Chapter 16
Chapter 16
More or less 300 thousand ang magagastos ko ngayong first year ng law school kaya hindi ako pwedeng maging distracted—and more than the expenses, hindi na kaya ng utak ko na ulitin ulit iyong mga subjects ko.
Kahit na parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko iyong sinabi ni Atty. Marroquin na gusto niya ako, pinilit ko talaga na ituon iyong atensyon ko sa mga inaaral ko. Buong Friday at Saturday ay nag-aral lang ako. Nasa pinaka-ibaba pa rin ng drawer ko iyong cellphone ko para hindi ko mabuksan iyon. Naka-DND din ako sa laptop ko kung san ako nagbabasa ng cases at reviewers.
By Saturday night, hindi na nagffuntion iyong utak ko sa sobrang pagod. Ngayon lang ata ako nag-aral nang ganito ka-grabe! I mean, nag-effort din naman ako nung first sem, pero iba 'tong second sem. Siguro kasi nung first sem, naiintindihan ko naman iyong mga subjects. Itong second sem? Nahirapan talaga ako dahil sa Oblicon.
Speaking of Oblicon...
Kinuha ko iyong cellphone ko at saka chinarge 'yon. Naka-tingin lang ako roon hanggang sa magbukas iyong cellphone ko saka hinintay na pumasok iyong mga text ni Atty. Marroquin.
Tapos kumunot ang noo ko nung walang texts na dumating.
"Weird," sabi ko sa sarili ko. Nilagay ko iyong phone ko sa airplane mode at saka inoff iyon. Wala pa ring pumapasok na message. Sinubukan ko rin i-iMessage iyong sarili ko mula sa laptop ko. Na-receive ko naman sa cellphone ko.
Okay, mukha lang akong tanga.
Wala pala siyang text sa akin.
Tss.
Magsasabi-sabi na gusto ako tapos dalawang araw na walang text?
Bumaba ako sa kusina para maghanap ng makakain. Maka-nood na lang ng movie. 'Di na talaga kaya ng utak ko mag-aral ngayong gabi. Tapos naman na ako sa lahat ng coverage nung exam. Uulitin ko na lang ulit bukas para sigurado na kabisado ko.
Tss. Kabisado? Nasapian na ata ako ni Atty. Marroquin. Nung first sem naman e okay na ako basta alam ko na naiintindihan ko iyong concept.
"Lumabas ka rin ng lungga mo," sabi ni Mauve sa akin nang maabutan ko siya na naka-tayo sa harap nung kalan at nagluluto.
"Same to you," sagot ko sa kanya kasi dahil exam week niya rin. "Ano niluluto mo?"
"Pork chop. Akin lang 'to."
"Damot," sagot ko sa kanya.
"Dami mong pagkain sa ref."
"Naubos ko na," sagot ko.
Napa-tingin siya sa akin na naka-kunot ang noo. "Problema mo?" I shrugged as I grabbed the apple from the bowl at iyon na lang ang kinain. "Kung nagugutom ka, magluto ka ng sarili mong pagkain. 'Di ako si Achilles na ipagluluto ka."
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bat napasok na naman 'yon sa usapan?"
She shrugged. "Mukha kasing 'yon ang dahilan kung bakit naka-busangot ka."
"Di pwede na pagod lang sa review?"
"Lagi ka namang pagod sa review."
"Excuse me, ngayon lang ako nag-effort nang ganito sa pag-aaral."
Natawa siya. "So, ano ginagawa mo last sem? Papansin ka lang sa school?"
Kung hindi lang siya mabubukulan e ibabato ko talaga kay Mauve 'tong apple.
"So... ano? Kamusta na 'yung si Achilles?"
"Feeling close ka talaga kung maka-tawag ng Achilles."
"Bakit? Gusto mo na ba mag-introduce to the family para hindi na ako feeling close lang?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Asa pa. Kung siya, pwede ko pa ipakilala. Pero sila Mama? Saka na siguro kapag naka-pasa na ako sa BAR exam at may pera na ako para maka-move out. Ayoko nga maging palaboy sa kalsada.
"Ano'ng pakilala? Ni hindi nga ako tinext ng dalawang araw," sabi ko tapos ay kumagat ulit sa apple para maubos na siya bago ko pa maibato kay Mauve.
Biglang tumawa si Mauve tapos tumigil din siya at hininaan niya kasi baka magising sila Mama.
"Ah... kaya ganyan itsura mo? Kasi 'di ka tinext ng dalawang araw?"
I made face. "San mo nakuha 'yan?"
"Sa mukha mo," sabi niya sa akin habang naka-turo iyong sandok. "Sinabi mo 'di ba na busy ka sa review?" I shrugged. "Malamang kaya 'di ka tinext kasi sabi mo busy ka."
I remained silent at nagfocus na lang ako sa pagkain ko nung mansanas. Tapos iniisip ko kung gutom pa ba ako pagkatapos nito... kasi tinatamad akong magluto. Lalabas na lang ako at bibili sa 711 para makapaglakad-lakad din ako. Ilang araw na akong naka-kulong lang sa kwarto.
"Alam mo, kung namimiss mo, i-text mo."
Kinunutan ko siya ng noo. "Matalsikan ka sana ng mantika," sabi ko sa kanya bago ako umakyat sa kwarto para kunin iyong wallet ko.
Nasa lamesa ko iyong wallet ko kaya kinuha ko iyon. Sakto na nasa tabi nun iyong cellphone ko. Tumingin ako roon nang ilang segundo bago kinuha iyon. Naupo ako sa kama habang hawak pa rin iyong cellphone ko.
'Hello.'
Ibabaon ko sana ulit iyong phone ko sa drawer nang bigla kong makita na nagread agad iyong message ko tapos may typing bubble agad. Grabe... hawak naman pala niya iyong cellphone niya tapos 'di man lang nagtetext.
'May sakit ka ulit?'
'Bakit ako magkakasakit?'
'Usually nagtetext ka lang kapag may kailangan ka sa 'kin. That hello was weird.'
'Grabe ang user naman ng dating ko sayo.'
'It's fine. You wouldn't have talked to me kung wala kang kailangan sa kin. Win-win situation.'
Tangina, ang landi talaga ng taong 'to.
'Why did you text? May di ka naiintindihan sa nirereview mo?'
'Naka-study break lang.'
'Oh okay. Ready ka na sa exams?'
'Saks lang.'
'Message mo ko kapag may nalilito ka.'
'Weh? Akala ko busy ka.'
'Busy san?'
'Di ka nagtetext e.'
Nanlaki iyong mga mata ko nang bigla siyang tumawag sa FaceTime. Agad kong ni-reject kasi 'di ko nga alam kung ano itsura ko. Literal na ilang araw ako naka-kulong lang sa kwarto at nag-aaral.
'Accept mo.'
'Bakit ba tumatawag ka?'
Instead na magreply like a normal human being, tumawag na naman siya sa FaceTime. Agad akong tumayo saka tinignan iyong itsura ko sa may salamin. Medyo magulo lang iyong buhok ko kaya sinuklay ko iyon. Buti na lang talaga maganda si Mama kasi kung kay Papa na genes lang? Basta matalino kami.
"Ano?" sabi ko agad nang sagutin ko iyong tawag ni Atty. Marroquin. Naka-suot siya ng black na baseball cap tapos parang naglalakad siya.
"Naka-study break ka pa?" he asked. Naka-suot ata siya ng airpods.
Tumango ako. "San ka pupunta?"
"Sa 'yo."
Nanlaki iyong mga mata ko.
"Ha?"
"Namimiss mo na ko kaya pupunta ko d'yan."
'Di ko alam na possible pala na mas lalong manlaki iyong mga mata ko. "San mo nakuha na miss na kita?"
"Sa 'yo," he replied. "Sabi mo 'di ako nagtetext."
"San don 'yung miss kita?"
Bigla siyang huminto sa paglalakad. "About to go to the parking lot. Mawawala na 'yung signal," sabi niya sa akin. "So, do you want to see me or not?"
Pakyu talaga 'tong tao na 'to.
"Don sa 711 kita pupuntahan," sabi ko at nakita ko na napa-ngisi siya sa 'kin.
* * *
Naligo ako nang mabilis saka nagtoothbrush. Nagsuot lang ako ng puting shirt saka light gray cargo shorts. Kinuha ko na rin iyong baseball cap ko kasi baka biglang umulan—na narealize ko nung naglalakad na ako papunta sa 711 na wala rin palang kwenta dahil mababasa din ako.
'Di ko alam kung traffic ba sa papunta rito kaya naman bumili muna ako ng chukie habang naghihintay kay Atty. Marroquin. Naupo muna ako roon sa bench sa loob. Nagtiktok muna ako pampalipas oras. Ayoko kasi magbasa ng kahit ano dahil nahihilo na ako sa dami ng nabasa ko.
'Here.'
Napa-tingin ako sa labas at nandon nga iyong sasakyan niya. Taena... bakit biglang lumakas iyong tibok ng puso ko e hindi ko naman first time na sumakay sa sasakyan niya?
Tumayo ako at saka lumabas. Pumasok ako sa sasakyan niya. Nung bubuksan ko na iyong pinto ay bigla iyong umandar. Nanlaki iyong mga mata ko sa gulat tapos biglang umatras ulit iyong sasakyan niya. He rolled the windows down.
"Sorry," bigla niyang sabi na may tawa iyong mukha habang naka-simangot ako. "Ang seryoso kasi ng mukha mo."
Gusto kong sipain iyong gulong niya pero baka may maka-kita pa sa amin dito kaya pumasok na ako sa sasakyan niya.
"Seatbelt," he said.
"Bakit? Di naman tayo aalis dito."
Tumawa siya. "Galit ka?"
"Hindi."
"I'm sorry," he said. "Ang seryoso mo kasi kanina."
"Bakit? Kailangan ba naka-tawa ako kahit walang dahilan?"
Nakita ko na nagpipigil siya ng tawa. Ang sarap sapakin ng taong 'to. Kumunot iyong noo ko lalo. He took a deep breath.
"Again, I apologize. I'll never do that again," sabi niya sa akin. "What can I do para 'di ka na magalit?"
Sinuot ko na iyong seatbelt. "Nagugutom ako. Gusto ko ng pizza."
"Alright," he replied as he began driving.
Hindi ko alam kung saan kami naka-rating ni Atty. Marroquin. Bilib lang ako sa kanya dahil hindi siya gumamit ng waze. Mukhang naikot na ata nito ang buong Maynila.
"Kabisado mo daan?" I asked dahil hindi ako sanay na tahimik lang. Mas sanay ako na nag-aaway kami.
"Kinda," he replied. "Kung saan-saang court ako nakakarating kaya nakabisado ko na rin iyong daan," dugtong niya tapos tumingin siya bahagya sa gawi ko. "Brick oven pizza, okay lang sa 'yo?"
I shrugged. "Ikaw bahala. May tiwala ako sa taste mo," sabi ko sa kanya kasi masaya na ako sa siopao samantalang siya ay mukhang mas maarte sa pagkain—as shown sa salmon at roast chicken niya. Kami ni Mauve ay masaya na sa porkchop.
"I know. I have a great taste," sabi niya saka bahagya siyang tumingin sa akin.
Tangina talaga nito.
"May tanong ako."
"Ano?"
"Ganyan ka ba talaga?"
"What do you mean?"
"Malandi."
"Malandi ako?"
"Oo."
Natawa siya. "Really?"
"Di ba obvious sa lahat ng lumalabas sa bibig mo."
"Ano'ng lumalabas sa bibig ko?"
"Epal ka talaga. 'Wag mong palabasin na nasa utak ko lang ang lahat."
Natawa ulit siya. "I don't think na malandi ako," he said. "I'm just more comfortable with you now that I know that we like each other, so I am able to act more... freely."
Nanlaki ang mga mata ko. "San mo nakuha 'yan?"
Tumingin siya ulit. Kapag minamalas ka nga naman, natapat kami sa stoplight kaya tumingin siya sa akin. Suddenly, parang ang liit-liit ng sasakyan niya at masyado siyang malapit sa akin.
"Bakit? Mali ba ako?"
Tumingin ako sa kanya.
Naka-tingin siya sa akin.
Lord... wala nga atang straight sa pamilya namin.
**
This story is already at Chapter 19 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top