung sarcastic na wow ba yan o ano.'

'Di kita pwedeng tawagan. Office hours.'

'E bakit ka nagtetext?'

Napaawang iyong labi ko nung limang minuto na ang lumipas at wala pa rin siyang reply. Hirap talaga ka-bonding nung tao na 'yon.

Akala ko e meron lang siyang kausap na client o kung anuman tapos magtetext siya sa akin. Pero dumating na iyong alas cinco ng hapon at wala pa rin akong text na nakukuha mula sa kanya—hindi sa naghihintay ako kasi nagreview naman ako in between.

'Sure ka bang tama sagot mo sa samplex?' message niya sa akin nung saktong 5PM na.

'Talagang di ka nagtext buong office hours?'

'Maraming may kailangan ng serbisyo ko.'

'Five seconds lang naman magreply.'

'I want to give them my undivided attention.'

Kung hindi pa ako napa-tingin sa reflection ko sa may laptop screen ay hindi ko pa makikita kung gaano ka-lalim iyong kunot ng noo ko. Agad kong tinapik iyon para umayos ulit iyong itsura ko. Mukhang tanga.

'Ah okay.'

'Haha.'

'May nakakatawa ba?'

Kumunot na naman ang noo ko nang makita ko siyang tumatawag. FaceTime iyon pero nung sinagot ko ay hinarang ko iyong daliri ko roon sa may front cam ng cellphone ko.

Nasa sasakyan si Atty. Marroquin. Mukhang papauwi pa lang siya dahil suot pa niya iyong work attire niya. Ewan ko ba naiinis ako makita na naka-tawa iyong mukha niya.

"Pakita ng mukha," sabi niya.

"Ayaw mo bang bigyan ng undivided attention iyong pagda-drive mo?" sabi ko sa kanya at lumakas lang iyong pagtawa niya na naging dahilan ng mas lalong paglalim ng kunot sa noo ko. Seriously! May nakaka-tawa ba sa sinabi ko?

"Sorry," sabi niya nang punasan iyong luha sa gilid ng mga mata niya. Nagsimula na ulit siyang magdrive pero patingin-tingin siya sa screen ng cellphone niya kahit naka-takip pa rin naman iyong daliri ko roon sa front camera ko. "Come on. Show your face."

I remained silent.

"Galit ka ba?" he asked. I still remained silent. "Do you want to talk about it or do you want me to end the call so you can think about it?"

"Talagang bababaan mo ako ng tawag?"

"Well, hindi ka naman nagsasalita."

Tinanggal ko na iyong daliri ko sa harap ng camera. Agad siyang napa-tingin sa phone niya. "There you are," he said tapos may ngiti na naman sa mukha niya. "How was your day? Ready for the exams?"

Hindi ako nagsalita. Bakit ba ako napipikon sa kanya ngayon e wala naman siyang ginagawa sa akin? Sanay naman ako na ganito kami mag-usap—mas malala pa nga ata dati.

"Pagod ka na ba mag-aral? I can hangup the call para makapagpahinga ka na."

"Excited ka na ba na tapusin 'tong tawag?"

Agad siyang napa-tingin sa cellphone niya ulit. "What?" sabi niya na naka-kunot iyong noo. "Okay ka lang ba o na-sobrahan ka sa aral? May sakit ka ba ulit?"

"Wala. Sige na, bye na."

"Come on... It's been a long day at work," sabi niya sa akin na patingin-tingin pa rin habang nagda-drive. Nang huminto ulit siya dahil siguro red light, humarap siya sa akin. "What's the problem?" tanong niya na mas seryoso iyong tono. Pakiramdam ko tuloy bigla e client niya ako tapos abogado ko siya.

Hindi ako makapagsalita kasi 'di ko rin alam kung ano ang isasagot ko. 'Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya 'yon kasi mas lalo lang akong magmumukhang tanga.

"Gusto mo bang puntahan kita?"

Agad akong umiling. "Pagod lang ako," sabi ko kasi alam ko na pupuntahan talaga ako nito kahit gaano pa ka-traffic dito sa Maynila.

He gave a slight nod. "Sleep early."

Kumunot na naman ang noo ko. "Ayaw mo ba akong kausap?" diretsong tanong ko na kasi kanina, niloloko ko lang naman siya na nagtetext siya ng office hours tapos 'di na nga ako nireplyan. Tapos kanina sabi ibababa iyong tawag at mag-isip-isip muna ako. Tapos ngayon e pinapa-tulog agad ako.

"You know that I want to talk to you," sabi niya sa akin. Natapos na ata iyong red light. Naka-tingin na ulit siya sa kalsada tapos maya-maya ay nakita ko na pumunta siya sa gas station ata iyon tapos nagpark muna siya sa gilid. "Is it because of earlier?" tanong niya sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya pero hindi ako nagdeny.

"Sunud-sunod iyong dating ng tao tapos ang dami kong inattend-an na cross kanina. Nagka-migraine na ako sa dami ng kinabisado kong facts saka provisions," sabi niya sa akin. "Besides, may exams ka," dugtong niya. Kinuha niya iyong cellphone mula roon sa holder tapos hinawakan niya iyon gamit iyong dalawang kamay niya. "Look," he said, "As much as I want to spend time with you and bask myself in your sarcasm, may trabaho ako at may school ka. We just both have to understand that we have separate priorities in life, but at the same time, of course I'd be delighted to spend all my free time with you."

Ayan na naman siya sa kaka-ibang tono niya. Malayong-malayo doon sa tono niya kapag clients iyong kausap niya.

"I don't think you'd like me very much kung wala akong kwenta sa trabaho ko at pariwara lang ako," he said confidently.

"Kapal talaga ng mukha mo sa 'you like me very much.'"

Humalakhak siya. Finally! Kasi kakaiba talaga kapag seryoso siya. Parang hindi ko kayang mag-joke kasi parang talagang pupuntahan niya ako rito sa bahay namin sa QC kahit gaano pa ka-traffic—basta after office hours kasi tagapag-mana pala nga Department of Justidce 'tong taong 'to.

"Well, I mean, I'm right," sabi niya.

"Kapal ng mukha."

"Then deny it."

"Tsk."

Humalakhak siya ulit. "So... ready for the exams?"

"Oo na hindi," sabi ko.

"You'll be fine. You did the work."

"Naks... nakaka-panibago kaysa sa sinasabi mo dati sa akin na 'di ako nag-aaral."

"Yeah... you were very questionable back then kasi parang kahit ikaw, nagugulat na hindi ka pa-kicked out sa school," sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin. Tumawa lang siya. "Just answer responsively—sagutin mo lang kung ano iyong tanong kung alam mo 'yung sagot. Kapag hindi ka sigurado sa sagot, that's when you argue for your answer."

"Ganyan ka ba magsagot?"

He nodded. "When I know the answer, very straightforward mga sagot ko," sabi niya sa akin. "When I'm not completely certain, mahahaba iyong sagot ko. That's the beauty of law—even when you don't know the answer, you can argue your way out of it."

"Kaya pala ang hirap mo kausap kasi kahit alam mo na hindi na tama, ipipilit mo pa rin ang sarili mo."

"I disagree. I actually know when to accept defeat."

"See? Nag-disagree ka pa rin."

"Bakit? Mas gusto mo ba 'yung lagi kang pinagbibigyan?"

I shrugged. "Once in a while."

"Okay," he said, slowly nodding his head. "You can have Mondays and Fridays."

Napaawang ang labi ko. "So, kapag Mondays at Fridays lang ako pwede maging tama?"

He shrugged. "You can always be right on the other days—you just have to argue better than me."

"Unfair! Abogado ka na."

"I don't make the rules," he said so smugly.

Hirap talaga kausap nitong taong 'to.

"Tss. Fine. Whatever. Sige na, magdrive ka na."

"Saan ako pupunta?" he asked at kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Do I go home or do I swing by to your subdivision?"

"Di ka ba nagpapagod magdrive papunta dito? Ang traffic kaya."

"It is tiresome," he replied. "But as I have said, I'd love to spend all my free time with you."

Tangina talaga ng taong 'to. Nung nagpasabog ng kalandian, may dala-dalang batya ang taong 'to.

"Ewan ko sa 'yo."

Humalakhak siyang muli. "But seriously... go study. You'll see me after your midterms."

"Feeling mo talaga gustung-gusto kita makita."

Tumango siya. "I mean, hindi nga lang kita ma-replyan agad, nagagalit ka na. Safe to assume na gusto mo akong makita."

"Ang kapal ng mukha mo."

"See? No denial once again."

Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil ang hirap talaga manalo sa usapan sa isang 'to.

"I'm gonna be real serious kaya 'wag mo akong pagtrip-an, okay?" sabi niya sa akin. Hindi ako nagsalita pero naka-tingin lang din ako sa kanya. "I like you. I like you a lot. But I also like my job. There are times na hindi kita marereplyan agad and that's not because I don't want to talk to you. Assume always that I'm dying to talk to you, but I have other responsibilities that demand my attention first. If you have a problem with me, I prefer that you tell it to me straight so that we can avoid miscommunication."

Halos mapaawang iyong labi ko sa lahat ng pinagsasabi niya. Ang... straightforward naman nito!

"Do we have a deal?" sabi niya nang ilang segundo na pero hindi pa rin ako nakakapagsalita.

"Parang dati 'di naman ganyan ginagawa mo... Siguro nung nakita mo kami ni Niko, nagselos ka, noh? Tapos 'di mo naman ako pinansin."

"Yes," diretsong sabi niya, "But in my defense, I still didn't know kung gusto mo rin ba ako o hindi. All I can do was sulk and drown myself in work para matigil ako sa kaka-isip sa 'yo."

Tangina nito talaga.

"Siguradong-sigurado ka na na may gusto ako sa 'yo?"

"Yes," sabi niya, "But I prefer to ask you that question in person," he continued. "So that I can finally kiss you after you say yes."

Agad na nanlaki iyong mga mata ko. Grabe naman 'to kausap! Alam ko sinabi niya na straightfoward at free na siya ngayon magsalita sa harap ko, pero grabe naman 'to!

"So, go study. You'll see me as soon as you finish your exam."

"Weh? Pupuntahan mo ako sa school?"

"Napupuntahan nga kita sa QC, sa Brent pa kaya?"

"Yabang."

"May pambayad lang ng gas."

"Ewan ko sa 'yo."

Humalakhak siya ulit. "Saturday, 7:30PM 'yung tapos ng exam mo, 'di ba?"

"Bakit mo alam?"

"Sinend mo kaya sa akin 'yung exam schedule mo dati."

"Ah... Akala ko grabe na pagkaka-gusto mo sa akin na chineck mo na 'yung website ng school ko."

"You wish."

"Sus... 'Di malabong mangyari."

Napailing na lang siya sa akin tapos nakita ko na nagsimula na siyang magdrive. "Wag mo ako masyadong isipin kapag nag-e-exam ka. Baka magtaka prof mo na puro Achilles ang naka-lagay sa exam mo."

"Kapal talaga ng pagmumukha mo."

"Again, I hear no denial."

"Tss. Sige na. Matutulog na ako."

"Okay," sabi niya sa akin. "I'll text you when I get home."

"Okay."

"Good night, Mau," sabi niya sa akin. "Wag kang kabahan sa exam—tanggap kita kahit ganyan ka," dugtong niya at saka pinatay iyong tawag bago ko pa siya maaway sa mga katangahan na pinagsasabi niya. Pambihira talaga 'yong taong 'yon! 

**

This story is already at Chapter 20 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top