Chapter 15
Chapter 15
Pakiramdam ko ay nasobrahan na ako sa kape dahil kitang-kita ko kahit iyong maliit na pagbabago sa expression niya. Nung una ay naka-kunot ang noo niya na para bang hindi niya pa napprocess iyong mga salitang lumabas sa bibig ko... hanggang sa bahagyang mapaawang ang labi niya at manlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya na oo, nandito talaga ako sa harap ng opisina niya sa kalagitnaan ng tanghali at tinatanong siya tungkol sa bagay na 'to.
Shit.
Ang unprofessional!
Bakit ba 'di ko na lang 'to tinext sa kanya?!
"Sorry," I said, realizing that I must've been putting him in a very difficult position dahil dito pa talaga ako nanggugulo sa office niya. "Kahit 'wag—" I continued and then paused. Ano? Uuwi na naman ako? Tapos mag-o-overthink ako mag-isa sa kwarto ko? Malapit na midterms!
Tumingin ako sa kanya.
Ganon pa rin iyong itsura niya—bahagyang nakaawang iyong labi. Tanginang 'yan! Bakit ngayon ko pa napansin na mamula-mula iyong labi niya?! Sa dami ng inaaral ko, may space pa sa ganyan iyong utak ko?!
Tumingin ako sa paligid—may mga tao na dumadaan. Syempre. Public Attorney's Office 'to. Maraming nangangailangan ng serbisyo ng taong 'to.
Huminga ako nang malalim.
"No," I said. "Kailangan ko na ng sagot. Kahit ibulong mo na lang," dugtong ko para walang ibang maka-rinig kasi nakaka-hiya naman. Work hours niya tapos nandito siya at... nakikipaglandian? Litung-lito na ako!
He looked at me for a few seconds. Naka-tingin ako sa bawat paggalaw niya. Bigla siyang umatras. Panic ran through my system.
"Ibababa ko lang 'to," sabi niya nang makita niya iyong itsura ko. Nagpanic ako kasi umatras siya. Akala ko tatakbuhan niya ako... na maiintindihan ko naman kasi bakit nga ba ako nandito? Kung pwede lang na umalis na lang ako kasi parang ngayon ko nararamdaman iyong hiya na sana ay kanina ko pa naramdaman.
Pinanood ko habang ibinababa ni Atty. Marroquin iyong box na hawak niya doon sa plantbox ata 'yon. Tapos ay naglakad ulit siya papunta sa akin.
Fuck.
Bakit ba kasi ngayon?
Ang taas-taas ng araw!
"Can you repeat your question?"
Umiling ako. "Narinig mo naman."
"Yes, but I'd like a confirmation kung tama ba ang narinig ko."
"Tama 'yon," sabi ko sa kanya.
He tilted his head to the side. Kumunot iyong noo ko. Bakit hindi na lang siya sumagot agad para maka-uwi na ako? May trabaho pa siya. May inaaral pa ako. Para maka-balik na kami sa kanya-kanya naming buhay.
"Okay," he said after staring at my face na nagsimula na akong ma-conscious kung may dumi ba sa mukha ko. "I heard you asking me kung may gusto ba ako sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata ko dahil may napadaan na mga tao sa gilid namin.
"Hinaan mo naman boses mo!"
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Basta," sabi ko. "Wala bang private na lugar dito?"
"Ikaw humarang sa akin dito sa labas," sagot niya. Napaka-pilosopo talaga ng taong 'to.
Naka-tayo lang siya sa harap ko. Ang init-init. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako kahit naka-light brown cargo shorts at white shirt naman ako samantalang siya ay parang normal lang kahit naka black slacks at short sleeved polo siya.
"Do you want to talk in my office?" Agad-agad akong umiling. "Okay..." sagot niya na naka-kunot ang noo. "Sa sasakyan ko?" Umiling agad ako. "E 'di dito na lang."
Napa-tingin ulit ako roon sa mga tao na naglalakad sa paligid namin. Bakit ba ako nagtataka? Malamang nasa public space ako at sa harap pa mismo ng PAO.
"Attorney!" biglang may tumawag kay Atty. Marroquin na matandang babae. "Attorney, tulungan niyo po kami! Iyong anak po namin, biglang kinuha!" dugtong niya at saka nagsimulang umiyak.
Shit.
Hindi ko talaga kaya 'tong trabaho ni Atty. Marroquin. Halos mahihirap pa naman lahat ng kliyente niya. Alam ko na hindi naman ako sobrang bait, pero dito talaga ako naaawa sa mga mahihirap na tao... Lalo na kapag mayaman iyong kalaban nila sa kaso... Sobrang unfair...
I took a step back. Mababaliw na ako sa kakaisip kung may gusto sa akin si Atty. Marroquin... pero mas importante naman 'to.
Naka-tayo lang ako roon habang pinapanood ko si Atty. Marroquin na kausapin iyong matandang babae. Ganito pala siya kapag nasa trabaho. Kasi kapag ako kausap niya, puro kapilosopohan lang ang sinasabi niya. Para tuloy ibang tao 'tong nasa harapan ko.
Alam mo 'yon? Capable pala siya maging gentle.
Bigla akong kinilabutan—'di ko ma-imagine na gentle niya akong kausapin. Sanay na ako na lagi akong napipikon kapag kausap siya.
"Sa opisina na po tayo mag-usap," sabi niya roon sa matandang babae na nauna nang maglakad.
Napa-tingin sa akin si Atty. Marroquin. Sumenyas ako sa kanya na okay lang sa akin na pumasok siya sa loob. Mas importante naman talaga 'to. 'Di naman ako baliw.
Pero imbes na sumunod na sa matandang babae papasok sa opisina niya, lumapit siya sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil halos isang hakbang lang ang layo niya.
"M-mamaya na tayo mag-usap."
Pota.
Bakit ako biglang nauutal?
"It seemed urgent kasi bigla kang napa-punta rito," sabi niya. Ang baba ng boses niya. Dahil ba 'to sinabi ko sa kanya kanina na ang lakas ng boses niya? Nagbago na isip ko. Lakasan niya na lang.
Ang... ang weird kapag mababa iyong boses niya—parang 'di gumagana iyong utak ko bigla.
"Sayang 'yung tax ng Pilipino. Bumalik ka na sa loob," sagot ko sa kanya na para bang bigla na lang nanuyo iyong lalamunan ko.
"Okay," he said as he took a step back.
Fuck.
Finally!
Ang init-init na sa Pilipinas e dikit pa siya nang dikit sa akin! Halos hindi ako maka-hinga kanina nang nasa harap ko siya mismo.
"We'll talk later," he said.
"Okay," sabi ko para lang lumayas na siya.
Kinuha niya iyong box niya. Parang ang bigat non dahil sa dami ng laman na papel pero binuhat niya ng walang kahirap-hirap. Gusto ko na lang sapakin iyong sarili ko nang mapa-tingin ako sa braso niya at mapansin ko iyong mga ugat doon.
Talagang dito pa sa gitna ng initan, Mauro?!
"Yes," bigla niyang sabi habang naka-harap sa akin at walang effort na hawak iyong box.
"Ha?" naka-kunot noo na tanong ko.
"Iyon ang sagot ko sa tanong mo kanina," sagot niya sa akin at unti-unting nanlaki ang mga mata ko. "Will expound on that later—balik muna ako sa trabaho ko. Sayang bayad sa tax."
Po...ta.
* * *
Pasalamat na lang talaga ako at nagawa kong maka-uwi sa bahay ng hindi naaaksidente. Mabuti na lang din at wala pang tao sa bahay nung dumating ako dahil wala ako sa tamang huwisyo para makipag-usap sa kahit kanino.
Yes.
Yes iyong sagot niya.
Ano nga ba iyong tanong ko sa kanya? Bakit kasi ang purol ng memory ko? Hindi ko maalala kung ano ba iyong exact na tinanong ko sa kanya. Bakit kasi hindi na lang niya sinabi na yes, gusto kita o kaya naman yes, mali ang pagkakaintindi mo at delusion mo lang 'yan.
Bakit kailangan na yes lang sinabi niya sa akin?
Pero kailangan kong mag-aral. Kailangan kong aralin iyong Crim 2 dahil malapit na malapit na talaga iyong exam.
Kinuha ko sa ibaba iyong pagkain na unang pinadala sa akin ni Atty. Marroquin at saka kinain ko iyon habang nag-aaral—na mukhang bad idea dahil imbes na makapagconcentrate ako sa pag-aaral ay mas lalo ko lang siyang naiisip.
It's like he's fucking everywhere—sa kanya 'tong reviewer na ginagamit ko pati itong pagkain na kinakain ko. Kulang na lang bilhin niya rin 'tong bahay namin para sa bahay niya na rin ako naka-tira.
Kapag talaga ako bumagsak... tsk.
I took a quick shower para naman mahimasmasan ako. Pagkatapos non, nagpatugtog ako ng storm sounds habang naka-suot nung noise cancelling airpods. After a while ay nakapag-aral na rin ako nang maayos.
Nasa kalagitnaan ako nang pagmememorize ng mga elements nang biglang magvibrate iyong phone sa lamesa ko. Iyon lang ang nangyari pero biglang sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang isusuka ko lahat ng kinain ko kanina.
Huminga ako nang malalim.
Sus. Si Atty. Marroquin lang naman 'yan. Big deal.
'Tapos na ko sa work.'
'Alam ko. 5PM na.'
'Wow nakaabang.'
Taena. Sobrang dalas na ba namin magkausap na pakiramdam ko e pareho na kami ng way ng pagsasalita? Kasi ganyan ako magsalita. Na-adopt niya na?!
'May orasan kasi sa cellphone ko.'
'Ah. Nag-aaral ka?'
'Oo istorbo ka.'
'Okay. Next time na lang yung sa sinabi ko kanina. Good luck sa midterms mo.'
Napa-kunot iyong noo ko. Iyon na 'yon? 'Di niya man lang ako pipilitin at sasabihin na pupunta siya rito o kaya man lang magzoom kami?
Also... what the fuck? Ano ba 'tong mga naiisip ko.
'No may study break ako.'
'Ngayon na?'
'Iba ba ibig sabihin sa yo ng salitang ngayon?'
Nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko sa screen ko iyong AVM calling...
Huminga ako nang malalim at sinabihan ang sarili ko na kumalma dahil si Atty. Marroquin lang naman 'to.
"Ano?" sabi ko nang sagutin ko iyong tawag niya.
"Nag-aaral ka?" he asked. Mali na sinagot ko iyong tawag niya na naka airpods ako. Rinig na rinig ko iyong boses niya na para bang iyon lang ang tunog sa buong mundo.
"Oo nga."
"Ah... busy ka?"
"Study break nga," sabi ko.
"Wala ka ng sakit?"
"Wala na. Naka-punta nga ako kanina sa opisina mo, 'di ba?"
"Right... Nagdinner ka na?"
"Hindi pa."
"Dinner tayo?" bigla niyang sabi.
Tangina talaga nito.
Bakit biglang iba na iyong tono?!
"Di pwede. Nag-aaral nga ako," sabi ko sa kanya.
"Pwede ka naman mag-aral habang naghihintay ng pagkain," sagot niya sa akin.
"Bakit kailangan kasama ako sa dinner mo? Nasa akin ba 'yung mga plato at kutsara mo?"
"I was thinking about dinner in some restaurant—pero kung gusto mo sa condo ko, pwede rin naman," sabi niya sa akin na napaawang ang labi ko. Abogadong abogado nga! Galing magpa-ikot ng salita.
Hindi muna ako nagsalita kasi baka kung ano ang masabi ko at mapa-hamak pa ako. Naka-tingin lang ako sa screen ng cellphone ko habang gumagalaw iyong segundo sa pag-uusap namin.
"Mauro," bigla niyang sabi.
Pangalan ko lang naman 'yan—ilang beses ko ng narinig 'yan kapag tinatawag ako... pero kapag si Atty. Marroquin ang nagsasabi ng pangalan ko, para bang first time ko lang ulit marinig ang pangalan ko.
Taena si Mauve—sabay na nga ata kaming ipagppray over.
"Achilles," sabi ko dahil ginagaya ko lang siya. Kumunot ang noo ko nang makita ko na nagrerequest siya ng FaceTime kasi naka-audio call lang naman kami.
"Ayoko," sabi ko.
"Bilis na."
"Bakit ba? Okay na 'tong audio."
"Gusto kong makita 'yung mukha mo kapag sinasabi mo 'yung pangalan ko."
Ramdam na ramdam ko iyong pag-iinit ng buong pagmumukha ko sa sinabi niya. Gago—bakit ang landi ng taong 'to?! San ba 'to pinaglihi ng nanay niya?! Bakit ang dami niyang alam?!
"Dami mong alam."
Rinig ko iyong halakhak niya. Biglang gusto ko na ring i-accept 'yung FaceTime request para makita ko iyong mukha niya na tumatawa. Parang 'di ko pa nakikita 'tong tumatawa. Parang lagi niya lang pasan ang bigat ng daigdig.
"Alright," sabi niya. "We'll talk after your exams."
"Next week pa 'yon."
"Alam ko."
"Kaya mong maghintay?" I asked.
"Yeah," he replied. "Marami din akong ginagawa. 'Di naman sa 'yo umiikot ang mundo ko."
Tangina talaga ng taong 'to—kaya akong landiin at pilosopohin in the same breath.
"Nakaka-pikon ka talaga kausap," sabi ko sa kanya.
Humalakhak na naman siya. "Alam ko," sagot niya. "Nakaka-pikon pero nagawa mong puntahan sa trabaho kahit busy ka sa review."
"Kaysa naman sa 'yo na pinapadalhan ako ng pera. Sugar daddy ka?"
"Hindi. Ayoko lang ng nagugutom ka."
Tangina talaga nito.
Inaccept ko na 'yung FaceTime request niya. Kita ko na naka-ngisi siya habang nagda-drive. Sabi na nga ba—pinipikon lang ako nito sa mga pinagsasabi niya.
"Gago ka," sabi ko.
Nagkibit-balikat siya. "Ano'ng nirereview mo?"
"Crim."
"Kaya mo 'yan," he said. "Basta basahin mo nang mabuti 'yung tanong kasi madaming trick questions kapag Crim."
Tumango ako. "Thanks," sagot ko sa kanya.
Patingin-tingin niya sa akin saka sa daan dahil nagda-drive siya. Ang seryoso ng mukha niya pero at the same time, ang sarap niyang suntukin dahil lagi niya akong pinagti-tripan.
"Mauro," sabi niya.
"Ano?"
"No," he replied. "Ang tamang sagot ay Achilles."
Nakita ko iyong pagtawa niya nang mamula iyong mukha ko. Ang gago talaga nito!
"Pakyu," sabi ko.
Humalakhak lang siya. "No, but seriously, go study," he said. "We'll talk more after your midterms."
"Okay pero..." sabi ko tapos natigilan ako kasi bakit bigla pa ako ngayong nahiya? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko at sinabi ko at more importantly, sinabi niya?
"Pero?" he asked after seconds lapsed at hindi ko pa rin sinusundan iyong salita ko.
"Pero pwede bang i-clarify mo muna iyong sinabi mo kanina? Yes ano? Kasi 'di ko na tanda iyong exact na tanong ko."
Naka-tingin lang ako sa mukha niya habang nagda-drive siya. Parang may countdown pero naghihintay lang ako na magsalita siya. Tapos bigla siyang nagpull-over sa kung saan man siya nagda-drive.
"Yes, I do like you. I thought I was obvious—never really tried to hide it," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa akin na para bang nasa harapan ko siya kahit na sa FaceTime lang naman kami nag-uusap. "I like you, Mauro Eugenio dela Rama."
**
This story is already at Chapter 18 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top