Chapter 09
Chapter 09
Siraulo ba siya? Kung kay Niko ako magpapaturo, e 'di sabay kaming naghilahan nun pababa. Tsk. Minsan talaga 'di ko gets si Atty. Marroquin. Para siyang weather na pabago-bago ang mood. Hirap tantyahin, e.
Pagkatapos kong isend kay Niko iyong reviewer, gulat na gulat ako nung hingin niya iyong bank account details ko. Mahirap ang panahon kaya hindi na ako nagpakipot pa. Pero mas nagulat ako nang magsend siya ng pera 'don.
Drug lord ata 'yon! Ang laki naman magbigay ng pera e nagsend lang naman ako ng reviewer na hindi naman ako ang gumawa.
'Pst.'
Alam ko naman na 'di magrereply si Atty. Marroquin sa akin kaya naman 'di ko na tinignan iyong phone ko. Medyo maraming pinagawa sa akin sa trabaho kaya nandoon iyong atensyon ko. Okay din naman magtrabaho dito kasi nagagamit ko rin siya sa school. Minsan kapag may tinatanong sa akin sa recit na 'di pa namin topic, nasasagot ko. Bilib na bilib sa akin ibang classmates namin. Nagshrug na lang ako para kunwari matalino ako at maliit na bagay lang 'yon. Kahit sa totoo lang, nabasa ko lang kasi habang nagreresearch ako. 'Di na nila kailangang malaman pa 'yon.
Nung bandang lunch time, nagdesisyon ako na lumabas na dahil nahihilo na ako sa dami ng binabasa ko. Kinuha ko rin iyong cellphone ko para makapamili ako ng papakinggan na kanta.
'Ano na naman?'
Napaka-sungit naman nito! Malapit ko na talaga 'tong tanungin kung may problema ba siya sa akin o ano.
'Libre kita. Binigyan ako ni Niko ng pera nung sinend ko yung reviewer mo.'
Nag-read na naman siya.
'And?'
'Since sayo naman talaga yung reviewer, libre kita ng pagkain. Nakakaguilty parang pinagkakitaan kita.'
'Parang ganon na nga.'
'Business minded.'
'Binebenta mo reviewers ko?'
'Grabe hindi naman!!!!!'
'Pwede naman para may pambili ka ng siopao.'
'Di ka talaga maka move on sa siopao,' text ko sa kanya. 'Kung ayaw mo ng libre e di wag. At least malinis ang konsensya ko.'
'Naglunch na ako.'
'Share mo lang?'
'Mamaya na lang dinner.'
'Tss aayaw ayaw pa. Gusto rin naman,' sabi ko. 'Papa-deliver ko na lang ba sa condo mo?'
'Wala ako sa condo.'
'Malamang mamaya pa. Di ka ba uuwi?'
Hindi na ulit ako nireplyan. Hirap naman nito kausap. Hindi naman sa demanding ako na replyan ako agad pero alam mo 'yon? Pet peeve ko siguro kapag may kausap akong tao tapos dire-diretso iyong usap tapos biglang mawawala.
Bahala nga siya d'yan.
"Nalilito na talaga ako," sabi ko kay Assia.
Tumango siya. "Nakakalito nga, e..."
"Naiintindihan ba nila Sancho?" tanong ko.
"Siguro," sagot ni Assia. "Bakit?"
"Alam mo ba kung ano ginagamit nila na libro?"
Hindi ko talaga maintindihan iyong Obli. Sinusubukan ko namang magbasa. Kulang na nga lang ay gawin kong bedtime story iyong codal pero kapag tinatawag ako para sa recit, parang naghahalu-galo na iyong provisions sa utak ko.
"Codal lang daw sabi ni Sancho."
"Codal din naman binabasa ko," sagot ko. Unfair naman. Pareho lang pala kami ng binabasa ni Sancho pero bakit kapag siya, naiintindihan niya? Kasi kapag tinatawag siya sa Obli, nakaka-sagot siya lagi. Kaya nga favorite na ata 'to ng mga prof, e.
Nagreklamo pa ako nang kaunti kay Assia bago ako umalis dahil parang malapit na akong patayin ni Vito gamit ang mga mata niya. Paglabas ko sa classroom, kinuha ko iyong phone ko para tignan kung anong oras na.
'Magkano ba binayad sa yo?'
Napakunot ako nung makita ko iyong reply ni Atty. Marroquin. Weird. Masyado pang maaga para magtext siya sa akin.
'Confidential.'
'Ano yan? Confidential fund?'
'Parang ganon na nga.'
'Pano ko malalaman kung magkano budget para sa dinner?'
'Grabe naman to! Good will lang na ililibre kita! Abusado.'
'Kawawa ka naman. Dagdagan ko na lang.'
'Magkano ba iniiisip mo na dinner? Akala ko okay ka na sa siomai rice.'
'Gusto mo ng siomai?'
'Saks lang.'
'DTF?'
Nanlaki ang mga mata ko.
What... the fuck?
Nag-aaya lang ako kumain!
Hindi ko alam kung ano ang irereply ko sa kanya. Pumunta ako sa Google dahil baka iba ang ibig sabihin ng DTF sa kanya. After all, nasa magkaibang generation ata kami dahil gurang na siya.
Nagsearch ako ng DTF slang meaning at iyon nga ang lumabas.
Shit.
'Ayaw mo ba sa din tai fung?'
Napaawang ang labi ko.
Tang...ina.
Din tai fung pala! Bakit 'di na lang 'yon ang tinype niya?! May pa DTF pa siyang nalalaman!
'Saks lang,' reply ko sa kanya agad bago pa kung ano ang maisip niya. Tinampal ko pa iyong pisngi ko. Masyado na ata akong naaapektuhan ng Obli. Hindi na gumagana nang maayos iyong utak ko.
'School ka pa?'
'Pauwi pa lang.'
'Daanan na kita.'
'Ha? Bakit?'
'Akala ko dinner?'
'As in ngayon?'
'Iba ba talaga definition ng ngayon sa yo?'
Ang pilosopo talaga ng hayop na 'to.
'Fine whatever. Isang siomai lang budget ko sa yo.'
Hindi na siya nagreply. Naupo muna ako sa mga bench sa school habang naghihintay sa kanya. Nanood muna ako ng Tiktok hanggang sa lumitaw sa screen ko iyong 'AVM calling...'
"Dito na ko sa labas," sabi niya agad nang sagutin ko iyong tawag.
"Okay," sagot ko habang naglalakad. Akala ko ibababa niya iyong tawag pero naka-on call pa rin kami habang naglalakad ako papunta sa may gate. "San ka? Wala naman dito sasakyan mo," dugtong ko habang patingin-tingin ako sa paligid.
"Dito sa harap ng gate."
"Anong gate?"
"Ilan ba gate dito?"
"Tatlo," I replied. "Dito ako sa may harap ng Tim Hortons."
"Ah," sagot niya. "Nasa kabila ako. Ikot lang ako."
"Hindi. Lakad na lang ako papunta d'yan," sabi ko sa kanya kasi mas hassle naman kung iikot pa siya e kaya ko namang lakarin. Exercise na rin kasi parang simula nung naglaw school ako e lagi lang akong naka-upo. Pinaka-exercise ko na ata iyong pagbili ko ng siopao minsan kasi lalabas pa ako ng subdivision.
"No, it's fine. Already on my way," sagot niya tapos hindi pa rin niya ibinaba iyong tawag. Nakatayo lang ako sa harap nung gate. After a few seconds, nakita ko na iyong sasakyan niya na papalapit. Huminto siya sa harap ko mismo. "I'm here," sabi niya nang ibaba niya iyong bintana at diretsong nakatingin sa akin.
Tang...ina.
Normal ba 'to? Ganito ba siya sa mga kaibigan niya? O nasisiraan na ako ng bait?
Mariin kong iniling iyong ulo ko. Hindi ito ang tamang oras at panahon para isipin iyon. Kakain lang kami ng dinner. Iyon lang 'yon. Mamaya na ako magooverthink sa kwarto. Tapos kung maabutan ko rin si Mauve, sasakin ko na rin.
"Siomai saka fried rice lang ang pwede mong orderin," sabi ko sa kanya pagpasok ko sa sasakyan niya.
"Seatbelt, please."
Tsk. Iyon naman talaga ang una kong ginagawa kapag sumasakay sa sasakyan. Pruweba na talaga 'to na distracted ako. Kailangan kong mas magfocus.
"Oh, okay. Sorry," sabi ko habang sinusuot iyong seatbelt.
"Thank you," he replied tapos ay nagsimula na siyang magdrive. Gabi na rin naman kaya wala na masyadong sasakyan dahil tapos na iyong rush hour. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta basta sa tanginang DTF na 'yan kami kakain.
"Bawal ba akong umorder ng inumin?" he asked after a few minutes of pure silence. Badtrip wala man lang tugtog sa sasakyan niya. Nase-stress ako sa katahimikan pero ayoko naman magsalita dahil baka kung ano masabi ko.
"Magtubig ka na lang," sabi ko sa kanya. "Iyong free water, hindi iyong bottled."
Nakita ko mula sa rearview mirror na natawa siya sa akin. Baka funny lang akong tao talaga. Baka ginagawa niya lang akong entertainer.
"Kuripot," sabi niya.
"Magpasalamat ka na lang at naalala pa kitang ilibre," sagot ko sa kanya. "Pwede namang hindi na kita bahagian sa kinita ko kay Niko."
"Whatever."
"Bawal ba magpatugtog?" tanong ko na lang sa kanya dahil nabibingi ako sa katahimikan. Pinakailamanan ko iyong screen sa sasakyan niya. Naka-connect na pala iyong phone niya. "Grabe... Hanggang sa pagda-drive, nakikinig ka pa rin sa law related lecture?" tanong ko kasi naka-connect 'yon sa Youtube video ng lecture sa updates on Criminal Law.
He shrugged. "Why not?"
"Sabi mo kailangang magrelax ng utak."
"Sabi ko kapag weekends," sagot niya. "Weekend ba ngayon?"
"Napaka-pilosopo mo."
"Paano akong naging pilosopo? Tama naman sagot ko sa tanong mo."
"Kahit na."
"Baka ikaw ang hindi responsive sumagot," he replied. "Siguro kaya mababa ang grades mo sa school."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Judgmental."
Natawa siya. "Ano grade mo sa Crim?"
"I refuse to be defined by my grades."
He gave a slight nod. "So, mababa nga?"
"Epal ka talaga."
Natawa siya. "Just kidding," sagot niya. "Hindi naman pwede na lahat valedictorian sa school."
Napaka-yabang ng tao na 'to. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng kayabangan.
"San ka ba nahihirapan?" tanong niya.
"Obli."
"Obli lang?"
"Oo, obli lang," sagot ko sa kanya. "Di naman ako bobo."
Nakita ko na lumingon siya sa akin nung sakto na huminto kami sa traffic light. Tumingin din ako sa kanya.
"Wala akong sinabi na bobo ka."
I shrugged. "Parang ganon na din."
Bahagyang umawang iyong labi niya. "I was just kidding."
"Jokes are half-meant," dugtong ko.
Hindi naman ako galit. Hindi rin naman ako offended. Tanggap ko naman na medyo struggling talaga iyong grades ko sa law school. Nahihirapan din kasi talaga ako dahil working ako pero mas gusto ko na mahirapan kaysa manghingi ng tuition sa tatay ko. Saka hindi naman porke struggling iyong grades ko e bobo na ako. Minsan lang talaga, out of this world mga tanong ng prof ko.
Nakita ko na nagpanic na iyong mukha ni Atty. Marroquin. Niloloko ko lang naman siya pero ayoko pa sabihin. Bayaan ko muna siya d'yan ma-guilty.
"Green light na, huy," sabi ko sa kanya dahil binusinahan na kami nung nasa likod namin at hindi pa umaandar ulit iyong sasakyan.
"Shit. Right. Sorry," magkakasunod na sabi niya at saka nagsimula ulit na magdrive. Nakita ko na patingin-tingin siya sa akin mula sa rearview mirror pero 'di ko siya pinapansin. Lakas din pala ng konsensya ng isang 'to. Noted.
"Hindi ko iniisip na bobo ka," sabi niya pa rin.
Nanahimik lang ako.
Hintayin ko nga 'to mag-overthink nang malala.
"Mahirap naman talaga kapag first year kasi adjustment period pa," dugtong niya pa. "Saka mahirap din talaga iyong Obli kumpara sa ibang subjects. Kailangan basahin mo siya as a whole kasi kung hindi, malilito ka sa concepts kasi connected sila."
Bahagya lang akong tumango bilang response ko.
"May reviewer sa Obli don sa mga binigay ko sa 'yo."
"Binabasa ko na."
"Nahihirapan ka pa rin?"
Tumango lang ako.
Tumitingin ako sa mga sasakyan sa labas kasi natatawa na talaga ako. Ganito pala itsura nito kapag nakokonsensya. Malakas pala talaga konsensya niya gaya nung sinabi niya sa akin na 'di niya kayang magtanggol ng rapists at murderers.
"Gusto mong turuan kita?" sabi niya bigla.
"Wag na," sagot ko.
"Madali lang naman 'yon," sabi niya.
"Dami mong workload."
"No, it's fine," he replied. "Give me few days to refresh my memory. Tutulungan kitang magreview para sa midterms mo," dugtong niya. Grabe naman 'to makonsensya! Gawin ko nga ulit.
**
This story is already at Chapter 12 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top